Share

CHAPTER 5

Bago lumipat si Castela at sumama sa asawa ay nagkaroon pa ng mainitang pagtatalo ang magpinsan dahil hindi pinapansin ni Astrid si Castela.

“Hindi mo ba ako kakausapin?”

“Para saan? Anong dapat nating pag-usapan?”

“Give those earrings that you wear. Those are mine!”

“Wow, hanga talaga ako sa iyo. You even have the nerve to get from me that piece of shitty earrings. Bakit? Hindi ba kumpleto ang set ng jewelry mo? You are such a pitty, Castela. Hindi ka pa nagbago.” Tinalikuran niya ang babae. Wala siyang balak na ibigay ang hikaw na iyon.

Pinasok ng babae ang kanyang kuwarto at hinanap ang jewelry box.

“Ano ba? Akin ‘yan!”

“AKIN ITO! I wonder why he had to give you this?”

“Because I am more precious and you don’t” Hindi nagpatalo si Astrid sa pinsan kung pasaringan rin lang ang labanan.

“Ano ba ang pinag-aagawan ninyong pareho?”

“Wala po akong inagaw sa kanya, Tita. She is asking me for that piece of earring that Philip wasn’t able to give her dahil nasa akin.”

“And…”

“And I am getting it because it was supposed to be mine.”

“Eh, ‘di ibinigay na rin sana sa iyo ni Philip kung talagang para sa iyo. Ibalik mo iyan kay Astrid. Hindi kita pinalaking maluho lalo na ang mang-agaw ng bagay sa iba.”

“Dahil hindi mo naman ako anak, get real! Ikaw na lumpo ka! Matagal na akong nagtitimpi sa iyo!” Gigil na hinawakan ni Castela ang wheel chair ng babaeng itinuring niyang ina.

“Hey, watch your word. Kung wala siya ay walang mag-aalaga sa iyo.”

“Pakialamera ka talaga, Astrid. Magsama kayong dalawa. Mga wala kayong silbi!” Humarang si Astrid upang protektahan si Mina. Nakuha pa rin niya ang pares ng hikaw.

Wala na ring silbi ang mga iyon para kay Astrid. Matagal na rin siyang nagtiis sa ugali ng kanyang pinsan at wala siyang ibang pinanghuhugutan ng lakas ang ang kabaitan ng kanyang tita Mina.

Sa kabilang banda, hindi lahat ng lihim ay nananatiling lihim. Nabubunyag din ito sa panahong di mo inaasahan. At dumating na nga ang takdang panahon na iyon.

Nang umagang iyon ay wala si Noel. Nag-away sila ni Mina ng madaling – araw. Nagulat si Astrid sa kanilang sagutan dahil kay Castela. Sa pagkakaalam kasi niya ay almost perfect na ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. She appreciate husbands who would stay with their wives in sickness and in health, trying their best to fulfill their marriage vows. Pero huli na nang malaman na hinid pala kasal ang dalawa.

“Saan ka na naman galing? Pinuntahan mo siya?”

“Ano ba, Mina? Kung kailan ka tumanda saka ka naging selosa.”

“Hayop ka!” Dinig niya ang pagkalabog sa kanilang pintuan ng kung anuman ang inihagis doon.

“Bakit? Maibibigay mo ba ang pangangailangan ko bilang lalaki?” Nakakaramdam pa ako ng init sa katawan, Mina!”

“Hayop ka!”

“Ah, ganoon ba? Hayop pala ha! Ipapakita ko sa iyo kung gaano ako kahayop at kahayok!”

Dahan-dahang binuksan ni Astrid ang pinto ng kanilang kuwarto upang iligtas ang kanyang tita sa posibleng kapahamakan ngunit nangilabot siya sa kanyang nakita. Tinakpan ni Noel ang bibig ni Mina habang wala na siyang saplot sa katawan. Inilislis ng isang kamay niya ang bestidang pantulog ng babae, Pinagpawisan siya sa kanyang nakita. Wala siyang narinig sa kanyang tita kundi hagulgol habang nasa kandungan siya ng lalaki at humahalinghing sa kanyang ginagawa.

Bigla tuloy niyang naalala ang estrangherong nakasama niya buong magdamag sa hotel. Hindi naman siya hayok na parang nagugutom. He was the gentlest person she ever knew kumpara sa tito niya.

Kinabukasan ay tahimik ang buong kabahayan. Mukhang maagang umalis ang kanyang tito. May nag-doorbell ng tatlong beses kaya napilitan siyang lumabas.

“Atty, Morales po,” pakilala ng lalaki sa kanya. “Teka, pamilyar ka sa akin.”

“Astrid Marie Smith po ang pangalan ko.”

“Wait, ikaw si Astrid?” First time magkaharap sina Astrid at Atty. Morales. “Puwede ka bang sumama muna sa akin, Iha. Mahalaga lang ang pag-uusapan natin. Sa tingin ko ay hindi puwedeng makita ni Noel na magkausap tayo. Trust me. Abogado ako ng pamilya mo.”

Nagtiwala na lang si Astrid. Sumakay siya sa loob ng kotse ng isang estranghero. Tahimik siya sa loob ng kotse. Panay ang suntok ng abogado sa kanyang hita. Sa law firm dumiretso ang kotse. Wala siyang inaksayang sandal. Sinabi niya kaaagad ang maraming bagay.

“Alam mo bang kung anong nangyari sa magulang mo?” Umiling si Astrid. Hindi siya handang tanggalin ang katotohanan. “Did you get you therapy after you went out the hospital?” todo-iling si Astrid.

“Why would I get a therapist?”

“Iyon ang advise ng iyong doktor sa iyo.” Ipinakita ng abogado ang mga detalyadong pagsusuri sa kanya. Isang taon siya dapat magpa-therapy upang ma-overcome niya ang trauma ng aksidenteng kinasangkutan nila.

“Huh, kompleto naman ako dito ng diagnosis.”

“But, have you really met your therapist?”

“Not once.” Naihagis ng abogado ang mga papel sa sahig.

“Humanda ka sa akin, Noel. Bakit nga pala nandito ka? Akala ko ba ay nasa America ka para mag-aral?” Doon na siya umiyak. Nanginginig ang kanyang kalamnan sa galit.

“Titser po ang kursong kinuha ko dahil hindi po ako kayang paaralin ni Tito Noel. Nagtatrabaho na po ako.”

“Sorry, Astrid. Had I known early na ganito ang ginawa niya ay nakagawa sana ako ng paraan. Your parents chose them to be your guardian. After 18 years old, you can access your own money.”

“May pera po ako? Saan” Bakit wala po silang ibinibigay sa akin?”

“Mukhang nagkamali ako ng pinagkatiwalaan.”

“Ano pong gagawin natin?”

“I can only give you advice on what to do, Iha. It’s up to you kung ano talaga ang gusto mong mangyari ngayong alam mo na ang ginawa ng tito mo. Ikaw pa rin ang boss ko.”

Ipinakiusap niyang ituloy ang dating sustento nila. Nakikita kasi niya ang pangangailangan ng kanyang tita Mina. Kailangan niyang magbukas ng personal bank account para diretso na sa kanya anumang pera ang dapat niyang matanggap buwan-buwan. Mabuti at nagkausap na sila ng abogado bago pa siya umalis.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Big Boss
Dalasan mo ang update Miss Author. nakakabiton kasi.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status