Maagang gumising si Astrid ngunit hindi siya tumayo. Nanatili siya sa kanyang higaan at saka tumingin lang sa kisame. Narinig niya ang katok ni Marissa ngunit hindi niya ito pinansin. Nagpabaling-baling siya sa higaan at napakagat-labi ng maalala ang marahas na halik ni Pancho sa kanya.“Damn it! Ako pa lolokohin ninyong dalawa. Ako pa talaga!” Ngunit bigla siyang napangiti. “Hayop na ‘yan. Akala ko ba eh bakla siya pero in fairness ha, medyo pa-macho ang dating. Mukhang naging lalaki na siya.” Tumaas ang kilay ni Astrid pero hindi niya naiwasang mapangiti. Hinila niya ang unan at bigla itong niyakap. “Oh, shit!” Nag-iinit ang katawan niya kapag naiisip si Pancho. Natigilan siya ng muling kumatok si Marissa.“Ma’am Astrid! Ma’am Astrid!” Nakita niyang pinipilit na buksan ng kasambahay ang pinto ng kanyang kuwarto.Dumiretso siya sa banyo at nagsindi ng scented candle. Gusto niyang lalong ma-relax kaya naghanda siya ng milkbath. Hindi na niya pinakialaman kung nagkakagulo na sa unang p
Ilang araw na ring hindi nakakapasok si Astrid dahil sa iskandalong nangyari. Tahimik ang loob ng opisina at pansamantalang bumalik si Anna bilang secretary ni Philip. Hindi inasahan ni Philip ang pagdating ng kanyang ina.Hangos ang magkapatid na Carbonel at nagkasabay pa silang ni Pancho sa elevator. Malalaki ang hakbang nilng pareho patungon ng Advertising Department. Gumilid ang mga staff nang makitang nagmamadali sila. Mya ibang nagbulungan at napangisi pagdaan nila.“Where’s mama?” tanong kaagad ni Philip.“Nasa opisina na po, Sir!”Huminto ang magkuya sa tapat ng pinto. Bahagyang nagkasulyapan at saka mahigpit na hinawakan ng lalaki ang knob saka ito pinihit upang magbukas.“Hello, Mama!” masayang bati ng magkapatid. Humalik pareho sa pisngi ng kanilang ina. “What brings you here, Mama?” Tila ba gulat na gulat pa si Philip. Yumakap pa siya sa inang walang kangiti-ngiti sa kanya.Kabado ang dalawa. Sabay silang naupo sa long sopa at sa harapan nila umupo ang ina. Nakahalukipkip
Ibinaba ni Felix ang kanyang kutsara’t tinidor at tinitigan ang magkapatid na parehong nasa harapan niya.“Minsan lang kayong umuwi para magkasabay-sabay tayong kumain. Ano bang pinagdidiskusyunan ninyong dalawa? Puwede ba tayong kumain ng payapa?” Humugot ng malalim na hininga ang lalaki at itinuloy ang pagkain.“Why? May natitipuhan ba ang kuya mo? Kilala mo ba?” Kumibit-balikat si Philip at tinitigan siya. He doesn’t seem to care.“If you’ll excuse me.” Tinapos kaagad ni Pancho ang pagkain niya.“Pancho, tapos ka na bang kumain?”“Busog na po ako, Mama.” Siya ang unang nagpaalam. Pero hinabol siya ni Philip sa loob ng kanyang kuwarto.“Why are you here?” He is just the same calm and cool guy even under pressure.“Are you avoiding me?”“Alam mo pala eh, bakit mo pa ako tinatanong?”“Siya pa rin ba?”“You know what, I pity you. Look at you, kaya hanggang diyan ka na lang dahil wala kang ginawa kundi makipagkompetensiya sa akin. You have taken her, happy ka na?”Pero hindi masaya si P
Huli nang naisip ni Astrid na bumili na lang ng property sa Florida. Pinagpasa siya ng katibayan ng mga minanang ari-arian mula sa kanyang yumaong magulang at maging ang kanyang shares sa stock market. Nagdadalawang – isip pa nga siya ngunit iyon ang mas makabubuti para hindi naman isipin ng gobyerno na magti-TNT siya roon. Sa ilang buwan niya sa Pilipinas ay nagpasalamat siya na hindi nagkasakit ang kambal. Lumabas siya ng kuwarto ng makatulog ang mga bata. Hindi niya maiwasang hindi mag-isip lalo pa’t nakita niyang muli ang ama ng mga bata. “Bakit hindi na lang tayo umuwi, Iha? Iyon eh, suhestiyon ko rin sa iyo.” There is a reason why things happened again that way. Kailangan na naman niyang lumayo. “Bakit may mga taong katulad nila, Yaya? Hindi ako manghihinayang sa nangyari. Pero paano ko mamahalin ang lalaking iyon?” “Sino ba ang tinutukoy mo, Iha?” “Paano po kung kuya pala ni Philip ang lalaking iyon?” “Huh, Kuya ni Philip? Are you sure?” “Hindi ko rin po lubos mapaniwal
Lulubusin ni Astrid ang panahon na kasama ang mga bata. Hindi nila pinalampas ang ultimate dream ng lahat, maging bata o matanda. Nagpunta sila sa Disneyland at makita sina Mickey Mouse at ang mga prinsesa. Maging ang Universal Studios at SeaWorld ay hindi rin nila pinalampas.“Thank you, Mommy.”“Welcome, Ashton.”Ngunit napansin ni Astrid na tahimik si Ashley habang nakatingin sa isang pamilya. Nalungkot siya dahil tatay ang hinahanap ng mga bata.“Anong plano mo, Besh?”tanong ni Carmi.“Hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa mga bata.”“At paano mor in sasabihin sa tatay nila?”“This is a very aweful situation, Rose. Who would have thought na kapatid pala siya ni Philip? Why in the world is he there? Why did he do it with me?”“Besh, tanungin mo siya kapag nagkita kayong muli. Payong kapatid lang, Astrid. Hindi lang sarili mo ang iisipin mo ngayon. May mga anak ko. Lumilipas ang mga araw, hahanapin nila ang kanilang ama.”“Kaya ko ba?”“Do it for the sake of your kids.”May mga
Pag-alis ni Astrid ay walang sabi-sabing bumalik na rin si Castela na parang walang nangyari. Sa condo unit pa rin ni Philip siya umuwi. Nagulat pa si Philip ng dumating siya at nandoon ang asawa.“May gana ka pang umuwi?”“Bakit naman? Huwag mo akong ganyanin ha! Ginawa ko pa rin ang trabaho ko sa kompanya ninyo. Anyway, sayang at hindi ko inabutan ang aking darling cousin. I would like to thank her to relieving Anna from her secretarial work. I hope you too had a great time.”“Great time? Anong ibig mon sabihin? Did you really purposely exchange secretary with me so that we can patch things up? Knowing that I am already married? Anong klaseng pag-iisip mayroon ka?”“Did you enjoy?”“You are unbelievable, Castela. All this time, you think that making her my secretary is a time for us to patch up things? Sino ka para gawin iyon sa aming dalawa? Asawa mo ako at ikaw pa ang nagtutulak sa akin para magkasala. Hindi mo ba alam na malaking kasalanan ang pakikiapid.”“And you think I didn’
Hindi halos makasabay sa kuwentuhan si Astrid dahil naninibago siya na hindi kasama ang mga bata. Pangiti-ngiti lang siya ngunit hindi niya naiintindihan ang pinag-uusapan. Mahirap sa kalooban ang iwan sila sa pangangalaga ni Yaya Magda na medyo matanda na rin.“Konting tiis pa mga anak. Hindi pa ako sigurado sa kanya.” Iyon ang nausal niya sa sarili matapos iwan sa kuwarto ang mga batang natutulog.Hanggang sa mag-decide na siya na huwag nang masyadong magtagal sa America. Gusto lang din niyang makitang maayos ang kalagayan ng mga anak. Para sa kanya, hindi pa tapos ang misyon niya sa Pilipinas kaya siya muling babalik.“Bukas na kayo umuwi. Malinis na ang mansion. Naipalinis ko siya last week kasama ang mga kasambahay namin. But as you said, hindi ko na muna pinakialaman ang pintura nito kung gusto mong papalitan.”“Thanks, Attorney.”“Tito Dave na nga eh okay na sa akin ‘yun.”“Yes, Tito Dave. Salamat po.”“Tulog na, Ma’am. Nag-iisip ka na naman.” Parang kapatid na ang turing ni As
Lalong nainip si Pancho. Kating kati talaga siyang umuwi. Gusto niyang hilahin ang araw upang matapos ang biyahe niyang iyon. Halos liparin niya ang Tokyo Airport ng matapos sa loob ng sampung araw ang kanilang agenda sa business guild. Kung puwede lang niyang sabihin sa piloto na dalian dahil gustong gusto na niyang umuwi ay sinabi na niya ngunit kinalma niya ang sarili.Mabilis silang nakapagpa-book ng flight same day after matapos ang meeting. Hindi na niya naisip ang jetlag. Parang sa Law Office na siyang makikipagkape dahil gusto niyang dumiretso kay Atty. Morales.Masaya niyang binati ang lalaki. Iniabot niya ang pasalubong na alak para sa kanya. Iyon ang madalas niyang dalhin sa kanya kahit hindi siya nakakakuha ng matinong sagot sa kanya. Matinik siyang magtago ng sikreto.“Kumusta, Pancho? Nandito ka na naman?”“Yeah, as always. Is she coming?” Kumibit- balikat siya. Mukhang false hope na naman. “Let’s have a coffee.” Alam na ng sekretarya ni Dave ang gagawin lalo na kapag na
Pumasok sa malawak na bakuran ng mansion ang kotse ni Pancho. Kalmado lang si Artemis. Pagdating sa loob ng kabahayan ay kitang kita ni Artemis sa mga mata ng dalawang matanda ang labis na pagkabigla na may kasamang excitement.Lalong nakaramdam ng nerbiyos si Artemis“Mama, Papa meet Artemis Reid. Artemis, meet my parents.”“Pancho, hindi mo sinabing isasama mo siya rito.”“Siya po ang bagong modelo ng BCC but unfortunately, she is with Xity’s group.”“OMG! kamukhang kamukha siya ni Astrid. Paano nanngyari ito? Kakambal mo ba si Astrid?” Hindi napigilan ni Lynette na yakapin si Artemis.Hindi magawang tumawa ni Artemis pero nakangiti lang siya. Niyakap din niya ang Mama at Papa ni Pancho bilang paggalang sa kanilang unang pagkikita.“Good evening po. Halika. Tuloy ka. You are most welcome. Tamang tama ang uwi mo, Pancho.”Tahimik ang lahat habang nasa hapag-kainan. Lynette looked intently on Artemis.“You want some more?” Pork adobo ang hinanda nilang ulam. Napansin ni Pancho na tina
Napatakbo si Artemis sa loob ng cr. Naramdaman niyang tila hinahalukay ang kanyang tiyan sa dami ng kanyang nainom. “That’s terrible…” Nasa likuran siya at hinagod ang kanyang likod. Matapos magmumog at humarap sa kanya ang lalaki at binigyan siya ni Pancho ng good morning kiss.“Good morning! Siguro naman eh puwede kang mag-offer ng almusal for bringing you home and becoming your comforter.”“Sorry, Sir Pancho. Marami po ba akong nainom kagabi? Do I look weird or what? Mukhang hindi ka na nakauwi.” Dire-diretsong sabi ni Artemis. Napaupo siya sa kama. “May nangyari ba?”“Wala namang nangyari pero are you expecting? Sakit nga ng kabog mo sa dibdib ko eh, natakot nga ako kasi parang malalaglag ang baga ko.” Bigla natawa ng malakas si Pancho.“Gusto mong mabugbog ngayon para puso mo ang mahulog.”“Deal!”“Tsss, tigilan mo ako, Mr. President. Go home.”“I haven’t had my breakfast yet. Don’t worry, umorder na ako ng breakfast.” Tumunog ang doorbell kaya nagmadaling bumaba si Pancho. “Ba
Dahil sa isang instant announcement ng engagement ay napasubo si Pancho. Hindi lang niya talaga ugaling magpahiya ng tao. He wants Nadine to give up her own delusions. He does not consider that engagement kaya niyang siya mismo ang magpaliwanag sa parents niya but she kept putting an act.Nadine is such a sweet lady, with beauty, brain and confidence kaya naging lawyer but she is not a wife material. Hindi mapapahiya ang sinumang lalaki kapag kasama siya. She is a total package. Kung talagang interesado si Pancho sa kanya noon, high school pa lang pinangatawanan na niya ang pagiging childhood sweethearts nilang dalawa.He warned her twice.“Sabihin mo na ang totoo dahil kapag ako ng nagsalita, mapapahiya ka talaga!” sumbat ko sa harapan niya.For half a year, Pancho tried to be her boyfriend kuno. Kagat na kagat naman ang kanyang magulang at gusto ring makita ng binata kung anong magiging reaction ng kanyang ina. He knew how she liked Astrid for him.“Paano ang mga bata? Alam na ba ni
“You are making me crazy Miss Reid. Your face looked exactly like ….my fiancée!”“Is that what you need to confirm?”“Miss Reid…”“You can go, Mr. President. Your fiancée, ‘yung kamukha ko? Oh, come on, you know your fiancée too well right? If you do, you don’t need to confirm something like this? O, baka naman style mo lang ‘yan?”Napakunot ang noo niya sa kanyang narinig. Sapo niya ang kanyang ulo at gusto niyang matunaw sa labis na kahihiyan at heto ngayon, inisip ni Artemis na alibi lang lahat ng iyon. Napabuntung-hininga na lang siya.“Hindi ako tulad ng iniisip mo.” Inirapan niya ang babaeng kausap.“Besides, you are engaged, that’s what I heard. Kung sakali, ano pang babalikan niya?” Tumayo si Artemis at lumapit sa center table kung saan niya iniwan ang alak ng nagdaang gabi.“What do you mean?”“I am referring to your girlfriend, Astrid.”“How do you know her?”“You mentioned her name while kissing me. Ako ba si Astrid?”“Your eyes, your smile, your kiss…”“You must have forgo
Biglang nawala sa mood si Castela at ayaw niyang umattend sa mga events ng BCC. Tiyak na ang malamig na pakikitungo ng nakatatandang kapatid ang sasalubong sa kanya. Kahit magpaliwanag siya ay parang balewala rin ang lahat sa kanya. Alam niyang Malaki ang problema ni Pancho at wala siyang naitulong nang maglahong parang bula si Astrid kaya lalo niyang binakuran ang asawa upang hindi na makagawa ng hakbang na makakapagpalala sa sitwasyon nilang magkapatid. Kahit si Philip ay may mga problema ring kinakaharap sa kanilang relasyon bilang mag-asawa. Wala siyang hinangad kundi ang magkaroon sila ng anak upang mabuo ang kanilang pamilya.Kinabukasan, nalaman na lang ni Philip sa mga staff ang umiikot na balita sa buong kompanya. Nadatnan niya ang alingasngas ng mga empleyado sa Marketing Department. Maging si Philip ay nasaksihan ang tila malaking kababalaghan sa BCC. Noong isang araw pa niya naispatan ang babaeng kamukhang- kamukha ni Astrid. Gulat na gulat siya at hindi makapaniwala. Para
Pinili ni Astrid ang umalis at iwan kay Pancho ang mga bata upang makaiwas sa mas malagim na plano ni Castela. Wala na siyang sinasanto. Hindi na niya naisip na magpinsan sila. Walang kama-kamag-anak. Ang mahalaga ay maihatid siya sa kanyang huling hantungan.Naging tahimik ang buhay ni Astrid. Sinakap niyang magpakatatag.Inihatid nina Attorney at Benny si Astrid sa Florida. Sinagot nila ang pamasahe dahil kritikal at nasa panganib si Astrid. Gusto niyang masiguro ang kaligtasan ng kanyang kliyente.“Ilayo mo ako dito, Attorney. Make it quick. I wanna live. I want to live with my kids and Pancho.” Halos pabulong na pakiusap ni Astrid. Mahigpit niyang hinawakan ang kuwelyo ni Attorney. Hinang-hina pa siya at parang hinahabol ang kanyang buhay.Nagdesisyon kaagad ang kanyang abogado na gawin ang nararpat para sa kanyang boss lalo na’t may banta sa buhay niya.‘Hon, magiging okay lang kaya si Astrid dito.”Mahigpit ang kapit ni Benny sa braso ng kanyang asawa.“Huwag kang mag-alala.” Kas
Hindi lang ang mga Carbonel ang nag-alala ng todo dahil sa pangyayari. Umiiyak ang mag-asawang Morales ng mabalitaan ang aksidente. Ngunit hindi lang iyong ang problema. Nagkaroon rin ng panloloob sa mansion kaya hindi maiwasan ni Dave na mapaisip na baka mag sumasabotahe kay Astrid.Tanghali ng maaksidente si Astrid. Kinagabihan naman ng pinasok ng hindi kilalang mga lalaki ang mansion.Napailing ang hindi katandaang lalaki. Nagsimula ang lahat noong magkaroon ng salu-salo sa mansion. Pinaiimbestigahan na ang pangyayari. Ngunit nalaman nilang wasak ang lahat ng CCTV at wala ang mga SD card ng naglalaman ng lahat ng CCTV footages. Walang nawawalang mga pera at alahas ngunit pinasamantalahan si Marissa bago ito binaril.Huli na ng makita ni Pancho ang pinadalang kopya ng SD card na kailangan niya laban kay Castela.“Si Castela ang kailangan nating paimbestigahan, Attorney,” diin ni Pancho.“Pancho, hipag mo ‘yun,” paliwanag ng abogado.“Wala akong pakialam. Wala pa rin akong tiwala sa
“Maghintay ka na lang sa balita, Nadine and Pancho will be yours.” Nakikinig lang ng tahimik ang babae sa kabilang linya habang iba ang kanyang nai-imagine sa kanyang isipan.Kung may plano si Castela, mayroon din siya ngunit hindi para kina Astrid at Pancho. Nakita naman niyang masaya ang lalaki sa kanyang desisyon. Wala na ring pakialam sa Adelle.“Bilog ng mundo, Castela. For sure, the world will have its 360 digri turn on you. I pity you my darling.” Narinig niyang pinatay n ani Castela ang kabilang linya.Kritikal ang kondisyon ni Astrid ngunit mabilis siyang natanggal sa loob ng kotse. Walang inaksayang pagkakataon ang Emergency Rescue Team. Nilagyan siya ng neckbrace atsaka sabay-sabay na iniangat ang kanyang duguang katawan. Mabilis ang kilos ng mga medic sa loob ng ambulancia.Ikinabit ang ilang gadget sa kanya. Kinuha ang kanyang blood pressure. Wala siyang malay ng mga oras na iyon at lalong humihina ang kanyang pulso hanggang biglang mag-flat ito.Binigyan na siya ng CPR
Bago umalis sa America ay masinsinang nag-usap sina Pancho at Melvin. Akala pa nga ni Astrid ay mag-aaway ang dalawa ngunit ang seguridad lang ni Astrid at ng mga bata ang inaalala ni Melvin.“Why do you worry so much about my kids?”“I considered them my kids too.”“Get real. Get yourself a wife and make babies.”“Don’t dare joke on me like that.”“Don’t you dare cling to my wife and my kids.”Hindi doon nagtatapos ang iringan ng dalawa. Hindi pa sumusuko ang pusong matagal nang umasa kay Astrid. Sinuyo niya ang babae ngunit hanggang kaibigan lang talaga sila.Sumunod si Melvin sa Pilipinas. Sinikap niyang alamin ang detalye tungkol kay Pancho. Tumuloy siya sa hotel at sinigurong masosorpresa ang mga bata sa kanyang pagdating. Natunton niya ang bahay ni Astrid.“Melvin! What are you doing here?” Napasigaw ang babae sa terrace matapos makaalis ni Pancho.Patakbong pingbuksan ni Marissa ng gate ang bagong dating na bisita. Napalutong muli si Yaya Magda. Alam niya ang gustong almusal ng