Hayun, sleeping ang beauty niya. Idiniretso na siya ni Pancho sa mansion. Napauwi tuloy sila ng maaga. Gulat na gulat si Marissa.“Naku po, Ma’am. Ano pong nangyari kay Ma’am Astrid?”“Pasensiya na. Nalasing kaagad eh.”“Hindi ko po man lang nasabi sa inyo na huwag na siyang paiinumin ng alak. Mabilis po kasi siyang malasing.”At ang ending, iniakyat siya sa second floor, sa loob ng kanyang sariling kuwarto kaya lang, naipit ang kamay ni Pancho sa ilalim nito. Bumaling pa si Astrid at niyakap sa leeg ang binata.“Tsk! Tsk! Tsk! Parang iba ang gustong mangyari ni Ma’am.” Napaupo si Pancho sa gilid ng kama. “Sir…” Nagkatinginan ang dalawa. “Dito ka na lang po matulog at tabihan na ninyo si Ma’am. Hindi na po ‘yan gigising. Bukas na po kayo umuwi.”“Marissa, tulungan mo ako rito!” Hindi magawang sumigaw ni Pancho.“Heto naman si Sir. Si Ma’am Astrid lang po ‘yan. Good boy naman po kayo, hindi ba?” Makahulugan ang ngiti ni Marissa habang papalayo sa dalawa. Hindi naman makasigaw ang bin
Samantala, na-miss din ni Astrid ang dating mga katrabaho sa halip na ang dating mga co-teachers niya. Matagal na siyang nakauwi pero hindi man lang niya nakumusta ang mga ito. Hindi naman siya active sa social media.“Hello, Kelly. Astrid here. Kumusta ka na?” Himala dahil nag reply kaagad siya.“Uy, girl! kumusta ka na? “ Narinig niya ang tili niya.Nagyaya siya na magkita-kita sa dati nilang hang out sa Korean Grill.“Ako ang taya,” sabi niya. Nagtaka si Marissa ng umalis ang kanyang amo. “Marissa, aalis lang ako. Kapag tumaawag si Yaya Magda, tell her na tatawag ako pag-uwi ko.”“Yes, Ma’am. Ingat po kayo.” Halos mag-iyakan sila nina Hariette at Evana pati si Ace at Sam ay nandoon pa rin. Si Jana at Sandy ay sumunod na lang.“Nagtaka nga si Sir Philip kumbakit maaga kaming umalis. Nakasalubong namin si Sir Pancho.”“Simula noong umalis ka, doon din nagtapos ang aming mga get together.““Uy, bumalik na si Ma’am Castela right after mong makaalis sa kompanya.”“Pero , ikaw pa naman a
Hinarap niya ang babae at nataranta si Pancho kung paano aawatin ang dalawa.“Baka may mas importante kang dapat asikasuhin kaysa ang trabaho.”“Yeah, we are going to talk about our marriage. Oh, wait! Bakit nandito ang babaeng iyan?”“Go out, Nadine. I have to talk to my client now.”“Client? Siya?”“I came early to accept the modeling contract.”“Modeling contract? Wait! Wow, how can you make a slutty mistress a model? A model mistress perhaps. Wala ba kayong standard sa pagkuha ng model?”“Mr. Carbonel, sabihan mo ang fiancée mo na hindi niya ako kilala para husgahan niya ako. She came barging in without any excuse. Nasaan ang manners niya? Can’t you just be professional? Siguro naman alam niya rin iyon, hindi ba, Miss?“Hindi inaasahan ni Pancho ang magiging asta ni Nadine.“Look, Nadine… sorry, Miss Astrid.”“Are you saying sorry to her? Presidente ka dito at hindi ka dapat nagso-sorry sa kanya. Sino ba siya?”“And how about you? Being the soon-to-be Carbonel does not give you th
Minabuti ni Pancho na hindi na muna ungkatin ang kanyang damdamin para sa babae. Nagkatagpo sila sa hindi magandang sitwasyon kaya hindi niya masisigurado na magtitiwala kaagad siya sa mga sasabihin ni Pancho.Ayaw na muna niyang ungkatin ang nangyari sa kanila noon. Pancho would say sorry but having done it for the first time with her, he surely treasured it until that moment.Hindi rin palalampasin ni Pancho ang ginawa ni Castela ngunit si Philip ang sinugod niya sa opisina. Busy ang lahat ng oras na iyon. Nadatnan niyang nagmi-meeting sila pero wala siyang pakialam.“Everybody get out, right now!” Pulasan ang lahat. Una-unahang makalabas. Ramdam nila ang tension kaya lahat ay sumunod kaagad.“Kuya…” Ibinalibag ko ang pinto at halos manggigil ako sa kanya. Nahablot ko ang kanyang kurbata. Pinitsarahan ko talaga siya. “Ano bang nangyari sa iyo?”“Ikaw, pagsabihian mo ang asawa mo ha!”“Anong kinalaman ni Castela dito? May ginawa ba siya?”“So, hindi mo alam na sinugod niya si Astrid
“Nakakahiya Sir…”“Wala kang dapat alalahanin sa parents ko. Mababait silang pareho.” Nilapitan nila kaagad ang mga magulang ni Sir Pancho. Abut-abot din ang kaba sa dibdib ni Pancho.“Sinusubukan mo talaga ako, Pancho.” Text message iyon ni Nadine. Wala siyang pakialam dahil ang mahalaga ay maipakilala niya si Astrid sa kanyang mga magulang.“Happy 40th anniversary po, Ma’am, Sir.” At iniabot ng dalaga ang kanyang regalo. Fountain pen iyon para sa kanilang dalawa. Natuwa ang mag-asawa sa makahulugang regalo na ibinigay niya.“Oh, thank you Iha.”“Mama, Papa, meet Astrid. Nililigawan ko po.”“Hay ano ka ba naman, Pancho? Forty years old ka na…ngayon ka pa lang natututong manligaw,” sabi ng Papa niya.“Naku Iha! I hope to see you often with Pancho. Next na balik mo rito, puwede bang ipakilala ka na ni Pancho na…”“Girlfriend na sana, Mama.” Pero, hinampas siya ng ina.“Fiancee is much better, Iha.” Nagulat si Pancho sa sinabi ng ina. “Pancho is not getting any younger. Kapag nag-fifty
Kinabukasan ay back to normal ang mga bagay-bagay sa opisina. Maraming naghihintay na pipirmahan sa mesa ni Pancho. Medyo na-neglect niya iyon dahil sa ilang mga importanteng bagay na dapat niyang unahin.Before Pancho even starts his day, hindi niya nakalimutang umpisahan ang araw na boses ni Astrid ang naririnig niya. Goal niya ngayon na mapasagot ang babae. Tumunog ang linya sa kabila.“Hello!” Halatang kagigising lang ang boses ni Astrid. Mukhang nasa kama pa siya.“Wake up! Mag-inat-inat ka na at mag-jogging ng konti sa bakuran ninyo!”“Hmmm…” Naririnig niya ang malakas na audio sa kabilang linya. “Antok pa ako, Pancho.”“Favor naman…”“What?”“Ipagluto mo ako ng pork adobo. I’ll come and eat with you. Diyan ako nakikikain ng hapunan sa inyo.”“What? You are going to eat me? Ganyan ka ba kagutom?”“Hay naku, antok ka pa nga. Sige na, tulog pa.”“Bye, Pancho….” Napangiti si Pancho dahil halos tumalon ang puso niya sa tawag na iyon ng babae. Maybe she doesn’t mean it kasi antok pa
Pagdating ko ng 25th floor, hindi pa rin siya makakapasok ng ganoon kadali. May receptionist sa pinto then she made a call upon looking at Astrid. Pinapasok siya pero pormal ang babae sa loob.Ngumiti siya at napatutop siya ng bibig.“Omg, Miss Astrid! What brings you here, Ma’am?” tanong ni Zelda.“Nandiyan ba si Sir Pancho?” tanong niya. “May lakad po ba kayo?” sabay tingin sa schedule nito. Halatang na-pressure si Miss Zelda.Siya ang unang sumilip. May kausap pa ito pero saglit na lang daw iyon. Pinaupo muna siya. She offered something pero tinanggihan ni Astrid. It took her 30 minutes to wait.Paglabas ng isang middle-aged man sa kanyang opisina, itinawag ni Miss Zelda ang pagdating ni Astrid. Nagulat silang pareho ng bumukas ang pinto.“Nakakagulat naman po kayo, Sir?” Napahawak si Zelda sa kanyang dibdib.“Kanina ka pa? Ikaw ba yung…why did you make her wait, Zelda? Kapag si Miss Astrid you should have interrupted me, okay lang!” Gusto niyang matawa sa pag-aalala niya. sobra
Rampa- rampa muna ang lahat. Nandoon ang trainor nila, looking intently on them. Kinukorek ang mga maling posture ng ilan pati ang pag right turn and left turn ay pinapansin niya.“Astrid, don’t slouch! Be confident, Iha. You have a nice curve so, chin up!” utos ng babae.“Wow! Nice curve? My butt…nakakainis ha!” Hindi na naitago ni Adelle ang pagkadismaya. Kitang-kita ng mga kasamahan ang naging facial expression niya.“Who is she?” tanong ni Hendrix. May mga kasama rin silang lalaking modelo.“Medyo timid pa siya.” komento naman ni Bambie.“Her height is not even for a model,” tahasang sabi ni Adelle. Napatango naman ang iba at tiningnan siya. Palangiti siya sa karamihan doon. At may assistant pang lumapit sa kanya to give her water.“Is she allowed to bring assistant?” Napakibit-balikat ang ilan. “Sino ba siya?” Lalo tuloy na-curious ang iba sa kanya.Hinanap talaga ni Adelle kung saan siya pumupunta after the break. Adelle found out one room sa bandang dulo nang pasilyo, ilang lay
Naging successful ang operasyon ni Astird. Hindi na siya makakapagkaila kay Pancho. Wala na siyang alibi na masasabi. Hindi na rin itatago nina Lynette at Felix ang buong katotohanan sa kanilang anak.May mga pulis na nakabantay sa pinto ng pribadong kuwarto ni Astrid. Gugulong pa ang imbestigasyon sa pamamaril sa kanya and Castela was jailed immediately. Mahigpit na tinutulan ni Lynette na magpiyansa si Philip para sa kanyang asawa.“Mama, malala na po ang sakit ni Castela. Hindi ko siya hahayaan sa loob ng kulungan.”“Bring her straight to a mental facility. Ayokong gumawa na naman siya ng gulo kapag nakita niya si Astrid.”“Mama…”“Ang sabi ko ay nasabi ko na, Philip. Kapag gumawa pa ulit ng gulo si Castela, you’ll never know what I can do.” Hindi mawari ni Philip ang pahiwatig ng kanyang ina.Nakaligtas din si Philip sa aksidenteng pagputok ng baril ni Castela ng agawin nito ang baril sa asawa. Tinamaan siya sa hita.Sa roof top, masinsinang nagkausap ang dalawa habang pareho si
Pumasok sa malawak na bakuran ng mansion ang kotse ni Pancho. Kalmado lang si Artemis. Pagdating sa loob ng kabahayan ay kitang kita ni Artemis sa mga mata ng dalawang matanda ang labis na pagkabigla na may kasamang excitement.Lalong nakaramdam ng nerbiyos si Artemis“Mama, Papa meet Artemis Reid. Artemis, meet my parents.”“Pancho, hindi mo sinabing isasama mo siya rito.”“Siya po ang bagong modelo ng BCC but unfortunately, she is with Xity’s group.”“OMG! kamukhang kamukha siya ni Astrid. Paano nanngyari ito? Kakambal mo ba si Astrid?” Hindi napigilan ni Lynette na yakapin si Artemis.Hindi magawang tumawa ni Artemis pero nakangiti lang siya. Niyakap din niya ang Mama at Papa ni Pancho bilang paggalang sa kanilang unang pagkikita.“Good evening po. Halika. Tuloy ka. You are most welcome. Tamang tama ang uwi mo, Pancho.”Tahimik ang lahat habang nasa hapag-kainan. Lynette looked intently on Artemis.“You want some more?” Pork adobo ang hinanda nilang ulam. Napansin ni Pancho na tina
Napatakbo si Artemis sa loob ng cr. Naramdaman niyang tila hinahalukay ang kanyang tiyan sa dami ng kanyang nainom. “That’s terrible…” Nasa likuran siya at hinagod ang kanyang likod. Matapos magmumog at humarap sa kanya ang lalaki at binigyan siya ni Pancho ng good morning kiss.“Good morning! Siguro naman eh puwede kang mag-offer ng almusal for bringing you home and becoming your comforter.”“Sorry, Sir Pancho. Marami po ba akong nainom kagabi? Do I look weird or what? Mukhang hindi ka na nakauwi.” Dire-diretsong sabi ni Artemis. Napaupo siya sa kama. “May nangyari ba?”“Wala namang nangyari pero are you expecting? Sakit nga ng kabog mo sa dibdib ko eh, natakot nga ako kasi parang malalaglag ang baga ko.” Bigla natawa ng malakas si Pancho.“Gusto mong mabugbog ngayon para puso mo ang mahulog.”“Deal!”“Tsss, tigilan mo ako, Mr. President. Go home.”“I haven’t had my breakfast yet. Don’t worry, umorder na ako ng breakfast.” Tumunog ang doorbell kaya nagmadaling bumaba si Pancho. “Ba
Dahil sa isang instant announcement ng engagement ay napasubo si Pancho. Hindi lang niya talaga ugaling magpahiya ng tao. He wants Nadine to give up her own delusions. He does not consider that engagement kaya niyang siya mismo ang magpaliwanag sa parents niya but she kept putting an act.Nadine is such a sweet lady, with beauty, brain and confidence kaya naging lawyer but she is not a wife material. Hindi mapapahiya ang sinumang lalaki kapag kasama siya. She is a total package. Kung talagang interesado si Pancho sa kanya noon, high school pa lang pinangatawanan na niya ang pagiging childhood sweethearts nilang dalawa.He warned her twice.“Sabihin mo na ang totoo dahil kapag ako ng nagsalita, mapapahiya ka talaga!” sumbat ko sa harapan niya.For half a year, Pancho tried to be her boyfriend kuno. Kagat na kagat naman ang kanyang magulang at gusto ring makita ng binata kung anong magiging reaction ng kanyang ina. He knew how she liked Astrid for him.“Paano ang mga bata? Alam na ba ni
“You are making me crazy Miss Reid. Your face looked exactly like ….my fiancée!”“Is that what you need to confirm?”“Miss Reid…”“You can go, Mr. President. Your fiancée, ‘yung kamukha ko? Oh, come on, you know your fiancée too well right? If you do, you don’t need to confirm something like this? O, baka naman style mo lang ‘yan?”Napakunot ang noo niya sa kanyang narinig. Sapo niya ang kanyang ulo at gusto niyang matunaw sa labis na kahihiyan at heto ngayon, inisip ni Artemis na alibi lang lahat ng iyon. Napabuntung-hininga na lang siya.“Hindi ako tulad ng iniisip mo.” Inirapan niya ang babaeng kausap.“Besides, you are engaged, that’s what I heard. Kung sakali, ano pang babalikan niya?” Tumayo si Artemis at lumapit sa center table kung saan niya iniwan ang alak ng nagdaang gabi.“What do you mean?”“I am referring to your girlfriend, Astrid.”“How do you know her?”“You mentioned her name while kissing me. Ako ba si Astrid?”“Your eyes, your smile, your kiss…”“You must have forgo
Biglang nawala sa mood si Castela at ayaw niyang umattend sa mga events ng BCC. Tiyak na ang malamig na pakikitungo ng nakatatandang kapatid ang sasalubong sa kanya. Kahit magpaliwanag siya ay parang balewala rin ang lahat sa kanya. Alam niyang Malaki ang problema ni Pancho at wala siyang naitulong nang maglahong parang bula si Astrid kaya lalo niyang binakuran ang asawa upang hindi na makagawa ng hakbang na makakapagpalala sa sitwasyon nilang magkapatid. Kahit si Philip ay may mga problema ring kinakaharap sa kanilang relasyon bilang mag-asawa. Wala siyang hinangad kundi ang magkaroon sila ng anak upang mabuo ang kanilang pamilya.Kinabukasan, nalaman na lang ni Philip sa mga staff ang umiikot na balita sa buong kompanya. Nadatnan niya ang alingasngas ng mga empleyado sa Marketing Department. Maging si Philip ay nasaksihan ang tila malaking kababalaghan sa BCC. Noong isang araw pa niya naispatan ang babaeng kamukhang- kamukha ni Astrid. Gulat na gulat siya at hindi makapaniwala. Para
Pinili ni Astrid ang umalis at iwan kay Pancho ang mga bata upang makaiwas sa mas malagim na plano ni Castela. Wala na siyang sinasanto. Hindi na niya naisip na magpinsan sila. Walang kama-kamag-anak. Ang mahalaga ay maihatid siya sa kanyang huling hantungan.Naging tahimik ang buhay ni Astrid. Sinakap niyang magpakatatag.Inihatid nina Attorney at Benny si Astrid sa Florida. Sinagot nila ang pamasahe dahil kritikal at nasa panganib si Astrid. Gusto niyang masiguro ang kaligtasan ng kanyang kliyente.“Ilayo mo ako dito, Attorney. Make it quick. I wanna live. I want to live with my kids and Pancho.” Halos pabulong na pakiusap ni Astrid. Mahigpit niyang hinawakan ang kuwelyo ni Attorney. Hinang-hina pa siya at parang hinahabol ang kanyang buhay.Nagdesisyon kaagad ang kanyang abogado na gawin ang nararpat para sa kanyang boss lalo na’t may banta sa buhay niya.‘Hon, magiging okay lang kaya si Astrid dito.”Mahigpit ang kapit ni Benny sa braso ng kanyang asawa.“Huwag kang mag-alala.” Kas
Hindi lang ang mga Carbonel ang nag-alala ng todo dahil sa pangyayari. Umiiyak ang mag-asawang Morales ng mabalitaan ang aksidente. Ngunit hindi lang iyong ang problema. Nagkaroon rin ng panloloob sa mansion kaya hindi maiwasan ni Dave na mapaisip na baka mag sumasabotahe kay Astrid.Tanghali ng maaksidente si Astrid. Kinagabihan naman ng pinasok ng hindi kilalang mga lalaki ang mansion.Napailing ang hindi katandaang lalaki. Nagsimula ang lahat noong magkaroon ng salu-salo sa mansion. Pinaiimbestigahan na ang pangyayari. Ngunit nalaman nilang wasak ang lahat ng CCTV at wala ang mga SD card ng naglalaman ng lahat ng CCTV footages. Walang nawawalang mga pera at alahas ngunit pinasamantalahan si Marissa bago ito binaril.Huli na ng makita ni Pancho ang pinadalang kopya ng SD card na kailangan niya laban kay Castela.“Si Castela ang kailangan nating paimbestigahan, Attorney,” diin ni Pancho.“Pancho, hipag mo ‘yun,” paliwanag ng abogado.“Wala akong pakialam. Wala pa rin akong tiwala sa
“Maghintay ka na lang sa balita, Nadine and Pancho will be yours.” Nakikinig lang ng tahimik ang babae sa kabilang linya habang iba ang kanyang nai-imagine sa kanyang isipan.Kung may plano si Castela, mayroon din siya ngunit hindi para kina Astrid at Pancho. Nakita naman niyang masaya ang lalaki sa kanyang desisyon. Wala na ring pakialam sa Adelle.“Bilog ng mundo, Castela. For sure, the world will have its 360 digri turn on you. I pity you my darling.” Narinig niyang pinatay n ani Castela ang kabilang linya.Kritikal ang kondisyon ni Astrid ngunit mabilis siyang natanggal sa loob ng kotse. Walang inaksayang pagkakataon ang Emergency Rescue Team. Nilagyan siya ng neckbrace atsaka sabay-sabay na iniangat ang kanyang duguang katawan. Mabilis ang kilos ng mga medic sa loob ng ambulancia.Ikinabit ang ilang gadget sa kanya. Kinuha ang kanyang blood pressure. Wala siyang malay ng mga oras na iyon at lalong humihina ang kanyang pulso hanggang biglang mag-flat ito.Binigyan na siya ng CPR