Share

CHAPTER 4

Hindi halos makapaniwala si Pancho sa nangyari ngunit napangiti siya dahil labis siyang nasiyahan sa gabing iyon. Iniwan siya ng babae habang nagkakasagutan pa sila sa nangyari. HIndi niya nagawang habulin si Astrid. Ibinagsak niya ang kanyang patang-patang katawan sa kama pag-uwi niya sa mansion.

Madaling-araw namang dumating si Astrid sa bahay. Tahimik na ang buong kabahayan at ayaw niyang gumawa ng ingay dahil baka magising ang kanyang tita Mina.

“Astrid…” Hindi niya namalayang naghihintay sa dilim ang kanyang tita. Kapatid siya ng kanyang mama. “Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba galing, Iha? Kumain ka na ba?”

“Huwag po kayong mag-alala. Kumain na po ako. Matulog na po kayo.”

Sinundan ni Mina ang kanyang pamangkin at kinausap siya ng masinsinan. Alam nitong labis siyang nasaktan sa ginawa ng kasintahan. Nagtaka rin siya kung paanong naging kasintahan ni Castela ang lalaki.

Hindi naman kaila na sa Harvard silang pareho nag-aral at mukhang iyon ang plano ng pinsan kahit alam niyang kasintahan na siya ni Astrid.

“Tatanggapin ko na po ang pagtuturo abroad. Baka mag-resign na po ako ngayong end of March. Sa April 1 na po ang alis ko.” Isang linggo lang ang kanyang preparasyon.

Hindi sana niya itutuloy ang plano kung magpapakasal sila ni Philip ngunit iba naman pala ang pakakasalan niya. Gusto rin niyang makalimot sa ginawang panloloko ng dalawa.

Kinabukasan ay inasahan na niya si Philip sa gate ng private school na kanyang pinapasukan. Nakangiti pa siyang abut-tenga at pinilit niyang umiwas.

“Mag-usap muna tayo.” Kinuha ni Astrid ang pumpon ng bulaklak ng dala ng lalaki at ibinuhos ang galit na inihampas sa kanya.

“Hayup ka! Walanghiya ka! Pinaasa mo ako at pinsan ko pa talaga! Pinsan ko pa!” Hindi na niya napigilan ang sarili para ilabas ang sama ng loob sa kasintahan. Sa kanya lang umikot ang kanyang mundo at naging faithful naman siya sa lalaki.

“I am sorry!” Iyon lang ang nasabi ni Philip.

Maraming nakasaksi ng ginawa ni Astrid at hindi siya tumigil sa pag-iyak sa faculty room.

“Hindi ko kayo mapapatawad ni Castela!” Iyon ang ipinadala niyang mensahe sa lalaki.

Mabilis na naisaayos ang kasal ng dalawa palibhasa ay civil wedding lang. Hindi dumalo si Mina sa seremonya sa munisipyo dahil sa kanyang kalagayan. Si Noel lang ang sumama. Sa pagtataka ng babae ay hindi rin pala dadalo ang magulang ni Philip.

“They didn’t even bother to come?” Hindi na nagtaka si Castela.

“Hindi namin gusto ang babaeng iyan para sa iyo. Ni hindi mo man lang siya naipakilala sa amin. Besides, Astrid ang pangalan ng babaeng madalas mong ikuwento sa akin and here you are getting married with that Castela. Wow! Who is she?”

“Mama, please like here!”

“I probably will kapag nabigyan niya ako ng apo.”

Ngunit iyon ang isang bagay na matagal nang pinagtatalunan ng dalawa kahit noon nasa America pa lang sila. Castela is not open to have kids.

“I can only be a wife but not a mother,” prangkang sabi niya kay Philip.

Plano nilang magtayo ng negosyo ngunit hindi nalalayo sa kanilang family business, ang Carbonel Clothing Company.

Nang malaman ni Castela na si Philip ay isa sa anak ng mga Carbonel na nagmamay-ari ng clothing company ay sinadya niyang akitin ang lalaki sa kabila ng alam niyang matagal na siyang kasintahan ng pinsan niya.

Sa ibang bansa siya nagkaroon ng pagkakataon upang tuluyang mahulog sa kanya si Philip.

Maging ang pag-aaral sa ibang bansa ay ipinaglaban niya sa ama dahil ang perang iyon ay para kay Astrid talaga. Mautak si Castela. Alam niya kung saan nanggagaling ang pera ng ama. Madalas ay may kausap itong lalaki at nakikipagtagpo siya sa ibang lugar upang hindi makita ni Astrid.

Nag-away silang mag-ama dahil tinapat ni Noel na si Astrid ang mag-aaral ng ibang bansa ngunit gulat na gulat ang ama sa tinuran ng anak.

“Gusto po ba ninyong sabihin ko kay Astrid ang buong katotohanan na kaya ninyo siya dito pinatira sa halip na sa kanilang mansion ay hindi dahil sa naaawa kayo sa kanya? Gusto lang ninyong pagkaperahan ang mansion. Pinausapan ninyo sa isang mayamang Chinese at ngayon, namumrublema kayo dahil ni-raid ang mansion dahil ginawang shabu den. Kung hindi ba naman kayo suwapang?”

Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Castela.

“Huwag mong sasagarin ang pasensiya ko, Castela. Gusto mo bang ibalik kita sa iyong ina? Gusto mong maging tumira sa kalye at magpalipat-lipat sa ibang lalaki? Manahimik ka! Itikom mo ang iyong bibig!”

“Okay fine, I will zip my mouth,” may halong pang-aasar niya sa ama.

Magkasabwat ang dalawa sa pagsasamantala sa yaman ng mga Smith. Mayaman ang pamilya ni Astrid at siya ang dating kinaiinggitan ni Castela ngunit ng mamatay ang mga magulang niya at kinupkop sa kanilang tirahan ay nagkaroon siya ng lakas ng loob ng apihin ang pinsan.

Hindi naman naging mapang-api noon si Astrid upang gantihan ni Castela. Dala ng kanyang inggit sa kanilang katayuan kaya nagawa niya iyon. Maganda siya at mabait at matalino. Tahimik at sadyang hindi palakibo.

Walang nagawa si Astrid kung matuto sa mga gawaing bahay noon. Naranasan niyang matulog sa carpet na unan at kumot lang ang gamit dahil ayaw siyang katabi ni Castela.

Iyon ang naging buhay ni Astrid kasama si Castela.

Samantala, first time na isinama ni Philip ang asawa sa kanilang mansion ngunit naramdaman ni Castela ang lamig ng pakikitungo sa kanya ng kanyang mga in-laws. Alam niyang hindi siya tanggap ng mga ito.

Hindi naman padadaig ang babae. Naging mas mapagmataas siya at hindi magpapaapi, Doon niya nakilala si Pancho.

“Who is that guy?”

“Castela, si Kuya Pancho. Kuya, si Castela, my wife.”

Iniabot ng babae ang kanyang kamay ngunit hindi iyon inabot ng binata. Yumukod lang siya at hindi man lang siya tiningnan. Ni hindi man lang ngumiti sa kanyang hipag.

“What’s wrong with those people? They barely talked to me!” pasinghal na sabi ni Castela sa asawa.

“Pagpapasensiyahan muna. Kapag nagkaanak tayo, matatanggap ka rin nila.”

“And that will not happen. I swear!”

Her true colors are showing.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status