CHAPTER 63“Hanggang sa kusang ipinaramdam na sa akin ni Nanang ang kanyang tinitikis na pagmamahal noong paslit pa lang ako. Sa wakas nagkaroon ako ng kakampi sa aming bahay. Bahay na hindi ko matawag na tahanan dahil hindi noon nagbubuklod nng pagmamahalan. Iginapang ni Nanang ang aking pag-aaral. Natuto kaming mangarap. Pinagsumikapan namin ang pangarap na iyon araw-araw. Gumagapang sa kawalang katiyakan at ang tanging kinakapitan ay uusad rin kami patungo sa tagumpay. Nang ako ay nag-aaral, alam at tanggap ko ang aking kaibahan sa karamihan. Alam na alam ko na salat ako sa lahat ng material na bagay. Hindi ako maaring mainggit. Hindi maaring maghangad. Ang tanging meron lang ako, ang tanging dala dala ko sa tuwing pumapasok ako sa paaralan ay ang aking dunong. Wala akong maaring ibabaon dahil para lang sa pagkain namin at bisyo ni Tatang ang hindi sumasapat naming kita sa bukid. Dahil mahirap at walang-wala, salat rin ako sa kaibbigan. Wala sa akin gustong makipaglaro dahil sa sim
CHAPTER 64 Dumagsa ang maraming mga scholarship offers ng colleges at universities sa aming probinsiya. Ngunit sa tulad kong may matayog na pangarap at may mga matitinding pinagdaanang pinaghuhugutan ay mas malayo pa roon ang gusto kong marating. Gusto kong mag-enroll noon sa University of the Philippines sa kursong Medicine. Hindi ako kinontra ni Ate Precious bagkus sinosuportahan niya kung ano ang gusto ko dahil naniniwala siya sa aking kakayahan. May mga kabigan daw siyang makatutulong sa akin sa Manila ngunit nahihiya akong sa kanila ay umasa. Hindi agad ako nakapag-enroll dahil August ang UPCAT. Kailangan kong maipasa iyon para makapasok at magiging scholar ako ng bayan. Halos 100,000 kaming applicants noon sa pagiging oblation scholar at halos 18% lang ang pumapasa. Hindi ko noon alam kung kaya ko, kung makapapasa ako pero kailangan kong sumubok. May mga iba pa namang universities na pwede kong pag-eenrolan kung sakaling hindi ako papasa. Ngunit naniniwala ako sa sarili kong k
CHAPTER 64Dahil takot ako sa Manila dahil sa mga balita na nababasa at napapanood ko, hindi ako pumapasok sa mga eskinita o kumain muna sa mga turo-turo kahit na napapalunok na ako sa mga iba’t ibang mga pagkaing nakikita ko sa aking dinadaanan. Hindi ko alam kung magkano pa ang nalalabi sa aking pera. Natatakot ako na baka kukulangin na ako ng pamsahe pauwi ng aming probinsiya. Kailangan ko ng 900 pesos na pamasahe pauwi ng Cagayan at kasama ng pamasahe ko ng bus papuntang Cubao. Sa dami ng mga nilabas ko kanina, nagdadasal ako na sana magkasya pa dahil paano ako makakauwi ngayon kung hindi na sapat ang pera ko pamasahe palang pa-Cubao. Pumasok ako sa isang Mall. Doon ko naisip bilangin ang pera ko kasama ng mga barya na meron sa bulsa ng bag ko.Pagpasok ko ay parang naamoy ko uli ang naamoy ko nang pumasok kami ni Jinx sa Mall nila. Pare-pareho lang ba talaga ang amoy ng mga Malls? Muling nagparamdam ang aking sikmura. Naiiyak na ako sa awa sa aking sarili. Huling kain ko ay nang
CHAPTER 65Naghanap ako ng pawanshop kung saan ko pwedeng isanla ang bracelet. Isa sa mga kilalang pawnshop ang pinasukan ko. Umaasa na sana tanggapin nila. Hindi ako makakauwi dahil wala na kong pasamahe kung di na nila kukunin ang tanging yaman na meron ako. Gutum na gutom na ako. Takam na takam na ako sa mga pagkaing nakikita ko sa paligid. Naiinggit sa bawat pagsubo ng mga tao sa paligid ko.Iniabot ko ang bracelet sa babae alahera. Tinignan niya ito. Nag-usap sila ng kasama niya. Tumingin sila sa akin. “Ma’am pahingi po akong ID.”“School ID po, okey lang?”“Naku, wala ba kayong ibang ID?”Naalala kong sinamahan ako ni Ate Precious bago umalis na kumuha pa ng bagong valid ID. Tama. “Voter’s ID lang po.”“Okey po, akin na po ma’am.”Tinignan niya ang dalawang ID na ibinigay ko.“Ma’am nasa sa inyo ho ba ang box pa nito para makita natin kung authentic talaga.”“Ay opo. Sandali lang po.”Inilabas ko ang box. Kinuha ko muna ang nasa loob niya saka ko inabot. May nahulog. Yung resibo
CHAPTER 66 Bago ako pumunta ng Manila para sa simula ng aming klase ay may nahanap at may nakausap na akong abogado ni Nanang. Alam ko kasing mas matatagalan ang pag-usad o maaring mapabayaan ang kaso ni Nanang kung sa PAO ko iaasa. Nagtataka si Nanang kung bakit napakarami kong dala para sa kanya ng araw na iyon at may kasama pa akong abogado. Habang kausap niya ang abogado ay may mga tingin siya sa aking waring nagtatanong kung saan ako kumuha ng pera. Nang matapos silang makapag-usap ng abogado, ako naman ang kumausap kay Nanang.“Saan tayo kukuha ng pambayad mo sa abogado at bakit napakarami mong dala para sa akin? Saan ka kumuha ng pera.”“Nang maala mo yung bracelet na kulay pink at may mga parang may mga diamante na nakapalibot?”“Yung huling ibinigay ni Jinx sa’yo?”“Iyon nga po.”“Oh, ibinenta mo?”“Parang ganoon na rin ho kasi sa sanlaan ko ho isinanla. Mahihirapan naman na akong ibalik pa iyon ng buwanan kaya sinagad ko na po ang sanla niya. Nang may magagami
CHAPTER 67“Are you okey?” tanong ng naguguluhan ding estranghero sa bigla na lang na pagsusungit ko.“Yes, am fine. Mukha ba akong may sakit sa’yo?” sarkastiko kong sagot.“Could you please find these books listed in this paper and bring it there?” tinuro niya ang kaniyang upuan.Tinignan ko ang sinasabi niyang listahan. Sulat iyon. Isang bukas na love letter. Balak pa ako nitong budulin. “Who do you think I am?” naguguluhan kong tanong.“A librarian. You’re one of them, yeah?” nakangiti ngunit nahihiya niyang balik-tanong.“No! What makes you think that I am one of them naman?”“Kasi, nag-aayos ka ng mga books.”Napangiti ako. So, kapag may hawak kang libro at maayos mong ibinabalik iyon sa pinagkunan mo, librarian ka na agad?” Tumaas ang kilay ko.“Oh so, you are not.”“Yes. I am sorry but am not one of them. Hindi rin ako mahilig makipag-usap sa stranger.”“Jake here.” Nilahad niya ang palad niya. Nakikipagkilala na agad siya. Nakikipagkamay. Ang presko naman talag
CHAPTER 68 “Heto ang book mo. Thank you.” “Salamat naman at may isang salita ka.” “Oo naman. Mahalaga sa akin ang word of honor. Okey mukhang nagmamadali ka. I guess, see you around?” Nang kinuha ko ang libro ko ay tumalikod na ako. May mga sinasabi siya ngunit hindi ko na pinansin pa. Wala rin naman akong balak na pagbigyan siya. Word of honor, word of honor ka pa! Ulol. Kilala ko kayong mga guwapo at mamayaman. Masarap magmahal ngunit nang-iiwan. Pagkatapos ng klase ko ay nakita ko na agad siyang nag-aabang sa akin. Hinawakan ko na ng mahigpit ang aking mga gamit. Nagtama an gaming paningin dahil hindi ko naman aakalain na maghihintay talaga siya sa aking paglabas. Nakakainis talaga. “Let’s go na?” “Did I make a promise.” “You compromised.” “I changed my mind. Marami pa akong gagawin.” “Pero pumayag ka.” “Pumayag ako dahil pinilit mo ako. Kung hindi ko sabihin ang oo hindi mo ibabalik ang gamit ko. Take note, gamit ko! Kung nakipag-compromise man ako, sarili kong gamit ang
CHAPTER 69 Pagkatapos ng klase ko ay lumabas na ako ng gate. “Thank you Lord, wala ang makulit.” Usal ko habang mabilis akong naglalakad sa pasilyo. Kahit nang nakababa ako sa building ay wala rin siya. Kailangan kong makauwi agad dahil sa tambak ang aking mga labahin. Naglalakad na ako sa kalsada nang biglang may humintong magarang sasakyan sa tapat ko. Tumabi ako. Gilid na gilid na pero lalo pang iginilid ng may ari ng sasakyan. Hindi man ako maalam sa mga brand ng mga sasakyan at kung ano ang mga presyo ng mga ito ngunit alam na alam kong hindi ito basta basta kagaya lang ng mga nagkalat na sasakyan sa kalye. Huminto ako at tumayo sa bangketa dahil panay ang pitada. Bumukas ang pintuan at bumaba ang nakangiting may edad ng nagda-drive. Problema nito? Sa guwapo nga na mayamang nangungulit sa akin sa campus hindi ko pinapatulan ang kagaya pa kaya nitong na singkwenta na? “Miss, magandang hapon.” Hindi ko siya sinagot at bilang paggalang pa rin tipid na ngiti ang isinukli ko ngunit