Chapter 60Lumabas si Nanang sa bahay. Kinuha ko ang sandaling iyon para kunin ang alahas ko sa bulsa ni Tatang. Inilagay ko sa lumang malalaking karton ang aking mga damit. Umiiyak akong hinugasan ang aking sarili. Sinalat-salat ko ang aking tiyan. Tinignan ko ang batya na duguan na ginamit ni Nanang na hugasan ang pagitan ng aking hita. Alam kong wala nang buhay pa sa aking sinapupunan. Namatay ang magiging anak sana namin ni Jinx dahil sa kalupitan sa akin ng mundo. Humahagulgol akong nagdasal.Nang nakaayos na ako ay umupo ako sa hagdanan. Naghihintay ako sa pagbabalik ni Nanang. Kagaya ng paghhintay niya sa akin noon kapag ginabi ako ng uwi. Hanggang sa makita ko siyang kasama ang aming Kapitan at ilang mga tanod. Kumalat ang balita na napatay ng disgrasiyada kong ina ang lasinggero at adik niyang asawa. Dumami ang mga tao. Pinagkaguluhan kami ng buong baryo. Maraming espekulasyon ngunit alam ko ang buong katotohanan. Naroon lang ako. Tahimik lang na nagmamasid at tuluyang ipinau
CHAPTER 61Nagsimula ang imbestigasyon sa pulisya. Pinatawag ako. Tahimik lang ako. Piping saksi. Nakakakita ngunit sinungaling. Wala silang nakuha sa aking statement. Alam kong kahit umamin si Nanang ay uusad pa rin ang kaso dahil sinabi ni Nanang na dinipensahan lang niya ang kanyang sarili. Iyon ang kailangang patunayan. Alam kong matagal ang usad ng kaso lalo na sa kagaya naming walang pera at pambayad sa mahusay na abogado. Naniniwala akong aabutin pa hanggang makatapos ako bago matapos ang kaso ni Nanang. Batid kong iyon ang mangyayari. Alam kong balang araw, kapag may sapat na akong pera, tutulungan ko siyang mailabas at sana hindi pa magiging huli ang lahat.Ang lahat ng iyon ay parang kisapmatang nangyari na ang tanging nagawa ko ay ang lumuha ng lumuha ng lumuha. Naiwan akong mag-isa sa buhay. Wala nang naiwan na pamilya. Napag-iwanan ng mundo. Mag-isang namuhay. Isang napakalungkot na buhay. Iyak ako ng iyak bago matulog at wala si Nanang sa tabi ko. Magigising akong wala n
Chapter 62 Nagpatuloy ang araw, linggo at buwan. Natutunan kong maging malakas mag-isa. Nagtanim rin ako ng gulay na siya kong ibinebenta na ikinabubuhay. Alam kong ang 20,000 na pinagbentahan ko sa alahas na bigay ni Jinx ay hindi na magtatagal ng isang taon kaya kailangan kong tipirin. Nagpapasalamat ako na kahit wala na si Jinx sa tabi ko ay nakapag-iwan siya ng nakatutulong pa rin sa akin ngunit mali pa rin na hindi siya sa akin nagsabi na hindi na siya babalik. Na pinaasa lang ako sa wala.Mag-seseventeen na ako noon ngunit parang tuluyan ng hinubog ng sari-saring dagok ang buhay ko. Tanging mga teachers ko at ang butihing Principal namin ang siyang naniniwala sa aking kakayahan. Sila ang walang sawang nag-uudyok sa akin para tapusin ang pag-aaral at nang mahimasmasan ako ay ang naging motivation kong lumaban ay ang pangako ko kay Nanang. Naging gabay ko ang kanyang mga pangaral nang magkasama pa kami. Umiiyak ako kapag binabalikan ko ang mga panahong sinusuway ko siya. Napapabu
CHAPTER 63“Hanggang sa kusang ipinaramdam na sa akin ni Nanang ang kanyang tinitikis na pagmamahal noong paslit pa lang ako. Sa wakas nagkaroon ako ng kakampi sa aming bahay. Bahay na hindi ko matawag na tahanan dahil hindi noon nagbubuklod nng pagmamahalan. Iginapang ni Nanang ang aking pag-aaral. Natuto kaming mangarap. Pinagsumikapan namin ang pangarap na iyon araw-araw. Gumagapang sa kawalang katiyakan at ang tanging kinakapitan ay uusad rin kami patungo sa tagumpay. Nang ako ay nag-aaral, alam at tanggap ko ang aking kaibahan sa karamihan. Alam na alam ko na salat ako sa lahat ng material na bagay. Hindi ako maaring mainggit. Hindi maaring maghangad. Ang tanging meron lang ako, ang tanging dala dala ko sa tuwing pumapasok ako sa paaralan ay ang aking dunong. Wala akong maaring ibabaon dahil para lang sa pagkain namin at bisyo ni Tatang ang hindi sumasapat naming kita sa bukid. Dahil mahirap at walang-wala, salat rin ako sa kaibbigan. Wala sa akin gustong makipaglaro dahil sa sim
CHAPTER 64 Dumagsa ang maraming mga scholarship offers ng colleges at universities sa aming probinsiya. Ngunit sa tulad kong may matayog na pangarap at may mga matitinding pinagdaanang pinaghuhugutan ay mas malayo pa roon ang gusto kong marating. Gusto kong mag-enroll noon sa University of the Philippines sa kursong Medicine. Hindi ako kinontra ni Ate Precious bagkus sinosuportahan niya kung ano ang gusto ko dahil naniniwala siya sa aking kakayahan. May mga kabigan daw siyang makatutulong sa akin sa Manila ngunit nahihiya akong sa kanila ay umasa. Hindi agad ako nakapag-enroll dahil August ang UPCAT. Kailangan kong maipasa iyon para makapasok at magiging scholar ako ng bayan. Halos 100,000 kaming applicants noon sa pagiging oblation scholar at halos 18% lang ang pumapasa. Hindi ko noon alam kung kaya ko, kung makapapasa ako pero kailangan kong sumubok. May mga iba pa namang universities na pwede kong pag-eenrolan kung sakaling hindi ako papasa. Ngunit naniniwala ako sa sarili kong k
CHAPTER 64Dahil takot ako sa Manila dahil sa mga balita na nababasa at napapanood ko, hindi ako pumapasok sa mga eskinita o kumain muna sa mga turo-turo kahit na napapalunok na ako sa mga iba’t ibang mga pagkaing nakikita ko sa aking dinadaanan. Hindi ko alam kung magkano pa ang nalalabi sa aking pera. Natatakot ako na baka kukulangin na ako ng pamsahe pauwi ng aming probinsiya. Kailangan ko ng 900 pesos na pamasahe pauwi ng Cagayan at kasama ng pamasahe ko ng bus papuntang Cubao. Sa dami ng mga nilabas ko kanina, nagdadasal ako na sana magkasya pa dahil paano ako makakauwi ngayon kung hindi na sapat ang pera ko pamasahe palang pa-Cubao. Pumasok ako sa isang Mall. Doon ko naisip bilangin ang pera ko kasama ng mga barya na meron sa bulsa ng bag ko.Pagpasok ko ay parang naamoy ko uli ang naamoy ko nang pumasok kami ni Jinx sa Mall nila. Pare-pareho lang ba talaga ang amoy ng mga Malls? Muling nagparamdam ang aking sikmura. Naiiyak na ako sa awa sa aking sarili. Huling kain ko ay nang
CHAPTER 65Naghanap ako ng pawanshop kung saan ko pwedeng isanla ang bracelet. Isa sa mga kilalang pawnshop ang pinasukan ko. Umaasa na sana tanggapin nila. Hindi ako makakauwi dahil wala na kong pasamahe kung di na nila kukunin ang tanging yaman na meron ako. Gutum na gutom na ako. Takam na takam na ako sa mga pagkaing nakikita ko sa paligid. Naiinggit sa bawat pagsubo ng mga tao sa paligid ko.Iniabot ko ang bracelet sa babae alahera. Tinignan niya ito. Nag-usap sila ng kasama niya. Tumingin sila sa akin. “Ma’am pahingi po akong ID.”“School ID po, okey lang?”“Naku, wala ba kayong ibang ID?”Naalala kong sinamahan ako ni Ate Precious bago umalis na kumuha pa ng bagong valid ID. Tama. “Voter’s ID lang po.”“Okey po, akin na po ma’am.”Tinignan niya ang dalawang ID na ibinigay ko.“Ma’am nasa sa inyo ho ba ang box pa nito para makita natin kung authentic talaga.”“Ay opo. Sandali lang po.”Inilabas ko ang box. Kinuha ko muna ang nasa loob niya saka ko inabot. May nahulog. Yung resibo
CHAPTER 66 Bago ako pumunta ng Manila para sa simula ng aming klase ay may nahanap at may nakausap na akong abogado ni Nanang. Alam ko kasing mas matatagalan ang pag-usad o maaring mapabayaan ang kaso ni Nanang kung sa PAO ko iaasa. Nagtataka si Nanang kung bakit napakarami kong dala para sa kanya ng araw na iyon at may kasama pa akong abogado. Habang kausap niya ang abogado ay may mga tingin siya sa aking waring nagtatanong kung saan ako kumuha ng pera. Nang matapos silang makapag-usap ng abogado, ako naman ang kumausap kay Nanang.“Saan tayo kukuha ng pambayad mo sa abogado at bakit napakarami mong dala para sa akin? Saan ka kumuha ng pera.”“Nang maala mo yung bracelet na kulay pink at may mga parang may mga diamante na nakapalibot?”“Yung huling ibinigay ni Jinx sa’yo?”“Iyon nga po.”“Oh, ibinenta mo?”“Parang ganoon na rin ho kasi sa sanlaan ko ho isinanla. Mahihirapan naman na akong ibalik pa iyon ng buwanan kaya sinagad ko na po ang sanla niya. Nang may magagami
Alam kong tuluyan na siyang namaalam. Hindi na namin siya ini-revive. Hindi na namin pa pwedeng pigilan dahil alam naming lahat na pagod na pagod at hirap na hirap na siya.Pinagmasdan ko siya. Humagulgol ako at para maibsan ang naipong pagdadalamhati sa dibdib ko ay buong lakas kong isinigaw ang pangalan niya….“Jakeeeee!!!!”Sa burol walang patid ang pagdating ng mga gustong makita siya. Hindi ko siya iniwan. Lagi ako sa tabi ng kaniyang kabaong. Hindi ko pansin ang ikot ng lahat. Hindi ko din pansin ang pagdating at pag-alis ng mga nakidalamhati. Masyado akong natamaan sa pangungulila. Akala ko kasi kaya ko na. Akala ko rin matatanggap ko ang pagpanaw niya pero hindi pala ganoon kadaling tanggapin ang sakit na iwan ka ng mahal mo dahil kailangan na niyang mauna. Naroon si Jinx sa tabi ko. Hindi niya ako iniiwan. Nagdadala ng pagkain na hindi ko ginagalaw. Pinipilit akog uminom. Sinusubukang kausapin ngunit walang kahit anong kataga akong maisagot.Hanggang sa dinala na namin si Ja
Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak. Dumating na ang katapusan.Ang halik na iyon ang nagsasabi siya nga, siya pa rin na kahit nasa puso ko si Jake, ay handa ko pa ring tanggapin at lasapin ang sarap ng dating pag-ibig na bumabalik. Hanggag bigla na lamang may biglang kaming narinig na kalabog kung saan. Si Jake. Bumagsak at natumba sa kanyang kinatatayuan. Lahat kami ay nagkagulo. Alam ko na ang ibig sabihin no’n. Dumating na ang aming kinatatakutang lahat.Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak.Mabilis na binuhat ni Jinx si Jake. Dinala ang parang wala nang buhay na katawan ni Jake sa nag-abang na sasakyan. Si Jinx ang nag-drive at dumiretso kami sa hospital. Hawak ko ang palad ni
Muli akong bumalik sa dulo para simulan kasal. Ngayon maluwag na sa puso ko ang lahat. Wala nang itinatagong lihim. Katabi ko na si Nanang at Daddy na naglakad sa isle. Inulit ang kanta ni Moira na tagpuan. Masaya ang puso ko. Walang mali. Walang pangamba. Walang lungkot. Walang takot. Katabi ni Jinx ang kanyang mga magulang na noon ay nakangiti sa akin na naghihintay sa dulo. Nakikita ko ang pagtanggap nila sa akin sa kanilang pamilya. Naroon din si Jake. Lumuluha ngunit banaag ang saya sa kanyang. Hindi ito madali. Mahirap magparaya at magpaubaya ngunit ginagawa niya para sa akin, para sa amin ni Jinx. At tumigil ang mundoNung ako'y ituro moAt hindi ka lumayoNung ako yung sumusukoAt nagbago ang mundoNung ako'y pinaglaban moAt tumigil ang mundoNung ako'y pinili moSiya ang panalangin ko Bineso ako ng Mommy niya at niyakap ako ng Daddy niya. Nakita kong kahit napipilitan ay nagyakapan sina Nanang at Mommy ni Jinx. Alam kong may mga pag-uusapan pa sila at aayusi
Hindi ako nakasagot. Inilahad niya ang kanyang kamay para magpatuloy kami sa aming paglalakad. Hindi ko iyon tinatanggap.Nagkatitigan kami ni Jinx. Lahat ng aming alaala ay bumalik. Muling pumailanlang ang ilang kanta ni Moira. Ang kantang Paubaya. Saan nagsimulang magbago ang lahat?Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?Ako ang kailangan, pero 'di ang mahalHindi ibinababa ni Jake ang kamay niyang nakalahad. Naghihintay na hawakan ko iyon. Puno ng luha ang kanyang mga mata. Humihikbi rin. Daman-dama ko ang sinasabi ng kanta. Ngunit nasa dulo si Jinx. Naghihintay. Umuunawa. Nagtitiis. Nagtitimpi. Nagsasakripisyo para sa kaligayahan ko at kaligayahan ni Jake. Halos sampung taon na pagtitiis. Nag-iisa habang kami ni Jake ang masayang nagsasama at alam niya iyon. Alam niya ang lahat pero nagpaubaya. Saan nagkulang ang aking pagmamahal?Lahat ay binigay nang mapangiti ka langBa't 'di ko nakita na ayaw mo na?Ako ang kasama, pero hanap mo siyaT
“Patawarin mo ako, hindi kita nabalikan agad. Patawarin mo ako dahil hindi kita napangatawanan. Patawarin mo ako kung ngayong kasal mo na lang ako nagpakita.”“Bakit kayong dalawa ay humihingi ng tawad sa akin? Ano ito? Kay Jinx alam kokung bakit pero sa’yo Jake? Hindi ko alam kung anong nagawa mong mali para humingi ka sa akin ng tawad.”“Khaye, ipagtatapat ko na lahat.”“Sige sabihin mo sa akin ang lahat. Makikinig ako.”“Nang umuwi si Jinx para hanapin ka at hindi ka niya nahanap sa probinsiya, dumaan sa bahay. Sa kanya ko nalaman ang lahat ng kanyang masakit na pinagdadaanan. Nagsabi siya sa akin, nagmakaawa na sana hanapin kita o baka nakita na kita. Gusto ka kasing mahanap. Gusto ka nIkinuwento niya sa akin ang tungkol sa inyo at lahat ng paghihirap niya mahanap ka lang. Gusto sana niyang makita ka bago pa man sana siya babalik sa America. Nang nakita ko ang picture mo, nagulat ako. Nakita na kita noon sa UP e. Ikaw ang dahil kung bakit doon ko gustong mag-enrol. Ikaw ang dahila
At nakita kita sa tagpuan ni BathalaMay kinang sa mata na di maintindihanTumingin kung saan sinubukan kong lumisanAt tumigil ang mundoNung ako'y ituro moSiya ang panalangin koNang naibaba ang puting harang ay nakita ko si Jake. Nakangiting nakatitig sa akin. Hindi siya nagulat. Hindi iyon ang inaasahan ko sa kanya. Para bang alam na niya. Napaluha siya. May katabi siyang lalaki na nakatalikod. Iyon na marahil ang pinalabas ni Daddy na siyang ikakasal. At hindi di mapaliwanagAng nangyari sa akinSaksi ang lahat ng talaSa iyong panalanginSi Jake, si Jake ang pinili kong una kong pakakasalan. Siya dapat ang iniisip ko at hindi si Jinx. Kaya nga mabilis kong pinunasan ang luha ko at nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa lalaking kasama kong nagdadasal para mapahaba pa ang kanyang buhay at nang magsasama pa kami ng matagal.Pano nasagot lahat ng bakit?Di makapaniwala sa nangyariPano mo naitama ang tadhana?Nang itaas kong muli ang aking paningin. Humarap na ang kaninang nakat
Isang masarap na halik ang ikinintal niya sa aking labi at mahigpit na yakap habang hinahaplos niya ang likod ko. Pagkatapos ang mahigpit na yakap niyang iyon ay masuyo din niya akong tinitigan at hinaplos haplos ang aking pisngi. “Mahal kita, mahal na mahal kita. Lagi mong tandaan ‘yan babe. Lagi mong iisipin na ang lahat ng aking gagawin ay para sa’yo. Maaring ito na ang huli nating pagtatalik, maaring hindi na kailan man mauulit ngunit babantayan kita. Patuloy kitang pagmamasdan. Hangad ko ang iyong kaligyahan sa nalalabi mo pang taon sa lupa. Gawin mong masaya ang bawat sandali kasama ng ating anak. palakihin mo siya ng may takot sa Diyos. Ikaw na lang ang bahalang magkuwento sa kanya kung sino ako. Ikaw na lang ang bahalang magpakilala sa kanya sa akin kapag kayo ay dadalaw sa akin puntod.” “Huwag ka namang magsalita ng ganyan please? Huwag muna.”“Mangyayari na’yon bhie. Habang kaya ko pang sabihin ang lahat. Sinasabi ko na sa’yo. Hinahabilin. Ibinabalik sa tunay sa’yong nag-ma
Habang kinakanta ko ay bumabalik ang lahat sa akin at alam kong siya rin. Nanginginig ang kamay niyang nagbi-video sa akin. Hindi ko napigilang hindi maiyak habang kinakanta ko iyon lalo pa’t nakangiti ring umiiyak ang mahal kong nakamasid sa akin. Alam kong iyak iyon ng sobrang kaligayahan dahil sa kabila ng pagsubok, sa kabila ng dapat noon pa siya bumigay dahil sa sakit niya ay buo pa rin kaming dalawa hanggang ngayon.If I could be the perfect man in your eyes I would give all I'm worth to be a part of your life I could promise the world but it's out of my hands I can only give you everything I haveBatid kong pinakamalaking bahagi ng buhay namin ang isa’t isa. Hindi man siya ang aking first love pero para sa akin, he is my greatest love. Masaya ako kasi ako ang first love niya, greatest and last love niya. Napakaimposible na ako lang ang naging babae sa buhay niya ngunit alam ko iyon at sigurado ako. Totoo pa lang may kagaya niya. Lalaking tapat magmahal. Lalaking hindi sumusu
“Sige ho. Magpahinga na muna kayo. I’ll just advise you na lang po kung kailan kayo pwede nang ma-discharge. Tatawagin ko na ho si Tito para masamahan kayo at mabantayan kayo dito sa loob. May mga nurses po ako at doctors na titingin, tingin pa rin ho sa inyo.” Huminga ako ng malalim. Parang napakagaan sa dibdib. Sa tinagal-tagal ng panahon parang ngayon lang ako lumaya. Malaya sa galit. Malaya sa hinanakit. Malaya sa paghihiganti. Nang buksan ko na sana ang pinto ay bigla niya akong tinawag. “Dok Khaye, Dok…” garalgal ang boses niya. Nilingon ko. Itinaas niya ang kanyang kamay. Parang gusto niya akong kamayan. Tinanggap ko ang kanyang palad. Ibang Mrs. Castro ang nakikita ko. Hindi na siya yung dating matapang. Isang Mrs. Castro na nahihiya. “May kailangan ho ba kayo?” Tumayo ako sa gilid ng kanyang kama. Ginagap niya ang isa ko pang kamay. Parang may kung anong dumaloy sa