Chapter 76 Hindi na ako babalikan pa ni Jinx dahil kung bumalik siya, dapat noon pa. Dapat hinanap niya ako. Nagparamdam man lamang. “Oh, anong nangyari sa’yo? Umiiyak ka?” “I’m touched by your song and happy at the same time.” “Bakit naman?” “Yes? Yes ang alin?” “I know, you suffered enough for three long years, you’ve been through a lot of sacrifices and my answer is yes.” “Para saan nga yung yes? Ibig sabihin tayo na?” “Yes.” “Say it!” “Say it what?” “Just say that you love me too.” “How should I? You should tell me “I love you” first before I answer you.” “Oh God! I don’t know what to say. Kung may salita pang maari kong magamit na higit pa sa sa salitang mahal kita? Sinabi ko na. Pero Khaye, I loved you yesterday, I love you still, I always have, I always will. I love you.” Hinawakan niya a
Chapter 77 Dahil sa dami ng ginagawa kong output bago ang aming last quarter at trabaho ko na matagal na niyang sinasabi na mag-resign na ay tinanghali na ako ng gising. May sarili siyang susi sa apartment kaya alam kong siya ang pumasok ng maaga. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman ko ang yakap at halik niya sa akin. Muli akong nakaidlip sa pagod at puyat.Ginising niya ako for lunch. Uminat muna ako. Tumingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko.“May chicken pox ka ba?”“Wala bakit?”“You have these pink or red bumps kasi on your neck and face. What happen?”“I cook kasi for you.”“You cook what?”“Bacon, egg, your favorite tinapa and fried bangus.”“Oh my God. May handaan ba? Bakit andami mong niluto? Saka tignan mo nangyari sa mukha mo o? Puro tilamsik ng mantika ‘yan ano?.”“Kaysa pagalitan mo ako. Bumangon ka na diyan at samahan mo akong kumain.”Bumangon ako. Nag-effort nga naman yung tao. Unfair kung bungangaan ko pa e nasaktan na nga. Nagsipilyo na muna ako
Chapter 78Anong nangyayari sa akin? Natutulala na naman ako. Nasasaktan. Kinukutuban ng hindi maganda.Pangalawang gabi hindi na ako nakatulog pa. Lagpas ala-una na nang madaling araw nang makaidlip ako. Naalimpungatan ako nang may yumakap sa akin. Sa gulat ko ay halos mapasigaw at ako napabalikwas.“Babe ko, ako ‘to.”Si Jake. Bumalik at umuwi si Jake. Pinatunayan niyang hindi siya gagaya kay Jinx na iniwan ako at hindi na muli pang bumalik.“Bakit bigla ka na lang hindi nag-text at tumawag?” tanong ko nang nawala ang pagkagulat ko.“I lost my phone. I was then busy to buy new one kaya sinabi ko kay Daddy na tapusin ko na lang lahat ang trabaho ko at umuwi dito sa Pilipinas.”“Namiss kita.”“Namiss rin naman kita.”“Natakot ako na baka hindi mo ako babalikan.”“I’ll never do that. Hindi kita iiwan, tanging kamatayan lang ang sa atin ay makapaghihiwalay, babe ko.” sinuklay niya ang buhok ko sa pamamagitan ng kanyang daliri. “Smile na. Nandito na ako oh.”Niyakap ko siya ng mahigpit n
Chapter 79“Kapag ba nag-yes ako, ikakasal na tayo agad?”“Of course not yet babe.”“So hindi pa. ga-graduate muna ako. Gagamitin ko muna ang pinag-aralan ko hindi ba? Magiging doktor muna tayong dalawa.”“Of course. Gusto ko lang maging exclusive tayo. This engagement changes the our status as couple since this demonstrates our commitment not just to each other, but also to a change of lifestyle. Hinahanda lang natin ang sarili natin para mas matibay na tayo kapag darating yung araw na ikakasal tayo. Alam kong marami ka pang pangarap. Remember magkakaroon pa tayo ng sarili nilang hospital na ikaw ang magpapatakbo? Gusto kong makamit nating lahat muna iyon. Gusto kong katabi mo ako, karamay mo ako sa pag-abot ng lahat ng pangarap mong iyon.”“Okey then, in that case, my answer is definitely yes.”Nagpalakpakan ang mga tao. Niyakap ko siya. “Salamat baby at ngayong isang taon na tayo, ngayong engaged na tayo siguro sapat na rin na panahon para taas noo kitang ipakilala sa angkan ko. B
Chapter 80Ngumiti si Jake. Hinawakan niya ang maamo kong mukha. Hinalikan niya muna ako bago niya nilagyan ng kapote ang kanyang si Adonis. Humiga ako. Kinakabahan man ngunit kailangan kong ibigay hindi lang ang aking katawan kundi kasama na rin dapat ang aking kaluluwa. Ramdam ko ang dahan-dahang pagpasok ni Adonis sa aking si Aphrodite. Naging banayad ang bawat ritmo. Alam na alam ni Jake ang kaniyang ginagawa. Hindi niya niya ako sasaktan. Hindi niya kailangan magmadali. Kailangan niyang magpakatiyaga sa bawat indayog at ritmo. Kailangan malasap ko ang kaibahan at sabay dapat kaming abutin ang rurok ng aming maluwalhating pag-iisa. Naiintinidhan ko ang bawat mahinang pag-mumura ni Jake sa kakaibang sarap. Ang pagkagat niya sa aking labi hanggang sa dumiin ng dumiin at ramdam na naming dalawa ang sarap ng aming pinagsasaluhan. Simbilis ng pintig ng aming puso ang ritmo ng aming ginagawa. Singsidhi ng sarap ang ang indayog na aming inasaliw. Bumilis ang kanyang pagbayo at bumigat an
Chapter 81 Chapter 81 Bumalik ako sa kusina. Tinitigan ko ang niluto ko. Kanina lang nakaramdam ako ng gutom ngunit ngayon ay parang wala na akong ganang kumain. Ibinalik ko na lang ang mga plato sa lagayan. Inilagay ko ang ulam sa Ref at pumasok na lang ako sa kuwarto. Nagkaroon ng dahilan ang isip ko para maghinala. Dahil sa hinalang iyon, nabuo na ang takot, nabawasan ang tiwala at sunud-sunod ang aking buntong-hininga. Kailangan kong malaman ang totoo. Oras na malaman kong niloloko lang niya ako ay magtutuos kaming dalawa. Hindi pa niya kilala kung sino si Khaye. Pagkatapos niyang makuha ang gusto niyang makuha sa akin ay magbabago na lang siya ng ganyan? Bakit ba kailangan kong paulit-ulit na masaktan? Sinubukan kong tawagan siya sa kaniyang celphone ngunit nakapatay na ito. Lalo akong naghinala. Hindi niya ugaling patayin ang kanyang cellphone. Ginamit lang niya kanina kaya paanong bigla na lang ito hindi ma-contact? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na akong ganang gumawa
CHAPTER 82 “Hindi ko kayang magkakalayo tayo. Hindi ko kayang iwan ka ngunit parang iyon ang mangyayari bhie.” “Ano. Iiwan mo rin ako? Saan ka pupunta?” “Mahal na mahal kita at gusto kong tandaan mo iyon kahit ano pa ang mangyayari.” “Hindi kita maintindihan. Saan ka nga pupunta at bakit kailangan mo akong iwan?” “Alam ko na mahirap mong intindihin ang lahat.” “Paano ko nga maiintindihan kung hindi ka sa akin nagsasabi. Hindi ako Diyos para alam lahat. Wala akong kapangyarihang manghula para maintindihan ko ang dahilan ng ginagawa mong ito. Jake naman, parang awa mo na oh!” “Hayaan mo na. Ayaw kong pati ikaw ay maaapektuhan kung anuman ang problema ko ngayon. Halika nga dito at namimiss na kitang yakapin.” Pinunasan niya ang kaniyang mga luha. Pinilit niyang ngumiti. Sinipat ko ang oras sa dinding. Mag-aalastres na pala ng madaling araw. “So, wala ka pa ring sasabihin? Wala kang aaminin?” “Wala. Saka na kapag sa tingin ko okey na pero tandaan mo, hindi ako aalis ng walang dahi
Chapter 83Ngayon ko malalaman ang lahat.Nang nakita kong suimakay siya kotse niya ay nagtago muna ako. Sana makakuha agad ako ng taxi o kahit anong pwedeng masakyan ko mamaya paglabas niya. Nang alam kong nakalabas na ay pumara ako ng angkas. Mas okey na kung motor nang hindi maipit sa traffic para madali ko lang siyang masundan kung saan sila magkikita ng kanyang babae.“Kuya, huwag na huwag kang malilingap ha. Dapat masundan natin yang puting kotse na ‘yan.”“Huwag kang mag-alala ma’am. Pasuot lang ho ng maayos ‘yang helmet ninyo kasi kapag mahuli tayo at di ninyo suot ‘yan e lalo tayong maabala.”“Sorry po.” Mabilis kong isinuot ang iniabot niyang helmet kanina pa.“Asawa ba ninyo ‘yan ma’am?”“Opo.”“May kabit ba?”“Tsismoso ka kuya ha?”“Hindi ba pwedeng curious lang?”“Sundan mo lang kuya. Hindi kita babayaran ng talent fee sa pagka-Boy Abunda mo. Iyon lang ho ang ipagagawa ko.”“Okey Ma’am. Pasensiya na ho.”Kahit magbayad ako ng magkano basta malaman ko lang kung ano ang gin
Alam kong tuluyan na siyang namaalam. Hindi na namin siya ini-revive. Hindi na namin pa pwedeng pigilan dahil alam naming lahat na pagod na pagod at hirap na hirap na siya.Pinagmasdan ko siya. Humagulgol ako at para maibsan ang naipong pagdadalamhati sa dibdib ko ay buong lakas kong isinigaw ang pangalan niya….“Jakeeeee!!!!”Sa burol walang patid ang pagdating ng mga gustong makita siya. Hindi ko siya iniwan. Lagi ako sa tabi ng kaniyang kabaong. Hindi ko pansin ang ikot ng lahat. Hindi ko din pansin ang pagdating at pag-alis ng mga nakidalamhati. Masyado akong natamaan sa pangungulila. Akala ko kasi kaya ko na. Akala ko rin matatanggap ko ang pagpanaw niya pero hindi pala ganoon kadaling tanggapin ang sakit na iwan ka ng mahal mo dahil kailangan na niyang mauna. Naroon si Jinx sa tabi ko. Hindi niya ako iniiwan. Nagdadala ng pagkain na hindi ko ginagalaw. Pinipilit akog uminom. Sinusubukang kausapin ngunit walang kahit anong kataga akong maisagot.Hanggang sa dinala na namin si Ja
Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak. Dumating na ang katapusan.Ang halik na iyon ang nagsasabi siya nga, siya pa rin na kahit nasa puso ko si Jake, ay handa ko pa ring tanggapin at lasapin ang sarap ng dating pag-ibig na bumabalik. Hanggag bigla na lamang may biglang kaming narinig na kalabog kung saan. Si Jake. Bumagsak at natumba sa kanyang kinatatayuan. Lahat kami ay nagkagulo. Alam ko na ang ibig sabihin no’n. Dumating na ang aming kinatatakutang lahat.Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak.Mabilis na binuhat ni Jinx si Jake. Dinala ang parang wala nang buhay na katawan ni Jake sa nag-abang na sasakyan. Si Jinx ang nag-drive at dumiretso kami sa hospital. Hawak ko ang palad ni
Muli akong bumalik sa dulo para simulan kasal. Ngayon maluwag na sa puso ko ang lahat. Wala nang itinatagong lihim. Katabi ko na si Nanang at Daddy na naglakad sa isle. Inulit ang kanta ni Moira na tagpuan. Masaya ang puso ko. Walang mali. Walang pangamba. Walang lungkot. Walang takot. Katabi ni Jinx ang kanyang mga magulang na noon ay nakangiti sa akin na naghihintay sa dulo. Nakikita ko ang pagtanggap nila sa akin sa kanilang pamilya. Naroon din si Jake. Lumuluha ngunit banaag ang saya sa kanyang. Hindi ito madali. Mahirap magparaya at magpaubaya ngunit ginagawa niya para sa akin, para sa amin ni Jinx. At tumigil ang mundoNung ako'y ituro moAt hindi ka lumayoNung ako yung sumusukoAt nagbago ang mundoNung ako'y pinaglaban moAt tumigil ang mundoNung ako'y pinili moSiya ang panalangin ko Bineso ako ng Mommy niya at niyakap ako ng Daddy niya. Nakita kong kahit napipilitan ay nagyakapan sina Nanang at Mommy ni Jinx. Alam kong may mga pag-uusapan pa sila at aayusi
Hindi ako nakasagot. Inilahad niya ang kanyang kamay para magpatuloy kami sa aming paglalakad. Hindi ko iyon tinatanggap.Nagkatitigan kami ni Jinx. Lahat ng aming alaala ay bumalik. Muling pumailanlang ang ilang kanta ni Moira. Ang kantang Paubaya. Saan nagsimulang magbago ang lahat?Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?Ako ang kailangan, pero 'di ang mahalHindi ibinababa ni Jake ang kamay niyang nakalahad. Naghihintay na hawakan ko iyon. Puno ng luha ang kanyang mga mata. Humihikbi rin. Daman-dama ko ang sinasabi ng kanta. Ngunit nasa dulo si Jinx. Naghihintay. Umuunawa. Nagtitiis. Nagtitimpi. Nagsasakripisyo para sa kaligayahan ko at kaligayahan ni Jake. Halos sampung taon na pagtitiis. Nag-iisa habang kami ni Jake ang masayang nagsasama at alam niya iyon. Alam niya ang lahat pero nagpaubaya. Saan nagkulang ang aking pagmamahal?Lahat ay binigay nang mapangiti ka langBa't 'di ko nakita na ayaw mo na?Ako ang kasama, pero hanap mo siyaT
“Patawarin mo ako, hindi kita nabalikan agad. Patawarin mo ako dahil hindi kita napangatawanan. Patawarin mo ako kung ngayong kasal mo na lang ako nagpakita.”“Bakit kayong dalawa ay humihingi ng tawad sa akin? Ano ito? Kay Jinx alam kokung bakit pero sa’yo Jake? Hindi ko alam kung anong nagawa mong mali para humingi ka sa akin ng tawad.”“Khaye, ipagtatapat ko na lahat.”“Sige sabihin mo sa akin ang lahat. Makikinig ako.”“Nang umuwi si Jinx para hanapin ka at hindi ka niya nahanap sa probinsiya, dumaan sa bahay. Sa kanya ko nalaman ang lahat ng kanyang masakit na pinagdadaanan. Nagsabi siya sa akin, nagmakaawa na sana hanapin kita o baka nakita na kita. Gusto ka kasing mahanap. Gusto ka nIkinuwento niya sa akin ang tungkol sa inyo at lahat ng paghihirap niya mahanap ka lang. Gusto sana niyang makita ka bago pa man sana siya babalik sa America. Nang nakita ko ang picture mo, nagulat ako. Nakita na kita noon sa UP e. Ikaw ang dahil kung bakit doon ko gustong mag-enrol. Ikaw ang dahila
At nakita kita sa tagpuan ni BathalaMay kinang sa mata na di maintindihanTumingin kung saan sinubukan kong lumisanAt tumigil ang mundoNung ako'y ituro moSiya ang panalangin koNang naibaba ang puting harang ay nakita ko si Jake. Nakangiting nakatitig sa akin. Hindi siya nagulat. Hindi iyon ang inaasahan ko sa kanya. Para bang alam na niya. Napaluha siya. May katabi siyang lalaki na nakatalikod. Iyon na marahil ang pinalabas ni Daddy na siyang ikakasal. At hindi di mapaliwanagAng nangyari sa akinSaksi ang lahat ng talaSa iyong panalanginSi Jake, si Jake ang pinili kong una kong pakakasalan. Siya dapat ang iniisip ko at hindi si Jinx. Kaya nga mabilis kong pinunasan ang luha ko at nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa lalaking kasama kong nagdadasal para mapahaba pa ang kanyang buhay at nang magsasama pa kami ng matagal.Pano nasagot lahat ng bakit?Di makapaniwala sa nangyariPano mo naitama ang tadhana?Nang itaas kong muli ang aking paningin. Humarap na ang kaninang nakat
Isang masarap na halik ang ikinintal niya sa aking labi at mahigpit na yakap habang hinahaplos niya ang likod ko. Pagkatapos ang mahigpit na yakap niyang iyon ay masuyo din niya akong tinitigan at hinaplos haplos ang aking pisngi. “Mahal kita, mahal na mahal kita. Lagi mong tandaan ‘yan babe. Lagi mong iisipin na ang lahat ng aking gagawin ay para sa’yo. Maaring ito na ang huli nating pagtatalik, maaring hindi na kailan man mauulit ngunit babantayan kita. Patuloy kitang pagmamasdan. Hangad ko ang iyong kaligyahan sa nalalabi mo pang taon sa lupa. Gawin mong masaya ang bawat sandali kasama ng ating anak. palakihin mo siya ng may takot sa Diyos. Ikaw na lang ang bahalang magkuwento sa kanya kung sino ako. Ikaw na lang ang bahalang magpakilala sa kanya sa akin kapag kayo ay dadalaw sa akin puntod.” “Huwag ka namang magsalita ng ganyan please? Huwag muna.”“Mangyayari na’yon bhie. Habang kaya ko pang sabihin ang lahat. Sinasabi ko na sa’yo. Hinahabilin. Ibinabalik sa tunay sa’yong nag-ma
Habang kinakanta ko ay bumabalik ang lahat sa akin at alam kong siya rin. Nanginginig ang kamay niyang nagbi-video sa akin. Hindi ko napigilang hindi maiyak habang kinakanta ko iyon lalo pa’t nakangiti ring umiiyak ang mahal kong nakamasid sa akin. Alam kong iyak iyon ng sobrang kaligayahan dahil sa kabila ng pagsubok, sa kabila ng dapat noon pa siya bumigay dahil sa sakit niya ay buo pa rin kaming dalawa hanggang ngayon.If I could be the perfect man in your eyes I would give all I'm worth to be a part of your life I could promise the world but it's out of my hands I can only give you everything I haveBatid kong pinakamalaking bahagi ng buhay namin ang isa’t isa. Hindi man siya ang aking first love pero para sa akin, he is my greatest love. Masaya ako kasi ako ang first love niya, greatest and last love niya. Napakaimposible na ako lang ang naging babae sa buhay niya ngunit alam ko iyon at sigurado ako. Totoo pa lang may kagaya niya. Lalaking tapat magmahal. Lalaking hindi sumusu
“Sige ho. Magpahinga na muna kayo. I’ll just advise you na lang po kung kailan kayo pwede nang ma-discharge. Tatawagin ko na ho si Tito para masamahan kayo at mabantayan kayo dito sa loob. May mga nurses po ako at doctors na titingin, tingin pa rin ho sa inyo.” Huminga ako ng malalim. Parang napakagaan sa dibdib. Sa tinagal-tagal ng panahon parang ngayon lang ako lumaya. Malaya sa galit. Malaya sa hinanakit. Malaya sa paghihiganti. Nang buksan ko na sana ang pinto ay bigla niya akong tinawag. “Dok Khaye, Dok…” garalgal ang boses niya. Nilingon ko. Itinaas niya ang kanyang kamay. Parang gusto niya akong kamayan. Tinanggap ko ang kanyang palad. Ibang Mrs. Castro ang nakikita ko. Hindi na siya yung dating matapang. Isang Mrs. Castro na nahihiya. “May kailangan ho ba kayo?” Tumayo ako sa gilid ng kanyang kama. Ginagap niya ang isa ko pang kamay. Parang may kung anong dumaloy sa