Chapter 98Pagkatapos kong punasan ang aking mga luha ay bumaba na ako at iniabot ang bayad. Nakita kong paalis na ang bus na sasakyan ko. Mabilis na akong sumakay. Hinanap ko ang seat number ko. Nang nakaupo na ako ay saka na umalis ang bus. Sandali ko munang ipinahinga ang sarili ko sa bigat ng emosyon sa pagbabasa ko sa sulat ni Jinx.Hanggang sa nadaanan ko ang ko ang Mall nila Jinx. Medyo may kalumaan na rin. Hindi pala siya ganoon kalaki kagaya ng mga Mall sa Manila. Ngunit noon, akala ko iyon na ang pinakamalaking Mall. Pinamagarang napasukan kong mall nang nasa baryo pa ako. Sa tapat niya ay may pinapatayong napakalaki na ring Mall. Naisip kong baka sa pamilya rin nina Jinx iyon. Sila lang naman ang mayaman sa aming probinsiya. Sa hindi kalayuan sa malaking Mall na pinatatayo ay ang isang hospital naman. Kung iyan ay magbubukas parang gusto ko doon mag-apply kapag ganap na akong Doktor. Gusto kong tumulong na rin muna sa aking mga kababayan. Huminga ako ng malalim. Sana mangya
CHAPTER 99Nagpatuloy ang buhay. Naging tahimik ang mundo ko ngunit may mga sandaling naiisip ko pa rin sina Jinx at Jake. Ang mga lalaking nagparamdaman sa akin ng walang kapantay na pagmamahal. Ang mga pag-ibig kong nakatulong rin sa pag-abot ko sa aking mga pangarap. Sabihin mang hindi naging meant to be ay masaya akong naging bahagi sila ng aking buhay. Ang sa amin ni Jake ay hindi na maari pang madugtungan ngunit siya ay bahagi ng aking pamilya. Si Jinx, hanggang ngayon wala pa rin akong balita maliban sa sulat na iniwan niya kay Ate Precious. Kung ano ang naging buhay niya pagkaraan ng no’n hindi ko na alam. Ni hindi ko nga rin alam kung magtatagpo pa kaming muli ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, may bahagi sila sa puso ko na hindi na kailanman mapupunan ng kahit sino pang mga lalaki na darating sa aking buhay.Naging ako muli yung Khaye na hindi namamansin sa campus. Yung Khaye na suplada. Yung Khaye na minahal ni Jake at binago niya nang naging kami na. Nangunguna pa rin nama
CHAPTER 100Tumango si Nanang. “Oo anak. May mga bahagi ng kuwento na hindi ko sa’yo nasabi.”“Ano ‘yon Nang? Ano ho ang hindi ko pa alam?” “Ang totoo niyan ay ipinaglaban talaga ako ng Daddy mo sa Mama niya. Tanggap ako ng Papa niya pero galit na galit sa akin ang Mama niya. Sinabi sa akin noon na mamamatay na muna siya bago ako pakakasalan ng anak niya at hindi siya papayag na sa katulad ko lang ang aasawahin ng kanyang anak. May mga English siyang sinasabi na hindi ko naman naiintindihan. ”Huminga ako ng malalim. Halos pareho kami ng pinagdaanan ni Nanang. Namana ko rin sa kanya pati ang sakit na pinagdaanan niya sa lalaking minahal niya kaya habang nagkukuwento siya ay ramdam ko ang sakit sa kanyang mga mata. Magkaiba lang kasi ang personalidad namin at katayuan. Siya ay hindi palabang babae dahil na rin siguro sa kakulangan niya ng edukasyon. Ako kasi palaban lalo na kung alam kong nasa tama ako, wala akong uurungan.“Sobra-sobra ang ginagawang pagpapahirap ng Mama ng Daddy mo
CHAPTER 101Hinayaan kong maramdaman ng matagal ang yakap ng isang ama. Kaytagal kong umasa at naghintay na mangyari ang pagkakataong ganito.. Simula nang bata pa ako nangangarap na ako na sana darating ang sandaling ito. Hindi ko kailanman naranasang yakapin na may kalakip na pagmamahal ng isang tunay na ama. Pumikit ako. Gusto kong punan ang pagkukulang na iyon sa aking pagkatao at pagmulat ko ay nakita ko ang mukha ni Nanang. May luha ng saya ang kanyang mga mata at may ngiti sa labi na mula pagkabata ay hindi ko iyon nakita sa kaniya. Iyon na ang totoong saya. Hinayaan niyang umagos ang masaganang luha sa kaniyang pisngi. Ang parang ang dating asiwa at pagod niyang mukha ay naging kalmado at tuluyang nabura ang hirap na kaniyang dinanas. Tumitig ako kay Daddy at tumitig din siya sa akin. Nang makita ko ang basa niyang mga mata at ang pamumula nito ay alam kong pinipigilan lamang niya ang pagbagsak ng kaniyang luha hanggang nakita ko ang mahina niyang pagtawa.“Kaytagal kong pinan
CHAPTER 102 “Makinig ka muna. Nagmamadali ka ba anak?”“Hindi naman Dad. Medyo mahaba ka pala talaga magkuwento ano?”“Tiisin mo na, ganito talaga ako magkuwento. Madetalye”“At paulit ulit,” dagdag ko na ikinangiti niya. “Sige Dad. Anong nangyari pagkatapos?”“Hanggang pagkaraan ng isang taon ay naging maganda muli ang takbo ng buhay ko. Pinagsikapan iyon ng Mommy ni Jake na bumalik ako sa dating ako. May boy friend noon ang Mommy ni Jake ngunit napabayaan niya at nagkulang siya sa oras doon sa boyfriend niya ng dahil sa akin. Natuon ang lahat ng oras ng Mommy ni Jake sa akin. Nakalimutan niyang may karelasyon siyang naapektuhan din. Dahil gusto ng Mommy niya na bumawi sa boyfriend niya, may nangyari sa kanila noon ng boyfriend niya dahil sa kaseselos ng boyfriend niya sa akin. Dahil hindi naman ako kayang iwan ng Mommy ni Jake habang wala pang pumapalit kay Nanang mo sa puso ko ay naging madalas ang kanilang pag-aaway. Hanggang isang araw ay hindi na nagpakita pa ang boyfriend niya
CHAPTER 103 “Hanggang sa siya na mismo ang nag-ayos sa kaso ng Nanang mo para may magawa pa rin siya para sa’yo sa kabila ng tuluyan mong pagtalikod sa kanya. Kahit sa mga panahong binitiwan mo siya, nanatili ang pagmamahal niya sa’yo at gusto niyang lahat ng kaniyang gagawin ay para lang sa’yo. Iyon ang tangi niyang inatupag dahil alam niyang kapag makalaya ang Nanang mo at muli kaming magkasama ay iyon ang magiging susi para makinig ka sa akin. Sabi niya sa akin na hayaan kong gawin niya ang lahat ng sa tingin niya ay makapagpapasaya sa’yo. Ginawa niya ang pagtulong sa Nanang mo hindi lang raw naman para sa’yo kundi para na rin sa akin, sa Nanang mo at higit sa lahat ay sa iyo. May mga gabing nakikita ko siyang umiiyak. Napakalakas ng kaniyang iyak. Ilang gabi ring isinisigaw niya ang pangalan mo lalo na kapag naglalasing dahil siguro hindi na niya nakakayanan pa ang sakit ng inyong pagkakalayo. Sabik na sabik siya sa’yo anak. Nasaktan siya ng sobra sa pagkawala mo lalo pa’t hindi
CHAPTER 104 “Gustuhin ko man hindi pwede. Kailangan ko ang tiwala sa akin ng pasyente ko. Sana maintindihan mo na nasa kanya ako nang mga panahong iyon. Sa kanya ako dapat sumunod Khaye. Hiling kasi niyang hindi mo na dapat pang malaman ang kondisyon niya dahil nga pursigido siyang magpagaling. Gagaling daw siya. Tiwala at buo ang pag-asa niyang magagamot siya at muli niyang maipagpapatuloy ang pangarap ninyong dalawa. Umaasa siya na dahil sa pagmamahal mo magiging maayos din ang lahat. Ayaw niya kasing mag-isip ka ng iba kundi ang pag-aaral mo lang dahil alam niya kung gaano iyon kahalaga sa iyo. Ayaw niyang mag-alala ka sa kanyang kalagayan. Gusto niyang mapanatili mo ang iyong konsentrasyon sa iyong pangarap.”“Baka naman pwede pa. Baka naman gagaling pa siya. Sana magkaroon ng himala. Di ba may mga pagkakataon na naghihimala pa rin naman ang Diyos?”“Oo at ipagdasal natin. Sana may himala para sa kanya.”“Dok, hindi ko alam ang gagawin ko kung tuluyan na siyang mawala sa akin.”“
Chapter 105“Shhhh! Tahan na bhie. Huwag mo ng itago ang pag-iyak mo dahil alam kong umiiyak ka. Pasimple ka pa e. Ramdam ko kaya huwag nang magpanggap. Iyakin ka kaya.” pilit niyang pinasaya ang kanyang pagsasalita ngunit kahit kailan hindi ko nakitaan ng pagkatuwa ang nangyayaring ito sa amin.“Sorry na po talaga!” tuluyan ng yumugyog ang balikat ko. “Mali ako sa ginawa kong pag-iwas. Mali akong naglagay ako ng pader sa pagitan natin. Mali ako na pinahirapan kita ng husto. Mali akong sarili ko lang ang inintindi at inisip ko. Maling-mali ako sa lahat ng nagawa ko sa’yo babe ko. Kaya patawarin mo ako ha?”“Sa pagmamahal hindi kailangan ang salitang patawarin dahil kung tunay kang magmahal kasama nito ang pagtanggap mo sa kabuuan ng mahal mo hindi lamang ang kaniyang mga kalakasan bagkus mas dapat pang mahalin at tanggapin ang kaniyang mga kahinaa. Bhie, walang perpekto at alam ko kung saan ang pinangagalingan mo. Alam ko ang lahat ng mga pinagdaanan mo kaya hindi mo sa akin dapat ihi