Happy New Year po sa lahat ng readers ng story ko na 'to. Pasensya na po at tatlong araw tayong walang update kasi nagpahinga po ako. Anyway, araw-araw na po ulit may update! Abangan pa po ang mga nakakakilig na ganap nina Klaire at Alejandro! Sino kaya ang nagkulong kay Klaire sa CR? Hulaan niyo!
“What should we do now, Kuya Clayton?” nag-aalalang tanong ni Callie sa kakambal. Hindi rin maiwasan ni Clayton ang mag-alala sa sitwasyon ng Mommy nila. Pero ano ba ang magagawa nila? Mga bata lamang sila at hindi na sila makakalabas ng mansyon gayong gabi na. Sa sitwasyong ito, ang pinakamagandang solusyon ay papuntahin ang Daddy nila sa kumpanya para tulungan ang Mommy nila. Pero paano?!Clayton’s mind worked very quickly. Ilang minuto lamang ay agad itong nakaisip ng isang perpektong plano.Mabilis ang mga daliri niya habang kinakalikot ang computer. Nag-open siya ng isang sekretong website at nagsimulang mag-code. A string of codes quickly appeared on the screen. “Ang galing mo, Kuya!” Napangisi si Callie habang pinapanood ang kapatid sa ginagawa nitong matinding pag-atake. It only took five minutes for Clayton to directly launched a fierce cyber attack on the Fuentabella Group of Companies’ headquarters system.Samantala, kauuwi pa lamang ni Alejandro at pumanhik sa kaniyang
Hindi nakapagsalita si Alejandro. Ramdam niya ang takot ni Klaire sa mga oras na ‘to; nanginginig ang katawan at mabibigat ang paghinga. He could only hug the woman who was leaning against her. Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero hindi niya mapapalagpas kung sakaling may foul play na naganap upang makulong ang dati niyang asawa sa comfort room.Kagat ni Klaire ang kaniyang ibabang labi, pikit ang mata habang sinusubukang pakalmahin ang buong katawan niya. Hinayaan niya si Alejandro na aluin ang likod niya. She felt it was one thing she needed at that moment. “M-Mabuti na lang ay nandito ka,” bulong niya na narinig naman ni Alejandro. “I thought I would have to spend a night in the dark…”May kung anong parte sa loob ni Alejandro na gustong saktan ang gumawa nito kay Klaire, pero kinalma niya ang sarili lalo pa’t halata pa rin ang takot sa dati niyang asawa. “It’s okay. I’m already here…” aniya sa marahang boses, at nagpatuloy sa pag-alu sa likod ni Klaire upang mapakalma ito.
“H-Hindi!” Klaire immediately denied. Naghuramentado ang puso niya. Bakit ba parang nire-reverse psychology siya nito ni Alejandro? Pinagmasdan ni Alejandro ang kaniyang reaksyon, at hindi napigilan na matawa. “B-Bakit ka natatawa?” “Nothing.” Amusement lingered in Alejandro’s lips even when they took the elevator downstairs. Disido si Klaire na mag-drive pauwi ng villa, pero bago pa man siya makasakay ng kotse ay biglang humilab ang tiyan niya. Namutla ang kaniyang mukha, alam na ang sakit na ‘yon ay dahil sa hindi niya pagkain sa oras. She went inside her car. Umasa siya na saglit lang ang paghilab at mawawala rin, pero sa paglipas ng ilang minuto ay nagsimula ng lumabas ang butil-butil na pawis sa kaniyang noo. Alam niyang hindi niya na kayang mag-drive sa sitwasyon ng kaniyang tiyan. She wouldn’t risk it as she might cause an accident on the road. Wala siyang nagawa kung hindi ang bumaba sa kotse. Nagpalinga-linga siya at napansin na hindi pa rin nakakaalis ang kotse ni Ale
Huminto ang kotse ni Alejandro sa harap ng Villa ni Klaire. Bago lumabas ng kotse ay hinarap niya ang lalaki at tipid itong nginitian. “Thank you for tonight,” nag-aalangan niyang wika, hindi alam kung sapat na ba ang mga salitang pasasalamat sa mga ginawa ni Alejandro para sa kaniya sa gabing ‘yon. Una ay niligtas siya nito sa pagkakakulong sa comfort room. Pangalawa ay pinakain siya nito nang malaman nitong hindi pa siya naghahapunan dahilan para umatake ang sakit ng kaniyang tiyan. Pangatlo, hinatid pa siya nito pauwi…Nakapatong ang braso ni Alejandro sa steering wheel nang bumaling sa kaniya. Seryoso siya nitong tiningnan na para bang marami itong gustong sabihin… Mabilis ang tibok ng kaniyang puso habang pinagmamasdan ang gwapong mukha ng lalaki. Mas gwapo ito lalo na kung seryoso.“No problem,” ani Alejandro. “And next time, please eat on time. You wouldn’t want another unexpected stomach pain at work or anywhere.”Tumango si Klaire. “Thanks for the unsolicited advice–”“It’s
“Those evil capitalists… kasalanan na nga nila na nagdusa ka sa poder nila. Talagang nagawa pa nilang nakawin sa ‘yo ang dalawa mo pang alam. I never thought Alejandro could be that cruel!”Tikom ang bibig ni Klaire. Sa totoo lang ay galit din siya sa ginawa ni Alejandro pero ang gusto na lang niyang mangyari ngayon ay makuha ang dalawa pa niyang anak nang maayos. Kung makikipag-gyera kasi siya rito, masasaktan niya lang ang quadruplets. She didn’t want her babies to feel like they had fighting parents. Isang bagay pa rin na pinagpapasalamat niya ay buhay ang dalawa pang kambal, sina Nico at Natasha. Lumambot ang mukha ni Feliz nang hawakan ang kaniyang kamay. “So the two children I saw in the airport back then were Nico and Natasha? Kaya pala gano’n na lang sila kalito nang kausapin ko sila.”Napangiti si Klaire nang maalala ang tagpo na ‘yon. “Hindi ko rin talaga lubos-akalain, Fel. Pero ngayon na lumabas na ang totoo. Nasasagot na ang mga tanong ko noon. These four kids have big
“Tama na po, Lolo…” Nanginginig sa galit si Klaire, pero hindi niya hinayaang kainin siya ng kaniyang emosyon. Kahit kailan talaga ay pera lang ang mahalaga sa mga magulang niya. Matatanda na ang grandparents niya, pero ni hindi man lang magawa ng mga ito mag-alala sa kalagayan ng dalawang matanda at mas inuuna pang trabahuhin ang shares!Huminga siya nang malalim. “Huwag po kayong mag-alala. No one can take away what you and Lola Sonya want to give to me.”“I have said it before, hija. Kaya ka naming bigyan ni Alejandro ng magaling na mga abogado na magha-handle ng bagay na ito.”Matalim ang tingin ni Klaire nang balingan si Lander, ang kuya niya. “Fine, Don Armando. I really need your legal team’s help this time para maproseso na ang share transfer.”“Ali, tawagan mo ngayon din ang abogado natin!”Nanlalaki ang mga mata ng mga De Guzman nang balingan ng mga ito ng tingin si Alejandro. Sa puso ni Sophia, gusto niyang pakiusapan si Alejandro na huwag pumanig kay Klaire, ngunit alam
Mariing nagtatagis ang bagang ni Klaire habang pinagmamasdan ang mga gulat na ekspresyon sa mga mukha ng mga De Guzman. Ilang saglit pa ay binaba niya ang kaniyang phone at nagtaas ng kilay. “I think I made myself clear,” aniya sa malamig na boses at saka tinalikuran ang mga ito para aluin ang kaniyang Lola Sonya na kasalukuyang umiiyak dahil sa sobrang stress dahil sa sitwasyon. “Lola, tahan na po. Huwag na po kayong mag-alala, ha? Ako na pong bahala. Magpahinga lang po kayo.”“I’m so sorry, apo…” Marahang ngumiti si Klaire at saka kinintilan ng halik ang noo ng matanda. “It’s alright, La. This isn’t your fault. Basta magpahinga ka at magpalakas, okay?” Tumango ang matanda at saka hinayaan siyang kumutan ito. Hindi na nagawa pang makipaggulo ng mga De Guzman. Dahil na rin sa pag-iyak ni Sonya De Guzman ay pinili na lamang nilang lumabas ng ward. Samantala, dumating din ang abogadong tinawagan ni Alejandro sa ospital upang ipaliwanag kay Klaire ang mga gagawing hakbang para tuluya
Nakahinga nang maluwag si Klaire at mabilis na tumayo para buksan ang pinto. Sa labas, nakatayo sina Lander, Sophia at ang abogadong nag-asikaso ng share ng transfer. “Come in,” wika niya, hindi na pinansin pa ang dalawang De Guzman. Magalang na pumasok ang abogado. Lumapit si Alejandro rito at kinamusta ang proseso ng pagpapasa ng shares sa pangalan ni Klaire.“Mr. Fuentabella, the share transfer has been completed,” wika nito at saka inabot ang papeles kay Alejandro. Saglit na tiningnan ng lalaki ang papales at saka pinasa ang mga ‘yon sa kaniya. “Take a look.”Kinuha niya ang mga papeles at saglit na tiningnan ang mga impormasyong nakasaad roon. Nang makumpirmang walang problema ay kinamayan niya ang abogado. “Thank you, Attorney.”“You’re welcome, Miss Perez.”Nang makaalis ang abogado ay tinabi na ni Klaire ang mga dokumento sa kaniyang bag. Samantala, nag-uumapaw naman ang selos ni Sophia habang tinitingnan sina Klaire at Alejandro na magkasama. She gritted her teeth and to