Chapter 94May mga araw na hinihintay ako sa gate ng campus namin si Jake. Hinahabol niya ako. Humihingi ng pagkakataong mag-usap kami. Ngunit mas malakas ang isinasaksak kong earphone sa aking tainga at mas mabilis akong maglakad palayo. Nag-iingat na akong makita niya. Sinisipat ko munang mabuti kung nasa labas siya o wala. Lumalabas na lang ako kung nasisigurado kong wala siya sa gate na nag-aabang sa aking paglabas. Kinausap ko rin ang ang lady guard na naging kaibigan ko na rin na sabihan niya ako kung nasa gate o pumasok sa gate si Jake. Mas naging madali na sa akin ang pag-iwas. Tine-text ako kaagad ng guard kung namataan niya si Jake at kung saan pumuwesto.Kung naabutan naman niya ako sa daan na nag-aabang ng sasakyan at siya ang nakikita kong lulan ng sasakyan na humihinto sa tapat ko ay mabilis akong akong sumasakay sa mga paparating na jeep. Kailangan ko siyang iligaw. Lahat ng alam kong pag-iwas ay ginagawa ko. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon. Hindi ko rin hinayaa
Chapter 95“Ano ba talaga ang totoong nangyari nang gabing iyon?” tanong sa akin ng abogado.Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung kaya kong balikan ang nakaraan pero kailangan para mas malinaw na maintindihan ng abogado ang lahat at mas madali sa kanya na ipagtanggol si Nanang. Sinimulan ko ang kuwento ko mula sa pagnanakaw ni Tatang sa mga alahas na ibinigay sa akin ni Jinx hanggang sa pagsipa ko sa kanya na ikinamatay nito. Nagtiwala ako sa abogado namin na kaya niyang ilusot kaya wala akong inilihim. Inamin ko ang totoo. Ako ang nakapatay kay Nanang dahil papatayin niya kaming mag-ina. Aksidente ang nangyari at si Nanang ang umako sa kasalanang dapat ako ang nagbabayad.“Sige, naintindihan ko na. Alam ko na kung paano ko lalaruin ang kaso ng Nanang mo. Self defence ang kailangan nating palabasin sa korte.”“At iyon naman po talaga ang totoo.”“Alam mo, gusto lang kasi kitang kausapin muna bago ka humarap sa husgado para mapag-aralan ang mga bagay na maglalabas sa katotohanang
CHAPTER 96Bago ako lumuwas ng Manila ay iniwan ko ang address at cellphone number ko kay Ate Precious para mapuntahan niya ako o matawagan kung anuman ang magiging hatol kay Nanang. Ganoon pala katagal ang hustisya sa Pilipinas. Ngunit umaasa ako na darating na ang umaga para sa amin ni Nanang. Sisikatan rin kami ng araw at masasabi ko rin na nagtagumpay ako sa gitna ng mga dumating na pagsubok sa buhay at pag-ibig. Gusto kong tanungin si Ate Champage tungkol sa gumugulo sa isip ko tungkol sa pagbanggit ni Nanang kay Jinx kanina. Alam kong may gustong sabihin si Nanang ngunit si Ate Precious ang binibigyan niya ng karapatang maglahad sa akin. Ngunit kung tatanungin ko naman at maglilihim lang si Ate Precious. Huwag na rin lang. Hayaan kong kusang sasabihin iyon ni Ate sa akin.“Paano yung tungkol kay Jake at sa pagkikita ninyo ng tunay mong ama? Ikukuwento ko ba iyon sa Nanang mo?”“Hindi Ate. Sa’yo ko lang iyon sinabi para naman kahit paano maibsan yung dinadala kong mga isipin.”“H
Chapter 97 Hindi ko alam kung handa ko nang buksan ang laman ng sulat. Tinignan ko ang aking relo, kailangan ko nang magtungo sa bus terminal. Maiiwan ako ng bus lalo pa’t last trip na yung napa-reserve ko.“Ate, tuloy na ho ako ah. Oras na ho kasi e. Sa bus ko na lang ito babasahin. Baka kasi maiwan ako.”“Oo nga sige na. Hatid na kita sa labas. Ayaw mo naman kasing pahatid hanggang sa bus station e”“Okey nang ako lang ate. Maabala ka pa sa pag-uwi mamaya. Basta ate ha, si Nanang, ikaw na muna po ang bahala.”“Oo naman. Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin e.”Naglakad kami. Nanginginig ako. Naluluha lalo na nang makita ko ang saloon ni Ate Champaghe. Para kong nai-imagine ang hitsura ni Jinx na nakasalampak doon na basam-basa ng ulan.“Pasensiya ka na ha? Nakikita ko kasi sa mga mata mo ngayon ang lungkot. Sana pala sinabihan kita o sinabi ko na lang kay Jinx kung saan ka niya makikita para kahit papaano nagkaroon kayo ng closure ano?”Ngumiti lang ako. Pinahid ko ng panyo ang luha n as
Chapter 98Pagkatapos kong punasan ang aking mga luha ay bumaba na ako at iniabot ang bayad. Nakita kong paalis na ang bus na sasakyan ko. Mabilis na akong sumakay. Hinanap ko ang seat number ko. Nang nakaupo na ako ay saka na umalis ang bus. Sandali ko munang ipinahinga ang sarili ko sa bigat ng emosyon sa pagbabasa ko sa sulat ni Jinx.Hanggang sa nadaanan ko ang ko ang Mall nila Jinx. Medyo may kalumaan na rin. Hindi pala siya ganoon kalaki kagaya ng mga Mall sa Manila. Ngunit noon, akala ko iyon na ang pinakamalaking Mall. Pinamagarang napasukan kong mall nang nasa baryo pa ako. Sa tapat niya ay may pinapatayong napakalaki na ring Mall. Naisip kong baka sa pamilya rin nina Jinx iyon. Sila lang naman ang mayaman sa aming probinsiya. Sa hindi kalayuan sa malaking Mall na pinatatayo ay ang isang hospital naman. Kung iyan ay magbubukas parang gusto ko doon mag-apply kapag ganap na akong Doktor. Gusto kong tumulong na rin muna sa aking mga kababayan. Huminga ako ng malalim. Sana mangya
CHAPTER 99Nagpatuloy ang buhay. Naging tahimik ang mundo ko ngunit may mga sandaling naiisip ko pa rin sina Jinx at Jake. Ang mga lalaking nagparamdaman sa akin ng walang kapantay na pagmamahal. Ang mga pag-ibig kong nakatulong rin sa pag-abot ko sa aking mga pangarap. Sabihin mang hindi naging meant to be ay masaya akong naging bahagi sila ng aking buhay. Ang sa amin ni Jake ay hindi na maari pang madugtungan ngunit siya ay bahagi ng aking pamilya. Si Jinx, hanggang ngayon wala pa rin akong balita maliban sa sulat na iniwan niya kay Ate Precious. Kung ano ang naging buhay niya pagkaraan ng no’n hindi ko na alam. Ni hindi ko nga rin alam kung magtatagpo pa kaming muli ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, may bahagi sila sa puso ko na hindi na kailanman mapupunan ng kahit sino pang mga lalaki na darating sa aking buhay.Naging ako muli yung Khaye na hindi namamansin sa campus. Yung Khaye na suplada. Yung Khaye na minahal ni Jake at binago niya nang naging kami na. Nangunguna pa rin nama
CHAPTER 100Tumango si Nanang. “Oo anak. May mga bahagi ng kuwento na hindi ko sa’yo nasabi.”“Ano ‘yon Nang? Ano ho ang hindi ko pa alam?” “Ang totoo niyan ay ipinaglaban talaga ako ng Daddy mo sa Mama niya. Tanggap ako ng Papa niya pero galit na galit sa akin ang Mama niya. Sinabi sa akin noon na mamamatay na muna siya bago ako pakakasalan ng anak niya at hindi siya papayag na sa katulad ko lang ang aasawahin ng kanyang anak. May mga English siyang sinasabi na hindi ko naman naiintindihan. ”Huminga ako ng malalim. Halos pareho kami ng pinagdaanan ni Nanang. Namana ko rin sa kanya pati ang sakit na pinagdaanan niya sa lalaking minahal niya kaya habang nagkukuwento siya ay ramdam ko ang sakit sa kanyang mga mata. Magkaiba lang kasi ang personalidad namin at katayuan. Siya ay hindi palabang babae dahil na rin siguro sa kakulangan niya ng edukasyon. Ako kasi palaban lalo na kung alam kong nasa tama ako, wala akong uurungan.“Sobra-sobra ang ginagawang pagpapahirap ng Mama ng Daddy mo
CHAPTER 101Hinayaan kong maramdaman ng matagal ang yakap ng isang ama. Kaytagal kong umasa at naghintay na mangyari ang pagkakataong ganito.. Simula nang bata pa ako nangangarap na ako na sana darating ang sandaling ito. Hindi ko kailanman naranasang yakapin na may kalakip na pagmamahal ng isang tunay na ama. Pumikit ako. Gusto kong punan ang pagkukulang na iyon sa aking pagkatao at pagmulat ko ay nakita ko ang mukha ni Nanang. May luha ng saya ang kanyang mga mata at may ngiti sa labi na mula pagkabata ay hindi ko iyon nakita sa kaniya. Iyon na ang totoong saya. Hinayaan niyang umagos ang masaganang luha sa kaniyang pisngi. Ang parang ang dating asiwa at pagod niyang mukha ay naging kalmado at tuluyang nabura ang hirap na kaniyang dinanas. Tumitig ako kay Daddy at tumitig din siya sa akin. Nang makita ko ang basa niyang mga mata at ang pamumula nito ay alam kong pinipigilan lamang niya ang pagbagsak ng kaniyang luha hanggang nakita ko ang mahina niyang pagtawa.“Kaytagal kong pinan