Share

THE SURPRISE

CHAPTER 64

Dahil takot ako sa Manila dahil sa mga balita na nababasa at napapanood ko, hindi ako pumapasok sa mga eskinita o kumain muna sa mga turo-turo kahit na napapalunok na ako sa mga iba’t ibang mga pagkaing nakikita ko sa aking dinadaanan. Hindi ko alam kung magkano pa ang nalalabi sa aking pera. Natatakot ako na baka kukulangin na ako ng pamsahe pauwi ng aming probinsiya. Kailangan ko ng 900 pesos na pamasahe pauwi ng Cagayan at kasama ng pamasahe ko ng bus papuntang Cubao. Sa dami ng mga nilabas ko kanina, nagdadasal ako na sana magkasya pa dahil paano ako makakauwi ngayon kung hindi na sapat ang pera ko pamasahe palang pa-Cubao. Pumasok ako sa isang Mall. Doon ko naisip bilangin ang pera ko kasama ng mga barya na meron sa bulsa ng bag ko.

Pagpasok ko ay parang naamoy ko uli ang naamoy ko nang pumasok kami ni Jinx sa Mall nila. Pare-pareho lang ba talaga ang amoy ng mga Malls? Muling nagparamdam ang aking sikmura. Naiiyak na ako sa awa sa aking sarili. Huling kain ko ay nang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status