Alejandro scooped her up and carried her out of the restaurant. Sa parking lot ay naghihintay si Luke, at nang makita sila ay mabilis na binuksan ang pinto ng backseat ng kotse. Maingat na pinasok ni Alejandro si Klaire sa loob at saka ay tumabi dito. The woman was humming his name repeatedly. Hindi tuloy niya maiwasang mapangiti at mapailing. Ganito pala malasing ang babaeng ‘to? Naisip niya. “Drive,” utos niya kay Luke. “Alejandro~ Alejandro~” patuloy na kanta ni Klaire. “Alejandro~ isa kang animal!~” Nagulat siya nang marinig ‘yon at hindi makapaniwalang tiningnan ang babae. “What did you say?” Bumaling sa kaniya ang dating asawa. May naglalarong kapilyahan sa mga mata nito. Alejandro’s eyes narrowed. Ibang-iba ang Klaire na kaharap niya ngayon sa normal na Klaire na kilala niya. This woman looked extremely mischievous and carefree. Umusog si Klaire palapit sa kaniya at inilapit ang mukha nito sa kaniya. She smiled playfully and caressed his cheek. “What did you say
Marahan ang paggalaw ng labi ni Alejandro habang hinahalikan ang dati niyang asawa. Para bang iniingatan niya na hindi ito masaktan, kahit na ramdam niya ang pamilyar na sensasyon dahilan para pumintig at manigas ang nasa pagitan ng kaniyang mga hita. For a moment, he felt it was surreal. Sino bang mag-aakala na mahahalikan niya ulit ang ina ng mga anak niya? It was more than 5 years and yet, Klaire’s lips feel so soft against his. The way she moved her lips, trying to kiss him back, was like an invitation for him to go on and delve deeper than just kissing. Pero hindi tama iyon. Alam niyang lasing lang si Klaire kaya hinahalikan siya nito sa mga oras na ‘to. Samantala ay pakiramdam ni Klaire ay nananaginip siya. Sa kabila ng pag-ikot ng kaniyang paningin sa tuwing imumulat ang mga mata, may kung ano’ng kiliti ang lumilibot sa katawan niya habang hinahalikan ang arogante niyang ex-husband. Kung paano humantong sa halikan ang sitwasyon nila ay hindi niya alam. Wala na siyang malay
Hindi malaman ni Klaire kung ano ang uunahin: ang sabunutan ang sariling buhok sa panggigigil o ang magpakain na lamang sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Paulit-ulit sa isipan niya ang ginawa niyang paghalik kay Alejandro kagabi. Pati na rin kung paano siya yumapos dito na kung makaasta ay para bang asawa pa rin siya ng lalaki. Tinakpan niya ng mga palad ang kaniyang mukha at naiinis na sumigaw. “Nakakahiya!” bulalas niya. “How can I ever face him after what I’ve done last night? Shit!” Kung makakasalubong niya si Alejandro ay paniguradong iiwasan niya ito anuman ang mangyari. She could never face him and would just die out of embarrassment! Pero mukhang hindi yata umaayon sa kaniya ang tadhana dahil hindi nito pinapatahimik ang buhay niya. Kasi naman ay naka-receive siya ng text message galing kay Alejandro. Alejandro Fuentabella: Klaire, I already signed up for the competition. When will you come to the company to initiate the creation of a new formula? Pakiramdam ni K
Sa loob ng dalawang araw ay tinapos ni Klaire ang pagsasa-ayos ng mga trabaho sa research institute ng Bloom Perfume. Dahil kailangan niyang pansamantalang magtrabaho para kay Alejandro Fuentabella, ibinigay niya sa ibang empleyado ang mga natitirang trabaho niya at nag-send na rin siya ng report kay Feliz tungkol doon. Lunes nang mag-send si Klaire ng text message kay Alejandro. Klaire: I have completed the handover of some matters to my colleagues. Pupunta na ako sa company mo ngayon para magtrabaho. Kinagat niya ang kaniyang labi. Ito ang magiging unang araw niya sa kumpanya ni Alejandro at hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Matatakot ba na makikita niya ang lalaki matapos ng naging halikan nila o matatakot ba dahil baka magkaroon na naman ng problema lalo na’t hindi imposible na makasalubong niya doon sina Melissa o si Sophia? Ngunit naisip niya na wala dapat ang magpatibag sa damdamin niya. She would do this for the sake of her quadruplets. Kailangan niyang ma
Sa conference room, Tahimik na nakaupo si Alejandro sa dulo ng mahabang mesa, samantalang pinili naman ni Klaire na maupo sa kaliwang upuan katabi ang lalaki. Naroon na ang ibang myembro ng research team. Huli na si Sophia sa pumasok sa malamig at maluwag na conference room. Napahinto siya nang makita na magkatabi sina Alejandro at Klaire. Ayaw patalo, naupo siya sa kanang upuan katabi ang lalaki, at kaharap si Klaire. Malamig na tinapunan ng tingin ni Klaire ang babae sa kaniyang harapan. Tila ba nag-iinit ang dugo niya sa presensya pa lang nito. This woman took advantage of her absence to bully her precious Nico and Natasha. Hindi siya papayag na maulit ang mga kabalbalan nito sa mga anak niya. Klaire would do anything just to make sure Sophia would never hurt her children. At kung kinakailangan niyang pigilan ito sa planong pagpasok sa pamilya ng mga Fuentabella ay gagawin niya. Tahimik ang mga tao sa conference room. Wala ni isang nangangahas magsalita kahit pa puno ng katanu
Kahit kailan ay hindi nakita ni Klaire ang pagsusumamo sa mga mata ni Alejandro noong kasal pa sila. Ngayon lamang niya nakita ang emosyon na ‘to sa lalaki, dahilan para bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Ngunit agad niyang kinastigo ang sariling damdamin. Tumingin siya kay Sophia na halata ang pagkagulat sa eksenang nakikita, kaya naman hindi niya napigilan na ngitian ito. “Okay, I won’t go,” kalmado niyang sabi at saka bumaling sa lalaki. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay nito na nakahawak sa kaniyang braso. She didn’t let go of his hand, instead, she squeezed it to assure him. “Huwag kang mag-alala, Mr. Fuentabella. Kung magkaroon man ng problema sa trabaho ko rito sa kumpanya mo, ikaw ang una kong sasabihan.”Namutla si Sophia sa narinig. Ramdam niya ang sakit ng mga mata niya habang pinapanood ang pag-uusap nina Alejandro at Klaire sa harapan niya. Lahat ng mga mata ay nasa dalawa, at wala ni isa ang pumapansin sa kaniya. Ni hindi man lang nagawa siyang ipagtanggol ng mismo
Hindi nagtagal ay dinala siya ni Olga sa research lab number 1. Ang sabi ng babae ay doon daw siya magtatrabaho kaya naman kalmadong naglakad si Klaire papasok ng malawak na opisina na ‘yon.Ngunit bago pa man siya tuluyang makapasok ay hinawakan nang mahigpit ni Olga ang kaniyang braso. Nilingon niya ito nang may pagtataka. “What’s wrong, Olga?” tanong niya. Mariing bumulong si Olga. “Lahat ng research lab ay may naka-arrange mula number 1 hanggang 7. Itong lab na ‘to? Si Sophia ang in charge sa opisina na ‘to. Nariyan lahat ng magagaling na empleyado ng R&D, at lahat sila ay alalay ni Sophia. Naku, kailangan mong maghanda bago pumasok diyan. Nangangain sila ng buhay.”Gusto namang matawa ni Klaire. Kung gano’n ay mga kaugali ba ni Sophia ang sasagupain niya sa unang lab? Kung totoo man ang sinabi ni Olga ay wala siyang pakialam. Kahit pa maraming empleyado na kaugali ni Sophia sa loob ng lab na ‘yon ay hindi siya masisindak ng mga ito. “Thanks for the warning, Olga. Huwag kang ma
“Klaire, tama na muna ‘yan. Lunch time na,” bungad ni Olga nang pasukin ang Lab 2 para ayain siyang mag-lunch. Tutok ang mga mata ni Klaire sa laptop screen habang pinag-aaralan ang mga data ng perfume formula na nabuo ng Lab 2. Hindi niya maiwasang humanga dahil maganda ang kombinasyon ng mga ingredients ng mga formula na nabuo ng mga ito, mayroon nga lang kakaunting kailangang baguhin para mas umangat ang quality at ang value ng mga ito. Tumawa si Olga nang hindi nagsalita si Klaire. Tinapik nito ang kaniyang balikat at sinabing, “Tama na muna ‘yan. Hindi mawawala ang mga data na pinag-aaralan mo. Kain na muna.”Kumalam ang sikmura niya, indikasyon na kailangan na talaga niyang kumain. Nag-angat siya ng tingin kay Olga at nginitian. “Saan tayo kakain?” marahan niyang tanong. “May restaurant sa loob ng company. Nandoon na siguro lahat ng mga pagkain na gugustuhin mong kainin. Alam mo naman, big time ang may-ari ng kumpanya.” Olga wiggled her brows. Natawa lamang si Klaire at sak