Home / Romance / THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE) / THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (KABANATA 1)

Share

THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)
THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)
Author: Jessica Adams

THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (KABANATA 1)

Author: Jessica Adams
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

FOUNDATION Ball, bahagi iyon ng pagdiriwang ng Foundation Month sa St. Joseph University. Wala talaga sa plano niya ang pumunta kundi lang niya naipangako sa bestfriend niyang si Hara dahil hindi siya nakapanood noong nagdaang Rock Fest.

Napabuntong hininga si Vinnie saka nangalumbabang pinanood ang maraming pares na nagsasayaw sa dance floor ng malaking auditorium ng SJU.

At dahil sa lamyos ng mga tugtugin ay hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang naghikab dala ng antok at boredom.

“Hey, are you okay?” si Hara nang daluhan siya nito.

“Mukha ba akong okay? Gusto ko ng umuwi, inaantok na ako,” angal niya.

“Ang kj mo ah! Bakit kasi panay ang tanggi mo sa mga nag-aalok sayo ng sayaw?”

“Eh sa hindi ko sila type eh!” inis niyang sagot.

Umikot ang mga mata ni Hara. “Wow ah, alam mo bang iyong tinanggihan mo kaninang naka pulang long sleeves ay Mr. Business Administration?”

“Kahit anong Mister pa siya, wala talaga ako sa mood. Sana di nalang ako pumunta di sana nananaginip nako ngayon,” nakasimangot niyang turan.

  Magsasalita pa sana si Hara pero napigil ang mga sasabihin pa nito nang lapitan nanaman ito ng isang gwapong binata.

“Wait lang ah?” nakangiti nitong sabi na tinanguan lang niya.

Naiwan siyang nanunulis ang nguso saka dinampot ang baso ng juice at uminom.

Kung may isang Prince Charming na lalapit sakin ngayon para alukin akong magsayaw ng waltz, pwede pa siguro.

“ANO nakailan ka? Nabilang mo ba?” ang tanong sa kanya ni Dave nang daluhan niya ito sa mesa nila.

“Hindi eh, pero isa lang ang sigurado. Lahat magaganda at seksi,” may kapilyuhan niyang turan.

Tinawanan iyon ni Dave.

“Mabuti pa si Raphael ano?” anitong tinapunan ng tingin ang kababata nilang nagsasayaw kasama ang tatlong linggo narin nitong nobya na si Louise.

“Darating din iyong para satin, huwag kang mainip,” aniya.

“Darating, e diba may Irene kana? Oo nga pala ba't hindi mo siya kasama?”

“Galit sakin, para natanong ko lang kung sino iyong madalas na tumatawag sa kanya bigla ng nagtaas ng boses at inaway ako kahit nasa restaurant kami,” napabuntong hininga pa siya nang maalala ang ginawang iyon ng nobya.

Nangalatak si Dave. “Iba yan pare, baka siya na ang karma mo?”

Tumawa siya ng mahina at piniling huwag ng sagutin ang sinabi ng kaibigan. Kahit gusto niyang sabihing wala siyang ibang nararamdaman kay Irene maliban sa simpleng atraksyon.

Nasa ganoong ayos siya nang may mahagip ang kanyang mga mata sa di kalayuan makalipas ang ilang sandali.

Kasabay niyong pumailanlang ang hudyat na ng pagtatapos ng programang iyon. Isa iyong waltz music o mas kilala sa tawag na The Last Waltz.

Tradisyon na ang The Last Waltz sa SJU sa kahit anong pagtitipon sa unibersidad na may pasayaw. Sariling komposisyon ito ng namayapa na at dating musical director ng SJU Orchestra at tinugtog rin mismo ng SJU Orchestra. 

Hindi siya nag-aksaya ng panahon. Tumayo siya saka naglakad palapit sa kinaroroonan ng babaeng kahit may suot na salamin sa mata ay napakalakas ng dating sa kanya.

Kulay dilaw ang simpleng dress na suot nito at maganda ang naging contrast niyon sa itiman nitong buhok. Nang makalapit siya rito ay nakita niya ang pagkailang sa mga mata nito. Napangiti siya, halatang mahiyain ang dalaga.

“Hi,” aniyang nakangiti. Noon siya nito nilingon saka pinaglipat-lipat ang paningin sa mukha at kamay niyang noon ay nakalahad sa harapan nito. “napansin ko mag-isa ka. Can I have this dance with you?”

Isang pilit na ngiti ang pumunit sa mga labi ng dalaga. At sa kabila ng nakikita niyang pag-aalinlangan sa mga mata nito ay malugod parin nitong tinanggap ang alok niya.

Weird pero lihim niya iyong ipinagpasalamat dahil kung tumanggi ito, iyon ang unang pagkakataong tinanggihan siya ng isang babae.

Mahusay itong magsayaw ng waltz. At habang nagsasayaw sila ay nanatili lang itong nakayuko at hindi siya tinapunan ng sulyap minsan man. Ramdam niya ang panginginig ng kamay nito kaya naisip niyang huwag nalang magsalita para hindi ito mailang sa kanya.

The same reason kung bakit minabuti niyang huwag ng tanungin ang pangalan nito. Why he had this strange feeling na hindi iyon ang una at huli nilang waltz. Kahit iyon din ang unang pagkakataong hindi siya nambola ng babaeng kasayaw niya.

It seems that my wait is over.

Naisip pa niya pagkuwan saka wala sa loob na napangiti.

TWO WEEKS LATER

PANAY ang tingin ni Vinnie sa suot na relo. Talagang late na siya, dahil kahit paliparin pa ng traysikel driver ang motor nito ay hindi parin siya aabot.

Bakit naman kasi nagpuyat pa ako kagabi eh alam ko namang may report ako ngayon!

Hilig kasi niya ang manood ng mga drama sa TV tuwing gabi. At iyon ang dahilan kung bakit siya  tinanghali ng gising.

Bukod sa traffic na ay nasa may simbahan palang sila ng St. Joseph Cathedral na may kalayuan pa sa St. Joseph University kaya hindi napigilan ang mapasimangot.

Kahit naman kasi itext ko si Hara para ipasabi kay sir Giron na male-late ako hindi rin 'yun panigurado ng tatanggaping ni sir.  Ano ako boss na pwedeng hintayin ng mga empleyado kahit late na sa meeting?

First year BS Psychology student siya sa SJU. Iyon ay sa kabila ng pagpipilit ng tatay niya na maging Accountant siya. Wala kasi doon ang interes niya, kahit pa sabihing mahilig siyang mag-ipon ng pera.

Paaral siya ng kuya niyang si Lloyd. Walong taon ang gap nila ni Lloyd, pero hindi iyon naging hadlang para maging malapit sila ng husto. SJU graduate rin ito at ngayon ay isa ng magaling na Arkitekto sa Amerika.

Doon ito ipinadala ng pinagtatrabauhan nitong kumpanya sa Maynila.

Hindi sila hirap sa buhay dahil maganda naman ang kita ng babuyan nila na parehong pinagyayaman ng mga magulang nilang sina Melchor at Selma. Pero dahil nga binata at walang nobya, si Lloyd na ang sumasagot sa lahat ng gastusin niya sa pag-aaral.

Kapalit ang pangako niyang hindi makikipagnobyo hangga't hindi pa nakakapagtapos. Bagay na sinang-ayunan naman niya dahil kung siya ang tatanungin wala pa naman talaga sa isip niya ang pakikipag-nobyo.

Kumusta na kaya siya ngayon? Naiisip kaya niya ang kuya ko? Sinayang lang niya ang pagmamahal ni kuya sa kanya.

Si Cassandra ang babaing tinutukoy niya. Ang long time college girlfriend noon ni Lloyd na binalak pa nitong pakasalan. Naging saksi siya mismo sa pagmamahalan ng dalawa kahit nang mga panahong iyon kung tutuusin ay napakabata pa niya.

Nakita niya kung paano minahal ng kuya niya ang dating nobya. At masaya siya kapag nakikita niya ang kakaibang kislap sa mga mata ni Lloyd noon. Hindi naman nakakapagtaka iyon, kasi magkapatid sila. Gaya nga ng madalas niyang marinig sa nanay nila. Isa lang ang pusod nila kaya kung ano ang maramdaman ng kuya niya ay ganoon rin ang sa kanya.

Kaya naman nasaktan din siya ng husto nang malamang ipinagpalit ito ni Cassandra sa ibang lalaki na napag-alaman pa niyang mas bata ng apat na taon sa kuya niya.

Maraming gwapo, maraming ring mayaman. Pero iyong magmamahal ng husto. Iyong kahit buhay niya kaya niyang ibigay para sayo. Iyon siguro ang mahirap hanapin. Parang si Kuya. Sana may makilala akong kagaya niya someday.

Sa isiping iyon ay napalabi ng wala sa loob.

Wow  Audi!

Nang matanawan niya ang kulay silver na kotseng nakaparada sa tapat ng gate ng simbahan, hindi iyon malayo sa kanilang kinaroroonan. At iyon rin ang tila nagpabalik ng isip niya sa kasalukuyan.

Muli niyang sinipat ang suot na wrist watch. Saka walang anumang sinuri ang repleksyon niya sa rear view mirror na nasa loob ng traysikel.

Pagkatapos ay hopeless na nagbuntong hininga saka isinandal ang ulo sa headrest ng traysikel.

Lord, maghimala kayo please?

Pikit mata niyang dasal.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jacob Bravo
love this!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 2

    SUNOD-SUNOD na napailing si JV nang mapagmasdan ang gulong ng kanyang sasakyan.Kapag minamalas ka nga naman! Aniya saka sinulyapan ang suot na relo. Noon niya dinu

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 3

    NANLAKI ang mga mata ni Vinnie sa nakita. Hindi siya pwedeng magkamali, kahit naman sabihing madalim noon sa auditorium ay nabista niya ng husto ang mukha ng lalaking nakasayaw niya ng waltz!Ang gwapo naman, pang-Hollywood ang karisma!

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 4

    KINAGABIHAN ay dinatnan na ni JV ang kotse niyang nakagarahe na sa parking space ng kanilang bahay. Mula SJU ay nag-commute nalang siya pauwi kahit inalok naman siya ng ride ng mga kaibigan niya. May gusto kasi siyang makita na hindi naman niya nakita.“Ma,” bungad niyang hinalikan ang ina sa pisngi.

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 5

    BUKAS ang ilaw pero wala pang tao sa Guildhall. Alam niyang ilang beses man niyang sisihin ang sarili kaya siya nalagay sa ganoong klase ng sitwasyon ay wala narin naman siyang magagawa. Kaya naman isa nalang ang kailangan niyang gawin. At iyon ay ang pagbutihin ang papel na gagampanan.

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 6

    KINAHAPUNAN gaya ng napag-usapan nila ni Vinnie ay hinintay niya ang dalaga sa parking lot. Sa Friday pa naman ang simula ng rehearsal nila para sa dulang Noli Me Tangere kaya pwede pa nilang dalawin si Hara ng magkasama. Napangiti pa siya nang maalala ang naging usapan nilang apat nang ikuwento niya sa mga ito sa unang pagkakataon si Vinnie. Ang nag-iisang babaeng nagpaligalig ng puso niya.

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 7

    Dahil sa kabila ng hiyang nararamdaman niya, iniabot parin niya ang kamay sa binata. At nang maramdaman niya ang init ng palad nito para siyang nag-time travel. Feeling niya siya si Cinderella na isinasayaw ng waltz ng kanyang prince. Iyon nga lang talagang hindi niya nagawang tingnan ito sa mata. Kaya nanatili nalang siyang nakayuko habang nagsasayaw sila. Naniniwala siyang gentleman si JV at iyon ang nakikita niyang dahilan kung bakit nagawa niyang sumama dito ngayon. May tiwala siya sa binata at nararamdaman niyang safe siya kapa

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 8

    PAGLABAS nila ng private room ni Hara ay noon niya natanawang parating sina Carmela at Jovic. Nakita niyang kay Vinnie agad napako ang paningin ng dalawa lalo na ang Mama niya na sinuyod pa ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa. Mabilis niyang naramdaman ang inis para sa ina. Lalo na nang mapuna niyang nahihiyang nagyuko ng ulo si Vinnie na bahagya pang sumiksik sa tabi niya. Sa huling ginawing iyon n

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 9

    MEDYO maaga ang labas niya noon kaya nag-decide siya na huwag ng hintayin si JV at mauna na sa Guildhall. Iyon ang ikapitong araw ng kanilang rehearsal. After ng practice nila ay diretso naman siya sa training niya kay JV. Wala namang kaso sa parents niya ang tungkol doon dahil naipaalam naman niya ng maayos sa mga ito ang tungkol sa play.Ilang araw narin mula nang una siyang isama ng binata sa bahay ng

    Huling Na-update : 2024-10-29

Pinakabagong kabanata

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 25 & EPILOGUE

    NATAPOS ang kantapero nagpatuloy siya sa tahimik na pag-iyak. Ilang sandali pagkatapos ay sinimulan ni Raphael na tuyuin ang kanyang mukha. Dahil doon ay nagkaroon siya ng chance na titigan ng husto ang maiitim na mata ng binata. Sa ganda ng mga iyon, mahihiya ang buwan at mga bituin sa madilim na kalangitan.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat” ang binata na masuyong hinaplos ang kanyang mukha. Suminghot s

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 24

    MALUGOD naman iyong tinanggap ng kanyang Daddy. “Ganoon rin ako, halika na sa loob sasamahan kita sa kwarto ni Louise” ani Ralph na nagpatiuna papasok sa loob na sinundan naman ni Arthur at maging ni Hilde.Ilang sandali lang at muli silang naiwan ni Dave. “Pagkatapos nito, wala ka ng ibang dapat gawin kundi asikasuhin ang kundisyon mo. Masaya ako para sayo” naramdaman niya sa tinig ng kaibigan ang sinabi nito.Ngumiti siya. “Salamat&rdq

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 23

    SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise. Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch. Kahit alam niyang ikatlong palapag ng CEDE Building ang silid nina Raphael

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 22

    SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise.Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 21

    BASANG-BASA ang mukha niya matapos marinig ang kwento ng binata.“Sinabi ba niya kung bakit niya kami iniwan?”Noon hinawakan ni Raphael ang baba niya saka iniharap rito. &ldqu

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 20

    NAPABUNGISNGIS doon ang binata.Tumayo ito saka inabot ang kanyang kamay, pagkatapos ay inikot siya ng parang sa sayaw na waltz. Natagpuan niya ang sariling yakap ng kanyang nobyo mula sa kanyang likuran. “Paano yan, ang sabi nila wala daw forever?” napasinghap siya nang maramdaman ang init ng hininga ng binata sa kanyang punong tainga.“M-Meron! Kas

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 19

    “R-RAPHAEL?”nang mapagsino ang bultong nakatayo sa may pintuan palabas ng veranda ay parang binihusan ng malamig na tubig si Louise kaya mabilis na nawala ang kanyang antok. “k-kararating mo l-lang?” bahagya pa siyang pinanginigan ng tinig nang mapunang humahakbang ang binata palapit sa kanya.

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 18

    “LET’S dance?” isang oras mula nang dumating sila sa party ni Maia ay noon siya niyayang magsayaw ni Raphael. “H-Ha?” kanina lang niya sinagot ang binata kaya malamang iyon ang dahilan kung bakit parang nakakaramdam parin siya ng kaba ngayon.“Come, ayokong matapos ang gabing ito

  • THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)   KABANATA 17

    “IBIBIGAY ko sa kanya ang pinaka-magandang debut party na kaya kong ibigay.Siyempre ako ang first dance ng aking prinsesa. Darating ang time, ma-i-in love din siya. Ang pangarap ko lang sana makakita siya ng lalakeng magmamahal sa kanya ng kagaya ng pagmamahal ko sayo” nang manatili siyang tahimik ay nagpatuloy ang binata kaya muli niya itong nilingon. Sa pagkakataong iyon ay mas ramdam na niya ang kakaibang atmosphere sa loob ng sasakyan, dahilan kaya bigla parang nagsikip ang loob ng Camaro na minamaneho ng binata.

DMCA.com Protection Status