Babalik ako rito kung ganap na akong doktor. Tutulong ako sa mga maysakit. Hindi man sila naging mabuti sa akin noong walang-wala ako. Gusto kong maging huwaran sa mga kabataan. Kailangan malaman nila ang aking mga pinagdaanan. Magiging inspirasyon ako sa kanila lalo pa’t nakikita ko sa mga batang naroon na gandang-ganda sila sa akin. Humahanga sila sa akin at marahil sa mga panahong iyon, meron at meron isang batang babae roon ang nagsasabing “I’ll be that girl” na tahimik ko ring sinasabi noong bata ako sa mga babaeng nakikita kong maganda, matagumpay at mayaman.Limang araw na lang noon graduation ko na nang sinabi sa akin ni Jake na pupunta na kami sa kuwarto para manood ng paborito naming mga Romantic Comedy movies. Masaya na kaming nanood noon. Sinusubuan ko pa nga siya ng ginayat kong apple nang bigla na lang siyang pumikit. Huminga ng malalim.“Bhie, pasuyo lumabas ka muna dito sa kuwarto kahit ilang oras lang. please!”Alam kong may mali at inaatake siya ng sakit niya.“Bhie
Nakaligo na ako pagbaba ko. Halos sabay-sabay silang sumigaw ng Congratulations pagbaba ko sa hagdanan. Kinukunan ni Jake ang lahat. Masayang-masaya si Nanang. Hindi ganoon ang saya niya noong nabuntis ako ni Jinx. Ngayon, nakita ko yung kampante siya at masaya para sa amin ni Jake. Lumapit din si Daddy at niyakap niya ako ng mahigpit. Napapaluha na naman dahil alam niya at sigurado niyang may mini-Jake na bubuo muli sa aming buhay.Pagkaraan ng kasiyahan ay kinausap ako ni Doctor Jenny. “Bilib ako sa galing mong doktora, Khaye.”“Hindi pa naman ako doktora dok.”“Pero ikaw na ang nagre-reseta at bumibili sa gamot niya, ikaw ang nag-aalaga sa kanya. Happy ako kasi itong buwan na ito ang taning na ibinigay ng mga US Doctors sa kanya pero tignan mo, malusog, malakas at parang wala na siyang nararamdaman maliban na lang sa pasumpong-sumpong na pagsakit ng kanyang ulo.”“Sana nga Dok, magtuluy-tuloy na. Sana meron nga po talagang himala ang Diyos sa kanya.”“Sana nga lalo na ngayon alam
CHAPTER 110Tumayo ang lahat at nagpalakpakan. Narinig ko ang sigaw ni Jake na alam kong proud na proud sa akin. Umupo muli ang lahat nang kinuha na sa akin ang mikropono ng master of ceremony. Ngunit nanatili si Jake na nakatayo at lumuha. Hindi magkamayaw sa kanyang pagpapalakpak.Alam kong may kahinaan na rin naman si Jake ngunit pinilit pa rin niyang sumama para makita niya akong aakyat sa entablado at tanggapin ang diplomang noon ko pa pinangarap na makamit. Alam kong kinakaya niya ang lahat. Ipinapakitang masigla siya at malakas. Ilang beses ko kasing nakita na para siyang hapong-hapo na. Patagong tinitiis ang pag-atake ng kanyang sakit. Hindi ko ipinapahalata iyon na alam ko. Ipinapakita ko sa kanya na hindi koi yon ramdam. Hindi ko kunyari alam.Lahat nasa kamay ko na. Lahat ng pangarap ko ay nasa akin na, maliban sa taong mahal ko. At siya… siya pa na pinakamalahaga sa lahat ng aking pangarap ang alam kong napipintong mawawala sa akin. Kaya nga yung tagumpay ko ngayon, parang
CHAPTER 111.Nag-toothbrush muna at itinali ko ang mahaba kong buhok. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Sa kabila ng mga pagsubok, maganda pa rin naman ako at kahit buntis, seksi. Kailan kaya tuluyang lolobo ang tiyan ko? Naalala ko ang sana ay panganay namin ni Jinx? Kung hindi sana ganoon ang nangyari sa akin malaki na kaya siya ngayon? Kung pinanindigan ako ni Jinx at hindi ganoon ang ginawa ng Mommy niya sa akin, ano kayang buhay namin ni Jinx? Paniguradong inaapi pa rin ako ng Mommy niya. Baka nauwi rin sa hiwalayan dahil hindi kaming handang dalawa. Baka madalas rin kaming mag-away dahil sa hindi ako tanggap ng pamilya niya. Ngayon ko naiitindihan na may purpose ang Diyos kung bakit nangyari ang lahat ng iyon. Nahihiya ako ng mga panahong tinatanong ko ang Diyos kung bakit niya ako ng mga pagsubok na iyon noon. Ngayon, malapit na akong maging isang doktor, bagay na hindi sana mangyayari kung nag-asawa ako ng maaga.Isinuot ko ang aking salamin nang masipat kong walang dumi
Chapter 112Kailangan kong ipakita sa lahat na anak nga ako ng tatay ko. Attentive, smart and sociable. Ang mga bisita ni Daddy ngayon ay ang mga connections niya sa business world. Kailangan kong aralin ng mabilisan dahil kanino ba maiiwan ang lahat ng ito kundi sa akin? Hindi ko dapat biguin si Daddy. Hindi dapat masayang ang kanyang pinagpaguran. Sa gabing iyon na rin sinabi ni Daddy na magpapakasal na sila ni Nanang. Invited ang lahat ng malalapit at gusto niyang intimate lang at limitado ang bisita. Ang mahalaga lang naman ay ang makasal na sila sa wakas at matupad ang pangarap ni Nanang na maging legal at buo kaming pamilya. Naluluha ako para kay Nanang noon. Alam kong isa na lang ang kulang at alam kong malapit na rin iyon matupad. Ang makita at makasama niya ang pamilya niyang tumakwil sa kanya nang ipinagbuntis niya ako. Madalas kong nililingon si Jake sa tabi ko. Nakahawak ako sa braso niya. Nakikipag-kuwentuhan naman siya sa mga bisita. Tumatawa kapag may nakakatawa. Binab
Chapter 113 Dahil kami lahat ay abala sa pagtutulungan sa pagbubukas na rin sa susunod na buwan sa aming Mall ay tumira na kami sa Tuguegarao. May bahay na napatayo si Daddy doon dahil gusto ni Nanang na doon daw kami tumira. Sa Tugueagarao na muna kaming tumira lahat sa bahay na regalo ni Daddy kay Nanang sa isang burol sa Carig kung saan tanaw ang buong Tuguegarao. May kalakihan rin naman ito. May pool, may garden at may maluwang na farm. Iyon ang gusto ni Nanang na buhay. Hindi ang buhay sa syudad. Lahat ng gusto ni Nanang ibinibigay naman ni Daddy. Isa pa, gusto rin kasi ni Jake ang preskong hangin doon. Gusto niyang nakikita ang paglubog at pagsikat ng araw. Ang mamingwit ng isda sa aming palaisdaan. Ang mamitas ng bunga ng mga prutas at gulay. Isang simpleng buhay na malayo sa kanyang kinalakhan. Nasabi ko na rin kay Daddy at Nanang sa balak kong pagpapakasal kay Jake. Bago sana tuluyang lumobo ang tiyan ko at habang kaya pa niya ay magpapakasal na kami. Masaya namang sumang-ay
“Go ahead, just call my Dad.” “Dad? Kanin aka pa Dad ng Dad e hindi naman bagay. Ang kapal naman ng mukha mong tawaging Dad ang isa sa mga pinakamayaman sa buong bansa? Isa kang mapagpanggap. Kaya kung kaya mong bilugin ang anak ko noon, kaya mong bilugin ang lahat dahil sabi nga nila matalino ka.” “Oh thanks for the compliment.” “Bitch, that is not a compliment.” “Well, nakausap mo na ba ang Daddy ko? Hindi pwedeng pinaghihintay si Nanang nang ganito. Baka kawawa ka lang kapag ‘yan napuno at nagalit. Ingat ka.” “At anong meron diyan sa disgrasiyada at magsasaka mong Nanang para mauto ang kagaya ni Manny?” nangangatal siyang nakatingin sa kanyang cellphone. Gusto niyang kausapin si Daddy para malaman ang totoo. “Nakapatay lang naman siya. At baka ikaw na ang isusunod niya. Ingat ka, matakot ka kanya lalo na wala ka pa naman yatang bodyguard ngayon.”Pananakot ko. Nakita kong lalo siyang nataranta sa pagt
“Ano? Ibig sabihin… Oh My God!” Parang hindi pa rin siya makapaniwala ngunit narinig niya ang katotohanan kay Jake ngunit ang hindi ko lang maintindihan, anong koneksiyon ni Jake sa Mommy ni Jinx?“What the fuck is this Jake? This is offensive and unpleasant dealing of business. Pakisabi sa Daddy mo ha, kung ibebenta ko ang property ko, siya ang haharap sa akin at hindi ang mag-inang ito. Just give me the contract at pag-aaralan ko ngunit hindi na sila ang kakausapin ko kundi ang Daddy mo mismo.” “Okey po, Tita. Makakarating ho.”Huminga ng malalim ang Mommy ni Jinx. Halatang kinokontrol niya ang sarili. Tumingin siya kay Jake. Nilapitan niya ito. Hinawakan ang balikat ni Jake.“How are you na?”“I’m fine po.”“You look fine but I hope you’re okey na? Paano, alis na ako. I’ll just call and see you na lang anak.” Hindi na niya nagawang ayusin pa ang sarili niya. Gusot ang madumi na niyang puting damit. Gulo ang buhok at namumula ang kanyang mukha. “You