Baon ni Astrid ang naipong sakit dulot ng mga katotohanang nalaman niya bago siya umalis. Hindi na siya nagpapigil sa kanyang tita kahit alam niyang siya lang ang taong maasahan nitong magtatanggol sa kanya sa pang-aapi ng asawa.
“Hindi na kita pipigilan, Iha. Alam kong hindi naging maganda ang pagtanggap ni Castela at pinahirapan ka niya dito sa bahay. Pagpapasensiyahan mo na siya.” Dahil si Castela ang mas salat sa kaginhawaan sa buhay at pagmamahal ng pamilya.
Tuluyang tumulo ang luha ni Astrid ng yakapin siya ni Mina. Sobrang higpit ng yakap na iyon sa kanyang balakang. Ramdam niya ang pagyugyog ng kanyang balikat. Tinapik niya ang likuran nito.
“Tita, magkikita pa naman po tayo. Babalik rin po ako.”
Sinundo ng isang kotseng puti si Astrid kasama ni Atty. Morales.
“Sundan mo ang kotse,” utos ni Pancho.
“Yes, Boss!” Napagtanto nilang patungo ang sasakyan sa airport. “Mukhang aalis nga siya, Sir Pancho.”
Walang magagawa si Pancho sa mga oras na iyon. Hindi niya kayang lumantad at ipakilala ang sarili sa kanyang kasalukuyang katayuan dahil tiyak na giyera ang mangyayari.
Napabuntung-hininga na lang ang binata. Lumabas siya ng kotse na animo’y hahabol sa babae upang pigilan ito. Napasuntok na lang siya sa hood ng kotse.
“Bullshit!” bulalas niya sa sobrang galit.
Lumipad patungong ibang bansa si Astrid. Mabigat sa kalooban niya ang pag-alis ngunit kailangan niyang isipin din ang kanyang sariling kapakanan.
“Mama, Papa, babalik po ako. Sisiguraduhin kong magbabayad ang taong iyon kung sino man siya. Ibabalik ko ang dating sa atin. Huwag kayong mag-alala, pansamantala lang po ito,” sabi ni Atrid habang nasa tapat ng dalawang urn ng kanyang magulang sa St. Therese Columbarium.
Minabuti nina Philip at Castela na sa kompanya muna ng asawa magtrabaho kaysa magtayo ng sariling negosyo habang mahina pa ang ekonomiya dala ng pandemya.
“Masyado kang tiwala riyan sa asawa mo. Gagamitin ka lang niya balang-araw. I can sense that,” ani Pancho.
Philip is preparing everything for Castela, her office and even her staff and most importantly, ang kanyang secretary. Gusto kasi niya, ready na siya for work sa kompanya ng mga Carbonel. She is taking over the Marketing Department. Philip highly recommended her dahil nakikita niya ang malaking potential ni Castela when it comes to business though may konting violent reaction ang kanyang ama at si Pancho pero pinagbigyan din naman nila ang hiling niya na bigyan ng pagkakataon ang babae.
“She will be on my watch, Philip. A very close watch kaya siguraduhin mong hindi gagawa ng kapalpakan ang asawa mo.” It’s a final warning from Pancho who is the current Vice-President of the company.
After na mai-settle ni Philip si Castela sa condo na kanilang titirhan ay sinorpresa niya ang asawa ng isama niya ito sa trabaho. Pinalabas muna ni Philip ang kanyang secretary.
“Ready for work?” Gumapang ang kamay ni Philip sa balakang ng babae habang mabilis na hinagilap ang labi ng asawa.
“Where’s my office?” Ikinawit ni Castela ang braso sa balikat ng asawa habang kaharap siya.
“Mamaya na. Halika muna dito.” Napaupo ang dalawa sa sopa ngunit sa kandungan ng asawa umupo si Castela. Pinupog ko siya ng halik ng lalaki. Tinugon naman iyon ni Castela ng walang alinlangan pero nakalimutan nilang nasa opisina sila ng biglang bumukas ang pinto ng walang sabi-sabi. Dumating si Pancho at parehong nataranta sina Philip at Castela.
“Ganito ba rito? Walang manners. Hindi man lang marunong kumatok ng pinto. Kahit kapatid mo siya ay marunong siya dapat rumespeto ng privacy mo.” Buong tapang na komento ni Castela at nakipagtitigan pa siya kay Pancho.
Pagdating sa trabaho, Philip becomes an invertebrate sa harapan ng mas panganay sa kanya. Mabait naman ang kanyang kuya but not in the company. Paglabas nila ng bahay, on the professional level na sila. Walang kapa-kapatid at walang kuya-kuya. But the feeling is just between them. Hindi maiaalis ni Pancho ang pagiging kuya kay Philip kapag nagkaroon ng aberyang nangyari sa trabaho ng kapatid. But he will not cover him up this time.
“Oh, manners? Sino sa atin ang walang manners dito kumpara sa hindi ko pagkatok at sa ginagawa ninyong dalawa? May I remind you na nasa loob kayo ng opisina. Oras ng trabaho ngayon, Philip. Pull yourself. Mamaya na ninyo trabahuin ang isa’t isa.”
Napayukong bigla si Philip sa mesa at napahiya si Castela sa sinabi ng lalaki. Being in the company would mean, si Pancho ang higher up nilang dalawa. Casual namang tumayo ang babae sa kandungan ng asawa at inayos ang sarili saka sumandal sa long sofa. Tumalikod na si Pancho at lumabas ng pinto.
“Binata pa ba ang kuya mo?” Tumango lang si Philip. Tumayo ang lalaki upang sundan ang kuya.
“I’ll have to talk to him. Saglit lang. Dito ka muna.”
Pinigilan muna ni Castela ang asawa at inayos ang kanyang damit at kurbata niya. Iniabot ang kanyang coat at nagmadaling lumabas ang lalaki.
Sa Office of the President nakarating ang dalawa at kinatkatan ng sermon si Philip ng kanyang ama. Hawak na ni Philip ang Advertising Department ng CCC bago pa dumating si Castela. Pumayag na ang kanyang ama na hawakan ni Castela ang Marketing Department which she requested from the beginning.
Pagbalik niya sa kanyang opisina ay nakaupo ang asawa sa kanyang boss’chair. Upong boss ang upo niya. Nakasandal at naka-cross legs siya habang nakaupo.
“Philip, I want you to train my secretary. For the meantime, switch tayo ng secretary. Teach her the basics of being a secretary.”
“Why would I do that? What do I know about being a secretary? May ibang magtuturo sa kanila ng dapat nilang gawin at hindi ako. Besides, bakit ako? I am an Advertising Head. Hindi ko trabaho iyan.”
“Gusto kong ikaw ang personal na pumili ng matinong secretary para sa akin.”
Ngunit wala ni isa sa mga na-hire na secretary ang nakasundo ni Castela. Simula ng pumasok siya sa Marketing Department ay tatlong secretary na ang nag-resign at hindi nakatagal sap ag-uugali niya.
“What’s wrong with those secretaries? Anghihina naman ng mga utak nila. Ni hindi makasunod sa dictation ko. How could a stupid secretary even commit a single misspelled word in a business letter?”
“Relax, Honey! Baka naman kailangan mo ring maghinay-hinay. Hindi madaling humanap ng sekretarya.”
“Ako ang maghahanap ng sekretarya. I am sure na she will be a good secretary.”
Hindi man lang nakaramdam ng kaba si Philip sa plano ng asawa.
“Sigurado ka bang gusto mo pa rin diyan sa trabaho mo?” pagmamataas na tanong niya sa kausap sa kabilang linya. “Sigurado ko naman na marunong ka ng basic operation sa computer. Computer age na ngayon at lahat ay marunong ng gumamit nito. You are an honor student and you can do this job.”
Tahimik pa rin ang babae sa kabilang linya. “Why would I do that?”
“Dodoblehin ko ang sahod mo. Madali lang ang gagawin mo. Be my secretary.” Hindi pumayag si Astrid.
“Mukhang may tama talaga ang pinsan mo, Astrid. Hanggang dito ba naman sa Amerika ay iniistorbo ka niya. And she wants you to be her secretary? Wow!”
“Someone will assist you to learn the basics kung hindi ka talaga confident to do the job.” Tahimik na hinihimas ni Astrid ang kanyang tiyan.
“Bakit ako? Hire someone else.” Ibinabang muli ni Astrid ang tawag.
“Mas mahirap ang ginagawa mo bilang titser. Sakit sa ulo ang mga bata. Gagawa ka pa ng lesson plan araw-araw, may mga grades kang iko-compute every quarter and all that. Get real! Walang yumayaman sa pagiging titser.”
But Astrid still said NO.
Tahimik na ang buhay niya sa Amerika at nai-enjoy niya ang kanyang kalayaan sa unang pagkakataon. Pinili niyang makasama ang mga kapwa guro na kasama niyang ipinadala ng kanilang school sa ibang bansa.
Independent living siya sa California. But she didn’t know that something will happen that is not according to her plans.
Pinagpawisan siya ng malamig ng maramdaman ang sintomas na iyon. Nahilo siya at namutla. Akala niya ay pahinga lang ang kailangan dahil nanibago ang kanyang katawan sa klima at oras.
“Anong plano mo? Uuwi ka ba ng Pilipinas?” tanong ni Ivy. Umiling si Astrid. Si Atty. Morales ang kanyang kinausap.
“Salamat, Attorney. Hihintayin ko na lang po sila dito.”
Samantala, hindi pa rin tinantanan si Astrid na piliting bumalik ng bansa upang maging sekretarya ni Castela. Masinsinan din siyang kinausap ng kanyang Tito Noel. Nag-long distance call pa siya sa Amerika upang makiusap kung puwede raw maging secretary muna siya ni Castela kahit pansamantala. Ibig sabihin ay saglit lang naman.
“Bakit po ako? May trabaho po ako, Tito Noel. Masaya naman po ako sa ginagawa ko at hindi ko ito ipagpapalit para lang umuwi sa Pilipinas.” Natitiyak niyang buhay- impiyerno lang ang dadatnan niya sa kanyang pagbabalik.
Binigyan niya ng sapat na panahon si Astrid upang makapag-isip-isip. Magkagayunman ay hindi pa rin ang sagot ng dalaga. Ngunit alam ng dalawa ang kahinaan ni Astrid. Kung hindi pumayag si Astrid kay Noel ay hindi naman nagawang makatutol ng babae ng makiusap sa kanya si Mina.
“Iha, pumayag ka na. Umuwi ka na. Miss na miss ka na ni Tita. Tanggapin mo na ang alok ni Castela. Marami na siyang sekretarya na pinaalis sa trabaho. Alam kong ikaw lang ang magpapakita ng mahabang pasensiya sa kanya.”
“O, ano? Umuwi ka na. Pinapahirapan mo pa si Nanay. Mahiya ka nga. Alam mong may diperensya ‘yung tao tapos pinahihirapan mo.” Napailing na lang si Astrid. “Kung iniisip mo kumbakit ka ipinagpalit ni Philip, well, what could I say? He got a right choice. Tatanga-tanga ka kasi.”
“Fine, tanga pala eh! So, why choose me as your secretary?”
“Shut up! Masyado mo akong pinapahirapan. I-WANT-YOU-TO-BE-MY-SECRETARY! You will be my secretary whether you like it or not.”
Pinutol ni Astrid ang komunikasyon niya kay Castela kahit sila na lang ang natitirang kamag-anak niya. Mas pinili muna niyang manatili sa ibang bansa upang makapag-concetrate sa pagtuturo sa mga bata. Bagama’t totoong mahirap magturo ay sinikap niyang gampanan ang kanyang tungkulin at responsibilidad bilang guro.
Kahit maraming demands ang pagtuturo, Astrid was able to keep up with her work. She was even praised by her principal despite her condition.
“What are you taking so long there, my dear cousin? Baka naman puwede mo na akong tulungan ngayon.” Pinakatitigan ni Astrid ang mensahe.
Nakapaghintay naman si Castela at sinunod niya ang mga terms and condition ni Astrid. Nagpadala siya ng plain ticket para sa pinsan.
“Yaya, ikaw na muna ang bahala. Alam ninyong mahalaga sa akin ang pagkakataong ito.” Nakaimpake na ang kanyang mga gamit.
After three years ay babalik na si Astrid sa Pilipinas.
“One last thing, Astrid. Siguraduhin mong mababantayan mo si Philip para sa akin. No monkey business, dearest sissy. Alam mo naman kung paano ako magalit. For the meantime, let’s meet in the company. Make sure that no one would knew our relationship. Keep your mouth shut to everyone.”
Walang hininging requirement sa kanya. Wala siyang application form at walang nag-interview sa kanya kumbakit siya pumasok bilang secretary.
Tinitigan ni Astrid ang mga larawang iyon at ngumiti. “I shall see you soon! Bye!”
Talagang minadali ni Castela na makabalik siya sa Pilipinas dahil non-stop flight ang pinili niyang eroplano para sa kanyang pinsan.
Sisiguraduhin ni Astrid na magbabago ang kanyang pananaw sa dating Astrid na sinasabihan niyang bobo at tanga. Sa muling pagbabalik ni Astrid, a new kind of game will begin between them.
“I will make day, your worst nightmare, my dearest Castela. Let’s play your game.”
Gusto niyang makita kung paano umusok ang kanyang ilong sa galit at inis. She will make Castela hate her even more sa kanyang mga planong gawin.
Umuwi muna si Astrid sa kanyang tita Mina upang makita ang kalagayan nito. Walang pagsidlan ng saya ang babae ng magkita sila.
“Ikaw na ba talaga iyan, Astrid? OMG, nakapakaganda mo, Iha! Mukhang hiyang ka sa ibang bansa ah!”
Niyakap ni Astrid ng mahigpit ang babae. Na-miss rin niya ito. Sa kabilang banda ay tahimik lang si Noel.
“Why don’t we post an announcement on Job Street and get a real secretary?” Hindi sang-ayon si Philip sa plano ng asawa na ang kanyang ex-girlfriend na si Astrid ang magiging secretary niya. “Baka mag-away lang kayo ng pinsan mo.”“She will come, Honey!”“WHAT?”“She just arrived from the US.”“Ano na naman ito, Castela? Nandito na si Astrid? Bakit? Para saan?”“I want her as my secretary. Mas kilala ko siya. Alam niya ang topak ko. Ayoko ring kumuha ng sekretaryang hindi ko kilala. I don’t trust them. But with my cousin as a secretary, she is patient with me. She is also a fast learner.” Pagkukumbinsi ng babae sa kanyang asawa.“I don’t agree with your plans.”“Makakatanggi ka pa ba? Besides, anong ikinatatakot mo?” tanong ni Castela. Napangisi si Philip.“Ikaw ang bahala kung anong balak mo sa pinsan mo. Kung anuman ang mangyari, labas ako riyan. Ayoko rin na gagawa ka ng isyu sa pagitan naming dalawa. I want peace. We will be in one company. Alam mong ex-gf ko siya. You know what I
Late nang nakauwi sa condo si Philip. Hindi namalayan ni Castela ang pagdating niya dahil s amalakas na volume ng TV. Walang tao sa sala o kahit sa kusina. Bukas ang pinto ng kuwarto at dinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo, bukas ang ilaw doon.“Nagkita kami ni Kuya Pancho,” Nagkukuskos ng basing buhok si Castela habang papalabas ng banyo. Inamoy niya ang asawa.“Uminom ka na naman? Parang kahapon ay nakainom ka rin ah.” Medyo strict si Castela pero hindi naman niya pinagbabawalan ang asawa. “Ni hindi ka nagpatawag ng driver.” And Philip finds it sweet with Castela.“Minsan lang naman kaming magkita ni Kuya, ano ka ba?”“I hope na okay na ang kasunduan natin about Astrid,” sabi ng babae.“Yeah, I’ll try my best to satisfy your needs, my dear wife.” Kahit alam niyang kailangan niyang maging maingat sa kanyang mga kilos dahil ex-gifrlend niya ang babae.“Just show her how to be competitive.”“Okay, Ma’am and Anna will just be in your office.”Of couse, what else will happened after
“Pauwi ka na ba?” tanong ni Castela sa phone.“About to go down.” Nagmamadali naman si Philip na humabol sa pagpasok sa elevator. Hindi niya lubos maisip ang kanyang ginawa. Napasuntok na lang siya sa manibela ng kotse. “Crazy Bastard, why did you do that!”He is expecting the worst at the moment. Baka hindi pumasok si Astrid kinabukasan. Iniisip ni Philip kung anong magandang alibi ang puwedeng sabihin kapag biglang nagtanong si Castela. Pero pag-uwi niya ay wala pala siya doon.“Saan ka?”“Sorry Honey. HIndi ko nasabi sa iyo na flight ko tonight. Hindi na kita nahintay. Bakit angtagal mong umuwi? Ayokong kasabay ang kuya mo. Be sure to be good while I am gone. See you after six months.” Napahugot ng mahabang hininga si Philip. Mahaba-haba ang anim na buwan at marami ang posibleng mangyari.“I’ll get Anna back.”“Honey, ano ba? Si Astrid lang ‘yan? Parang wala kayong pinagsamahan.”“What do you mean? CASTELA!” Pinatayan siya ng linya ng babae.Uminom ng alak ang lalaki habang parang
Distance made Pancho’s heart grew even more fonder for Astrid. Simula ng araw na malaman ni Pancho ang pagdating ni Astrid sa kompanya ay hindi pa nagkukurus ang landas nila. Palagi siya sa control room.“Para namang hindi VP si Sir Pancho pagdating sa babae. Naunahan pa siya ni Sir Philip na mag-asawa. Mabilis dapat ang kilos!”“Anong sabi mo?” Nagulantang ang personnel dahil hindi niya inaasahang mariring ni Pancho ang kanyang komento.“Maganda naman po si Miss Astrid, Sir Pancho. Hindi naman po kayo alangan kahit na sekretarya siya. Wala naman pong sekretarya at Vice-President pagdating sa pag-ibig.”“Push na ninyo, Sir Pancho! Bagay po kayo ni Miss Astrid.”“Ship po namin kayo!”“Iho, kailan mo naman balak mag-asawa. Naunahan ka na ni Philip. Wala pa bang development sa inyo ni Nadine?”Palagi niyang iniiba ang usapan dahil hindi siya seryoso kay Nadine. He had series of blind dates during summer at maging ang kanyang mga kaibigan ay nani-weirduhan sa kanya. Madalas siyang kantyaw
Tanghali nang gumising si Philip. Hindi na niya nakita si Astrid paggising niya. Nagmadali siyang pumasok sa opisina at tahimik siyang dumaan sa bakanteng mesa ng sekretarya.“Where’s Astrid?”“Baka nasa pantry, Sir.” Pumaosk muna si Philip sa loob ng opisina. Lalapitan sana niya ito so that he could recharge his energy but she kept herself at a distance.“Good morning, Sir. Heto na po ‘yung schedule ninyo for today and a coffee to wake you up just in case, hindi pa kayo nahihimasmasan.” May dating ang kanyang sinabi.“Anong oras kang umuwi? Sana ginising mo ako para naihatid kita.”“Ah Sir, you have a meeting with Mr. Karlos. Huwag po ninyong kalimutan ng bandang 9am. I’ll remind you po later by the phone.” Masyadong pormal ang kanyang pagkakasabi.“Salamat. Let’s eat together, pagkatapos.”“Sa labas na po ako, if you need something, just give me a call.” Pero hindi iyon ang gusto niyang marinig ngayon. Gusto niyang magpaliwanag.Natapos ang meeting niya with Mr. Carlos so he went ou
Guwardiyado ang mga kilos ni Astrid ng malaman niya ang gustong mangyari ni Philip. This is beyond what Castela wants. Sobra pa ito sa hinihiling niyang i-seduce ang asawa niya. Castela is pushing her to become a prostitute and the next mistress for her husband.Hindi niya ipinahalata na ilag siya. Iniiwasan niya ang pagpulupot ng mga kamay ni Philip sa kanyang balakang. Ayaw niyang gumagapang ang kanyang mga kamay sa kanyang hita kaya hindi na siya nagbestida. Hindi rin siya nag-shorts dahil lalong delikado.Nakakapagod ang buong maghapong pamamasyal ng dalawa. Pinuntahan nila ang mga lumang simbahan sa lugar. Nagpakabusog sila sa mga delicacy ng rehiyon. Nagtungo sila sa tabing-dagat where Bangui Windmills are found.Para silang nagkakahiyaan habang nagkanya-kanyang maglakad sa buhanginan ang dalawa.“Astrid…” Humabol si Philip sa paglalakad ni Astrid. Nakita niyang nakangiti ang babae nguit binawi kaagad iyon ng lumapit siya.“Don’t be too greedy on this, Philip?”“Inaalala mo pa r
Mag-isa lang si Astrid ng magkamalay siya sa loob ng clinic. Mabilis naman siyang inalalayan ni Nurse Armie.“Ma’am, okay na po ba kayo?”“Yeah, I am okay. Anong nangyari sa akin?”“Nahimatay po kayo sa opisina ni Sir Felix.” Pumindot ng numero ang nurse sa kanyang celllhone ngunit pinigilan siya ni Astrid.“Huwag mo nang sabihin. I’ll just tell them that I am okay.”“Kailangan po ninyong magpahinga.”“Uuwi na muna ako.” Hindi na pinigilan ng nurse ang babae. “Oscar, hihintayin kita sa Exit. Sunduin mo na ako.”Walang pakialam si Astrid kung pagtinginan siya ng mga tao sa loob ng elevator. Her senses seemed to block off. Her mind is busy with a lot of things. Plano pa rin niyang pumasok sa kanyang trabaho. Sanay na siya sa mga tsismosa.“Astrid, bakit ka umuwing mag-isa? Mag-uusap tayo pagbalik ko sa opisina.” Dahan-dahang naglakad si Astrid palabas ng Exit. Naghihintay na roon ang kanyang kotse. Sinundan siya ni Pancho ngunit hindi na niya ito inabutan.Halos dalawang linggo lang siy
Mahigpit na hinawakan ni Pancho sa magkabilang braso si Astrid at isinubsob ang kanyang mukha sa mukha ni Astrid. Pumalag ang babae at itinulak ang binata ngunit wala siyang nagawa kundi ang mapaiyak sa labis na galit sa kanilang dalawa. Niyakap pa ni Pancho ang babae na puno ng pananabik. Nagpumilit na makawala si Astrid. Umiwas siya ngunit hindi kinaya ang lakas ng lalaking kaharap kaya nagpatianod na lang si Astrid hanggang sa humupa ang pagpupumiglas niya. “Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito na humarap sa iyo.” “Para saan? Hindi mo na maibabalik kung ano ang nawala sa akin lalo na ang tiwala ko, Sir Pancho.” “Astrid…” “Huwag mo akong hawakan! Lumayo ka!” “Pananagutan ko ang nangyari sa iyo. Babawi ako.” “Babawi? Para saan? What happened to us is nothing. We are nothing! Lumayo ka! Lumayo ka!” Mabilis na tumalilis si Astrid pababa ng gusali. “HINDI PUWEDE!” “Sino ka para sabihin sa akin na hindi puwede? Hindi ninyo ako puwedeng pagpasa-pasahang magkapatid.” Muling ni