Share

CHAPTER 3

Hanggang sa mga oras na iyon ay si Pancho pa rin ang gumagawa ng damage control sa mga ginagawang kapalpakan ng kanyang kapatid. Hindi siya sang-ayon sa naging desisyon ng kapatid maging kasintahan ang babae simula pa noong una.

“Hindi mo kailangang obligahin ang sarili mo? Gagawin ko ang lahat ng paraan para hindi ka makulong pero hindi mo kailangang gawin ito kung naaawa ka lang.”

“Kuya…”

Nakausap niya ang tito ng dalaga dahil hindi naman nila tatakasan ang responsibilidad sa pagpapagamot sa kanya mula sa gastos sa ospital hanggang sa pagpapa-therapy niya.

Malaki ang ibinayad nilang danyos dahil namatay ang mag-asawa ngunit hindi makakalimutan ni Pancho ang araw na nakita niya ang katawan ni Astrid sa loob ng ICU. Pilit siyang lumalaban na mabuhay kahit mag-isa na lang siya.

Sinagot ng kompanya ang scholarship assistance niya para matupad pa rin ang mga pangarap niya sa buhay. Kung wala silang pera ay tiyak na mabubulok sa kulungan si Philip.

“Anong nangyari? Bakit si Castela ang pakakasalan mo? Nalilito ako sa pababagu-bago ng desisyon mo!” Inis n ainis na sabi ni Pancho ng magkausap ang magkapatid kinabukasan.

“Sorry, Kuya!” Ngunit sanay na rin na ganoon palagi ang linya ni Philip. Sa inis ni Pancho ay hindi na siya nagdalawang isip na suntukin ang lalaki upang matauhan sa kanyang ginawa ng paasahin niya ang babae.

“Puro ka na lang sorry! Damn you! Hindi na kita pakikialaman ngayon. Ikaw ang bahalang gumawa ng paraan para lusutan ang gulong pinasok mo.” Napayukod sa sakit si Philip sa ginawa ng kanyang kuya. Nasagad na rin ang kanyang pasensiya. “Ano bang nakain mo at naniniwala ka sa mga sinasabi ni Castela? Sa susunod, mag-isip-isip ka muna dahil baka kung saan ka pulutan sa mga ginagawa ninyong dalawa!”

Maging si Pancho ay nalagay sa alanganin ng sundan niya si Astrid sa bar. Kailangan pa niyang sabihing bakla siya pero wala siyang nagawa kundi mahulog sa mismong patibong ng dalaga.

Matagal rin niyang sinusubaybayan si Astrid. Nagtaka siya ng kumuha siya ng kursong Education habang higit pa roon ang inaasahan nilang kukunin niya. Alam niyang flight stewardess ang plano niyang kunin ngunit mukhang nagbago nga ang lahat dahil sa aksidente.

Now, he went beyond his limitations. Hindi pa humantong sa seryosong relasyon ang kanyang panliligaw. He had several blind dates, but the next day was just another day. Walang pinagkaiba sa lahat ng mga araw maliban lang sa gabing iyon.

Iyon ang pinakaespesyal na gabi sa lahat sa pagitan nilang dalawa ni Astrid. Napaka-idealistic pa niya to promise to himself na hindi siya magiging agresibo upang subukan ang pre-marital sex. Kasal muna bago kama that was his principle in life. He viewed sex as sacred and exclusive to one person. He has high respect for the girls, but when alcohol clouded your mind and deceived you with all those illusive thoughts, men would think that they had control over everything.

Even Pancho wished that Astrid will be his forever.

Nakayuko siya sa kama ng iwan siya ni Astrid. Nagmamadaling umalis ang babae matapos siyang mahimasmasan na mayroon siyang ginawa na labag sa kanyang kagustuhan.

“Wait! Pananagutan ko ang nangyari sa ating dalawa.”

“Walang nangyari. Hindi tayo nagkita. Hindi tayo nagkakilala.” Nagpumiliti na umalis si Astrid. Muli silang nagkapilitan. Isinandal niya sa pader ang babae at muling pinupog ng halik. Ngunit hindi nagpapigil ang dalaga. Kailangan niyang makaalis doon.

Gusto niyang iumpog ang kanyang sarili kumbakit pa sila humantong sa kama ng babae. Hindi na niya napigilang maglabas ng init ng katawan at sampung taong pagitan ng kanilang mga edad, para tuloy siyang cradle snatcher.

“Pancho, nasaan ka na ba? Bakit ka umalis?” mensahe ni Lynette.

“Kailangan ko pa bang bumalik?” Narinig niya ang buntung-hininga ng ina. Tiyak na hindi nito nagustuhan ang nangyari.

Mahigpit na bilin ng ina na pumili silang magkapatid ng matinong babae na mapapangasawa. Siguraduhing hindi lang pera ang habol sa kanila. Bawat sentimo ay pinaghihirapan nila at maging silang dalawa ay kailangan pang magtrabaho.

Hindi libre ang lahat.

“Galit na galit sa akin si Astrid.” Kita ang ebidensiya dahil may galos ang kanyang mukha. Mula raw iyon sa tinik ng mga rosas na inihampas sa kanya ng babae.

Samantala, hindi naman pinatulog si Pancho ng ilang gabi dahil sa nangyari sa kanila ni Astrid. Ngayon ay nagtataka siya kumbakit hindi na niya nakikita ang dalaga sa private school na kanyang pinagtuturuan.

“Bababa na lang po ako, Sir. Gusto po ba ninyong tanungin ko kung pumasok ba si Ma’am Astrid?” Bumaba kaagad ang driver at tumawid sa kabilang kalye. Nakita ni Pancho na umiling ang guwardiya.

“Anong sabi?” tanong kaagad ng binata.

“Sir, naka-leave raw po si Ma’am Astrid. Sa Amerika po yata siya pinadala ng school upang magturo.”

Samantala bumalik na sa mansion ang dalaga. Tumayo si Astrid at pinagmasdan ang kanilang bakuran na dating kulay berde dahil naaalagaan pa ang kanilang Bermuda grass.

“Mama, Papa…”

Marami siyang magagandang alaala sa mansion kasama ng kanyang mga magulang at kasambahay. Pinabalik na niya ang mga ito upang pansamantalang tumao sa lugar. Si Atty. Morales na ang bahala sa kanilang mga suweldo.

Aalis siya upang hanapin ang sarili upang sa pagbabalik niya ay malakas ang loob niyang singilin ang mga taong nagdulot sa kanya ng matinding kabiguan.

“Mag-iingat ka doon, Iha!”

“Yes, Attorney. Kayo na lang po ang bahala. Kung kailangang-kailangan, saka na lang po ninyo ako tawagan.”

“Don’t waorry, Ma’am. Sisiguraduhin ko pong hindi na kayo maloloko ng iyong Tito Noel.”

Hindi kaagad naisakatuparan nina Castela at Philip ang kanilang plano na itayo ang kanilang Little Carbonel And Company dahil hindi iyon pinayagan ng kanilang ama.

“Bakit kailangan mong humiwalay ng kompanya? Kukumpetensiyahin mo pa kami! Hindi! Kung anu-anong pumapasok sa kukote mo. Ni hindi kayang panindigan ang salita mo. Ayusin mo muna ang pamilya mo!”

Maging si Pancho ay nakatkatan ng sermon ng ama dahil sa biglaan niyang pag-alis gayong kailangan siya doon bilang iisang pamilya.

Ayaw ni Felix na mapulaan sila ng magulang ni Castela sa kabila ng lahat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status