Chapter 112Kailangan kong ipakita sa lahat na anak nga ako ng tatay ko. Attentive, smart and sociable. Ang mga bisita ni Daddy ngayon ay ang mga connections niya sa business world. Kailangan kong aralin ng mabilisan dahil kanino ba maiiwan ang lahat ng ito kundi sa akin? Hindi ko dapat biguin si Daddy. Hindi dapat masayang ang kanyang pinagpaguran. Sa gabing iyon na rin sinabi ni Daddy na magpapakasal na sila ni Nanang. Invited ang lahat ng malalapit at gusto niyang intimate lang at limitado ang bisita. Ang mahalaga lang naman ay ang makasal na sila sa wakas at matupad ang pangarap ni Nanang na maging legal at buo kaming pamilya. Naluluha ako para kay Nanang noon. Alam kong isa na lang ang kulang at alam kong malapit na rin iyon matupad. Ang makita at makasama niya ang pamilya niyang tumakwil sa kanya nang ipinagbuntis niya ako. Madalas kong nililingon si Jake sa tabi ko. Nakahawak ako sa braso niya. Nakikipag-kuwentuhan naman siya sa mga bisita. Tumatawa kapag may nakakatawa. Binab
Chapter 113 Dahil kami lahat ay abala sa pagtutulungan sa pagbubukas na rin sa susunod na buwan sa aming Mall ay tumira na kami sa Tuguegarao. May bahay na napatayo si Daddy doon dahil gusto ni Nanang na doon daw kami tumira. Sa Tugueagarao na muna kaming tumira lahat sa bahay na regalo ni Daddy kay Nanang sa isang burol sa Carig kung saan tanaw ang buong Tuguegarao. May kalakihan rin naman ito. May pool, may garden at may maluwang na farm. Iyon ang gusto ni Nanang na buhay. Hindi ang buhay sa syudad. Lahat ng gusto ni Nanang ibinibigay naman ni Daddy. Isa pa, gusto rin kasi ni Jake ang preskong hangin doon. Gusto niyang nakikita ang paglubog at pagsikat ng araw. Ang mamingwit ng isda sa aming palaisdaan. Ang mamitas ng bunga ng mga prutas at gulay. Isang simpleng buhay na malayo sa kanyang kinalakhan. Nasabi ko na rin kay Daddy at Nanang sa balak kong pagpapakasal kay Jake. Bago sana tuluyang lumobo ang tiyan ko at habang kaya pa niya ay magpapakasal na kami. Masaya namang sumang-ay
“Go ahead, just call my Dad.” “Dad? Kanin aka pa Dad ng Dad e hindi naman bagay. Ang kapal naman ng mukha mong tawaging Dad ang isa sa mga pinakamayaman sa buong bansa? Isa kang mapagpanggap. Kaya kung kaya mong bilugin ang anak ko noon, kaya mong bilugin ang lahat dahil sabi nga nila matalino ka.” “Oh thanks for the compliment.” “Bitch, that is not a compliment.” “Well, nakausap mo na ba ang Daddy ko? Hindi pwedeng pinaghihintay si Nanang nang ganito. Baka kawawa ka lang kapag ‘yan napuno at nagalit. Ingat ka.” “At anong meron diyan sa disgrasiyada at magsasaka mong Nanang para mauto ang kagaya ni Manny?” nangangatal siyang nakatingin sa kanyang cellphone. Gusto niyang kausapin si Daddy para malaman ang totoo. “Nakapatay lang naman siya. At baka ikaw na ang isusunod niya. Ingat ka, matakot ka kanya lalo na wala ka pa naman yatang bodyguard ngayon.”Pananakot ko. Nakita kong lalo siyang nataranta sa pagt
“Ano? Ibig sabihin… Oh My God!” Parang hindi pa rin siya makapaniwala ngunit narinig niya ang katotohanan kay Jake ngunit ang hindi ko lang maintindihan, anong koneksiyon ni Jake sa Mommy ni Jinx?“What the fuck is this Jake? This is offensive and unpleasant dealing of business. Pakisabi sa Daddy mo ha, kung ibebenta ko ang property ko, siya ang haharap sa akin at hindi ang mag-inang ito. Just give me the contract at pag-aaralan ko ngunit hindi na sila ang kakausapin ko kundi ang Daddy mo mismo.” “Okey po, Tita. Makakarating ho.”Huminga ng malalim ang Mommy ni Jinx. Halatang kinokontrol niya ang sarili. Tumingin siya kay Jake. Nilapitan niya ito. Hinawakan ang balikat ni Jake.“How are you na?”“I’m fine po.”“You look fine but I hope you’re okey na? Paano, alis na ako. I’ll just call and see you na lang anak.” Hindi na niya nagawang ayusin pa ang sarili niya. Gusot ang madumi na niyang puting damit. Gulo ang buhok at namumula ang kanyang mukha. “You
“Code blue po Dok, cardiac arrest ho. Nakuha na namin ang details.” Salubong sa aking ng isang nurse. Mabilis kong nilapitan ang pasyente para sa agarang paggamot. Nanlaki ang aking mga mata. Nagulat ako sa aking naabutan. Ang pasyente ko man sa gitna ng hirap niya sa paghinga at paghawak sa kanyang dibdib na noon ay namumutla na ay nakita ko ang kanyang pagkagulat. Hindi niya aakalain na ang babaeng inalisputa niya, ang daga, putik at basura ang siya ngayong magliligtas sa kanya mula sa kamatayan.“Medical history, nurse?”Iniaabot sa akin ng nurse ang medical history ni Mrs. Castro. Huminga ako ng malalim. Kailangan maging propesyonal ako sa pagtupad sa aking tungkulin. Hindi ko dapat uunahin ang galit ko sa kanya. May sinumpaan kaming tungkulin bilang doktor at iyon ang aking uunahin.”“Dok, please iligtas ninyo ang asawa ko.” pamilyar na boses iyon. Hindi ko kailanman makakalimutan kung sino ang may-ari ng boses na iyo. Dahan-dahan kong nilingon. Nanlaki ang kanyang mga mata. Hala
“Sige ho. Magpahinga na muna kayo. I’ll just advise you na lang po kung kailan kayo pwede nang ma-discharge. Tatawagin ko na ho si Tito para masamahan kayo at mabantayan kayo dito sa loob. May mga nurses po ako at doctors na titingin, tingin pa rin ho sa inyo.” Huminga ako ng malalim. Parang napakagaan sa dibdib. Sa tinagal-tagal ng panahon parang ngayon lang ako lumaya. Malaya sa galit. Malaya sa hinanakit. Malaya sa paghihiganti. Nang buksan ko na sana ang pinto ay bigla niya akong tinawag. “Dok Khaye, Dok…” garalgal ang boses niya. Nilingon ko. Itinaas niya ang kanyang kamay. Parang gusto niya akong kamayan. Tinanggap ko ang kanyang palad. Ibang Mrs. Castro ang nakikita ko. Hindi na siya yung dating matapang. Isang Mrs. Castro na nahihiya. “May kailangan ho ba kayo?” Tumayo ako sa gilid ng kanyang kama. Ginagap niya ang isa ko pang kamay. Parang may kung anong dumaloy sa
Habang kinakanta ko ay bumabalik ang lahat sa akin at alam kong siya rin. Nanginginig ang kamay niyang nagbi-video sa akin. Hindi ko napigilang hindi maiyak habang kinakanta ko iyon lalo pa’t nakangiti ring umiiyak ang mahal kong nakamasid sa akin. Alam kong iyak iyon ng sobrang kaligayahan dahil sa kabila ng pagsubok, sa kabila ng dapat noon pa siya bumigay dahil sa sakit niya ay buo pa rin kaming dalawa hanggang ngayon.If I could be the perfect man in your eyes I would give all I'm worth to be a part of your life I could promise the world but it's out of my hands I can only give you everything I haveBatid kong pinakamalaking bahagi ng buhay namin ang isa’t isa. Hindi man siya ang aking first love pero para sa akin, he is my greatest love. Masaya ako kasi ako ang first love niya, greatest and last love niya. Napakaimposible na ako lang ang naging babae sa buhay niya ngunit alam ko iyon at sigurado ako. Totoo pa lang may kagaya niya. Lalaking tapat magmahal. Lalaking hindi sumusu
Isang masarap na halik ang ikinintal niya sa aking labi at mahigpit na yakap habang hinahaplos niya ang likod ko. Pagkatapos ang mahigpit na yakap niyang iyon ay masuyo din niya akong tinitigan at hinaplos haplos ang aking pisngi. “Mahal kita, mahal na mahal kita. Lagi mong tandaan ‘yan babe. Lagi mong iisipin na ang lahat ng aking gagawin ay para sa’yo. Maaring ito na ang huli nating pagtatalik, maaring hindi na kailan man mauulit ngunit babantayan kita. Patuloy kitang pagmamasdan. Hangad ko ang iyong kaligyahan sa nalalabi mo pang taon sa lupa. Gawin mong masaya ang bawat sandali kasama ng ating anak. palakihin mo siya ng may takot sa Diyos. Ikaw na lang ang bahalang magkuwento sa kanya kung sino ako. Ikaw na lang ang bahalang magpakilala sa kanya sa akin kapag kayo ay dadalaw sa akin puntod.” “Huwag ka namang magsalita ng ganyan please? Huwag muna.”“Mangyayari na’yon bhie. Habang kaya ko pang sabihin ang lahat. Sinasabi ko na sa’yo. Hinahabilin. Ibinabalik sa tunay sa’yong nag-ma