Share

RESILIENCE

CHAPTER 64

Dumagsa ang maraming mga scholarship offers ng colleges at universities sa aming probinsiya. Ngunit sa tulad kong may matayog na pangarap at may mga matitinding pinagdaanang pinaghuhugutan ay mas malayo pa roon ang gusto kong marating. Gusto kong mag-enroll noon sa University of the Philippines sa kursong Medicine. Hindi ako kinontra ni Ate Precious bagkus sinosuportahan niya kung ano ang gusto ko dahil naniniwala siya sa aking kakayahan. May mga kabigan daw siyang makatutulong sa akin sa Manila ngunit nahihiya akong sa kanila ay umasa. Hindi agad ako nakapag-enroll dahil August ang UPCAT. Kailangan kong maipasa iyon para makapasok at magiging scholar ako ng bayan. Halos 100,000 kaming applicants noon sa pagiging oblation scholar at halos 18% lang ang pumapasa. Hindi ko noon alam kung kaya ko, kung makapapasa ako pero kailangan kong sumubok. May mga iba pa namang universities na pwede kong pag-eenrolan kung sakaling hindi ako papasa. Ngunit naniniwala ako sa sarili kong k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status