Share

IN HIS ARMS

Ngumiti ako, sarkastiko. "Huwag nating gawing kumplikado ang mga bagay, Dark." Hinawakan ko siya sa kamay, at masuyo ko siyang pinisil. Tinunaw na ng mga pagtatalik namin ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya maliban sa nangyari sa phone ko. Mabuti na lang hindi ako aktibo sa social media at ang hilig ko lang ay manood ng mga crime and psychological series. Nawawala ang pagkabagot ko sa buhay dahil doon. Sa kabila ng issue sa phone ko, gusto kong umalis sa buhay niya nang payapa. "Huwag kang magsimula, please lang. Maganda ang lahat sa pagitan natin. Maayos tayong matatapos. Hindi man magkaibigan, wala tayong utang na loob sa isat isa. At sapat na yon."

Uminom kami, mabagal at nagkuwentuhan ng mga bagay na walang kinalaman sa aming dalawa. Abala naman ang maya-mayang tunog ng phone ni Dark pero hindi niya pinapansin. Tinitingnan niya ang screen pero itataob uli at nang hindi na makatiis, ini-off na niya iyon. At ayokong itanong kung sino yon o isipin man lang ang tungkol doon.

Sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status