CHAPTER 104 “Gustuhin ko man hindi pwede. Kailangan ko ang tiwala sa akin ng pasyente ko. Sana maintindihan mo na nasa kanya ako nang mga panahong iyon. Sa kanya ako dapat sumunod Khaye. Hiling kasi niyang hindi mo na dapat pang malaman ang kondisyon niya dahil nga pursigido siyang magpagaling. Gagaling daw siya. Tiwala at buo ang pag-asa niyang magagamot siya at muli niyang maipagpapatuloy ang pangarap ninyong dalawa. Umaasa siya na dahil sa pagmamahal mo magiging maayos din ang lahat. Ayaw niya kasing mag-isip ka ng iba kundi ang pag-aaral mo lang dahil alam niya kung gaano iyon kahalaga sa iyo. Ayaw niyang mag-alala ka sa kanyang kalagayan. Gusto niyang mapanatili mo ang iyong konsentrasyon sa iyong pangarap.”“Baka naman pwede pa. Baka naman gagaling pa siya. Sana magkaroon ng himala. Di ba may mga pagkakataon na naghihimala pa rin naman ang Diyos?”“Oo at ipagdasal natin. Sana may himala para sa kanya.”“Dok, hindi ko alam ang gagawin ko kung tuluyan na siyang mawala sa akin.”“
Chapter 105“Shhhh! Tahan na bhie. Huwag mo ng itago ang pag-iyak mo dahil alam kong umiiyak ka. Pasimple ka pa e. Ramdam ko kaya huwag nang magpanggap. Iyakin ka kaya.” pilit niyang pinasaya ang kanyang pagsasalita ngunit kahit kailan hindi ko nakitaan ng pagkatuwa ang nangyayaring ito sa amin.“Sorry na po talaga!” tuluyan ng yumugyog ang balikat ko. “Mali ako sa ginawa kong pag-iwas. Mali akong naglagay ako ng pader sa pagitan natin. Mali ako na pinahirapan kita ng husto. Mali akong sarili ko lang ang inintindi at inisip ko. Maling-mali ako sa lahat ng nagawa ko sa’yo babe ko. Kaya patawarin mo ako ha?”“Sa pagmamahal hindi kailangan ang salitang patawarin dahil kung tunay kang magmahal kasama nito ang pagtanggap mo sa kabuuan ng mahal mo hindi lamang ang kaniyang mga kalakasan bagkus mas dapat pang mahalin at tanggapin ang kaniyang mga kahinaa. Bhie, walang perpekto at alam ko kung saan ang pinangagalingan mo. Alam ko ang lahat ng mga pinagdaanan mo kaya hindi mo sa akin dapat ihi
Chapter 105“Shhhh! Tahan na bhie. Huwag mo ng itago ang pag-iyak mo dahil alam kong umiiyak ka. Pasimple ka pa e. Ramdam ko kaya huwag nang magpanggap. Iyakin ka kaya.” pilit niyang pinasaya ang kanyang pagsasalita ngunit kahit kailan hindi ko nakitaan ng pagkatuwa ang nangyayaring ito sa amin.“Sorry na po talaga!” tuluyan ng yumugyog ang balikat ko. “Mali ako sa ginawa kong pag-iwas. Mali akong naglagay ako ng pader sa pagitan natin. Mali ako na pinahirapan kita ng husto. Mali akong sarili ko lang ang inintindi at inisip ko. Maling-mali ako sa lahat ng nagawa ko sa’yo babe ko. Kaya patawarin mo ako ha?”“Sa pagmamahal hindi kailangan ang salitang patawarin dahil kung tunay kang magmahal kasama nito ang pagtanggap mo sa kabuuan ng mahal mo hindi lamang ang kaniyang mga kalakasan bagkus mas dapat pang mahalin at tanggapin ang kaniyang mga kahinaa. Bhie, walang perpekto at alam ko kung saan ang pinangagalingan mo. Alam ko ang lahat ng mga pinagdaanan mo kaya hindi mo sa akin dapat ihi
CHAPTER 106“Bale yung kabilang Mall diyan, sinusubukan ko pang bilhin dahil nga palugi naman na yata sila. Nang pumasok ako kokonti na lang kasi yung stalls. Baka pwede nating gawing karagdagang parking lot.”“Ho? Ibig sabihin Dad, ibebenta na sa atin ‘yan?”“Well hindi pa sigurado pero iniisip ko na magagamit ko ang charm mo at masusubukan natin ang convincing power mo sa may-ari kung paano mo mabibili ‘yang maliit na mall na ‘yan para mapasa-atin?”“Sigurado kayo? Ako talaga ang makikipag-usap sa may-ari?”“Kayo nang Nanang mo ang inaatasan kong haharap tutal naman sa inyo naman itong Mall na ito e.”Huminga ako ng malalim. Pinagmasdan ko ang Mall na iyon. Bumalik lahat ang araw na pumasok ako diyan na hiyang-hiya at ignorante. Isang kabataang babae na mahirap at minahal ng isang mayamang lalaki na hindi niya ito ikinahiya. Kung ako ang bibili sa pag-aaring iyan nina Jinx, ibig sabihin, magkakaharap kami ng kanyang mga magulang. Hindi pa man nangyayari ay alam ko na ang aking mga s
Chapter 107 “May problema si Nanang bhie?” tanong ni Jake nang sumakay ako. “Problema niya kung paano raw niya kakayanin ang pagpapatakbo sa Mall. Nagugulat kasi siya. Nalulula at naiintindihan ko naman siya.”“Oo nga ‘no sana pala kinausap ko muna.”“Okey na, naipaliwanag ko na sa kanya na nandito naman ako.”“At may mga pinagkakatiwalaan naman kami ni Daddy na kukuning tutulong sa inyo.” Ginagap niya ang palad ko. Inginuso niya si Juvie na tahimik sa harap ng sasakyan. Waring sinasabi ni Jake na kausapin ko ang dati kong kaklase. Makipagkumustahan.“Juvie, kumusta pala?” pagbabasag ko sa katahimikan ni Juvie na palingon-lingon. Halatang bumubwelo lang kanina pa.“Heto may tatlo nang anak.”“Talaga? Sinong nakatuluyan mo? Kilala ko ba?”“Si Jayson.”“Naging kayo ni Jayson? Asawa mo na si Jayson ngayon?”“Oo, di ba? Ex mo ‘yon?” tumingin siya kay Jake. Tinakpan niya ang bibig niya.”Me and m pahamak mouth. Sorry po, Sir.”“Its okey Juvie, ano ka ba. Magkuwentuhan kayo. Huwag ninyong
Babalik ako rito kung ganap na akong doktor. Tutulong ako sa mga maysakit. Hindi man sila naging mabuti sa akin noong walang-wala ako. Gusto kong maging huwaran sa mga kabataan. Kailangan malaman nila ang aking mga pinagdaanan. Magiging inspirasyon ako sa kanila lalo pa’t nakikita ko sa mga batang naroon na gandang-ganda sila sa akin. Humahanga sila sa akin at marahil sa mga panahong iyon, meron at meron isang batang babae roon ang nagsasabing “I’ll be that girl” na tahimik ko ring sinasabi noong bata ako sa mga babaeng nakikita kong maganda, matagumpay at mayaman.Limang araw na lang noon graduation ko na nang sinabi sa akin ni Jake na pupunta na kami sa kuwarto para manood ng paborito naming mga Romantic Comedy movies. Masaya na kaming nanood noon. Sinusubuan ko pa nga siya ng ginayat kong apple nang bigla na lang siyang pumikit. Huminga ng malalim.“Bhie, pasuyo lumabas ka muna dito sa kuwarto kahit ilang oras lang. please!”Alam kong may mali at inaatake siya ng sakit niya.“Bhie
Nakaligo na ako pagbaba ko. Halos sabay-sabay silang sumigaw ng Congratulations pagbaba ko sa hagdanan. Kinukunan ni Jake ang lahat. Masayang-masaya si Nanang. Hindi ganoon ang saya niya noong nabuntis ako ni Jinx. Ngayon, nakita ko yung kampante siya at masaya para sa amin ni Jake. Lumapit din si Daddy at niyakap niya ako ng mahigpit. Napapaluha na naman dahil alam niya at sigurado niyang may mini-Jake na bubuo muli sa aming buhay.Pagkaraan ng kasiyahan ay kinausap ako ni Doctor Jenny. “Bilib ako sa galing mong doktora, Khaye.”“Hindi pa naman ako doktora dok.”“Pero ikaw na ang nagre-reseta at bumibili sa gamot niya, ikaw ang nag-aalaga sa kanya. Happy ako kasi itong buwan na ito ang taning na ibinigay ng mga US Doctors sa kanya pero tignan mo, malusog, malakas at parang wala na siyang nararamdaman maliban na lang sa pasumpong-sumpong na pagsakit ng kanyang ulo.”“Sana nga Dok, magtuluy-tuloy na. Sana meron nga po talagang himala ang Diyos sa kanya.”“Sana nga lalo na ngayon alam
CHAPTER 110Tumayo ang lahat at nagpalakpakan. Narinig ko ang sigaw ni Jake na alam kong proud na proud sa akin. Umupo muli ang lahat nang kinuha na sa akin ang mikropono ng master of ceremony. Ngunit nanatili si Jake na nakatayo at lumuha. Hindi magkamayaw sa kanyang pagpapalakpak.Alam kong may kahinaan na rin naman si Jake ngunit pinilit pa rin niyang sumama para makita niya akong aakyat sa entablado at tanggapin ang diplomang noon ko pa pinangarap na makamit. Alam kong kinakaya niya ang lahat. Ipinapakitang masigla siya at malakas. Ilang beses ko kasing nakita na para siyang hapong-hapo na. Patagong tinitiis ang pag-atake ng kanyang sakit. Hindi ko ipinapahalata iyon na alam ko. Ipinapakita ko sa kanya na hindi koi yon ramdam. Hindi ko kunyari alam.Lahat nasa kamay ko na. Lahat ng pangarap ko ay nasa akin na, maliban sa taong mahal ko. At siya… siya pa na pinakamalahaga sa lahat ng aking pangarap ang alam kong napipintong mawawala sa akin. Kaya nga yung tagumpay ko ngayon, parang