Chapter 60Parang napakabilis lath ng mga pangyayari. Nawala ako sa aking sarili. Nangatog ang aking mga tuhod. Natulala ako. Nanginig na ang buo kong katawan. Nakapakarming nangyayari sa buhay ko na hindi ko na kinakaya pa. Nabuntis ako, pinagtabuyan ng mga magulang ng kasintahan, binusalan sa bibig, itinali at iniwan ng lalaking sa akin ay nakabuntis. Kinabukasan ay muntik na akong nagahasa, nakunan ako dahil sa pananakit ni Tatang, binalak na gahasain din ng amain at ngayon ay napatay ko siya. Habang ako ay nakaupo sa sulok at naginginig, nagtatanong ako sa Diyos, anong pagsubok itong ibinibigay Niya sa akin? Anong kabutihan ng mga pagsubok na ito? Kung may dahilan ang Diyos sa pagbibigay niya sa atin ng pagsubok, para saan ang pagsubok na ito? Nakunan ako, napatay ko si Tatang. Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng aking mundo. Parang hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Kung sana kaya kong lang ibalik ang buong pangyayari, hindi sa paraang mapatay ko si tatang. Oo nga’
Chapter 60Lumabas si Nanang sa bahay. Kinuha ko ang sandaling iyon para kunin ang alahas ko sa bulsa ni Tatang. Inilagay ko sa lumang malalaking karton ang aking mga damit. Umiiyak akong hinugasan ang aking sarili. Sinalat-salat ko ang aking tiyan. Tinignan ko ang batya na duguan na ginamit ni Nanang na hugasan ang pagitan ng aking hita. Alam kong wala nang buhay pa sa aking sinapupunan. Namatay ang magiging anak sana namin ni Jinx dahil sa kalupitan sa akin ng mundo. Humahagulgol akong nagdasal.Nang nakaayos na ako ay umupo ako sa hagdanan. Naghihintay ako sa pagbabalik ni Nanang. Kagaya ng paghhintay niya sa akin noon kapag ginabi ako ng uwi. Hanggang sa makita ko siyang kasama ang aming Kapitan at ilang mga tanod. Kumalat ang balita na napatay ng disgrasiyada kong ina ang lasinggero at adik niyang asawa. Dumami ang mga tao. Pinagkaguluhan kami ng buong baryo. Maraming espekulasyon ngunit alam ko ang buong katotohanan. Naroon lang ako. Tahimik lang na nagmamasid at tuluyang ipinau
CHAPTER 61Nagsimula ang imbestigasyon sa pulisya. Pinatawag ako. Tahimik lang ako. Piping saksi. Nakakakita ngunit sinungaling. Wala silang nakuha sa aking statement. Alam kong kahit umamin si Nanang ay uusad pa rin ang kaso dahil sinabi ni Nanang na dinipensahan lang niya ang kanyang sarili. Iyon ang kailangang patunayan. Alam kong matagal ang usad ng kaso lalo na sa kagaya naming walang pera at pambayad sa mahusay na abogado. Naniniwala akong aabutin pa hanggang makatapos ako bago matapos ang kaso ni Nanang. Batid kong iyon ang mangyayari. Alam kong balang araw, kapag may sapat na akong pera, tutulungan ko siyang mailabas at sana hindi pa magiging huli ang lahat.Ang lahat ng iyon ay parang kisapmatang nangyari na ang tanging nagawa ko ay ang lumuha ng lumuha ng lumuha. Naiwan akong mag-isa sa buhay. Wala nang naiwan na pamilya. Napag-iwanan ng mundo. Mag-isang namuhay. Isang napakalungkot na buhay. Iyak ako ng iyak bago matulog at wala si Nanang sa tabi ko. Magigising akong wala n
Chapter 62 Nagpatuloy ang araw, linggo at buwan. Natutunan kong maging malakas mag-isa. Nagtanim rin ako ng gulay na siya kong ibinebenta na ikinabubuhay. Alam kong ang 20,000 na pinagbentahan ko sa alahas na bigay ni Jinx ay hindi na magtatagal ng isang taon kaya kailangan kong tipirin. Nagpapasalamat ako na kahit wala na si Jinx sa tabi ko ay nakapag-iwan siya ng nakatutulong pa rin sa akin ngunit mali pa rin na hindi siya sa akin nagsabi na hindi na siya babalik. Na pinaasa lang ako sa wala.Mag-seseventeen na ako noon ngunit parang tuluyan ng hinubog ng sari-saring dagok ang buhay ko. Tanging mga teachers ko at ang butihing Principal namin ang siyang naniniwala sa aking kakayahan. Sila ang walang sawang nag-uudyok sa akin para tapusin ang pag-aaral at nang mahimasmasan ako ay ang naging motivation kong lumaban ay ang pangako ko kay Nanang. Naging gabay ko ang kanyang mga pangaral nang magkasama pa kami. Umiiyak ako kapag binabalikan ko ang mga panahong sinusuway ko siya. Napapabu
CHAPTER 63“Hanggang sa kusang ipinaramdam na sa akin ni Nanang ang kanyang tinitikis na pagmamahal noong paslit pa lang ako. Sa wakas nagkaroon ako ng kakampi sa aming bahay. Bahay na hindi ko matawag na tahanan dahil hindi noon nagbubuklod nng pagmamahalan. Iginapang ni Nanang ang aking pag-aaral. Natuto kaming mangarap. Pinagsumikapan namin ang pangarap na iyon araw-araw. Gumagapang sa kawalang katiyakan at ang tanging kinakapitan ay uusad rin kami patungo sa tagumpay. Nang ako ay nag-aaral, alam at tanggap ko ang aking kaibahan sa karamihan. Alam na alam ko na salat ako sa lahat ng material na bagay. Hindi ako maaring mainggit. Hindi maaring maghangad. Ang tanging meron lang ako, ang tanging dala dala ko sa tuwing pumapasok ako sa paaralan ay ang aking dunong. Wala akong maaring ibabaon dahil para lang sa pagkain namin at bisyo ni Tatang ang hindi sumasapat naming kita sa bukid. Dahil mahirap at walang-wala, salat rin ako sa kaibbigan. Wala sa akin gustong makipaglaro dahil sa sim
CHAPTER 64 Dumagsa ang maraming mga scholarship offers ng colleges at universities sa aming probinsiya. Ngunit sa tulad kong may matayog na pangarap at may mga matitinding pinagdaanang pinaghuhugutan ay mas malayo pa roon ang gusto kong marating. Gusto kong mag-enroll noon sa University of the Philippines sa kursong Medicine. Hindi ako kinontra ni Ate Precious bagkus sinosuportahan niya kung ano ang gusto ko dahil naniniwala siya sa aking kakayahan. May mga kabigan daw siyang makatutulong sa akin sa Manila ngunit nahihiya akong sa kanila ay umasa. Hindi agad ako nakapag-enroll dahil August ang UPCAT. Kailangan kong maipasa iyon para makapasok at magiging scholar ako ng bayan. Halos 100,000 kaming applicants noon sa pagiging oblation scholar at halos 18% lang ang pumapasa. Hindi ko noon alam kung kaya ko, kung makapapasa ako pero kailangan kong sumubok. May mga iba pa namang universities na pwede kong pag-eenrolan kung sakaling hindi ako papasa. Ngunit naniniwala ako sa sarili kong k
CHAPTER 64Dahil takot ako sa Manila dahil sa mga balita na nababasa at napapanood ko, hindi ako pumapasok sa mga eskinita o kumain muna sa mga turo-turo kahit na napapalunok na ako sa mga iba’t ibang mga pagkaing nakikita ko sa aking dinadaanan. Hindi ko alam kung magkano pa ang nalalabi sa aking pera. Natatakot ako na baka kukulangin na ako ng pamsahe pauwi ng aming probinsiya. Kailangan ko ng 900 pesos na pamasahe pauwi ng Cagayan at kasama ng pamasahe ko ng bus papuntang Cubao. Sa dami ng mga nilabas ko kanina, nagdadasal ako na sana magkasya pa dahil paano ako makakauwi ngayon kung hindi na sapat ang pera ko pamasahe palang pa-Cubao. Pumasok ako sa isang Mall. Doon ko naisip bilangin ang pera ko kasama ng mga barya na meron sa bulsa ng bag ko.Pagpasok ko ay parang naamoy ko uli ang naamoy ko nang pumasok kami ni Jinx sa Mall nila. Pare-pareho lang ba talaga ang amoy ng mga Malls? Muling nagparamdam ang aking sikmura. Naiiyak na ako sa awa sa aking sarili. Huling kain ko ay nang
CHAPTER 65Naghanap ako ng pawanshop kung saan ko pwedeng isanla ang bracelet. Isa sa mga kilalang pawnshop ang pinasukan ko. Umaasa na sana tanggapin nila. Hindi ako makakauwi dahil wala na kong pasamahe kung di na nila kukunin ang tanging yaman na meron ako. Gutum na gutom na ako. Takam na takam na ako sa mga pagkaing nakikita ko sa paligid. Naiinggit sa bawat pagsubo ng mga tao sa paligid ko.Iniabot ko ang bracelet sa babae alahera. Tinignan niya ito. Nag-usap sila ng kasama niya. Tumingin sila sa akin. “Ma’am pahingi po akong ID.”“School ID po, okey lang?”“Naku, wala ba kayong ibang ID?”Naalala kong sinamahan ako ni Ate Precious bago umalis na kumuha pa ng bagong valid ID. Tama. “Voter’s ID lang po.”“Okey po, akin na po ma’am.”Tinignan niya ang dalawang ID na ibinigay ko.“Ma’am nasa sa inyo ho ba ang box pa nito para makita natin kung authentic talaga.”“Ay opo. Sandali lang po.”Inilabas ko ang box. Kinuha ko muna ang nasa loob niya saka ko inabot. May nahulog. Yung resibo