CHAPTER 68 “Heto ang book mo. Thank you.” “Salamat naman at may isang salita ka.” “Oo naman. Mahalaga sa akin ang word of honor. Okey mukhang nagmamadali ka. I guess, see you around?” Nang kinuha ko ang libro ko ay tumalikod na ako. May mga sinasabi siya ngunit hindi ko na pinansin pa. Wala rin naman akong balak na pagbigyan siya. Word of honor, word of honor ka pa! Ulol. Kilala ko kayong mga guwapo at mamayaman. Masarap magmahal ngunit nang-iiwan. Pagkatapos ng klase ko ay nakita ko na agad siyang nag-aabang sa akin. Hinawakan ko na ng mahigpit ang aking mga gamit. Nagtama an gaming paningin dahil hindi ko naman aakalain na maghihintay talaga siya sa aking paglabas. Nakakainis talaga. “Let’s go na?” “Did I make a promise.” “You compromised.” “I changed my mind. Marami pa akong gagawin.” “Pero pumayag ka.” “Pumayag ako dahil pinilit mo ako. Kung hindi ko sabihin ang oo hindi mo ibabalik ang gamit ko. Take note, gamit ko! Kung nakipag-compromise man ako, sarili kong gamit ang
CHAPTER 69 Pagkatapos ng klase ko ay lumabas na ako ng gate. “Thank you Lord, wala ang makulit.” Usal ko habang mabilis akong naglalakad sa pasilyo. Kahit nang nakababa ako sa building ay wala rin siya. Kailangan kong makauwi agad dahil sa tambak ang aking mga labahin. Naglalakad na ako sa kalsada nang biglang may humintong magarang sasakyan sa tapat ko. Tumabi ako. Gilid na gilid na pero lalo pang iginilid ng may ari ng sasakyan. Hindi man ako maalam sa mga brand ng mga sasakyan at kung ano ang mga presyo ng mga ito ngunit alam na alam kong hindi ito basta basta kagaya lang ng mga nagkalat na sasakyan sa kalye. Huminto ako at tumayo sa bangketa dahil panay ang pitada. Bumukas ang pintuan at bumaba ang nakangiting may edad ng nagda-drive. Problema nito? Sa guwapo nga na mayamang nangungulit sa akin sa campus hindi ko pinapatulan ang kagaya pa kaya nitong na singkwenta na? “Miss, magandang hapon.” Hindi ko siya sinagot at bilang paggalang pa rin tipid na ngiti ang isinukli ko ngunit
CHAPTER 70Pumasok kami sa Forbes Park. Alam kong doon nakatira ang mga may kaya at mayayamang pulitiko, artista at negosyante ng bansa. Para akong nakasok sa isang napakayamang bansa na wala kang makitang nagdarahop. Doon ko nakita ang buhay na malayong-malayo sa kinagisnan kong buhay. Lahat ng bahay ay parang mansiyon. At alam ko na kung itabi ako kay Jake ay isa lang akong langgam na umaakyat sa isang puno ng matibay na nara.Hindi ako nakapagsalita at para akong natatameme sa nakikita ko lalo na ng pumasok kami sa pangalawang magarang bahay na napasok ko sa buong buhay ko. Una ay ang kina Jinx. Napakalaki nito, may sariling swimming pool, nakahilera sa parking lot nila ang mga mamahaling sasakyan, may dalawa silang chopper at nang pinapasok ako ay para akong nalula sa aking nakita sa mga mamahaling appliances at display sa loob ng bahay ngunit hindi na kami pumasok pa sa pinakasalas doon lang kami sa beranda ng bahay ngunit nasisilip naman ang magara at eleganteng loob ng bahay.“
CHAPTER 71“Pwede ba kitang makausap?”“Hindi na ba makapaghihintay sa dinner natin?”“Hindi. Gusto kong magkaliwanagan tayo ngayon. Gusto kong makilala mo ako bago mo pa ako mahalin ng husto.”Huminga siya ng malalim. “Gusto mong magbago ang isip ko kaya gusto mong sabihin sa akin anng sa tingin mo ay maayawan ko sa’yo.”“Exactly. Niyaya mo akong kumain, pumayag ako dahil sa kakulitan mo. Hanggang sa dinala mo agad ako sa inyong bahay, ipinakiusap sa Yaya mo para mas makilala pa kita ng husto at nagkunwari na may naiwan na damit ang pinsan mo ngunit ang totoo ay namili ka na dati pa ng ibibigay mo sa akin dahil siguro nakikita mong luma na at out of fashion ang mga isinusuot ko kapag hindi tayo naka-uniform. Those were not coincidences at all. You really plan for it. You are doing all these for me to like you, tama ba? Now please be honest enough, sigurado ka bang friendship lang ang habol mo sa akin?”“Wow, ang galing mo namang magtagpi-tagpi ng mga pangyayari. Writer ka ba dati o d
CHAPTER 71“What? At young age nagpabuntis ka?”“Oo at ayaw kong ilihim sa’yo. Jake, hindi na ako virgin pa.”Huminga siya ng malalim. “Nasaan ang bata?”“Hindi ka man lang ba nadismaya? Wala man lang akong makitang reaction na inaasahan ko sa mukha mo.”“Paano ba ako dapat mag-react? Magagalit? Maiinis? Mawawalan ng gana? Your past is not your present. Hindi ko na mababago ang nakaraan. Hindi ako pwedeng magalit, madismaya o mawalan ng gana dahil sa mga nangyari sa’yo in the past. Lahat ng mga nangyarig iyon ay pinagsama-sama para magustuhan at tanggapin ka ngayon kasi bahagi na lahat iyon ng mga nakaraan mo na kahit anong gawin mo o gawin ko ay hindi na natin pwede pang ayusin. So nasaan ang bata?”“Nakunan ako.”“Nakunan ka? Sorry.”“Okey lang. Magdadalawang buwan pa lang ang ipinagbubuntis ko noon.”“Alam ba niya? Yung nakabuntis sa’yo, alam ba niya ang tungkol dito?”“Hindi. Papunta siya ng America noon. Hindi na niya nalaman dahil itinali ako ng Mommy niya, binusalan sa bibig at
Chapter 72Tinitigan niya ako. Yung titig na para niyang pinapasok ang kaluluwa ko. Ako ang natalo. Yumuko. Bakit kasi ang gwapo-gwapo niya kahit saang anggulo. Namumula ang kanyang mukha sa init dahil mahina ang ceiling fan. Kahit pa pinagpapawisan siya parang ang fresh pa rin niya. Yung amoy ng kanyang pawis, sobrang bango. Amoy sosyal.“Khaye?”“Yes?”“Alam ko kasing masyadong maaga para tanungin kita kung mahal mo ako. Sa akin tama na munang malaman ko kung gusto mo rin ako? Seryoso ako Khaye. Gusto mo rin ba ako?”Hindi ako nakasagot. Bigla na lang akong nalito? Iniisip ko kung tama bang pasukin ko ito at ang magiging kapalit na naman ay ang pagkabuwag ng mga pangarap ko lalo pa’t malapit ko ng makamit. Ayaw ko na sana, lalo pa’t naiisip ko si Nanang na naghihitay sa aking pagtatagumpay. Isusugal ko bang muli ang aking puso kasabay sa pagtahak ko ng landas patungo sa tagumpay? “Okey kung ayaw mong sumagot ibig sabihin hindi nga talaga yata ako papasa sa’yo.”Hindi pa rin ako sum
CHAPTER 73 “I’m sorry.” sabay naming namutawi. “No, I should be the one to apologize.” “Okey good night Jake.” Pumasok ako at mabilis kong isinara ang gate. Napahawak ako sa aking dibdib. “Ano bang kalandian ito Khaye? Bakit ang harot harot mo na naman?” bulong ko sa aking sarili. Sinunod niya ang sinabi ko. Hindi siya sa akin nag-text. Nag-text lang siya sa akin ng good night. “Even After Spending The Entire Day With You, I Just Can’t Seem To Get Enough Of You Sweet dreams.” Kinabukasan, text na naman niya ang gumising sa akin. “Your smile is the only inspiration I need. The voice is the only motivation I need. Your love is the only happiness I need. Good morning.” Kung ang sagot ko kagabi ay simpleng “Nyt.” Ngayon ay “Morning” lang. Hindi dapat siya masanay na kakuwentuhan niya ako sa text. Maghapong wala rin siyang text. Ako itong si gaga ang check na ng check kung nagtext nga ba siya o hindi sa aking trabaho. Panay ang labas ko ng king cellphone. Nganga. Kinahapunan, wala
Chapter 74“Hanggang sa dumating na lang yung isang araw paggising ko na tama na. Dahil sa tatlong taon na akong nagtitiis at sobrang nahihirapan na ako kaya naglakas loob na lamang akong nakipagkilala sa ‘yo. Iyon na ang pinakamahirap na nagawa ko sa buhay ko. Hindi ko kasi alam kung paano simulan ngunit naisip ko na kung hindi ako gagawa ng unang hakbang ay baka pagsisihan kong dadaan ka sa buhay ko na hinayaan kong takot at hiya lamang ang tanging dahilan kung bakit nagiging blangko ang kuwento nating dalawa.” Umiling siya. Tumingin sa akin. “Alam mo bang kaibigan lang naman na talaga ang ini-expect ko sa’yo kasi baka nga hindi mo ako gusto talaga dahil napalatagal nang panahon na nagkikita tayo sa campus pero parang hangin lang talaga ako sa’yo, iyon na muna ang hangad ko ngunit nang nakausap na kita, hindi na lang pala iyon ang gusto ko at kung papayag ka ay sana higit pa dun ang ninanais ko. “Alam mo kung ano ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ako? Kung tutu
Alam kong tuluyan na siyang namaalam. Hindi na namin siya ini-revive. Hindi na namin pa pwedeng pigilan dahil alam naming lahat na pagod na pagod at hirap na hirap na siya.Pinagmasdan ko siya. Humagulgol ako at para maibsan ang naipong pagdadalamhati sa dibdib ko ay buong lakas kong isinigaw ang pangalan niya….“Jakeeeee!!!!”Sa burol walang patid ang pagdating ng mga gustong makita siya. Hindi ko siya iniwan. Lagi ako sa tabi ng kaniyang kabaong. Hindi ko pansin ang ikot ng lahat. Hindi ko din pansin ang pagdating at pag-alis ng mga nakidalamhati. Masyado akong natamaan sa pangungulila. Akala ko kasi kaya ko na. Akala ko rin matatanggap ko ang pagpanaw niya pero hindi pala ganoon kadaling tanggapin ang sakit na iwan ka ng mahal mo dahil kailangan na niyang mauna. Naroon si Jinx sa tabi ko. Hindi niya ako iniiwan. Nagdadala ng pagkain na hindi ko ginagalaw. Pinipilit akog uminom. Sinusubukang kausapin ngunit walang kahit anong kataga akong maisagot.Hanggang sa dinala na namin si Ja
Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak. Dumating na ang katapusan.Ang halik na iyon ang nagsasabi siya nga, siya pa rin na kahit nasa puso ko si Jake, ay handa ko pa ring tanggapin at lasapin ang sarap ng dating pag-ibig na bumabalik. Hanggag bigla na lamang may biglang kaming narinig na kalabog kung saan. Si Jake. Bumagsak at natumba sa kanyang kinatatayuan. Lahat kami ay nagkagulo. Alam ko na ang ibig sabihin no’n. Dumating na ang aming kinatatakutang lahat.Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak.Mabilis na binuhat ni Jinx si Jake. Dinala ang parang wala nang buhay na katawan ni Jake sa nag-abang na sasakyan. Si Jinx ang nag-drive at dumiretso kami sa hospital. Hawak ko ang palad ni
Muli akong bumalik sa dulo para simulan kasal. Ngayon maluwag na sa puso ko ang lahat. Wala nang itinatagong lihim. Katabi ko na si Nanang at Daddy na naglakad sa isle. Inulit ang kanta ni Moira na tagpuan. Masaya ang puso ko. Walang mali. Walang pangamba. Walang lungkot. Walang takot. Katabi ni Jinx ang kanyang mga magulang na noon ay nakangiti sa akin na naghihintay sa dulo. Nakikita ko ang pagtanggap nila sa akin sa kanilang pamilya. Naroon din si Jake. Lumuluha ngunit banaag ang saya sa kanyang. Hindi ito madali. Mahirap magparaya at magpaubaya ngunit ginagawa niya para sa akin, para sa amin ni Jinx. At tumigil ang mundoNung ako'y ituro moAt hindi ka lumayoNung ako yung sumusukoAt nagbago ang mundoNung ako'y pinaglaban moAt tumigil ang mundoNung ako'y pinili moSiya ang panalangin ko Bineso ako ng Mommy niya at niyakap ako ng Daddy niya. Nakita kong kahit napipilitan ay nagyakapan sina Nanang at Mommy ni Jinx. Alam kong may mga pag-uusapan pa sila at aayusi
Hindi ako nakasagot. Inilahad niya ang kanyang kamay para magpatuloy kami sa aming paglalakad. Hindi ko iyon tinatanggap.Nagkatitigan kami ni Jinx. Lahat ng aming alaala ay bumalik. Muling pumailanlang ang ilang kanta ni Moira. Ang kantang Paubaya. Saan nagsimulang magbago ang lahat?Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?Ako ang kailangan, pero 'di ang mahalHindi ibinababa ni Jake ang kamay niyang nakalahad. Naghihintay na hawakan ko iyon. Puno ng luha ang kanyang mga mata. Humihikbi rin. Daman-dama ko ang sinasabi ng kanta. Ngunit nasa dulo si Jinx. Naghihintay. Umuunawa. Nagtitiis. Nagtitimpi. Nagsasakripisyo para sa kaligayahan ko at kaligayahan ni Jake. Halos sampung taon na pagtitiis. Nag-iisa habang kami ni Jake ang masayang nagsasama at alam niya iyon. Alam niya ang lahat pero nagpaubaya. Saan nagkulang ang aking pagmamahal?Lahat ay binigay nang mapangiti ka langBa't 'di ko nakita na ayaw mo na?Ako ang kasama, pero hanap mo siyaT
“Patawarin mo ako, hindi kita nabalikan agad. Patawarin mo ako dahil hindi kita napangatawanan. Patawarin mo ako kung ngayong kasal mo na lang ako nagpakita.”“Bakit kayong dalawa ay humihingi ng tawad sa akin? Ano ito? Kay Jinx alam kokung bakit pero sa’yo Jake? Hindi ko alam kung anong nagawa mong mali para humingi ka sa akin ng tawad.”“Khaye, ipagtatapat ko na lahat.”“Sige sabihin mo sa akin ang lahat. Makikinig ako.”“Nang umuwi si Jinx para hanapin ka at hindi ka niya nahanap sa probinsiya, dumaan sa bahay. Sa kanya ko nalaman ang lahat ng kanyang masakit na pinagdadaanan. Nagsabi siya sa akin, nagmakaawa na sana hanapin kita o baka nakita na kita. Gusto ka kasing mahanap. Gusto ka nIkinuwento niya sa akin ang tungkol sa inyo at lahat ng paghihirap niya mahanap ka lang. Gusto sana niyang makita ka bago pa man sana siya babalik sa America. Nang nakita ko ang picture mo, nagulat ako. Nakita na kita noon sa UP e. Ikaw ang dahil kung bakit doon ko gustong mag-enrol. Ikaw ang dahila
At nakita kita sa tagpuan ni BathalaMay kinang sa mata na di maintindihanTumingin kung saan sinubukan kong lumisanAt tumigil ang mundoNung ako'y ituro moSiya ang panalangin koNang naibaba ang puting harang ay nakita ko si Jake. Nakangiting nakatitig sa akin. Hindi siya nagulat. Hindi iyon ang inaasahan ko sa kanya. Para bang alam na niya. Napaluha siya. May katabi siyang lalaki na nakatalikod. Iyon na marahil ang pinalabas ni Daddy na siyang ikakasal. At hindi di mapaliwanagAng nangyari sa akinSaksi ang lahat ng talaSa iyong panalanginSi Jake, si Jake ang pinili kong una kong pakakasalan. Siya dapat ang iniisip ko at hindi si Jinx. Kaya nga mabilis kong pinunasan ang luha ko at nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa lalaking kasama kong nagdadasal para mapahaba pa ang kanyang buhay at nang magsasama pa kami ng matagal.Pano nasagot lahat ng bakit?Di makapaniwala sa nangyariPano mo naitama ang tadhana?Nang itaas kong muli ang aking paningin. Humarap na ang kaninang nakat
Isang masarap na halik ang ikinintal niya sa aking labi at mahigpit na yakap habang hinahaplos niya ang likod ko. Pagkatapos ang mahigpit na yakap niyang iyon ay masuyo din niya akong tinitigan at hinaplos haplos ang aking pisngi. “Mahal kita, mahal na mahal kita. Lagi mong tandaan ‘yan babe. Lagi mong iisipin na ang lahat ng aking gagawin ay para sa’yo. Maaring ito na ang huli nating pagtatalik, maaring hindi na kailan man mauulit ngunit babantayan kita. Patuloy kitang pagmamasdan. Hangad ko ang iyong kaligyahan sa nalalabi mo pang taon sa lupa. Gawin mong masaya ang bawat sandali kasama ng ating anak. palakihin mo siya ng may takot sa Diyos. Ikaw na lang ang bahalang magkuwento sa kanya kung sino ako. Ikaw na lang ang bahalang magpakilala sa kanya sa akin kapag kayo ay dadalaw sa akin puntod.” “Huwag ka namang magsalita ng ganyan please? Huwag muna.”“Mangyayari na’yon bhie. Habang kaya ko pang sabihin ang lahat. Sinasabi ko na sa’yo. Hinahabilin. Ibinabalik sa tunay sa’yong nag-ma
Habang kinakanta ko ay bumabalik ang lahat sa akin at alam kong siya rin. Nanginginig ang kamay niyang nagbi-video sa akin. Hindi ko napigilang hindi maiyak habang kinakanta ko iyon lalo pa’t nakangiti ring umiiyak ang mahal kong nakamasid sa akin. Alam kong iyak iyon ng sobrang kaligayahan dahil sa kabila ng pagsubok, sa kabila ng dapat noon pa siya bumigay dahil sa sakit niya ay buo pa rin kaming dalawa hanggang ngayon.If I could be the perfect man in your eyes I would give all I'm worth to be a part of your life I could promise the world but it's out of my hands I can only give you everything I haveBatid kong pinakamalaking bahagi ng buhay namin ang isa’t isa. Hindi man siya ang aking first love pero para sa akin, he is my greatest love. Masaya ako kasi ako ang first love niya, greatest and last love niya. Napakaimposible na ako lang ang naging babae sa buhay niya ngunit alam ko iyon at sigurado ako. Totoo pa lang may kagaya niya. Lalaking tapat magmahal. Lalaking hindi sumusu
“Sige ho. Magpahinga na muna kayo. I’ll just advise you na lang po kung kailan kayo pwede nang ma-discharge. Tatawagin ko na ho si Tito para masamahan kayo at mabantayan kayo dito sa loob. May mga nurses po ako at doctors na titingin, tingin pa rin ho sa inyo.” Huminga ako ng malalim. Parang napakagaan sa dibdib. Sa tinagal-tagal ng panahon parang ngayon lang ako lumaya. Malaya sa galit. Malaya sa hinanakit. Malaya sa paghihiganti. Nang buksan ko na sana ang pinto ay bigla niya akong tinawag. “Dok Khaye, Dok…” garalgal ang boses niya. Nilingon ko. Itinaas niya ang kanyang kamay. Parang gusto niya akong kamayan. Tinanggap ko ang kanyang palad. Ibang Mrs. Castro ang nakikita ko. Hindi na siya yung dating matapang. Isang Mrs. Castro na nahihiya. “May kailangan ho ba kayo?” Tumayo ako sa gilid ng kanyang kama. Ginagap niya ang isa ko pang kamay. Parang may kung anong dumaloy sa