Share

INSTANT MONEY

CHAPTER 65

Naghanap ako ng pawanshop kung saan ko pwedeng isanla ang bracelet. Isa sa mga kilalang pawnshop ang pinasukan ko. Umaasa na sana tanggapin nila. Hindi ako makakauwi dahil wala na kong pasamahe kung di na nila kukunin ang tanging yaman na meron ako. Gutum na gutom na ako. Takam na takam na ako sa mga pagkaing nakikita ko sa paligid. Naiinggit sa bawat pagsubo ng mga tao sa paligid ko.

Iniabot ko ang bracelet sa babae alahera. Tinignan niya ito. Nag-usap sila ng kasama niya. Tumingin sila sa akin. “Ma’am pahingi po akong ID.”

“School ID po, okey lang?”

“Naku, wala ba kayong ibang ID?”

Naalala kong sinamahan ako ni Ate Precious bago umalis na kumuha pa ng bagong valid ID. Tama. “Voter’s ID lang po.”

“Okey po, akin na po ma’am.”

Tinignan niya ang dalawang ID na ibinigay ko.

“Ma’am nasa sa inyo ho ba ang box pa nito para makita natin kung authentic talaga.”

“Ay opo. Sandali lang po.”

Inilabas ko ang box. Kinuha ko muna ang nasa loob niya saka ko inabot. May nahulog. Yung resibo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status