Kahit kailan ay hindi nakita ni Klaire ang pagsusumamo sa mga mata ni Alejandro noong kasal pa sila. Ngayon lamang niya nakita ang emosyon na ‘to sa lalaki, dahilan para bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Ngunit agad niyang kinastigo ang sariling damdamin. Tumingin siya kay Sophia na halata ang pagkagulat sa eksenang nakikita, kaya naman hindi niya napigilan na ngitian ito. “Okay, I won’t go,” kalmado niyang sabi at saka bumaling sa lalaki. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay nito na nakahawak sa kaniyang braso. She didn’t let go of his hand, instead, she squeezed it to assure him. “Huwag kang mag-alala, Mr. Fuentabella. Kung magkaroon man ng problema sa trabaho ko rito sa kumpanya mo, ikaw ang una kong sasabihan.”Namutla si Sophia sa narinig. Ramdam niya ang sakit ng mga mata niya habang pinapanood ang pag-uusap nina Alejandro at Klaire sa harapan niya. Lahat ng mga mata ay nasa dalawa, at wala ni isa ang pumapansin sa kaniya. Ni hindi man lang nagawa siyang ipagtanggol ng mismo
Hindi nagtagal ay dinala siya ni Olga sa research lab number 1. Ang sabi ng babae ay doon daw siya magtatrabaho kaya naman kalmadong naglakad si Klaire papasok ng malawak na opisina na ‘yon.Ngunit bago pa man siya tuluyang makapasok ay hinawakan nang mahigpit ni Olga ang kaniyang braso. Nilingon niya ito nang may pagtataka. “What’s wrong, Olga?” tanong niya. Mariing bumulong si Olga. “Lahat ng research lab ay may naka-arrange mula number 1 hanggang 7. Itong lab na ‘to? Si Sophia ang in charge sa opisina na ‘to. Nariyan lahat ng magagaling na empleyado ng R&D, at lahat sila ay alalay ni Sophia. Naku, kailangan mong maghanda bago pumasok diyan. Nangangain sila ng buhay.”Gusto namang matawa ni Klaire. Kung gano’n ay mga kaugali ba ni Sophia ang sasagupain niya sa unang lab? Kung totoo man ang sinabi ni Olga ay wala siyang pakialam. Kahit pa maraming empleyado na kaugali ni Sophia sa loob ng lab na ‘yon ay hindi siya masisindak ng mga ito. “Thanks for the warning, Olga. Huwag kang ma
“Klaire, tama na muna ‘yan. Lunch time na,” bungad ni Olga nang pasukin ang Lab 2 para ayain siyang mag-lunch. Tutok ang mga mata ni Klaire sa laptop screen habang pinag-aaralan ang mga data ng perfume formula na nabuo ng Lab 2. Hindi niya maiwasang humanga dahil maganda ang kombinasyon ng mga ingredients ng mga formula na nabuo ng mga ito, mayroon nga lang kakaunting kailangang baguhin para mas umangat ang quality at ang value ng mga ito. Tumawa si Olga nang hindi nagsalita si Klaire. Tinapik nito ang kaniyang balikat at sinabing, “Tama na muna ‘yan. Hindi mawawala ang mga data na pinag-aaralan mo. Kain na muna.”Kumalam ang sikmura niya, indikasyon na kailangan na talaga niyang kumain. Nag-angat siya ng tingin kay Olga at nginitian. “Saan tayo kakain?” marahan niyang tanong. “May restaurant sa loob ng company. Nandoon na siguro lahat ng mga pagkain na gugustuhin mong kainin. Alam mo naman, big time ang may-ari ng kumpanya.” Olga wiggled her brows. Natawa lamang si Klaire at sak
Sumunod si Klaire kay Alejandro hanggang sa makarating sila sa private room nito kung saan may sariling chef doon na nag-aasikaso ng pagkain ng lalaki.Tahimik siyang naupo sa upuan na kaharap ni Alejandro at hinahayaan ang chef na ihain ang mga pagkain na niluto nito sa mesa. The air felt a little quiet for a moment. Hindi rin nagtagal ay lumabas na ang chef hanggang sa naiwan na lamang silang dalawa sa kwartong ‘yon. Hindi alam ni Klaire kung dapat ba siyang magsalita o ano. May kaba ang puso niya ngayong silang dalawa na lang ang naroon kaya naman tahimik na lamang niyang tinikman ang mga pagkain. But Alejandro couldn’t help but look at her. Naniningkit ang mga mata nito, kuryoso kung ano ba talaga ang sasabihin ni Klaire sa kaniya. “Didn’t you say you have something important to discuss?” seryoso niyang tanong habang titig na titig kay Klaire. “H-Ha?”“You can talk to me now.” Pinagsalikop nito ang mga daliri at saka pinatong ang mga siko sa mesa. “I want to hear everything you
“Hindi ko alam kung anong sinasabi mo,” ani Klaire, pilit na kinokontrol ang naghuhuramentado niyang puso. Pakiramdam niya ay nabaliktad ang sitwasyon!Kinagat ni Alejandro ang kaniyang ibabang labi at saka sinandal ang likod sa upuan. He was just sexy when he did that, and Klaire couldn’t help but blush immediately. “Now, time for me to do the talking…” ani Alejandro sa makahulugang tono. “Mr. Fuentabella–” “You called me ‘Ali’ the other night,” he cut her off, para bang gusto nitong alalahanin ang gabing naghalikan sila. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Klaire pero agad din siyang kumurap para magkunwaring naguguluhan at walang alam. Sumilay ang pilyong ngiti sa labi ni Alejandro. “I thought you wanted to get close to me after that passionate kiss we shared… that night, Klaire.”Mas lalong namula ang mga pisngi ni Klaire. Hindi siya nakapagsalita agad. Sa totoo lang ay akala niya ay nakalimutan na ng lalaki ang nangyari noong gabing ‘yon. Hindi niya akalain na babanggitin ito
Kinabukasan sa kumpanya ng mga Fuentabella, tanghali at pansamantalang tumigil sa pagtatrabaho ang mga empleyado sa reseach department para kumain ng lunch. Isang sopistikadang ginang ang pumasok doon at hinanap si Sophia. “Tita Melissa!” gulat na bulalas ni Sophia at mabilis na nilapitan ang ina ni Alejandro. “What are you doing here po?”Ngumiti si Melissa at hinaplos ang pisngi ni Sophia. “May kinita lang ako na kaibigan malapit dito. Seeing that it’s almost lunchtime, I came over to have lunch with you, hija.”“That’s so sweet of you, Tita.” Matamis na ngiti ang ginawad ni Sophia sa ginang pagkatapos ay inipit ang buhok sa likod ng kaniyang tainga. She made sure that everyone in the department would see and hear them. The CEO’s mother came to see her personally. Ang lahat ay iisipin na sobrang special niya para sa ina ni Alejandro. Sa gano’ng paraan ay mapapatunayan niya na mas angat siya sa lahat, lalo na sa Klaire na ‘yon. Tamang-tama naman dahil kalalabas lamang nina Klaire
Saglit na nakalimutan ni Klaire ang sadya sa mga oras na ‘to. Her heart raced fast inside her chest. Bakit sobrang gwapo naman yata ng dati niyang asawa ngayon?Nang mapansin na hindi nagsasalita si Klaire ay napaangat ng tingin si Alejandro. Nagtaas siya ng kilay at binaba ang pen na hawak. “Are you going to just stand there and look very stupid?”Nang marinig ang seryosong boses ni Alejandro, saka lamang natauhan si Klaire. Ramdam niya ang pamumula ng kaniyang mga pisngi. Hindi niya inaasahan na matutuod siya sa kagwapuhan nito. Nakakahiya pa’t nakita ni Alejandro ang reaksyon na ‘yon sa kaniya!Gayunpaman ay inayos niya ang tindig at saka lumapit sa desk nito. “What happened just now?” tanong ni Alejandro. “It was about your mother,” panimula ni Klaire at saka pinaliwanag kay Alejandro ang mga nangyari sa research department. Nilapag niya sa desk nito ang sira niyang phone. “Sinira niya ang phone ko. Bayaran mo.”Pagkatapos sabihin ‘to ay marahas na bumukas ang double doors. P
Bahagyang nagulat si Alejandro sa sinabing ‘to ni Klaire. Alam niya ang kahulugan ng mga salitang binitiwan ng dati niyang asawa. Noong hindi pa sila divorced, palagi silang nagtatalo. The air between them was tense as if there was a massive wildfire at home. It was suffocating. Aminado siyang pinabayaan niya si Klaire at hindi inisip ang nararamdaman nito noon. May kung anong kirot sa dibdib niya nang maalala ang malamig niyang pakikitungo kay Klaire noong mag-asawa sila. Hindi naman ito nagkulang sa kaniya, pero hindi niya makita ang sarili sa isang kasal na nangyari lamang dahil sa isang set up. Alejandro didn’t know how to respond to her. Sa isang iglap ay naging tahimik ang mesa kung nasaan sila. Samantala ay napagtanto naman ni Klaire na hindi dapat siya nagbitiw nang mga gano’ng salita. Naisip niya na baka iniisip ni Alejandro na bitter pa rin siya sa pagdi-divorcve nilang dalawa, kaya naman pinilit niyang ngitian ito at ipakita na hindi siya apektado. “I’m just kidding, Mr