CHAPTER 82 “Hindi ko kayang magkakalayo tayo. Hindi ko kayang iwan ka ngunit parang iyon ang mangyayari bhie.” “Ano. Iiwan mo rin ako? Saan ka pupunta?” “Mahal na mahal kita at gusto kong tandaan mo iyon kahit ano pa ang mangyayari.” “Hindi kita maintindihan. Saan ka nga pupunta at bakit kailangan mo akong iwan?” “Alam ko na mahirap mong intindihin ang lahat.” “Paano ko nga maiintindihan kung hindi ka sa akin nagsasabi. Hindi ako Diyos para alam lahat. Wala akong kapangyarihang manghula para maintindihan ko ang dahilan ng ginagawa mong ito. Jake naman, parang awa mo na oh!” “Hayaan mo na. Ayaw kong pati ikaw ay maaapektuhan kung anuman ang problema ko ngayon. Halika nga dito at namimiss na kitang yakapin.” Pinunasan niya ang kaniyang mga luha. Pinilit niyang ngumiti. Sinipat ko ang oras sa dinding. Mag-aalastres na pala ng madaling araw. “So, wala ka pa ring sasabihin? Wala kang aaminin?” “Wala. Saka na kapag sa tingin ko okey na pero tandaan mo, hindi ako aalis ng walang dahi
Chapter 83Ngayon ko malalaman ang lahat.Nang nakita kong suimakay siya kotse niya ay nagtago muna ako. Sana makakuha agad ako ng taxi o kahit anong pwedeng masakyan ko mamaya paglabas niya. Nang alam kong nakalabas na ay pumara ako ng angkas. Mas okey na kung motor nang hindi maipit sa traffic para madali ko lang siyang masundan kung saan sila magkikita ng kanyang babae.“Kuya, huwag na huwag kang malilingap ha. Dapat masundan natin yang puting kotse na ‘yan.”“Huwag kang mag-alala ma’am. Pasuot lang ho ng maayos ‘yang helmet ninyo kasi kapag mahuli tayo at di ninyo suot ‘yan e lalo tayong maabala.”“Sorry po.” Mabilis kong isinuot ang iniabot niyang helmet kanina pa.“Asawa ba ninyo ‘yan ma’am?”“Opo.”“May kabit ba?”“Tsismoso ka kuya ha?”“Hindi ba pwedeng curious lang?”“Sundan mo lang kuya. Hindi kita babayaran ng talent fee sa pagka-Boy Abunda mo. Iyon lang ho ang ipagagawa ko.”“Okey Ma’am. Pasensiya na ho.”Kahit magbayad ako ng magkano basta malaman ko lang kung ano ang gin
Chapter 84“Bhie, dumating na ang baby mo. Kiss naman diyan. Antagal ko kayang nawala,” biro niya nang dumating siya galing sa grocery. Napakarami niyang bitbit na pinamili. Masayang-masaya siya at hindi ko alam kung paano ko simulang kausapin. Yun bang ayaw mo sanang sirain ang mood ng isang tao lalo pa’t may favor siyang ginagawa para sa’yo. Ayaw ko sanang ako ang pagsimulan ng away ngunit hindi ko na kasi talaga kinakaya pa.Tinulungan ko siyang ipasok lahat ang mga groceries. Wala akong imik. Tumitingin siya sa akin sa tuwing nagkakasalubong kami sa pagpasok ng mga pinamili niya. Nakangiti siya, hindi ako. Tagaktak siya ng pawis. Hindi ko iyon pinunasan tulad ng nakagawian kong gawin. Nang naipasok namin lahat ang pinamili niya ay bumalik ako sa aking laptop. Nagkunwarian akong abala ngunit ang totoo ay hindi ko alam kung ano ang ita-type ko.“Baby, tulungan mo naman akong iayos ang mga pinamili ko oh, heto bumili ako ng ice cream mo saka yung paborito mong chocolate cake….”
Chapter 85“Bakit hindi ka sumagot! Bakit hindi mo sabihin sa akin na ayaw mo na sa akin at may bago ka na. Bakit kailangan pa sa Houston ninyo gawin ang mga bagay na puwede naman ninyong gawin dito. Kung maging tapat ka lamang sa akin palalayain naman kita e. Hindi naman kita itatali sa relasyon na ayaw mon a. Hindi naman kita pipilitin kung saw aka na. At alam mo kung ano pa yung ikinasasakit ng loob ko? Iyon yung uutusan kang tumigil sa iyong pag-aaral. Hindi mo naman kailangang i-drop ang mga subjects mo para lamang maiwasan ninyo ako ng tuluyan e.”Umiling siya. Huminga siya ng malalim. Clueless. Helpless. Tuluyan ng bumagsak ang kaniyang mga luha.“Hindi ko kailangan ang luha mo Jake, ang kailangan ko ay ang sagot mo.”“Nasagot na kita, hindi ka nakinig, hindi ka naniniwala. Anong sagot ba kasi ang gusto mo ngang marinig.” Humihikbi na siya.Gusto kong pakalmahin ang aking sarili. “Bakit parang ang labas dito ay ikaw pa ang biktima at ako ang may ginagawa? Please stop acting lik
Chapter 86“Irespeto mo naman ako bhie. Tanggapin mo naman ako pati ang mga sinasabi ko kung gusto mong tatanggapin ko rin pati ang lahat ng maling ginagawa mo. Pag-aralan mong mabuti ang mga bintang mo sa akin ngayon.” Itinaas niyang muli ang laylayan ng kanyang damit at pinunasan ang luha niya. Yumuko siya. Huminga muna ng malalim. “Ansakit kasi na pinagbibintangan ka ng wala ka namang ginagawang masama. Ang hirap ng pinagbibintangan ka na hindi mo alam kung paano mo patutunayang mali ang hinala dahil hindi ka naman pinakikinggan o pinagkakatiwalaan. Alam mo ba kung gaano kasakit iyon? Please lang bhie, sa lahat ng ayaw ko ay ang mag-aaway tayo sa simpleng dahilan. Ayaw kong magkaroon ng mitsa ang relasyon natin sa wala namang kadahi-dahilan. Ngayon, magpakatotoo ka sa akin, sabihin mo kung ano ang problema mo para ihanapan ko ng solusyon.”“Lahat, Jake lahat ng binanggit mo. Ayaw ko ang pagpunta mo sa Houston kasama si Jenny, naghihinala ako sa inyo, ayaw kong i-drop mo ang mga sub
Chapter 87“I hate the feeling when you have to say goodbye to someone you want to spend every minute with, I love you. I always will. See you soon.”Binitiwan niya ako pagkatapos ng madamdamin at puno ng pagmamahal na halik niya sa aking labi. Binitiwan niya ako. Mabilis na siyang naglakad palayo. Hindi na siya lumingon pa.Ngunit ang dalawang linggo ay naging higit isang buwan. Sobrang namiss ko siya ng husto kahit lagi kaming magka-chat at nagkakatawagan. Iba pa rin talaga iyong nayayakap ko siya, nahahalikan, naaamoy at kasama sa lahat ng mga gawain sa bahay. Namimiss ko siya ng husto. Sobrang nami-miss ko na siya.Nang huli niyang dalawang Linggo sa America, expectedly hindi na naman halos magparamdam si Jake. Napakasakit dahil sabik na sabik na ako sa kanya, hindi ko pa nakakausap ng madalas. Ako yung naiwan na walang magawa. Lahat ng naramdaman ko noon na pangungulila kay Jinx ay nararamdaman ko uli ngayon. Ang sakit. Walang kasinsakit. Sa kabila ng mga iyon, sinikap kong isip
CHAPTER 88 “Basta, ipapakilala na kita na fiancee ko, sana huwag kang maasiwang harapin sila. Wala kang dapat ikahiya bhie, maganda ka, may pinag-aralan at boyfriend mo lang naman ang celebrant.”“What about your Daddy? Istrikto ba siya? Nakakatakot?”“Nah, he is cool. He’s excited to finally meet you. Matagal na kasi niyang alam na may kinalolokohan akong girlfriend pero hindi ka pa kasi niya nakikita.” Nakangiti siyang nakatingin sa mga bisita habang sinasabi niya iyon. Pabulong nga lamang ang kaniyang pagkakasabi dahil iniwasan din niyang marinig siya ng iba.Lahat ng mga bisita sa akin na nakatingin. Alam kong mangyayari ito pero inihanda na ako ni Jake. Kapag may nakakasalubong ako ng tingin, ako na ang nauunang ngumiti at bumati. Kumaway na parang isang celebrity. I am confident but not arrogant and cocky.“Ibig mong sabihin, alam niya ang tungkol sa akin?” nakangiti pa rin akong nakatingin sa ibang bisita at ganoon rin naman si Jake. Nakatingin at nakangiti sa mga nagbubulung
Chapter 89“Sus! Hindi ko inisip na magagawa ni Dad yan. Gusto lang niyang sukatin kung gaano mo ako kamahal.” Tinitigan niya ako saka siya pumuwesto sa likod ko at niyakap ako. “Bhie, kung sakali bang hilingin ni Daddy na layuan mo ako, gagawin mo ba?”“Magkano naman kaya kunsakali?” humagalpak ako ng tawa para lang mawala ang tensiyong nararamdaman ko.“Ganun? May presyo ba talaga?” nagkukunyarian siyang pikon.“Biro lang. Bhie, alam mo namang priceless ka sa akin hindi ba?. Kulang ang yaman ninyo na pambili niya ng kalayaan mo mula sa akin. Kahit walang-wala ako, kaya kong ipaglaban ang nararamdaman ko sa iyo. Sandali nga pala, may ibibigay ako sa’yo.”Kumunot ang kanyang noo. “Ano ‘yon?”“Ibibigay ko na sa iyo dito ang regalo kong pinag-ipunan ko talaga.” Kung tutuusin nga galing rin naman sa kanya ang pinambili ko dahil sa hindi maawat nap ag-iiwan niya ng pera tuwing binibisita niya ako.“Sweet naman ng baby ko. You don’t need naman to give me something. I have you at ikaw ang p