Huminto ang kotse ni Alejandro sa harap ng Villa ni Klaire. Bago lumabas ng kotse ay hinarap niya ang lalaki at tipid itong nginitian. “Thank you for tonight,” nag-aalangan niyang wika, hindi alam kung sapat na ba ang mga salitang pasasalamat sa mga ginawa ni Alejandro para sa kaniya sa gabing ‘yon. Una ay niligtas siya nito sa pagkakakulong sa comfort room. Pangalawa ay pinakain siya nito nang malaman nitong hindi pa siya naghahapunan dahilan para umatake ang sakit ng kaniyang tiyan. Pangatlo, hinatid pa siya nito pauwi…Nakapatong ang braso ni Alejandro sa steering wheel nang bumaling sa kaniya. Seryoso siya nitong tiningnan na para bang marami itong gustong sabihin… Mabilis ang tibok ng kaniyang puso habang pinagmamasdan ang gwapong mukha ng lalaki. Mas gwapo ito lalo na kung seryoso.“No problem,” ani Alejandro. “And next time, please eat on time. You wouldn’t want another unexpected stomach pain at work or anywhere.”Tumango si Klaire. “Thanks for the unsolicited advice–”“It’s
“Those evil capitalists… kasalanan na nga nila na nagdusa ka sa poder nila. Talagang nagawa pa nilang nakawin sa ‘yo ang dalawa mo pang alam. I never thought Alejandro could be that cruel!”Tikom ang bibig ni Klaire. Sa totoo lang ay galit din siya sa ginawa ni Alejandro pero ang gusto na lang niyang mangyari ngayon ay makuha ang dalawa pa niyang anak nang maayos. Kung makikipag-gyera kasi siya rito, masasaktan niya lang ang quadruplets. She didn’t want her babies to feel like they had fighting parents. Isang bagay pa rin na pinagpapasalamat niya ay buhay ang dalawa pang kambal, sina Nico at Natasha. Lumambot ang mukha ni Feliz nang hawakan ang kaniyang kamay. “So the two children I saw in the airport back then were Nico and Natasha? Kaya pala gano’n na lang sila kalito nang kausapin ko sila.”Napangiti si Klaire nang maalala ang tagpo na ‘yon. “Hindi ko rin talaga lubos-akalain, Fel. Pero ngayon na lumabas na ang totoo. Nasasagot na ang mga tanong ko noon. These four kids have big
“Tama na po, Lolo…” Nanginginig sa galit si Klaire, pero hindi niya hinayaang kainin siya ng kaniyang emosyon. Kahit kailan talaga ay pera lang ang mahalaga sa mga magulang niya. Matatanda na ang grandparents niya, pero ni hindi man lang magawa ng mga ito mag-alala sa kalagayan ng dalawang matanda at mas inuuna pang trabahuhin ang shares!Huminga siya nang malalim. “Huwag po kayong mag-alala. No one can take away what you and Lola Sonya want to give to me.”“I have said it before, hija. Kaya ka naming bigyan ni Alejandro ng magaling na mga abogado na magha-handle ng bagay na ito.”Matalim ang tingin ni Klaire nang balingan si Lander, ang kuya niya. “Fine, Don Armando. I really need your legal team’s help this time para maproseso na ang share transfer.”“Ali, tawagan mo ngayon din ang abogado natin!”Nanlalaki ang mga mata ng mga De Guzman nang balingan ng mga ito ng tingin si Alejandro. Sa puso ni Sophia, gusto niyang pakiusapan si Alejandro na huwag pumanig kay Klaire, ngunit alam
Mariing nagtatagis ang bagang ni Klaire habang pinagmamasdan ang mga gulat na ekspresyon sa mga mukha ng mga De Guzman. Ilang saglit pa ay binaba niya ang kaniyang phone at nagtaas ng kilay. “I think I made myself clear,” aniya sa malamig na boses at saka tinalikuran ang mga ito para aluin ang kaniyang Lola Sonya na kasalukuyang umiiyak dahil sa sobrang stress dahil sa sitwasyon. “Lola, tahan na po. Huwag na po kayong mag-alala, ha? Ako na pong bahala. Magpahinga lang po kayo.”“I’m so sorry, apo…” Marahang ngumiti si Klaire at saka kinintilan ng halik ang noo ng matanda. “It’s alright, La. This isn’t your fault. Basta magpahinga ka at magpalakas, okay?” Tumango ang matanda at saka hinayaan siyang kumutan ito. Hindi na nagawa pang makipaggulo ng mga De Guzman. Dahil na rin sa pag-iyak ni Sonya De Guzman ay pinili na lamang nilang lumabas ng ward. Samantala, dumating din ang abogadong tinawagan ni Alejandro sa ospital upang ipaliwanag kay Klaire ang mga gagawing hakbang para tuluya
Nakahinga nang maluwag si Klaire at mabilis na tumayo para buksan ang pinto. Sa labas, nakatayo sina Lander, Sophia at ang abogadong nag-asikaso ng share ng transfer. “Come in,” wika niya, hindi na pinansin pa ang dalawang De Guzman. Magalang na pumasok ang abogado. Lumapit si Alejandro rito at kinamusta ang proseso ng pagpapasa ng shares sa pangalan ni Klaire.“Mr. Fuentabella, the share transfer has been completed,” wika nito at saka inabot ang papeles kay Alejandro. Saglit na tiningnan ng lalaki ang papales at saka pinasa ang mga ‘yon sa kaniya. “Take a look.”Kinuha niya ang mga papeles at saglit na tiningnan ang mga impormasyong nakasaad roon. Nang makumpirmang walang problema ay kinamayan niya ang abogado. “Thank you, Attorney.”“You’re welcome, Miss Perez.”Nang makaalis ang abogado ay tinabi na ni Klaire ang mga dokumento sa kaniyang bag. Samantala, nag-uumapaw naman ang selos ni Sophia habang tinitingnan sina Klaire at Alejandro na magkasama. She gritted her teeth and to
Ramdam ni Alejandro ang pagtama ng mainit na hininga ni Klaire sa kaniyang mukha. She smelled so fine. Her perfume was kind of addicting. Hindi matigil ang mga mata niya sa paninitig sa tulog na babae. Kahit na dim na ang ilaw sa VIP ward ng mga oras na ‘to, hindi nakawala sa mga mata niya ang kagandahan ng dati niyang asawa. It was something he hadn’t noticed before during their marriage. He licked his lower lip as his gaze went down her wet lips. Napakapula noon at mamasa-masa, tila ba nag-aanyaya ng isang halik. Hindi niya maiwasan na alalahanin ang ilang beses nilang paghahalikan noon sa kotse niya noong malasing si Klaire. Hindi niya mapigilan ang sarili na patagalin ang bawat halik dahil napakalambot ng mga labi ng dati niyang asawa. Sa tuwing maaalala niya ang tagpong ‘yon ay may kung ano’ng pamilyar na emosyon ang bumabalot sa kaniyang puso… at pagkalalaki. Her lips were very seductive. Awtomatikong inangat niya ang kaniyang kamay at dahan-dahang hinaplos gamit ang dalawa
Sa labas ng ospital, sabay na lumabas sina Klaire at Alejandro. Ilang saglit pa ay pumarada ang rolls-royce na kotse sa kanilang harapan. Lumabas mula doon si Luke at pinagbuksan sila ng pinto sa back seat. “Luke, may balita na ba sa imbestigation sa nangyaring pagkakakulong ko sa banyo noong nakaraang gabi? May nakuha na ba kayong lead?” kuryosong tanong ni Klaire. “Hindi pa klaro, Ma’am Klaire. Nahihirapan kaming malaman kung sino ang taong nagkulong sa ‘yo dahil hindi makita nang maayos ang mukha nito mula sa mga CCTV footage na nakolekta namin. Ang kumpirmado lamang sa ngayon ay babae ang nakuhaan ng CCTV.”Tumango si Klaire. May hinala na siya kung sino kaya lamang ay ayaw niyang mambintang nang walang hawak na matibay na ebidensya. “Sige. Let me know if there’s an update,” seryosong sabi ni Klaire. “I would love to know who’s messing up with me.”Bumaling siya kay Alejandro na seryoso namang nakatingin sa kaniya. “We’ll make sure to find out who it is,” wika ni Alejandro. T
Sa R&D Department, hindi mapakali si Sophia. Nang makarating siya sa kumpanya noong umagang ‘yon ay narinig na niya na pinatawag ni Alejandro si Irene. Ramdam niya ang kaba at pagkabalisa. Kahit na hindi naman niya direktang inutusan ang babaeng ‘yon na turuan ng leksyon si Klaire, ay hinayaan pa rin niya ito sa plano nito. Hindi naman kasi niya alam na mag-iimbestiga si Alejandro at malalaman ang kagagawan nito!Kinakabahan siya sa pag-iisip na ilalaglag siya ng babaeng ‘yon! Paano na ang reputasyon niya?Ano na lang ang magiging tingin sa kaniya ni Alejandro?“Precilla,” bungad niya nang tawagan ang katrabaho niya sa Lab 1. “Hanapin mo si Irene at alamin mo kung ano ang sinabi niya kay Alejandro!”“Sure, Director. Ako na ang bahala.”Hindi nagtagal ay nagtungo si Precilla sa Lab 1. Mabuti na lamang ay sila lang ang naroon kaya payapa silang makakapag-usap. “She’s fired, Director,” panimula ni Precilla na kinagulat niya. “Pero ang good news ay… hindi ka niya nilaglag.”Nanginginig