Ibinaba ni Felix ang kanyang kutsara’t tinidor at tinitigan ang magkapatid na parehong nasa harapan niya.“Minsan lang kayong umuwi para magkasabay-sabay tayong kumain. Ano bang pinagdidiskusyunan ninyong dalawa? Puwede ba tayong kumain ng payapa?” Humugot ng malalim na hininga ang lalaki at itinuloy ang pagkain.“Why? May natitipuhan ba ang kuya mo? Kilala mo ba?” Kumibit-balikat si Philip at tinitigan siya. He doesn’t seem to care.“If you’ll excuse me.” Tinapos kaagad ni Pancho ang pagkain niya.“Pancho, tapos ka na bang kumain?”“Busog na po ako, Mama.” Siya ang unang nagpaalam. Pero hinabol siya ni Philip sa loob ng kanyang kuwarto.“Why are you here?” He is just the same calm and cool guy even under pressure.“Are you avoiding me?”“Alam mo pala eh, bakit mo pa ako tinatanong?”“Siya pa rin ba?”“You know what, I pity you. Look at you, kaya hanggang diyan ka na lang dahil wala kang ginawa kundi makipagkompetensiya sa akin. You have taken her, happy ka na?”Pero hindi masaya si P
Huli nang naisip ni Astrid na bumili na lang ng property sa Florida. Pinagpasa siya ng katibayan ng mga minanang ari-arian mula sa kanyang yumaong magulang at maging ang kanyang shares sa stock market. Nagdadalawang – isip pa nga siya ngunit iyon ang mas makabubuti para hindi naman isipin ng gobyerno na magti-TNT siya roon. Sa ilang buwan niya sa Pilipinas ay nagpasalamat siya na hindi nagkasakit ang kambal. Lumabas siya ng kuwarto ng makatulog ang mga bata. Hindi niya maiwasang hindi mag-isip lalo pa’t nakita niyang muli ang ama ng mga bata. “Bakit hindi na lang tayo umuwi, Iha? Iyon eh, suhestiyon ko rin sa iyo.” There is a reason why things happened again that way. Kailangan na naman niyang lumayo. “Bakit may mga taong katulad nila, Yaya? Hindi ako manghihinayang sa nangyari. Pero paano ko mamahalin ang lalaking iyon?” “Sino ba ang tinutukoy mo, Iha?” “Paano po kung kuya pala ni Philip ang lalaking iyon?” “Huh, Kuya ni Philip? Are you sure?” “Hindi ko rin po lubos mapaniwal
Lulubusin ni Astrid ang panahon na kasama ang mga bata. Hindi nila pinalampas ang ultimate dream ng lahat, maging bata o matanda. Nagpunta sila sa Disneyland at makita sina Mickey Mouse at ang mga prinsesa. Maging ang Universal Studios at SeaWorld ay hindi rin nila pinalampas.“Thank you, Mommy.”“Welcome, Ashton.”Ngunit napansin ni Astrid na tahimik si Ashley habang nakatingin sa isang pamilya. Nalungkot siya dahil tatay ang hinahanap ng mga bata.“Anong plano mo, Besh?”tanong ni Carmi.“Hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa mga bata.”“At paano mor in sasabihin sa tatay nila?”“This is a very aweful situation, Rose. Who would have thought na kapatid pala siya ni Philip? Why in the world is he there? Why did he do it with me?”“Besh, tanungin mo siya kapag nagkita kayong muli. Payong kapatid lang, Astrid. Hindi lang sarili mo ang iisipin mo ngayon. May mga anak ko. Lumilipas ang mga araw, hahanapin nila ang kanilang ama.”“Kaya ko ba?”“Do it for the sake of your kids.”May mga
Pag-alis ni Astrid ay walang sabi-sabing bumalik na rin si Castela na parang walang nangyari. Sa condo unit pa rin ni Philip siya umuwi. Nagulat pa si Philip ng dumating siya at nandoon ang asawa.“May gana ka pang umuwi?”“Bakit naman? Huwag mo akong ganyanin ha! Ginawa ko pa rin ang trabaho ko sa kompanya ninyo. Anyway, sayang at hindi ko inabutan ang aking darling cousin. I would like to thank her to relieving Anna from her secretarial work. I hope you too had a great time.”“Great time? Anong ibig mon sabihin? Did you really purposely exchange secretary with me so that we can patch things up? Knowing that I am already married? Anong klaseng pag-iisip mayroon ka?”“Did you enjoy?”“You are unbelievable, Castela. All this time, you think that making her my secretary is a time for us to patch up things? Sino ka para gawin iyon sa aming dalawa? Asawa mo ako at ikaw pa ang nagtutulak sa akin para magkasala. Hindi mo ba alam na malaking kasalanan ang pakikiapid.”“And you think I didn’
Hindi halos makasabay sa kuwentuhan si Astrid dahil naninibago siya na hindi kasama ang mga bata. Pangiti-ngiti lang siya ngunit hindi niya naiintindihan ang pinag-uusapan. Mahirap sa kalooban ang iwan sila sa pangangalaga ni Yaya Magda na medyo matanda na rin.“Konting tiis pa mga anak. Hindi pa ako sigurado sa kanya.” Iyon ang nausal niya sa sarili matapos iwan sa kuwarto ang mga batang natutulog.Hanggang sa mag-decide na siya na huwag nang masyadong magtagal sa America. Gusto lang din niyang makitang maayos ang kalagayan ng mga anak. Para sa kanya, hindi pa tapos ang misyon niya sa Pilipinas kaya siya muling babalik.“Bukas na kayo umuwi. Malinis na ang mansion. Naipalinis ko siya last week kasama ang mga kasambahay namin. But as you said, hindi ko na muna pinakialaman ang pintura nito kung gusto mong papalitan.”“Thanks, Attorney.”“Tito Dave na nga eh okay na sa akin ‘yun.”“Yes, Tito Dave. Salamat po.”“Tulog na, Ma’am. Nag-iisip ka na naman.” Parang kapatid na ang turing ni As
Lalong nainip si Pancho. Kating kati talaga siyang umuwi. Gusto niyang hilahin ang araw upang matapos ang biyahe niyang iyon. Halos liparin niya ang Tokyo Airport ng matapos sa loob ng sampung araw ang kanilang agenda sa business guild. Kung puwede lang niyang sabihin sa piloto na dalian dahil gustong gusto na niyang umuwi ay sinabi na niya ngunit kinalma niya ang sarili.Mabilis silang nakapagpa-book ng flight same day after matapos ang meeting. Hindi na niya naisip ang jetlag. Parang sa Law Office na siyang makikipagkape dahil gusto niyang dumiretso kay Atty. Morales.Masaya niyang binati ang lalaki. Iniabot niya ang pasalubong na alak para sa kanya. Iyon ang madalas niyang dalhin sa kanya kahit hindi siya nakakakuha ng matinong sagot sa kanya. Matinik siyang magtago ng sikreto.“Kumusta, Pancho? Nandito ka na naman?”“Yeah, as always. Is she coming?” Kumibit- balikat siya. Mukhang false hope na naman. “Let’s have a coffee.” Alam na ng sekretarya ni Dave ang gagawin lalo na kapag na
Pagud na pagod sa buong maghapon si Astrid. She has no choice but allow him to bring her home because he insists. But it’s a rule, ayaw niyang hinahawakan siya ni Pancho. Iba kasi ang pakiramdam. Para siyang nakukuryente sa hawak ng lalaki. Natatakot siya na biglang bumigay ang makapag na pader sa pagitan nila.Ipagbubukas pa sana siya ng pinto pero inunahan na niyang lumabas. Nagpaalam kaagad siya at nag-doorbell. Pinagbuksan naman kaagad siya ni Marissa at halos magtatakbo siya sa loob.Hindi na siya lumingon. Pati si Marissa ay hinila niya sa loob.“Ma’am, bakit kayo magkasama ni Sir Pancho? Bakit hindi mo po pinapasok?”“Huwag ka nang mausisa. Halika na sa loob. Dalian mo!”“Nasaan po ang kotse mo?” Sumunod na umakyat si Marissa sa kuwarto ng amo. Iniakyat niya ng mga tinuping damit sa kuwarto niya.“Naiwan po kina Attorney. Bukas ko na lang po kukunin. Inihatid ako ni Sir Pancho.”“Bakit hindi mo man lang po pinapasok?” Hindi umimik si Astrid. “Kakain ka pa po ba? May pagkain na
Hayun, sleeping ang beauty niya. Idiniretso na siya ni Pancho sa mansion. Napauwi tuloy sila ng maaga. Gulat na gulat si Marissa.“Naku po, Ma’am. Ano pong nangyari kay Ma’am Astrid?”“Pasensiya na. Nalasing kaagad eh.”“Hindi ko po man lang nasabi sa inyo na huwag na siyang paiinumin ng alak. Mabilis po kasi siyang malasing.”At ang ending, iniakyat siya sa second floor, sa loob ng kanyang sariling kuwarto kaya lang, naipit ang kamay ni Pancho sa ilalim nito. Bumaling pa si Astrid at niyakap sa leeg ang binata.“Tsk! Tsk! Tsk! Parang iba ang gustong mangyari ni Ma’am.” Napaupo si Pancho sa gilid ng kama. “Sir…” Nagkatinginan ang dalawa. “Dito ka na lang po matulog at tabihan na ninyo si Ma’am. Hindi na po ‘yan gigising. Bukas na po kayo umuwi.”“Marissa, tulungan mo ako rito!” Hindi magawang sumigaw ni Pancho.“Heto naman si Sir. Si Ma’am Astrid lang po ‘yan. Good boy naman po kayo, hindi ba?” Makahulugan ang ngiti ni Marissa habang papalayo sa dalawa. Hindi naman makasigaw ang bin