CHAPTER 71“Pwede ba kitang makausap?”“Hindi na ba makapaghihintay sa dinner natin?”“Hindi. Gusto kong magkaliwanagan tayo ngayon. Gusto kong makilala mo ako bago mo pa ako mahalin ng husto.”Huminga siya ng malalim. “Gusto mong magbago ang isip ko kaya gusto mong sabihin sa akin anng sa tingin mo ay maayawan ko sa’yo.”“Exactly. Niyaya mo akong kumain, pumayag ako dahil sa kakulitan mo. Hanggang sa dinala mo agad ako sa inyong bahay, ipinakiusap sa Yaya mo para mas makilala pa kita ng husto at nagkunwari na may naiwan na damit ang pinsan mo ngunit ang totoo ay namili ka na dati pa ng ibibigay mo sa akin dahil siguro nakikita mong luma na at out of fashion ang mga isinusuot ko kapag hindi tayo naka-uniform. Those were not coincidences at all. You really plan for it. You are doing all these for me to like you, tama ba? Now please be honest enough, sigurado ka bang friendship lang ang habol mo sa akin?”“Wow, ang galing mo namang magtagpi-tagpi ng mga pangyayari. Writer ka ba dati o d
CHAPTER 71“What? At young age nagpabuntis ka?”“Oo at ayaw kong ilihim sa’yo. Jake, hindi na ako virgin pa.”Huminga siya ng malalim. “Nasaan ang bata?”“Hindi ka man lang ba nadismaya? Wala man lang akong makitang reaction na inaasahan ko sa mukha mo.”“Paano ba ako dapat mag-react? Magagalit? Maiinis? Mawawalan ng gana? Your past is not your present. Hindi ko na mababago ang nakaraan. Hindi ako pwedeng magalit, madismaya o mawalan ng gana dahil sa mga nangyari sa’yo in the past. Lahat ng mga nangyarig iyon ay pinagsama-sama para magustuhan at tanggapin ka ngayon kasi bahagi na lahat iyon ng mga nakaraan mo na kahit anong gawin mo o gawin ko ay hindi na natin pwede pang ayusin. So nasaan ang bata?”“Nakunan ako.”“Nakunan ka? Sorry.”“Okey lang. Magdadalawang buwan pa lang ang ipinagbubuntis ko noon.”“Alam ba niya? Yung nakabuntis sa’yo, alam ba niya ang tungkol dito?”“Hindi. Papunta siya ng America noon. Hindi na niya nalaman dahil itinali ako ng Mommy niya, binusalan sa bibig at
Chapter 72Tinitigan niya ako. Yung titig na para niyang pinapasok ang kaluluwa ko. Ako ang natalo. Yumuko. Bakit kasi ang gwapo-gwapo niya kahit saang anggulo. Namumula ang kanyang mukha sa init dahil mahina ang ceiling fan. Kahit pa pinagpapawisan siya parang ang fresh pa rin niya. Yung amoy ng kanyang pawis, sobrang bango. Amoy sosyal.“Khaye?”“Yes?”“Alam ko kasing masyadong maaga para tanungin kita kung mahal mo ako. Sa akin tama na munang malaman ko kung gusto mo rin ako? Seryoso ako Khaye. Gusto mo rin ba ako?”Hindi ako nakasagot. Bigla na lang akong nalito? Iniisip ko kung tama bang pasukin ko ito at ang magiging kapalit na naman ay ang pagkabuwag ng mga pangarap ko lalo pa’t malapit ko ng makamit. Ayaw ko na sana, lalo pa’t naiisip ko si Nanang na naghihitay sa aking pagtatagumpay. Isusugal ko bang muli ang aking puso kasabay sa pagtahak ko ng landas patungo sa tagumpay? “Okey kung ayaw mong sumagot ibig sabihin hindi nga talaga yata ako papasa sa’yo.”Hindi pa rin ako sum
CHAPTER 73 “I’m sorry.” sabay naming namutawi. “No, I should be the one to apologize.” “Okey good night Jake.” Pumasok ako at mabilis kong isinara ang gate. Napahawak ako sa aking dibdib. “Ano bang kalandian ito Khaye? Bakit ang harot harot mo na naman?” bulong ko sa aking sarili. Sinunod niya ang sinabi ko. Hindi siya sa akin nag-text. Nag-text lang siya sa akin ng good night. “Even After Spending The Entire Day With You, I Just Can’t Seem To Get Enough Of You Sweet dreams.” Kinabukasan, text na naman niya ang gumising sa akin. “Your smile is the only inspiration I need. The voice is the only motivation I need. Your love is the only happiness I need. Good morning.” Kung ang sagot ko kagabi ay simpleng “Nyt.” Ngayon ay “Morning” lang. Hindi dapat siya masanay na kakuwentuhan niya ako sa text. Maghapong wala rin siyang text. Ako itong si gaga ang check na ng check kung nagtext nga ba siya o hindi sa aking trabaho. Panay ang labas ko ng king cellphone. Nganga. Kinahapunan, wala
Chapter 74“Hanggang sa dumating na lang yung isang araw paggising ko na tama na. Dahil sa tatlong taon na akong nagtitiis at sobrang nahihirapan na ako kaya naglakas loob na lamang akong nakipagkilala sa ‘yo. Iyon na ang pinakamahirap na nagawa ko sa buhay ko. Hindi ko kasi alam kung paano simulan ngunit naisip ko na kung hindi ako gagawa ng unang hakbang ay baka pagsisihan kong dadaan ka sa buhay ko na hinayaan kong takot at hiya lamang ang tanging dahilan kung bakit nagiging blangko ang kuwento nating dalawa.” Umiling siya. Tumingin sa akin. “Alam mo bang kaibigan lang naman na talaga ang ini-expect ko sa’yo kasi baka nga hindi mo ako gusto talaga dahil napalatagal nang panahon na nagkikita tayo sa campus pero parang hangin lang talaga ako sa’yo, iyon na muna ang hangad ko ngunit nang nakausap na kita, hindi na lang pala iyon ang gusto ko at kung papayag ka ay sana higit pa dun ang ninanais ko. “Alam mo kung ano ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ako? Kung tutu
Chapter 74“Doon sa tanong mong anong mapapala natin kung sisimulan natin ito?” pagpapatuloy niya at nanatili akong tagapakinig. ”Kailangan bang kapag nagmahal tayo ang iisipin natin ay kung anong mapapala natin? Doon palang sa pagbibigay laya sa nararamdaman natin at pagiging masaya sa hatid ng pag-ibig sa buhay natin ay di pa ba sapat iyon na gantimpala natin? Kapag nagmahal tayo, ang sana isipin natin ay kung ano ang kaya nating ibigay at hindi iyong kung ano ang mapapala natin sa kaniya dahil kung ginawa natin iyon, hindi siya ang minahal natin at hindi tayo nagmahal ng iba kundi ipinakita lang natin ang pagkamakasarili. Sarili mo pa rin ang minahal mo at hindi siya.” Napayuko ako. Matalino at mahusay siyang magsalita. Dama ko ang lahat ng sinabi niya. Naroon ang katotohanang hindi ko kayang itanggi. Nang sasagot palang sana ako ay biglang tinawag ang pangalan ni Jake sa entablado.“Kilala ka rito?”“Dito kami madalas kumakain ni Daddy. Nakasanayan na kasi nilang
Chapter 76 Hindi na ako babalikan pa ni Jinx dahil kung bumalik siya, dapat noon pa. Dapat hinanap niya ako. Nagparamdam man lamang. “Oh, anong nangyari sa’yo? Umiiyak ka?” “I’m touched by your song and happy at the same time.” “Bakit naman?” “Yes? Yes ang alin?” “I know, you suffered enough for three long years, you’ve been through a lot of sacrifices and my answer is yes.” “Para saan nga yung yes? Ibig sabihin tayo na?” “Yes.” “Say it!” “Say it what?” “Just say that you love me too.” “How should I? You should tell me “I love you” first before I answer you.” “Oh God! I don’t know what to say. Kung may salita pang maari kong magamit na higit pa sa sa salitang mahal kita? Sinabi ko na. Pero Khaye, I loved you yesterday, I love you still, I always have, I always will. I love you.” Hinawakan niya a
Chapter 77 Dahil sa dami ng ginagawa kong output bago ang aming last quarter at trabaho ko na matagal na niyang sinasabi na mag-resign na ay tinanghali na ako ng gising. May sarili siyang susi sa apartment kaya alam kong siya ang pumasok ng maaga. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman ko ang yakap at halik niya sa akin. Muli akong nakaidlip sa pagod at puyat.Ginising niya ako for lunch. Uminat muna ako. Tumingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko.“May chicken pox ka ba?”“Wala bakit?”“You have these pink or red bumps kasi on your neck and face. What happen?”“I cook kasi for you.”“You cook what?”“Bacon, egg, your favorite tinapa and fried bangus.”“Oh my God. May handaan ba? Bakit andami mong niluto? Saka tignan mo nangyari sa mukha mo o? Puro tilamsik ng mantika ‘yan ano?.”“Kaysa pagalitan mo ako. Bumangon ka na diyan at samahan mo akong kumain.”Bumangon ako. Nag-effort nga naman yung tao. Unfair kung bungangaan ko pa e nasaktan na nga. Nagsipilyo na muna ako