Chapter 79“Kapag ba nag-yes ako, ikakasal na tayo agad?”“Of course not yet babe.”“So hindi pa. ga-graduate muna ako. Gagamitin ko muna ang pinag-aralan ko hindi ba? Magiging doktor muna tayong dalawa.”“Of course. Gusto ko lang maging exclusive tayo. This engagement changes the our status as couple since this demonstrates our commitment not just to each other, but also to a change of lifestyle. Hinahanda lang natin ang sarili natin para mas matibay na tayo kapag darating yung araw na ikakasal tayo. Alam kong marami ka pang pangarap. Remember magkakaroon pa tayo ng sarili nilang hospital na ikaw ang magpapatakbo? Gusto kong makamit nating lahat muna iyon. Gusto kong katabi mo ako, karamay mo ako sa pag-abot ng lahat ng pangarap mong iyon.”“Okey then, in that case, my answer is definitely yes.”Nagpalakpakan ang mga tao. Niyakap ko siya. “Salamat baby at ngayong isang taon na tayo, ngayong engaged na tayo siguro sapat na rin na panahon para taas noo kitang ipakilala sa angkan ko. B
Chapter 80Ngumiti si Jake. Hinawakan niya ang maamo kong mukha. Hinalikan niya muna ako bago niya nilagyan ng kapote ang kanyang si Adonis. Humiga ako. Kinakabahan man ngunit kailangan kong ibigay hindi lang ang aking katawan kundi kasama na rin dapat ang aking kaluluwa. Ramdam ko ang dahan-dahang pagpasok ni Adonis sa aking si Aphrodite. Naging banayad ang bawat ritmo. Alam na alam ni Jake ang kaniyang ginagawa. Hindi niya niya ako sasaktan. Hindi niya kailangan magmadali. Kailangan niyang magpakatiyaga sa bawat indayog at ritmo. Kailangan malasap ko ang kaibahan at sabay dapat kaming abutin ang rurok ng aming maluwalhating pag-iisa. Naiintinidhan ko ang bawat mahinang pag-mumura ni Jake sa kakaibang sarap. Ang pagkagat niya sa aking labi hanggang sa dumiin ng dumiin at ramdam na naming dalawa ang sarap ng aming pinagsasaluhan. Simbilis ng pintig ng aming puso ang ritmo ng aming ginagawa. Singsidhi ng sarap ang ang indayog na aming inasaliw. Bumilis ang kanyang pagbayo at bumigat an
Chapter 81 Chapter 81 Bumalik ako sa kusina. Tinitigan ko ang niluto ko. Kanina lang nakaramdam ako ng gutom ngunit ngayon ay parang wala na akong ganang kumain. Ibinalik ko na lang ang mga plato sa lagayan. Inilagay ko ang ulam sa Ref at pumasok na lang ako sa kuwarto. Nagkaroon ng dahilan ang isip ko para maghinala. Dahil sa hinalang iyon, nabuo na ang takot, nabawasan ang tiwala at sunud-sunod ang aking buntong-hininga. Kailangan kong malaman ang totoo. Oras na malaman kong niloloko lang niya ako ay magtutuos kaming dalawa. Hindi pa niya kilala kung sino si Khaye. Pagkatapos niyang makuha ang gusto niyang makuha sa akin ay magbabago na lang siya ng ganyan? Bakit ba kailangan kong paulit-ulit na masaktan? Sinubukan kong tawagan siya sa kaniyang celphone ngunit nakapatay na ito. Lalo akong naghinala. Hindi niya ugaling patayin ang kanyang cellphone. Ginamit lang niya kanina kaya paanong bigla na lang ito hindi ma-contact? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na akong ganang gumawa
CHAPTER 82 “Hindi ko kayang magkakalayo tayo. Hindi ko kayang iwan ka ngunit parang iyon ang mangyayari bhie.” “Ano. Iiwan mo rin ako? Saan ka pupunta?” “Mahal na mahal kita at gusto kong tandaan mo iyon kahit ano pa ang mangyayari.” “Hindi kita maintindihan. Saan ka nga pupunta at bakit kailangan mo akong iwan?” “Alam ko na mahirap mong intindihin ang lahat.” “Paano ko nga maiintindihan kung hindi ka sa akin nagsasabi. Hindi ako Diyos para alam lahat. Wala akong kapangyarihang manghula para maintindihan ko ang dahilan ng ginagawa mong ito. Jake naman, parang awa mo na oh!” “Hayaan mo na. Ayaw kong pati ikaw ay maaapektuhan kung anuman ang problema ko ngayon. Halika nga dito at namimiss na kitang yakapin.” Pinunasan niya ang kaniyang mga luha. Pinilit niyang ngumiti. Sinipat ko ang oras sa dinding. Mag-aalastres na pala ng madaling araw. “So, wala ka pa ring sasabihin? Wala kang aaminin?” “Wala. Saka na kapag sa tingin ko okey na pero tandaan mo, hindi ako aalis ng walang dahi
Chapter 83Ngayon ko malalaman ang lahat.Nang nakita kong suimakay siya kotse niya ay nagtago muna ako. Sana makakuha agad ako ng taxi o kahit anong pwedeng masakyan ko mamaya paglabas niya. Nang alam kong nakalabas na ay pumara ako ng angkas. Mas okey na kung motor nang hindi maipit sa traffic para madali ko lang siyang masundan kung saan sila magkikita ng kanyang babae.“Kuya, huwag na huwag kang malilingap ha. Dapat masundan natin yang puting kotse na ‘yan.”“Huwag kang mag-alala ma’am. Pasuot lang ho ng maayos ‘yang helmet ninyo kasi kapag mahuli tayo at di ninyo suot ‘yan e lalo tayong maabala.”“Sorry po.” Mabilis kong isinuot ang iniabot niyang helmet kanina pa.“Asawa ba ninyo ‘yan ma’am?”“Opo.”“May kabit ba?”“Tsismoso ka kuya ha?”“Hindi ba pwedeng curious lang?”“Sundan mo lang kuya. Hindi kita babayaran ng talent fee sa pagka-Boy Abunda mo. Iyon lang ho ang ipagagawa ko.”“Okey Ma’am. Pasensiya na ho.”Kahit magbayad ako ng magkano basta malaman ko lang kung ano ang gin
Chapter 84“Bhie, dumating na ang baby mo. Kiss naman diyan. Antagal ko kayang nawala,” biro niya nang dumating siya galing sa grocery. Napakarami niyang bitbit na pinamili. Masayang-masaya siya at hindi ko alam kung paano ko simulang kausapin. Yun bang ayaw mo sanang sirain ang mood ng isang tao lalo pa’t may favor siyang ginagawa para sa’yo. Ayaw ko sanang ako ang pagsimulan ng away ngunit hindi ko na kasi talaga kinakaya pa.Tinulungan ko siyang ipasok lahat ang mga groceries. Wala akong imik. Tumitingin siya sa akin sa tuwing nagkakasalubong kami sa pagpasok ng mga pinamili niya. Nakangiti siya, hindi ako. Tagaktak siya ng pawis. Hindi ko iyon pinunasan tulad ng nakagawian kong gawin. Nang naipasok namin lahat ang pinamili niya ay bumalik ako sa aking laptop. Nagkunwarian akong abala ngunit ang totoo ay hindi ko alam kung ano ang ita-type ko.“Baby, tulungan mo naman akong iayos ang mga pinamili ko oh, heto bumili ako ng ice cream mo saka yung paborito mong chocolate cake….”
Chapter 85“Bakit hindi ka sumagot! Bakit hindi mo sabihin sa akin na ayaw mo na sa akin at may bago ka na. Bakit kailangan pa sa Houston ninyo gawin ang mga bagay na puwede naman ninyong gawin dito. Kung maging tapat ka lamang sa akin palalayain naman kita e. Hindi naman kita itatali sa relasyon na ayaw mon a. Hindi naman kita pipilitin kung saw aka na. At alam mo kung ano pa yung ikinasasakit ng loob ko? Iyon yung uutusan kang tumigil sa iyong pag-aaral. Hindi mo naman kailangang i-drop ang mga subjects mo para lamang maiwasan ninyo ako ng tuluyan e.”Umiling siya. Huminga siya ng malalim. Clueless. Helpless. Tuluyan ng bumagsak ang kaniyang mga luha.“Hindi ko kailangan ang luha mo Jake, ang kailangan ko ay ang sagot mo.”“Nasagot na kita, hindi ka nakinig, hindi ka naniniwala. Anong sagot ba kasi ang gusto mo ngang marinig.” Humihikbi na siya.Gusto kong pakalmahin ang aking sarili. “Bakit parang ang labas dito ay ikaw pa ang biktima at ako ang may ginagawa? Please stop acting lik
Chapter 86“Irespeto mo naman ako bhie. Tanggapin mo naman ako pati ang mga sinasabi ko kung gusto mong tatanggapin ko rin pati ang lahat ng maling ginagawa mo. Pag-aralan mong mabuti ang mga bintang mo sa akin ngayon.” Itinaas niyang muli ang laylayan ng kanyang damit at pinunasan ang luha niya. Yumuko siya. Huminga muna ng malalim. “Ansakit kasi na pinagbibintangan ka ng wala ka namang ginagawang masama. Ang hirap ng pinagbibintangan ka na hindi mo alam kung paano mo patutunayang mali ang hinala dahil hindi ka naman pinakikinggan o pinagkakatiwalaan. Alam mo ba kung gaano kasakit iyon? Please lang bhie, sa lahat ng ayaw ko ay ang mag-aaway tayo sa simpleng dahilan. Ayaw kong magkaroon ng mitsa ang relasyon natin sa wala namang kadahi-dahilan. Ngayon, magpakatotoo ka sa akin, sabihin mo kung ano ang problema mo para ihanapan ko ng solusyon.”“Lahat, Jake lahat ng binanggit mo. Ayaw ko ang pagpunta mo sa Houston kasama si Jenny, naghihinala ako sa inyo, ayaw kong i-drop mo ang mga sub