Chapter 72Tinitigan niya ako. Yung titig na para niyang pinapasok ang kaluluwa ko. Ako ang natalo. Yumuko. Bakit kasi ang gwapo-gwapo niya kahit saang anggulo. Namumula ang kanyang mukha sa init dahil mahina ang ceiling fan. Kahit pa pinagpapawisan siya parang ang fresh pa rin niya. Yung amoy ng kanyang pawis, sobrang bango. Amoy sosyal.“Khaye?”“Yes?”“Alam ko kasing masyadong maaga para tanungin kita kung mahal mo ako. Sa akin tama na munang malaman ko kung gusto mo rin ako? Seryoso ako Khaye. Gusto mo rin ba ako?”Hindi ako nakasagot. Bigla na lang akong nalito? Iniisip ko kung tama bang pasukin ko ito at ang magiging kapalit na naman ay ang pagkabuwag ng mga pangarap ko lalo pa’t malapit ko ng makamit. Ayaw ko na sana, lalo pa’t naiisip ko si Nanang na naghihitay sa aking pagtatagumpay. Isusugal ko bang muli ang aking puso kasabay sa pagtahak ko ng landas patungo sa tagumpay? “Okey kung ayaw mong sumagot ibig sabihin hindi nga talaga yata ako papasa sa’yo.”Hindi pa rin ako sum
CHAPTER 73 “I’m sorry.” sabay naming namutawi. “No, I should be the one to apologize.” “Okey good night Jake.” Pumasok ako at mabilis kong isinara ang gate. Napahawak ako sa aking dibdib. “Ano bang kalandian ito Khaye? Bakit ang harot harot mo na naman?” bulong ko sa aking sarili. Sinunod niya ang sinabi ko. Hindi siya sa akin nag-text. Nag-text lang siya sa akin ng good night. “Even After Spending The Entire Day With You, I Just Can’t Seem To Get Enough Of You Sweet dreams.” Kinabukasan, text na naman niya ang gumising sa akin. “Your smile is the only inspiration I need. The voice is the only motivation I need. Your love is the only happiness I need. Good morning.” Kung ang sagot ko kagabi ay simpleng “Nyt.” Ngayon ay “Morning” lang. Hindi dapat siya masanay na kakuwentuhan niya ako sa text. Maghapong wala rin siyang text. Ako itong si gaga ang check na ng check kung nagtext nga ba siya o hindi sa aking trabaho. Panay ang labas ko ng king cellphone. Nganga. Kinahapunan, wala
Chapter 74“Hanggang sa dumating na lang yung isang araw paggising ko na tama na. Dahil sa tatlong taon na akong nagtitiis at sobrang nahihirapan na ako kaya naglakas loob na lamang akong nakipagkilala sa ‘yo. Iyon na ang pinakamahirap na nagawa ko sa buhay ko. Hindi ko kasi alam kung paano simulan ngunit naisip ko na kung hindi ako gagawa ng unang hakbang ay baka pagsisihan kong dadaan ka sa buhay ko na hinayaan kong takot at hiya lamang ang tanging dahilan kung bakit nagiging blangko ang kuwento nating dalawa.” Umiling siya. Tumingin sa akin. “Alam mo bang kaibigan lang naman na talaga ang ini-expect ko sa’yo kasi baka nga hindi mo ako gusto talaga dahil napalatagal nang panahon na nagkikita tayo sa campus pero parang hangin lang talaga ako sa’yo, iyon na muna ang hangad ko ngunit nang nakausap na kita, hindi na lang pala iyon ang gusto ko at kung papayag ka ay sana higit pa dun ang ninanais ko. “Alam mo kung ano ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ako? Kung tutu
Chapter 74“Doon sa tanong mong anong mapapala natin kung sisimulan natin ito?” pagpapatuloy niya at nanatili akong tagapakinig. ”Kailangan bang kapag nagmahal tayo ang iisipin natin ay kung anong mapapala natin? Doon palang sa pagbibigay laya sa nararamdaman natin at pagiging masaya sa hatid ng pag-ibig sa buhay natin ay di pa ba sapat iyon na gantimpala natin? Kapag nagmahal tayo, ang sana isipin natin ay kung ano ang kaya nating ibigay at hindi iyong kung ano ang mapapala natin sa kaniya dahil kung ginawa natin iyon, hindi siya ang minahal natin at hindi tayo nagmahal ng iba kundi ipinakita lang natin ang pagkamakasarili. Sarili mo pa rin ang minahal mo at hindi siya.” Napayuko ako. Matalino at mahusay siyang magsalita. Dama ko ang lahat ng sinabi niya. Naroon ang katotohanang hindi ko kayang itanggi. Nang sasagot palang sana ako ay biglang tinawag ang pangalan ni Jake sa entablado.“Kilala ka rito?”“Dito kami madalas kumakain ni Daddy. Nakasanayan na kasi nilang
Chapter 76 Hindi na ako babalikan pa ni Jinx dahil kung bumalik siya, dapat noon pa. Dapat hinanap niya ako. Nagparamdam man lamang. “Oh, anong nangyari sa’yo? Umiiyak ka?” “I’m touched by your song and happy at the same time.” “Bakit naman?” “Yes? Yes ang alin?” “I know, you suffered enough for three long years, you’ve been through a lot of sacrifices and my answer is yes.” “Para saan nga yung yes? Ibig sabihin tayo na?” “Yes.” “Say it!” “Say it what?” “Just say that you love me too.” “How should I? You should tell me “I love you” first before I answer you.” “Oh God! I don’t know what to say. Kung may salita pang maari kong magamit na higit pa sa sa salitang mahal kita? Sinabi ko na. Pero Khaye, I loved you yesterday, I love you still, I always have, I always will. I love you.” Hinawakan niya a
Chapter 77 Dahil sa dami ng ginagawa kong output bago ang aming last quarter at trabaho ko na matagal na niyang sinasabi na mag-resign na ay tinanghali na ako ng gising. May sarili siyang susi sa apartment kaya alam kong siya ang pumasok ng maaga. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman ko ang yakap at halik niya sa akin. Muli akong nakaidlip sa pagod at puyat.Ginising niya ako for lunch. Uminat muna ako. Tumingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko.“May chicken pox ka ba?”“Wala bakit?”“You have these pink or red bumps kasi on your neck and face. What happen?”“I cook kasi for you.”“You cook what?”“Bacon, egg, your favorite tinapa and fried bangus.”“Oh my God. May handaan ba? Bakit andami mong niluto? Saka tignan mo nangyari sa mukha mo o? Puro tilamsik ng mantika ‘yan ano?.”“Kaysa pagalitan mo ako. Bumangon ka na diyan at samahan mo akong kumain.”Bumangon ako. Nag-effort nga naman yung tao. Unfair kung bungangaan ko pa e nasaktan na nga. Nagsipilyo na muna ako
Chapter 78Anong nangyayari sa akin? Natutulala na naman ako. Nasasaktan. Kinukutuban ng hindi maganda.Pangalawang gabi hindi na ako nakatulog pa. Lagpas ala-una na nang madaling araw nang makaidlip ako. Naalimpungatan ako nang may yumakap sa akin. Sa gulat ko ay halos mapasigaw at ako napabalikwas.“Babe ko, ako ‘to.”Si Jake. Bumalik at umuwi si Jake. Pinatunayan niyang hindi siya gagaya kay Jinx na iniwan ako at hindi na muli pang bumalik.“Bakit bigla ka na lang hindi nag-text at tumawag?” tanong ko nang nawala ang pagkagulat ko.“I lost my phone. I was then busy to buy new one kaya sinabi ko kay Daddy na tapusin ko na lang lahat ang trabaho ko at umuwi dito sa Pilipinas.”“Namiss kita.”“Namiss rin naman kita.”“Natakot ako na baka hindi mo ako babalikan.”“I’ll never do that. Hindi kita iiwan, tanging kamatayan lang ang sa atin ay makapaghihiwalay, babe ko.” sinuklay niya ang buhok ko sa pamamagitan ng kanyang daliri. “Smile na. Nandito na ako oh.”Niyakap ko siya ng mahigpit n
Chapter 79“Kapag ba nag-yes ako, ikakasal na tayo agad?”“Of course not yet babe.”“So hindi pa. ga-graduate muna ako. Gagamitin ko muna ang pinag-aralan ko hindi ba? Magiging doktor muna tayong dalawa.”“Of course. Gusto ko lang maging exclusive tayo. This engagement changes the our status as couple since this demonstrates our commitment not just to each other, but also to a change of lifestyle. Hinahanda lang natin ang sarili natin para mas matibay na tayo kapag darating yung araw na ikakasal tayo. Alam kong marami ka pang pangarap. Remember magkakaroon pa tayo ng sarili nilang hospital na ikaw ang magpapatakbo? Gusto kong makamit nating lahat muna iyon. Gusto kong katabi mo ako, karamay mo ako sa pag-abot ng lahat ng pangarap mong iyon.”“Okey then, in that case, my answer is definitely yes.”Nagpalakpakan ang mga tao. Niyakap ko siya. “Salamat baby at ngayong isang taon na tayo, ngayong engaged na tayo siguro sapat na rin na panahon para taas noo kitang ipakilala sa angkan ko. B