CHAPTER 88 “Basta, ipapakilala na kita na fiancee ko, sana huwag kang maasiwang harapin sila. Wala kang dapat ikahiya bhie, maganda ka, may pinag-aralan at boyfriend mo lang naman ang celebrant.”“What about your Daddy? Istrikto ba siya? Nakakatakot?”“Nah, he is cool. He’s excited to finally meet you. Matagal na kasi niyang alam na may kinalolokohan akong girlfriend pero hindi ka pa kasi niya nakikita.” Nakangiti siyang nakatingin sa mga bisita habang sinasabi niya iyon. Pabulong nga lamang ang kaniyang pagkakasabi dahil iniwasan din niyang marinig siya ng iba.Lahat ng mga bisita sa akin na nakatingin. Alam kong mangyayari ito pero inihanda na ako ni Jake. Kapag may nakakasalubong ako ng tingin, ako na ang nauunang ngumiti at bumati. Kumaway na parang isang celebrity. I am confident but not arrogant and cocky.“Ibig mong sabihin, alam niya ang tungkol sa akin?” nakangiti pa rin akong nakatingin sa ibang bisita at ganoon rin naman si Jake. Nakatingin at nakangiti sa mga nagbubulung
Chapter 89“Sus! Hindi ko inisip na magagawa ni Dad yan. Gusto lang niyang sukatin kung gaano mo ako kamahal.” Tinitigan niya ako saka siya pumuwesto sa likod ko at niyakap ako. “Bhie, kung sakali bang hilingin ni Daddy na layuan mo ako, gagawin mo ba?”“Magkano naman kaya kunsakali?” humagalpak ako ng tawa para lang mawala ang tensiyong nararamdaman ko.“Ganun? May presyo ba talaga?” nagkukunyarian siyang pikon.“Biro lang. Bhie, alam mo namang priceless ka sa akin hindi ba?. Kulang ang yaman ninyo na pambili niya ng kalayaan mo mula sa akin. Kahit walang-wala ako, kaya kong ipaglaban ang nararamdaman ko sa iyo. Sandali nga pala, may ibibigay ako sa’yo.”Kumunot ang kanyang noo. “Ano ‘yon?”“Ibibigay ko na sa iyo dito ang regalo kong pinag-ipunan ko talaga.” Kung tutuusin nga galing rin naman sa kanya ang pinambili ko dahil sa hindi maawat nap ag-iiwan niya ng pera tuwing binibisita niya ako.“Sweet naman ng baby ko. You don’t need naman to give me something. I have you at ikaw ang p
Chapter 90Hindi muna ako makapagsalita. Kung magtatanong siya, sabihin ko na agad sa pagmumukha niya ang totoo.“Gusto ko sanang sabihin sa iyo, Khaye na sana huwag mong sasaktan si Jake. Sobrang ipinaglaban ka niya sa akin. Mahirap sa isang ama na makitang ang anak niya ay iiyak at masasaktan sa pag-ibig. Lalaki ang anak ko kaya parang hindi natural na ganito ako sobrang nag-aalangan sa pakikipagrelasyon niya ngunit kailangan dahil siya na lang ang iniwan sa akin ng kaniyang ina na alaala. Mahal na mahal ko ang anak ko at kahit sinong ama, ayaw niyang makitang mabigo o masaktan ito. Nang una, tumanggi pa ako dahil alam kong hindi pa siya handa lalo pa’t ikaw palang ang alam kong unang girlfriend niya ngunit kahit anong gawin ko ay talagang ayaw ka niyang isuko at dahil doon ay pinagbigyan ko na lang siya. Ipinakita kasi niya ang determinasyong ilaban ang gusto, ipaglaban ang mahal niya…”“Na hindi mo nagawa noon kay nanang ko?” sa wakas ay nagkaroon ako ng pagkakataong isingit at si
CHAPTER 91Nang nasa gate na nila ako ay hinawakan niya ang kamay ko.“Anong nangyari bhie? Anong sinabi ni Daddy sa’yo.”“Kalimutan mo na ako. Magkalimutan na tayo.?“Here is your ring. Ibigay mo iyan sa may karapat-dapat. Mula ngayon, hindi na tayo maari pang magkita. Hindi mo na muna ako maaring kausapin.”“Ha? Anong sinasabi mo? Bhie, ano ‘to? Please, enlighten me kasi hindi ko naiintindihan. Naguguluhan ako.”“Tatanggapin mo ba itong singsing o ilalaglag ko rito.”“Please be reasonable. Tell me what’s going on. Huwag naman ganito. Huwag mong gawin sa akin ito.” Nag-uunahan na ang luha sa kanyang mga mata. Nanginginig. Hindi mapakali. Paikot-ikot na para bang gusto niyang balikan at tanungin ang Daddy niya ngunit hindi naman ako maiwan. Ramdam ko yung pagka-aburido at sakit na kanyang nararamdaman.“Heto, kung ayaw mong kunin sa kamay ko, hayan. Hayan ang singsing mo.” Binitiwan koi yon. Sabay kaming tumingin sa pagbagsak at paggulong ng singsing.Tumalikod na ako. Naglakad palayo
Chapter 92“Nangako ka e. Sumumpa kang ikaw at ako lang. Anong nangyari? Bakit mo ako binitiwan. Bakit mo ako iniwan! Hindi ako aalis dito bhie hangga’t ayaw mong makipag-ayos sa akin. Kung may sinabi siya sa iyo, sana sabihin mo sa akin dahil wala namang gusot ang hindi naayos sa mabuting pag-uusap.”Naisip ko, hindi na kayang ayusin ng mabuting pag-uusap ang relasyon naming dalawa bilang kami. Isa itong pagkakamali na dapat ay tapusin na at hintayin ang tamang panahon kung kailan matatanggap na ng puso na ang nangyari ay dala lamang ng isang pagkakamaling hindi dapat pinagpapatuloy pa kundi nararapat lamang na wakasan at pagdating ng panahon ay muling sisimulan bilang magkapatid kung tuluyan ng naglaho ang kakaibang sigaw ng aming mga puso. Kung malalaman niya ang lahat, siguradong katulad ko, tatakas din siya, gustong kalimutan ang nasimulan at mandidiri siya sa mga nangyari sa amin. Alam kong darating din siya sa puntong tulad ng ginagawa ko ngayong pagtakas at pagtalikod.“Babe k
Chapter 93“Dito ka lang. Huwag mo akong iwan. Puntahan natin si Daddy. Sabay natin pakikinggan kung ano ang totoo. Kasi wala akong lakas ng loobna marinig ang lahat ng ako lang. Please bhie, para man lang sa ating pinagsamahan.“Okey na. Tama na please. Mahuhuli na ako sa klase ko, Jake.” Alam kong kung hahayaan ko lang na nakayakap siya sa akin ng matagal ay tuluyan nitong matutunaw muli ang binuo kong pader sa pagitan namin. Nanalangin ako sa Diyos na sana bigyan niya ako ng lakas na paglabanan ang lahat. Nilayo ko ang katawan niya sa katawan ko. Ngunit humahagulgol siyang yumakap pa rin sa akin. Ayaw niya akong bitiwan.“Jake ano ba! Umayos ka nga? Hindi ka ba nandidiri? Magkapatid tayo! Kahit saang anggulo mo tignan, hindi ito katanggap-tanggap. Hindi ito tama. Kaya please umuwi ka na sa inyo!” singhal ko.Halos magwala na ako para bitiwan lang niya ako. Nakita ko ang nag-uunahang luha sa kaniyang pisngi. Nakita ko ang sobrang pagmamakaawa ng kaniyang mga mata. Nakiki-usap ang mg
Chapter 94May mga araw na hinihintay ako sa gate ng campus namin si Jake. Hinahabol niya ako. Humihingi ng pagkakataong mag-usap kami. Ngunit mas malakas ang isinasaksak kong earphone sa aking tainga at mas mabilis akong maglakad palayo. Nag-iingat na akong makita niya. Sinisipat ko munang mabuti kung nasa labas siya o wala. Lumalabas na lang ako kung nasisigurado kong wala siya sa gate na nag-aabang sa aking paglabas. Kinausap ko rin ang ang lady guard na naging kaibigan ko na rin na sabihan niya ako kung nasa gate o pumasok sa gate si Jake. Mas naging madali na sa akin ang pag-iwas. Tine-text ako kaagad ng guard kung namataan niya si Jake at kung saan pumuwesto.Kung naabutan naman niya ako sa daan na nag-aabang ng sasakyan at siya ang nakikita kong lulan ng sasakyan na humihinto sa tapat ko ay mabilis akong akong sumasakay sa mga paparating na jeep. Kailangan ko siyang iligaw. Lahat ng alam kong pag-iwas ay ginagawa ko. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon. Hindi ko rin hinayaa
Chapter 95“Ano ba talaga ang totoong nangyari nang gabing iyon?” tanong sa akin ng abogado.Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung kaya kong balikan ang nakaraan pero kailangan para mas malinaw na maintindihan ng abogado ang lahat at mas madali sa kanya na ipagtanggol si Nanang. Sinimulan ko ang kuwento ko mula sa pagnanakaw ni Tatang sa mga alahas na ibinigay sa akin ni Jinx hanggang sa pagsipa ko sa kanya na ikinamatay nito. Nagtiwala ako sa abogado namin na kaya niyang ilusot kaya wala akong inilihim. Inamin ko ang totoo. Ako ang nakapatay kay Nanang dahil papatayin niya kaming mag-ina. Aksidente ang nangyari at si Nanang ang umako sa kasalanang dapat ako ang nagbabayad.“Sige, naintindihan ko na. Alam ko na kung paano ko lalaruin ang kaso ng Nanang mo. Self defence ang kailangan nating palabasin sa korte.”“At iyon naman po talaga ang totoo.”“Alam mo, gusto lang kasi kitang kausapin muna bago ka humarap sa husgado para mapag-aralan ang mga bagay na maglalabas sa katotohanang