“Nakakahiya Sir…”“Wala kang dapat alalahanin sa parents ko. Mababait silang pareho.” Nilapitan nila kaagad ang mga magulang ni Sir Pancho. Abut-abot din ang kaba sa dibdib ni Pancho.“Sinusubukan mo talaga ako, Pancho.” Text message iyon ni Nadine. Wala siyang pakialam dahil ang mahalaga ay maipakilala niya si Astrid sa kanyang mga magulang.“Happy 40th anniversary po, Ma’am, Sir.” At iniabot ng dalaga ang kanyang regalo. Fountain pen iyon para sa kanilang dalawa. Natuwa ang mag-asawa sa makahulugang regalo na ibinigay niya.“Oh, thank you Iha.”“Mama, Papa, meet Astrid. Nililigawan ko po.”“Hay ano ka ba naman, Pancho? Forty years old ka na…ngayon ka pa lang natututong manligaw,” sabi ng Papa niya.“Naku Iha! I hope to see you often with Pancho. Next na balik mo rito, puwede bang ipakilala ka na ni Pancho na…”“Girlfriend na sana, Mama.” Pero, hinampas siya ng ina.“Fiancee is much better, Iha.” Nagulat si Pancho sa sinabi ng ina. “Pancho is not getting any younger. Kapag nag-fifty
Kinabukasan ay back to normal ang mga bagay-bagay sa opisina. Maraming naghihintay na pipirmahan sa mesa ni Pancho. Medyo na-neglect niya iyon dahil sa ilang mga importanteng bagay na dapat niyang unahin.Before Pancho even starts his day, hindi niya nakalimutang umpisahan ang araw na boses ni Astrid ang naririnig niya. Goal niya ngayon na mapasagot ang babae. Tumunog ang linya sa kabila.“Hello!” Halatang kagigising lang ang boses ni Astrid. Mukhang nasa kama pa siya.“Wake up! Mag-inat-inat ka na at mag-jogging ng konti sa bakuran ninyo!”“Hmmm…” Naririnig niya ang malakas na audio sa kabilang linya. “Antok pa ako, Pancho.”“Favor naman…”“What?”“Ipagluto mo ako ng pork adobo. I’ll come and eat with you. Diyan ako nakikikain ng hapunan sa inyo.”“What? You are going to eat me? Ganyan ka ba kagutom?”“Hay naku, antok ka pa nga. Sige na, tulog pa.”“Bye, Pancho….” Napangiti si Pancho dahil halos tumalon ang puso niya sa tawag na iyon ng babae. Maybe she doesn’t mean it kasi antok pa
Pagdating ko ng 25th floor, hindi pa rin siya makakapasok ng ganoon kadali. May receptionist sa pinto then she made a call upon looking at Astrid. Pinapasok siya pero pormal ang babae sa loob.Ngumiti siya at napatutop siya ng bibig.“Omg, Miss Astrid! What brings you here, Ma’am?” tanong ni Zelda.“Nandiyan ba si Sir Pancho?” tanong niya. “May lakad po ba kayo?” sabay tingin sa schedule nito. Halatang na-pressure si Miss Zelda.Siya ang unang sumilip. May kausap pa ito pero saglit na lang daw iyon. Pinaupo muna siya. She offered something pero tinanggihan ni Astrid. It took her 30 minutes to wait.Paglabas ng isang middle-aged man sa kanyang opisina, itinawag ni Miss Zelda ang pagdating ni Astrid. Nagulat silang pareho ng bumukas ang pinto.“Nakakagulat naman po kayo, Sir?” Napahawak si Zelda sa kanyang dibdib.“Kanina ka pa? Ikaw ba yung…why did you make her wait, Zelda? Kapag si Miss Astrid you should have interrupted me, okay lang!” Gusto niyang matawa sa pag-aalala niya. sobra
Rampa- rampa muna ang lahat. Nandoon ang trainor nila, looking intently on them. Kinukorek ang mga maling posture ng ilan pati ang pag right turn and left turn ay pinapansin niya.“Astrid, don’t slouch! Be confident, Iha. You have a nice curve so, chin up!” utos ng babae.“Wow! Nice curve? My butt…nakakainis ha!” Hindi na naitago ni Adelle ang pagkadismaya. Kitang-kita ng mga kasamahan ang naging facial expression niya.“Who is she?” tanong ni Hendrix. May mga kasama rin silang lalaking modelo.“Medyo timid pa siya.” komento naman ni Bambie.“Her height is not even for a model,” tahasang sabi ni Adelle. Napatango naman ang iba at tiningnan siya. Palangiti siya sa karamihan doon. At may assistant pang lumapit sa kanya to give her water.“Is she allowed to bring assistant?” Napakibit-balikat ang ilan. “Sino ba siya?” Lalo tuloy na-curious ang iba sa kanya.Hinanap talaga ni Adelle kung saan siya pumupunta after the break. Adelle found out one room sa bandang dulo nang pasilyo, ilang lay
Malaki ang impluwensiya ni Pancho para mapapayag niya si Astrid ng ganoon lang. Hindi papayag si Castela na muling makatuntong si Astrid sa Carbonel Clothing.Ipinahinga muna ni Astrid ang kanyang paa. Medyo tahimik si Pancho ng bumalik siya kinagabihan. Hindi siya masyadong pinapansin ni Astrid. Sinunod lang niya ang kabilaang utos sa tuwing darating siya sa mansion. Velveta began exchanging texts with her. Na-miss tuloy niya ang tatlong araw na training nila.“Kumusta ka na?”“Bulung-bulungan dito na malakas ang backer mo ha! Sino ba? Taga-Carbonel Clothing rin ba?”After three days of resting her feet, Astrid is back with a smile. Pasulpot-sulpot doon si Pancho upang tingnan ang buong sitwasyon. Sa ‘di-kalayuan ay nakita niyang nakikipagkulitan siya kay Velveta. Tinuturuan niya itong sumayaw. Pinipilit namang gayahin ni Astrid ang kanyang kilos hanggang sa patugtugin ang kanyang cd player.May itinatagong galing si Astrid sa pagsayaw. She was once a gymnastic teacher for the young
Hindi nailihim kina Lynette at Felix ang nangyari kay Astrid at sa lumabas na blind item tungkol sa kanya. Maging si Philip ay kinu-congratulate pa siya dahil sa sikat na Fashion Magazine pa lumabas ang blind item na iyon.“Anggaling ng propaganda! Walang masyadong effort. Masyadong obvious na ikaw ang nagbibigay ng special attention.”“At akala niya makukuha nila ang atensyon ko. My attention is only focus on Astrid and nobody else.”“Inggitera! Sino ba ‘yun?”“May pa-date -date ka ngayon, Bro ha! Kailan ba ang wedding bells?”“Tumigil ka!” “Hindi ko akalaing seryoso ka talaga sa kanya. Akala ko okay na sa iyo ang mga pang -i- stalk mo sa kanya.”Idinaan na lang ni Pancho sa tawa kaysa mag-away na naman silang magkapatid. Pati siya ay tinanong ng kanyang Mama at Papa. “Sino bang attention seeker na iyon?”“’Yung nag-post ng balita na iyan ang attention seeker, not Astrid.” Pinauuwi tuloy siya. “Bring Astrid with you. Huwag kang uuwi nang hindi mo siya kasama.”Sa halip na umuwi ka
But Astrid was back to her senses. Hindi iyon ang naging dahilan para hindi niya ituloy ang kanyang modeling career. She is in the Philippines just to be accused of something and now, she was supposed to make revenge pero nahulog ng tuluyan ang kanyang damdamin kay Pancho.Hindi mahirap mahalin si Pancho at hindi niya alam kumbakit magaan ang loob niya sa lalaki sa kabila ng katotohanang kapatid siya ni Philip.“Wala po si Sir Pancho?”“Bakit ini-expect mo ba siya?” Umiling ang kasambahay. Mukhang may lover’s quarrel pa rin sila. “Busy na makipaglampungan sa ibang babae.” Buong linggong parang Tom at Jerry ang dalawa.Ilang saglit pa ay pumarada ang kotse ni Pancho upang sunduin si Astrid ngunit nagmatigas siya at hindi sumabay sa kanya.“No thanks. Kaya kong magmanehong mag-isa.”“Ano ba?”“Ano rin ba? Bakit ba kasi angkulit mo? Bakit ako ang ginugulo mo? I am sorry kung naistorbo ko kayong dalawa. Sayang! Nakarating na sana kayo sa cloud nine. Sorry!”“Astrid…” mahinahon pa rin si P
Dumating ang araw ng event sa kompanya. Lahat ng mga modelo ay abala. Ipinadala ang mga damit na susuotin ni Astrid pero hindi niya iyon balak isuot. Black Mustang ang dala niyang kotse at hindi pa rin siya sumabay kay Pancho.During the event, lumayo siya ng upuan. Ginanap sa grounds ng CCC ang event. Nandoon din ang mama at papa ni Pancho. Kinawayan siya nina Lynette at Felix.“Bakit hindi ka na bumalik kasama ni Pancho?” Nakipagbeso lang siya and after ng konting kuwentuhan, bumalik sa kanyang upuan.“Uhm, we have a little misunderstanding about this crazy bitch here kaya pagpapasensiyahan na po ninyo. I am going to teach him a lesson. By the way, uuwi po muna ako bukas sa America. Huwag kayong mag-alala, isasama ko na rito ang mga bata.”“Nasabi mo na ba kay Pancho?”“Mukhang busy pa po siya sa ibang babae kaya nagdadalawang – isip na po ako. Huwag na lang po siguro.”“WHAT?!”“Close ka sa kanila?” tanong ni Velveta. Tumango lang si Astrid. “Kilala mo sila?”“OO naman. Sila lang n
Naging successful ang operasyon ni Astird. Hindi na siya makakapagkaila kay Pancho. Wala na siyang alibi na masasabi. Hindi na rin itatago nina Lynette at Felix ang buong katotohanan sa kanilang anak.May mga pulis na nakabantay sa pinto ng pribadong kuwarto ni Astrid. Gugulong pa ang imbestigasyon sa pamamaril sa kanya and Castela was jailed immediately. Mahigpit na tinutulan ni Lynette na magpiyansa si Philip para sa kanyang asawa.“Mama, malala na po ang sakit ni Castela. Hindi ko siya hahayaan sa loob ng kulungan.”“Bring her straight to a mental facility. Ayokong gumawa na naman siya ng gulo kapag nakita niya si Astrid.”“Mama…”“Ang sabi ko ay nasabi ko na, Philip. Kapag gumawa pa ulit ng gulo si Castela, you’ll never know what I can do.” Hindi mawari ni Philip ang pahiwatig ng kanyang ina.Nakaligtas din si Philip sa aksidenteng pagputok ng baril ni Castela ng agawin nito ang baril sa asawa. Tinamaan siya sa hita.Sa roof top, masinsinang nagkausap ang dalawa habang pareho si
Pumasok sa malawak na bakuran ng mansion ang kotse ni Pancho. Kalmado lang si Artemis. Pagdating sa loob ng kabahayan ay kitang kita ni Artemis sa mga mata ng dalawang matanda ang labis na pagkabigla na may kasamang excitement.Lalong nakaramdam ng nerbiyos si Artemis“Mama, Papa meet Artemis Reid. Artemis, meet my parents.”“Pancho, hindi mo sinabing isasama mo siya rito.”“Siya po ang bagong modelo ng BCC but unfortunately, she is with Xity’s group.”“OMG! kamukhang kamukha siya ni Astrid. Paano nanngyari ito? Kakambal mo ba si Astrid?” Hindi napigilan ni Lynette na yakapin si Artemis.Hindi magawang tumawa ni Artemis pero nakangiti lang siya. Niyakap din niya ang Mama at Papa ni Pancho bilang paggalang sa kanilang unang pagkikita.“Good evening po. Halika. Tuloy ka. You are most welcome. Tamang tama ang uwi mo, Pancho.”Tahimik ang lahat habang nasa hapag-kainan. Lynette looked intently on Artemis.“You want some more?” Pork adobo ang hinanda nilang ulam. Napansin ni Pancho na tina
Napatakbo si Artemis sa loob ng cr. Naramdaman niyang tila hinahalukay ang kanyang tiyan sa dami ng kanyang nainom. “That’s terrible…” Nasa likuran siya at hinagod ang kanyang likod. Matapos magmumog at humarap sa kanya ang lalaki at binigyan siya ni Pancho ng good morning kiss.“Good morning! Siguro naman eh puwede kang mag-offer ng almusal for bringing you home and becoming your comforter.”“Sorry, Sir Pancho. Marami po ba akong nainom kagabi? Do I look weird or what? Mukhang hindi ka na nakauwi.” Dire-diretsong sabi ni Artemis. Napaupo siya sa kama. “May nangyari ba?”“Wala namang nangyari pero are you expecting? Sakit nga ng kabog mo sa dibdib ko eh, natakot nga ako kasi parang malalaglag ang baga ko.” Bigla natawa ng malakas si Pancho.“Gusto mong mabugbog ngayon para puso mo ang mahulog.”“Deal!”“Tsss, tigilan mo ako, Mr. President. Go home.”“I haven’t had my breakfast yet. Don’t worry, umorder na ako ng breakfast.” Tumunog ang doorbell kaya nagmadaling bumaba si Pancho. “Ba
Dahil sa isang instant announcement ng engagement ay napasubo si Pancho. Hindi lang niya talaga ugaling magpahiya ng tao. He wants Nadine to give up her own delusions. He does not consider that engagement kaya niyang siya mismo ang magpaliwanag sa parents niya but she kept putting an act.Nadine is such a sweet lady, with beauty, brain and confidence kaya naging lawyer but she is not a wife material. Hindi mapapahiya ang sinumang lalaki kapag kasama siya. She is a total package. Kung talagang interesado si Pancho sa kanya noon, high school pa lang pinangatawanan na niya ang pagiging childhood sweethearts nilang dalawa.He warned her twice.“Sabihin mo na ang totoo dahil kapag ako ng nagsalita, mapapahiya ka talaga!” sumbat ko sa harapan niya.For half a year, Pancho tried to be her boyfriend kuno. Kagat na kagat naman ang kanyang magulang at gusto ring makita ng binata kung anong magiging reaction ng kanyang ina. He knew how she liked Astrid for him.“Paano ang mga bata? Alam na ba ni
“You are making me crazy Miss Reid. Your face looked exactly like ….my fiancée!”“Is that what you need to confirm?”“Miss Reid…”“You can go, Mr. President. Your fiancée, ‘yung kamukha ko? Oh, come on, you know your fiancée too well right? If you do, you don’t need to confirm something like this? O, baka naman style mo lang ‘yan?”Napakunot ang noo niya sa kanyang narinig. Sapo niya ang kanyang ulo at gusto niyang matunaw sa labis na kahihiyan at heto ngayon, inisip ni Artemis na alibi lang lahat ng iyon. Napabuntung-hininga na lang siya.“Hindi ako tulad ng iniisip mo.” Inirapan niya ang babaeng kausap.“Besides, you are engaged, that’s what I heard. Kung sakali, ano pang babalikan niya?” Tumayo si Artemis at lumapit sa center table kung saan niya iniwan ang alak ng nagdaang gabi.“What do you mean?”“I am referring to your girlfriend, Astrid.”“How do you know her?”“You mentioned her name while kissing me. Ako ba si Astrid?”“Your eyes, your smile, your kiss…”“You must have forgo
Biglang nawala sa mood si Castela at ayaw niyang umattend sa mga events ng BCC. Tiyak na ang malamig na pakikitungo ng nakatatandang kapatid ang sasalubong sa kanya. Kahit magpaliwanag siya ay parang balewala rin ang lahat sa kanya. Alam niyang Malaki ang problema ni Pancho at wala siyang naitulong nang maglahong parang bula si Astrid kaya lalo niyang binakuran ang asawa upang hindi na makagawa ng hakbang na makakapagpalala sa sitwasyon nilang magkapatid. Kahit si Philip ay may mga problema ring kinakaharap sa kanilang relasyon bilang mag-asawa. Wala siyang hinangad kundi ang magkaroon sila ng anak upang mabuo ang kanilang pamilya.Kinabukasan, nalaman na lang ni Philip sa mga staff ang umiikot na balita sa buong kompanya. Nadatnan niya ang alingasngas ng mga empleyado sa Marketing Department. Maging si Philip ay nasaksihan ang tila malaking kababalaghan sa BCC. Noong isang araw pa niya naispatan ang babaeng kamukhang- kamukha ni Astrid. Gulat na gulat siya at hindi makapaniwala. Para
Pinili ni Astrid ang umalis at iwan kay Pancho ang mga bata upang makaiwas sa mas malagim na plano ni Castela. Wala na siyang sinasanto. Hindi na niya naisip na magpinsan sila. Walang kama-kamag-anak. Ang mahalaga ay maihatid siya sa kanyang huling hantungan.Naging tahimik ang buhay ni Astrid. Sinakap niyang magpakatatag.Inihatid nina Attorney at Benny si Astrid sa Florida. Sinagot nila ang pamasahe dahil kritikal at nasa panganib si Astrid. Gusto niyang masiguro ang kaligtasan ng kanyang kliyente.“Ilayo mo ako dito, Attorney. Make it quick. I wanna live. I want to live with my kids and Pancho.” Halos pabulong na pakiusap ni Astrid. Mahigpit niyang hinawakan ang kuwelyo ni Attorney. Hinang-hina pa siya at parang hinahabol ang kanyang buhay.Nagdesisyon kaagad ang kanyang abogado na gawin ang nararpat para sa kanyang boss lalo na’t may banta sa buhay niya.‘Hon, magiging okay lang kaya si Astrid dito.”Mahigpit ang kapit ni Benny sa braso ng kanyang asawa.“Huwag kang mag-alala.” Kas
Hindi lang ang mga Carbonel ang nag-alala ng todo dahil sa pangyayari. Umiiyak ang mag-asawang Morales ng mabalitaan ang aksidente. Ngunit hindi lang iyong ang problema. Nagkaroon rin ng panloloob sa mansion kaya hindi maiwasan ni Dave na mapaisip na baka mag sumasabotahe kay Astrid.Tanghali ng maaksidente si Astrid. Kinagabihan naman ng pinasok ng hindi kilalang mga lalaki ang mansion.Napailing ang hindi katandaang lalaki. Nagsimula ang lahat noong magkaroon ng salu-salo sa mansion. Pinaiimbestigahan na ang pangyayari. Ngunit nalaman nilang wasak ang lahat ng CCTV at wala ang mga SD card ng naglalaman ng lahat ng CCTV footages. Walang nawawalang mga pera at alahas ngunit pinasamantalahan si Marissa bago ito binaril.Huli na ng makita ni Pancho ang pinadalang kopya ng SD card na kailangan niya laban kay Castela.“Si Castela ang kailangan nating paimbestigahan, Attorney,” diin ni Pancho.“Pancho, hipag mo ‘yun,” paliwanag ng abogado.“Wala akong pakialam. Wala pa rin akong tiwala sa
“Maghintay ka na lang sa balita, Nadine and Pancho will be yours.” Nakikinig lang ng tahimik ang babae sa kabilang linya habang iba ang kanyang nai-imagine sa kanyang isipan.Kung may plano si Castela, mayroon din siya ngunit hindi para kina Astrid at Pancho. Nakita naman niyang masaya ang lalaki sa kanyang desisyon. Wala na ring pakialam sa Adelle.“Bilog ng mundo, Castela. For sure, the world will have its 360 digri turn on you. I pity you my darling.” Narinig niyang pinatay n ani Castela ang kabilang linya.Kritikal ang kondisyon ni Astrid ngunit mabilis siyang natanggal sa loob ng kotse. Walang inaksayang pagkakataon ang Emergency Rescue Team. Nilagyan siya ng neckbrace atsaka sabay-sabay na iniangat ang kanyang duguang katawan. Mabilis ang kilos ng mga medic sa loob ng ambulancia.Ikinabit ang ilang gadget sa kanya. Kinuha ang kanyang blood pressure. Wala siyang malay ng mga oras na iyon at lalong humihina ang kanyang pulso hanggang biglang mag-flat ito.Binigyan na siya ng CPR