Share

THE ESTRANGED LOVER OF THE CEO
THE ESTRANGED LOVER OF THE CEO
Author: Bb.Taklesa

CHAPTER 1

I am coming home, Honey! I can’t wait to see you!” Parang pinompyang ng tenga ni Philip ng makita ang mensahe sa kanyang e-mail. “Nagawa ko lang ang lahat dahil mahal kita at gusto kong matupad mo ang mga pangarap mo sa buhay bago tayo ikasal.”

It was a lame alibi.

Philip saw the crowds in that big event where Castela was also invited. She looking stunning in her beautiful flaunt cocktail dress. Katabi ang isang matandang mayaman nakahawak pa sa kanyang balakang at dikit na dikit ang kanilang mga katawan habang pabulung-bulong pa siya sa babae. Kitang-kita ni Philip kung gaano kagiliw ang dalaga sa matanda, palibhasa ay nakuha niya ang atensyon nito.

Isa si Dax Perry sa tinaguriang first multi-billionaire in business community. No doubt, Castela would be the first to find a way to seek his attention. Nagtagumpay naman siya. Nagpakasaya si Philip ng gabing iyon kausap ang ilang mga babae hanggang hindi niya namalayan na wala na sa kanyang paningin si Castela at ang matanda.

“I want a multi-billion-dollar baby boy.” Iyon ang simple ngunit pangahas na kahilingan ng matanda. Only an ambitious human being, as greedy as Castela Newton would dare to give the old man an heir to his enormous wealth.

Iyon ang dahilan kumbakit hindi niya tinanggap ang marriage proposal ng lalaki at hindi kaagad umuwi ng Pilipinas.

Dalawang taon na silang graduate sa Harvard habang pinangakuan ni Philip si Astrid ng kasal bago ito umalis upang mag-aral sa Amerika. Sa pagbabalik niya ay bubuuin ang kanilang mga pangarap ngunit ang lahat ng iyon ay nananatiling pangako.

Naging malamig ang pakikitungo ni Philip sa kasintahan. Isang buwan nan ga siyang nakarating sa bansa bago pa siya magpakita kay Astrid.  

“Astrid, I’ll come and see you tonight. I’ll send you a dress. Hope you like it.” Na-excite tuloy si Astrid. Nagtaka siya sa biglaang pagdalaw ng kasintahan.

“Uy, baka naman magpo-propose na Astrid. Get ready! Siguraduhin mong imbitado kami riyan,” masayang sabi rin ng mga kaibigan ng dalaga habang nasa faculty room sila. Alam niyang busy ang lalaki at hindi ito masyadong demanding sa kanya.

Matagal na ang relasyon nila ngunit ni minsan ay hindi siya nagawang ipakilala sa kanyang mga magulang.

“Sigurado ka bang mahal ka ng boyfriend mo? Ni hindi ka pa nga naipapakilala niyan sa mga magulang niya hindi ba? Kung ako sa iyo, ibi-break ko na ‘yan. Hindi ako mag-aaksaya ng oras sa kanya,” pang-aasara ni Castela.

“Bakit hindi ka na lang mag-asawa ng mayaman?” sulsol naman ng kanyang Tito Noel.

“Bakit, Ate Castela? Mayaman ba ang mas mahalaga sa iyo kaysa mahal ka?”

“Uy, Fabro! Huwag ka ngang nakikisali sa usapan ng matatanda,” saway ni Castela.

But behind those words, may balak pala si Castela sa boyfriend ng pinsan. Hindi inaasahan nina Noel at Mina ang kanyang pagbabalik.

“O, Castela! Anak! Bakit hindi mo sinabing uuwi ka?” Binati ni Noel ang anak na matagal niyang hindi nakita.

“Para ano pa kung hindi naman talaga ninyo ako susunduin?”

Padabog siyang pumasok sa kanyang kuwarto. Doon pa rin natutulog si Astrid. Nakita niya ang mga gamit nito at isa-isang itinapon na lang sa labas ng kuwarto.

“Kakain ka ba? Ipagluluto kita ng ulam na gusto mo!” sigaw ng ama.

Nagtaka si Astrid ng makitang abala ang kabahayan. Biglaan ang pagdating ni Castela.

Gulat na gulat siya ng makita ang kanyang mga gamit sa labas ng kuwarto. Akala niya ay mayroong demolition job sa kanilang bahay.

“Uy, bumallik ka sa maid’s quarter ha! Bakit ba ninyo pinagamit ang kuwarto ko sa basurang ito?”

“Castela! Kauuwi mo lang pero mas basura ang bibig mo. Manahimik ka!” sabi ni Mina. “Pasensiya ka na Iha.”

“Tita, may bisita po pala ako mamayang gabi.”

“Gaya-gaya! Ako rin po, Nanay. Darating ang fiancé ko.”

“Fiance? Sino naman ‘yan, Castela? Foreigner ba ‘yan? Aba eh mukhang mapapasabak ako sa ingles nito.” sabi ni Noel.

“Hindi mo yata nababanggit sa amin na may plano ka nang mag-asawa matapos mong maka-graduate. Why not enjoy first?”

“We already enjoyed each other’s company abroad, Nanay.”

“What? Nag-live in na kayo sa abroad?”

“Nanay, nakapagtapos naman po kaming pareho kaya huwag po kayong mag-alala. Besides, magugulat kayo dahil mayaman ang mapapangasawa ko. How about you Astrid? Siya pa rin ba ang one and only love mo?”

“Okay lang, Iha. Doon na lang kayo sa beranda habang nandito sa ibaba ang boyfriend ni Castela.”

“Tsss, let’s wait and see. I want to surprise you later, Cousin. I will make the announcement first bago moa ko maunahan. You have money and I’ll have your honey.”

Kitang-kita ni Castela kung gaano kagiliw ang ina sa kanyang pinsan simula ng kupkupin niya ito. Inggit na inggit siya at madalas iyong pagsimulan ng tampuhan sa pagitan nila.

“Wala nang magulang ang pinsan mo. Ituring mo siyang kapatid.”

“Wala akong kapatid kundi si Fabro.” Ngunit patay na ang lalaki dahil sa hazing. Sa kabila ng pagiging tahimik ng binata ay nagawa niyang makipagbarkada sa mga bad influence kaya napahamak siya.

Kinagabihan ay masayang isinuot ni Astrid ang damit na padala ni Philip. Ginamit din niya ang pabagong pinakatipid-tipid pa niya dahil mamahalin ang pabangong iyon. Limited edition from Victoria’s Secret.

“Sweetheart, I am here!” Narinig ni Astrid ang busina ng kotse ng kasintahan. Nagmadaling lumabas ang dalaga at nagkasabay pa sila ni Castela sa paglabas. Ngunit laking gulat niya ng makitang pareho sila ng damit. “Huh!”

Napansin niya ang kuwintas at bracelet ng pinsan halos pareho lang ng istilo sa kanyang hikaw. Inismiran siya ng pinsan. Dumiretso siya sa bakuran at pinagbuksan ang boyfriend.

Halos buhatin ni Philip ang babae. Masayang – masaya siya na parang hindi sila nagkita noong isang araw lang. Medyo na-weirduhan si Astrid but she is happy.

“Halika, pasok ka!”

“Bagay na bagay ang damit sa iyo.” 

"Yeah, thank you!"

Pagpasok nina Astrid at Philip ay nasa sala na sina Mina at Noel kasama si Castela. Nagkatitigan ang dalawang matanda dahil magparehong dress ang suot ng magpinsan. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status