Chapter 90Hindi muna ako makapagsalita. Kung magtatanong siya, sabihin ko na agad sa pagmumukha niya ang totoo.“Gusto ko sanang sabihin sa iyo, Khaye na sana huwag mong sasaktan si Jake. Sobrang ipinaglaban ka niya sa akin. Mahirap sa isang ama na makitang ang anak niya ay iiyak at masasaktan sa pag-ibig. Lalaki ang anak ko kaya parang hindi natural na ganito ako sobrang nag-aalangan sa pakikipagrelasyon niya ngunit kailangan dahil siya na lang ang iniwan sa akin ng kaniyang ina na alaala. Mahal na mahal ko ang anak ko at kahit sinong ama, ayaw niyang makitang mabigo o masaktan ito. Nang una, tumanggi pa ako dahil alam kong hindi pa siya handa lalo pa’t ikaw palang ang alam kong unang girlfriend niya ngunit kahit anong gawin ko ay talagang ayaw ka niyang isuko at dahil doon ay pinagbigyan ko na lang siya. Ipinakita kasi niya ang determinasyong ilaban ang gusto, ipaglaban ang mahal niya…”“Na hindi mo nagawa noon kay nanang ko?” sa wakas ay nagkaroon ako ng pagkakataong isingit at si
CHAPTER 91Nang nasa gate na nila ako ay hinawakan niya ang kamay ko.“Anong nangyari bhie? Anong sinabi ni Daddy sa’yo.”“Kalimutan mo na ako. Magkalimutan na tayo.?“Here is your ring. Ibigay mo iyan sa may karapat-dapat. Mula ngayon, hindi na tayo maari pang magkita. Hindi mo na muna ako maaring kausapin.”“Ha? Anong sinasabi mo? Bhie, ano ‘to? Please, enlighten me kasi hindi ko naiintindihan. Naguguluhan ako.”“Tatanggapin mo ba itong singsing o ilalaglag ko rito.”“Please be reasonable. Tell me what’s going on. Huwag naman ganito. Huwag mong gawin sa akin ito.” Nag-uunahan na ang luha sa kanyang mga mata. Nanginginig. Hindi mapakali. Paikot-ikot na para bang gusto niyang balikan at tanungin ang Daddy niya ngunit hindi naman ako maiwan. Ramdam ko yung pagka-aburido at sakit na kanyang nararamdaman.“Heto, kung ayaw mong kunin sa kamay ko, hayan. Hayan ang singsing mo.” Binitiwan koi yon. Sabay kaming tumingin sa pagbagsak at paggulong ng singsing.Tumalikod na ako. Naglakad palayo
Chapter 92“Nangako ka e. Sumumpa kang ikaw at ako lang. Anong nangyari? Bakit mo ako binitiwan. Bakit mo ako iniwan! Hindi ako aalis dito bhie hangga’t ayaw mong makipag-ayos sa akin. Kung may sinabi siya sa iyo, sana sabihin mo sa akin dahil wala namang gusot ang hindi naayos sa mabuting pag-uusap.”Naisip ko, hindi na kayang ayusin ng mabuting pag-uusap ang relasyon naming dalawa bilang kami. Isa itong pagkakamali na dapat ay tapusin na at hintayin ang tamang panahon kung kailan matatanggap na ng puso na ang nangyari ay dala lamang ng isang pagkakamaling hindi dapat pinagpapatuloy pa kundi nararapat lamang na wakasan at pagdating ng panahon ay muling sisimulan bilang magkapatid kung tuluyan ng naglaho ang kakaibang sigaw ng aming mga puso. Kung malalaman niya ang lahat, siguradong katulad ko, tatakas din siya, gustong kalimutan ang nasimulan at mandidiri siya sa mga nangyari sa amin. Alam kong darating din siya sa puntong tulad ng ginagawa ko ngayong pagtakas at pagtalikod.“Babe k
Chapter 93“Dito ka lang. Huwag mo akong iwan. Puntahan natin si Daddy. Sabay natin pakikinggan kung ano ang totoo. Kasi wala akong lakas ng loobna marinig ang lahat ng ako lang. Please bhie, para man lang sa ating pinagsamahan.“Okey na. Tama na please. Mahuhuli na ako sa klase ko, Jake.” Alam kong kung hahayaan ko lang na nakayakap siya sa akin ng matagal ay tuluyan nitong matutunaw muli ang binuo kong pader sa pagitan namin. Nanalangin ako sa Diyos na sana bigyan niya ako ng lakas na paglabanan ang lahat. Nilayo ko ang katawan niya sa katawan ko. Ngunit humahagulgol siyang yumakap pa rin sa akin. Ayaw niya akong bitiwan.“Jake ano ba! Umayos ka nga? Hindi ka ba nandidiri? Magkapatid tayo! Kahit saang anggulo mo tignan, hindi ito katanggap-tanggap. Hindi ito tama. Kaya please umuwi ka na sa inyo!” singhal ko.Halos magwala na ako para bitiwan lang niya ako. Nakita ko ang nag-uunahang luha sa kaniyang pisngi. Nakita ko ang sobrang pagmamakaawa ng kaniyang mga mata. Nakiki-usap ang mg
Chapter 94May mga araw na hinihintay ako sa gate ng campus namin si Jake. Hinahabol niya ako. Humihingi ng pagkakataong mag-usap kami. Ngunit mas malakas ang isinasaksak kong earphone sa aking tainga at mas mabilis akong maglakad palayo. Nag-iingat na akong makita niya. Sinisipat ko munang mabuti kung nasa labas siya o wala. Lumalabas na lang ako kung nasisigurado kong wala siya sa gate na nag-aabang sa aking paglabas. Kinausap ko rin ang ang lady guard na naging kaibigan ko na rin na sabihan niya ako kung nasa gate o pumasok sa gate si Jake. Mas naging madali na sa akin ang pag-iwas. Tine-text ako kaagad ng guard kung namataan niya si Jake at kung saan pumuwesto.Kung naabutan naman niya ako sa daan na nag-aabang ng sasakyan at siya ang nakikita kong lulan ng sasakyan na humihinto sa tapat ko ay mabilis akong akong sumasakay sa mga paparating na jeep. Kailangan ko siyang iligaw. Lahat ng alam kong pag-iwas ay ginagawa ko. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon. Hindi ko rin hinayaa
Chapter 95“Ano ba talaga ang totoong nangyari nang gabing iyon?” tanong sa akin ng abogado.Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung kaya kong balikan ang nakaraan pero kailangan para mas malinaw na maintindihan ng abogado ang lahat at mas madali sa kanya na ipagtanggol si Nanang. Sinimulan ko ang kuwento ko mula sa pagnanakaw ni Tatang sa mga alahas na ibinigay sa akin ni Jinx hanggang sa pagsipa ko sa kanya na ikinamatay nito. Nagtiwala ako sa abogado namin na kaya niyang ilusot kaya wala akong inilihim. Inamin ko ang totoo. Ako ang nakapatay kay Nanang dahil papatayin niya kaming mag-ina. Aksidente ang nangyari at si Nanang ang umako sa kasalanang dapat ako ang nagbabayad.“Sige, naintindihan ko na. Alam ko na kung paano ko lalaruin ang kaso ng Nanang mo. Self defence ang kailangan nating palabasin sa korte.”“At iyon naman po talaga ang totoo.”“Alam mo, gusto lang kasi kitang kausapin muna bago ka humarap sa husgado para mapag-aralan ang mga bagay na maglalabas sa katotohanang
CHAPTER 96Bago ako lumuwas ng Manila ay iniwan ko ang address at cellphone number ko kay Ate Precious para mapuntahan niya ako o matawagan kung anuman ang magiging hatol kay Nanang. Ganoon pala katagal ang hustisya sa Pilipinas. Ngunit umaasa ako na darating na ang umaga para sa amin ni Nanang. Sisikatan rin kami ng araw at masasabi ko rin na nagtagumpay ako sa gitna ng mga dumating na pagsubok sa buhay at pag-ibig. Gusto kong tanungin si Ate Champage tungkol sa gumugulo sa isip ko tungkol sa pagbanggit ni Nanang kay Jinx kanina. Alam kong may gustong sabihin si Nanang ngunit si Ate Precious ang binibigyan niya ng karapatang maglahad sa akin. Ngunit kung tatanungin ko naman at maglilihim lang si Ate Precious. Huwag na rin lang. Hayaan kong kusang sasabihin iyon ni Ate sa akin.“Paano yung tungkol kay Jake at sa pagkikita ninyo ng tunay mong ama? Ikukuwento ko ba iyon sa Nanang mo?”“Hindi Ate. Sa’yo ko lang iyon sinabi para naman kahit paano maibsan yung dinadala kong mga isipin.”“H
Chapter 97 Hindi ko alam kung handa ko nang buksan ang laman ng sulat. Tinignan ko ang aking relo, kailangan ko nang magtungo sa bus terminal. Maiiwan ako ng bus lalo pa’t last trip na yung napa-reserve ko.“Ate, tuloy na ho ako ah. Oras na ho kasi e. Sa bus ko na lang ito babasahin. Baka kasi maiwan ako.”“Oo nga sige na. Hatid na kita sa labas. Ayaw mo naman kasing pahatid hanggang sa bus station e”“Okey nang ako lang ate. Maabala ka pa sa pag-uwi mamaya. Basta ate ha, si Nanang, ikaw na muna po ang bahala.”“Oo naman. Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin e.”Naglakad kami. Nanginginig ako. Naluluha lalo na nang makita ko ang saloon ni Ate Champaghe. Para kong nai-imagine ang hitsura ni Jinx na nakasalampak doon na basam-basa ng ulan.“Pasensiya ka na ha? Nakikita ko kasi sa mga mata mo ngayon ang lungkot. Sana pala sinabihan kita o sinabi ko na lang kay Jinx kung saan ka niya makikita para kahit papaano nagkaroon kayo ng closure ano?”Ngumiti lang ako. Pinahid ko ng panyo ang luha n as
Alam kong tuluyan na siyang namaalam. Hindi na namin siya ini-revive. Hindi na namin pa pwedeng pigilan dahil alam naming lahat na pagod na pagod at hirap na hirap na siya.Pinagmasdan ko siya. Humagulgol ako at para maibsan ang naipong pagdadalamhati sa dibdib ko ay buong lakas kong isinigaw ang pangalan niya….“Jakeeeee!!!!”Sa burol walang patid ang pagdating ng mga gustong makita siya. Hindi ko siya iniwan. Lagi ako sa tabi ng kaniyang kabaong. Hindi ko pansin ang ikot ng lahat. Hindi ko din pansin ang pagdating at pag-alis ng mga nakidalamhati. Masyado akong natamaan sa pangungulila. Akala ko kasi kaya ko na. Akala ko rin matatanggap ko ang pagpanaw niya pero hindi pala ganoon kadaling tanggapin ang sakit na iwan ka ng mahal mo dahil kailangan na niyang mauna. Naroon si Jinx sa tabi ko. Hindi niya ako iniiwan. Nagdadala ng pagkain na hindi ko ginagalaw. Pinipilit akog uminom. Sinusubukang kausapin ngunit walang kahit anong kataga akong maisagot.Hanggang sa dinala na namin si Ja
Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak. Dumating na ang katapusan.Ang halik na iyon ang nagsasabi siya nga, siya pa rin na kahit nasa puso ko si Jake, ay handa ko pa ring tanggapin at lasapin ang sarap ng dating pag-ibig na bumabalik. Hanggag bigla na lamang may biglang kaming narinig na kalabog kung saan. Si Jake. Bumagsak at natumba sa kanyang kinatatayuan. Lahat kami ay nagkagulo. Alam ko na ang ibig sabihin no’n. Dumating na ang aming kinatatakutang lahat.Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak.Mabilis na binuhat ni Jinx si Jake. Dinala ang parang wala nang buhay na katawan ni Jake sa nag-abang na sasakyan. Si Jinx ang nag-drive at dumiretso kami sa hospital. Hawak ko ang palad ni
Muli akong bumalik sa dulo para simulan kasal. Ngayon maluwag na sa puso ko ang lahat. Wala nang itinatagong lihim. Katabi ko na si Nanang at Daddy na naglakad sa isle. Inulit ang kanta ni Moira na tagpuan. Masaya ang puso ko. Walang mali. Walang pangamba. Walang lungkot. Walang takot. Katabi ni Jinx ang kanyang mga magulang na noon ay nakangiti sa akin na naghihintay sa dulo. Nakikita ko ang pagtanggap nila sa akin sa kanilang pamilya. Naroon din si Jake. Lumuluha ngunit banaag ang saya sa kanyang. Hindi ito madali. Mahirap magparaya at magpaubaya ngunit ginagawa niya para sa akin, para sa amin ni Jinx. At tumigil ang mundoNung ako'y ituro moAt hindi ka lumayoNung ako yung sumusukoAt nagbago ang mundoNung ako'y pinaglaban moAt tumigil ang mundoNung ako'y pinili moSiya ang panalangin ko Bineso ako ng Mommy niya at niyakap ako ng Daddy niya. Nakita kong kahit napipilitan ay nagyakapan sina Nanang at Mommy ni Jinx. Alam kong may mga pag-uusapan pa sila at aayusi
Hindi ako nakasagot. Inilahad niya ang kanyang kamay para magpatuloy kami sa aming paglalakad. Hindi ko iyon tinatanggap.Nagkatitigan kami ni Jinx. Lahat ng aming alaala ay bumalik. Muling pumailanlang ang ilang kanta ni Moira. Ang kantang Paubaya. Saan nagsimulang magbago ang lahat?Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?Ako ang kailangan, pero 'di ang mahalHindi ibinababa ni Jake ang kamay niyang nakalahad. Naghihintay na hawakan ko iyon. Puno ng luha ang kanyang mga mata. Humihikbi rin. Daman-dama ko ang sinasabi ng kanta. Ngunit nasa dulo si Jinx. Naghihintay. Umuunawa. Nagtitiis. Nagtitimpi. Nagsasakripisyo para sa kaligayahan ko at kaligayahan ni Jake. Halos sampung taon na pagtitiis. Nag-iisa habang kami ni Jake ang masayang nagsasama at alam niya iyon. Alam niya ang lahat pero nagpaubaya. Saan nagkulang ang aking pagmamahal?Lahat ay binigay nang mapangiti ka langBa't 'di ko nakita na ayaw mo na?Ako ang kasama, pero hanap mo siyaT
“Patawarin mo ako, hindi kita nabalikan agad. Patawarin mo ako dahil hindi kita napangatawanan. Patawarin mo ako kung ngayong kasal mo na lang ako nagpakita.”“Bakit kayong dalawa ay humihingi ng tawad sa akin? Ano ito? Kay Jinx alam kokung bakit pero sa’yo Jake? Hindi ko alam kung anong nagawa mong mali para humingi ka sa akin ng tawad.”“Khaye, ipagtatapat ko na lahat.”“Sige sabihin mo sa akin ang lahat. Makikinig ako.”“Nang umuwi si Jinx para hanapin ka at hindi ka niya nahanap sa probinsiya, dumaan sa bahay. Sa kanya ko nalaman ang lahat ng kanyang masakit na pinagdadaanan. Nagsabi siya sa akin, nagmakaawa na sana hanapin kita o baka nakita na kita. Gusto ka kasing mahanap. Gusto ka nIkinuwento niya sa akin ang tungkol sa inyo at lahat ng paghihirap niya mahanap ka lang. Gusto sana niyang makita ka bago pa man sana siya babalik sa America. Nang nakita ko ang picture mo, nagulat ako. Nakita na kita noon sa UP e. Ikaw ang dahil kung bakit doon ko gustong mag-enrol. Ikaw ang dahila
At nakita kita sa tagpuan ni BathalaMay kinang sa mata na di maintindihanTumingin kung saan sinubukan kong lumisanAt tumigil ang mundoNung ako'y ituro moSiya ang panalangin koNang naibaba ang puting harang ay nakita ko si Jake. Nakangiting nakatitig sa akin. Hindi siya nagulat. Hindi iyon ang inaasahan ko sa kanya. Para bang alam na niya. Napaluha siya. May katabi siyang lalaki na nakatalikod. Iyon na marahil ang pinalabas ni Daddy na siyang ikakasal. At hindi di mapaliwanagAng nangyari sa akinSaksi ang lahat ng talaSa iyong panalanginSi Jake, si Jake ang pinili kong una kong pakakasalan. Siya dapat ang iniisip ko at hindi si Jinx. Kaya nga mabilis kong pinunasan ang luha ko at nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa lalaking kasama kong nagdadasal para mapahaba pa ang kanyang buhay at nang magsasama pa kami ng matagal.Pano nasagot lahat ng bakit?Di makapaniwala sa nangyariPano mo naitama ang tadhana?Nang itaas kong muli ang aking paningin. Humarap na ang kaninang nakat
Isang masarap na halik ang ikinintal niya sa aking labi at mahigpit na yakap habang hinahaplos niya ang likod ko. Pagkatapos ang mahigpit na yakap niyang iyon ay masuyo din niya akong tinitigan at hinaplos haplos ang aking pisngi. “Mahal kita, mahal na mahal kita. Lagi mong tandaan ‘yan babe. Lagi mong iisipin na ang lahat ng aking gagawin ay para sa’yo. Maaring ito na ang huli nating pagtatalik, maaring hindi na kailan man mauulit ngunit babantayan kita. Patuloy kitang pagmamasdan. Hangad ko ang iyong kaligyahan sa nalalabi mo pang taon sa lupa. Gawin mong masaya ang bawat sandali kasama ng ating anak. palakihin mo siya ng may takot sa Diyos. Ikaw na lang ang bahalang magkuwento sa kanya kung sino ako. Ikaw na lang ang bahalang magpakilala sa kanya sa akin kapag kayo ay dadalaw sa akin puntod.” “Huwag ka namang magsalita ng ganyan please? Huwag muna.”“Mangyayari na’yon bhie. Habang kaya ko pang sabihin ang lahat. Sinasabi ko na sa’yo. Hinahabilin. Ibinabalik sa tunay sa’yong nag-ma
Habang kinakanta ko ay bumabalik ang lahat sa akin at alam kong siya rin. Nanginginig ang kamay niyang nagbi-video sa akin. Hindi ko napigilang hindi maiyak habang kinakanta ko iyon lalo pa’t nakangiti ring umiiyak ang mahal kong nakamasid sa akin. Alam kong iyak iyon ng sobrang kaligayahan dahil sa kabila ng pagsubok, sa kabila ng dapat noon pa siya bumigay dahil sa sakit niya ay buo pa rin kaming dalawa hanggang ngayon.If I could be the perfect man in your eyes I would give all I'm worth to be a part of your life I could promise the world but it's out of my hands I can only give you everything I haveBatid kong pinakamalaking bahagi ng buhay namin ang isa’t isa. Hindi man siya ang aking first love pero para sa akin, he is my greatest love. Masaya ako kasi ako ang first love niya, greatest and last love niya. Napakaimposible na ako lang ang naging babae sa buhay niya ngunit alam ko iyon at sigurado ako. Totoo pa lang may kagaya niya. Lalaking tapat magmahal. Lalaking hindi sumusu
“Sige ho. Magpahinga na muna kayo. I’ll just advise you na lang po kung kailan kayo pwede nang ma-discharge. Tatawagin ko na ho si Tito para masamahan kayo at mabantayan kayo dito sa loob. May mga nurses po ako at doctors na titingin, tingin pa rin ho sa inyo.” Huminga ako ng malalim. Parang napakagaan sa dibdib. Sa tinagal-tagal ng panahon parang ngayon lang ako lumaya. Malaya sa galit. Malaya sa hinanakit. Malaya sa paghihiganti. Nang buksan ko na sana ang pinto ay bigla niya akong tinawag. “Dok Khaye, Dok…” garalgal ang boses niya. Nilingon ko. Itinaas niya ang kanyang kamay. Parang gusto niya akong kamayan. Tinanggap ko ang kanyang palad. Ibang Mrs. Castro ang nakikita ko. Hindi na siya yung dating matapang. Isang Mrs. Castro na nahihiya. “May kailangan ho ba kayo?” Tumayo ako sa gilid ng kanyang kama. Ginagap niya ang isa ko pang kamay. Parang may kung anong dumaloy sa