Bahagyang nagulat si Alejandro sa sinabing ‘to ni Klaire. Alam niya ang kahulugan ng mga salitang binitiwan ng dati niyang asawa. Noong hindi pa sila divorced, palagi silang nagtatalo. The air between them was tense as if there was a massive wildfire at home. It was suffocating. Aminado siyang pinabayaan niya si Klaire at hindi inisip ang nararamdaman nito noon. May kung anong kirot sa dibdib niya nang maalala ang malamig niyang pakikitungo kay Klaire noong mag-asawa sila. Hindi naman ito nagkulang sa kaniya, pero hindi niya makita ang sarili sa isang kasal na nangyari lamang dahil sa isang set up. Alejandro didn’t know how to respond to her. Sa isang iglap ay naging tahimik ang mesa kung nasaan sila. Samantala ay napagtanto naman ni Klaire na hindi dapat siya nagbitiw nang mga gano’ng salita. Naisip niya na baka iniisip ni Alejandro na bitter pa rin siya sa pagdi-divorcve nilang dalawa, kaya naman pinilit niyang ngitian ito at ipakita na hindi siya apektado. “I’m just kidding, Mr
Pagkatapos ni Klaire magtrabaho sa Bloom Perfume ay sinundo niya sina Nico at Natasha sa kindergarten para sabay-sabay na silang umuwi. Ang dalawang cute niyang mga anak ay nakaupo sa swing at nagtatawanan, dahilan para gumaan ang loob niya at manlambot ang puso. “Babies!” bulalas niya at patakbong lumapit sa kanila. “Kamusta kayo?”“Mommy!” Excited na kumaway si Nico sa kaniya. Nang tuluyang makalapit ay hinalikan niya ang mga pisngi nito at saka niyakap sila. “Mommy, alam mo po ba nag-usap na kami nina Kuya Clayton kanina. We decided to book concert tickets for you and Daddy. Na-send na po namin ang ticket information sa email mo, Mommy. Ang concert na ‘yon ay ngayong weekend po. Huwag niyo po kalimutan na sabihan si Daddy, ha!”Nagulantang si Klaire sa narinig. Kumurap siya at halos mapaubo sa narinig. “Talagang napagplanuhan niyo na ‘to nang gano’n kabilis?”Masayang tumango si Nico. “Mommy, kasi po limited lang ang tickets sa concert na pupuntahan niyo po. Baka kapag hindi ka
Nagpatuloy ang usap-usapan ng mga empleyado patungkol sa nakaraan ni Klaire, bagay na hindi na niya pinatulan pa. Those noises did not mean anything to her. Kung akala ni Sophia ay masasaktan siya o aalis sa kumpanya dahil sa pagpapakalat nito ng nakaraan nila, pwes nagkakamali ang babaeng ‘yon. Klaire wasn’t the woman she used to be. Sa lab, naging abala siya sa paggawa ng mga bagong formula ng pabango. She was very focused that she didn’t let these rumors interrupt her. Ni hindi niya napagtanto na alas sais na pala ng gabi. Nagsisimula nang mag-uwian ang mga ka-team niya, at isa na doon si Olga. “Klaire, hindi ka pa ba uuwi? Tama na ‘yan,” marahang sabi ni Olga at tinapik siya sa balikat. “May bukas pa. Baka pagod na ka na.” Nagpatuloy si Klaire sa paghahalo ng mga likido sa isang botelya; naka-lab gown ito at nakasuot ng transparent eye protection nang saglit na lingunin si Olga. She smiled at her. “Una ka na. Hindi pa ako kuntento sa ginagawa kong formula na ‘to. Maya-maya
“What should we do now, Kuya Clayton?” nag-aalalang tanong ni Callie sa kakambal. Hindi rin maiwasan ni Clayton ang mag-alala sa sitwasyon ng Mommy nila. Pero ano ba ang magagawa nila? Mga bata lamang sila at hindi na sila makakalabas ng mansyon gayong gabi na. Sa sitwasyong ito, ang pinakamagandang solusyon ay papuntahin ang Daddy nila sa kumpanya para tulungan ang Mommy nila. Pero paano?!Clayton’s mind worked very quickly. Ilang minuto lamang ay agad itong nakaisip ng isang perpektong plano.Mabilis ang mga daliri niya habang kinakalikot ang computer. Nag-open siya ng isang sekretong website at nagsimulang mag-code. A string of codes quickly appeared on the screen. “Ang galing mo, Kuya!” Napangisi si Callie habang pinapanood ang kapatid sa ginagawa nitong matinding pag-atake. It only took five minutes for Clayton to directly launched a fierce cyber attack on the Fuentabella Group of Companies’ headquarters system.Samantala, kauuwi pa lamang ni Alejandro at pumanhik sa kaniyang
Hindi nakapagsalita si Alejandro. Ramdam niya ang takot ni Klaire sa mga oras na ‘to; nanginginig ang katawan at mabibigat ang paghinga. He could only hug the woman who was leaning against her. Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero hindi niya mapapalagpas kung sakaling may foul play na naganap upang makulong ang dati niyang asawa sa comfort room.Kagat ni Klaire ang kaniyang ibabang labi, pikit ang mata habang sinusubukang pakalmahin ang buong katawan niya. Hinayaan niya si Alejandro na aluin ang likod niya. She felt it was one thing she needed at that moment. “M-Mabuti na lang ay nandito ka,” bulong niya na narinig naman ni Alejandro. “I thought I would have to spend a night in the dark…”May kung anong parte sa loob ni Alejandro na gustong saktan ang gumawa nito kay Klaire, pero kinalma niya ang sarili lalo pa’t halata pa rin ang takot sa dati niyang asawa. “It’s okay. I’m already here…” aniya sa marahang boses, at nagpatuloy sa pag-alu sa likod ni Klaire upang mapakalma ito.
“H-Hindi!” Klaire immediately denied. Naghuramentado ang puso niya. Bakit ba parang nire-reverse psychology siya nito ni Alejandro? Pinagmasdan ni Alejandro ang kaniyang reaksyon, at hindi napigilan na matawa. “B-Bakit ka natatawa?” “Nothing.” Amusement lingered in Alejandro’s lips even when they took the elevator downstairs. Disido si Klaire na mag-drive pauwi ng villa, pero bago pa man siya makasakay ng kotse ay biglang humilab ang tiyan niya. Namutla ang kaniyang mukha, alam na ang sakit na ‘yon ay dahil sa hindi niya pagkain sa oras. She went inside her car. Umasa siya na saglit lang ang paghilab at mawawala rin, pero sa paglipas ng ilang minuto ay nagsimula ng lumabas ang butil-butil na pawis sa kaniyang noo. Alam niyang hindi niya na kayang mag-drive sa sitwasyon ng kaniyang tiyan. She wouldn’t risk it as she might cause an accident on the road. Wala siyang nagawa kung hindi ang bumaba sa kotse. Nagpalinga-linga siya at napansin na hindi pa rin nakakaalis ang kotse ni Ale
Huminto ang kotse ni Alejandro sa harap ng Villa ni Klaire. Bago lumabas ng kotse ay hinarap niya ang lalaki at tipid itong nginitian. “Thank you for tonight,” nag-aalangan niyang wika, hindi alam kung sapat na ba ang mga salitang pasasalamat sa mga ginawa ni Alejandro para sa kaniya sa gabing ‘yon. Una ay niligtas siya nito sa pagkakakulong sa comfort room. Pangalawa ay pinakain siya nito nang malaman nitong hindi pa siya naghahapunan dahilan para umatake ang sakit ng kaniyang tiyan. Pangatlo, hinatid pa siya nito pauwi…Nakapatong ang braso ni Alejandro sa steering wheel nang bumaling sa kaniya. Seryoso siya nitong tiningnan na para bang marami itong gustong sabihin… Mabilis ang tibok ng kaniyang puso habang pinagmamasdan ang gwapong mukha ng lalaki. Mas gwapo ito lalo na kung seryoso.“No problem,” ani Alejandro. “And next time, please eat on time. You wouldn’t want another unexpected stomach pain at work or anywhere.”Tumango si Klaire. “Thanks for the unsolicited advice–”“It’s
“Those evil capitalists… kasalanan na nga nila na nagdusa ka sa poder nila. Talagang nagawa pa nilang nakawin sa ‘yo ang dalawa mo pang alam. I never thought Alejandro could be that cruel!”Tikom ang bibig ni Klaire. Sa totoo lang ay galit din siya sa ginawa ni Alejandro pero ang gusto na lang niyang mangyari ngayon ay makuha ang dalawa pa niyang anak nang maayos. Kung makikipag-gyera kasi siya rito, masasaktan niya lang ang quadruplets. She didn’t want her babies to feel like they had fighting parents. Isang bagay pa rin na pinagpapasalamat niya ay buhay ang dalawa pang kambal, sina Nico at Natasha. Lumambot ang mukha ni Feliz nang hawakan ang kaniyang kamay. “So the two children I saw in the airport back then were Nico and Natasha? Kaya pala gano’n na lang sila kalito nang kausapin ko sila.”Napangiti si Klaire nang maalala ang tagpo na ‘yon. “Hindi ko rin talaga lubos-akalain, Fel. Pero ngayon na lumabas na ang totoo. Nasasagot na ang mga tanong ko noon. These four kids have big