Sa labas ng ospital, sabay na lumabas sina Klaire at Alejandro. Ilang saglit pa ay pumarada ang rolls-royce na kotse sa kanilang harapan. Lumabas mula doon si Luke at pinagbuksan sila ng pinto sa back seat. “Luke, may balita na ba sa imbestigation sa nangyaring pagkakakulong ko sa banyo noong nakaraang gabi? May nakuha na ba kayong lead?” kuryosong tanong ni Klaire. “Hindi pa klaro, Ma’am Klaire. Nahihirapan kaming malaman kung sino ang taong nagkulong sa ‘yo dahil hindi makita nang maayos ang mukha nito mula sa mga CCTV footage na nakolekta namin. Ang kumpirmado lamang sa ngayon ay babae ang nakuhaan ng CCTV.”Tumango si Klaire. May hinala na siya kung sino kaya lamang ay ayaw niyang mambintang nang walang hawak na matibay na ebidensya. “Sige. Let me know if there’s an update,” seryosong sabi ni Klaire. “I would love to know who’s messing up with me.”Bumaling siya kay Alejandro na seryoso namang nakatingin sa kaniya. “We’ll make sure to find out who it is,” wika ni Alejandro. T
Sa R&D Department, hindi mapakali si Sophia. Nang makarating siya sa kumpanya noong umagang ‘yon ay narinig na niya na pinatawag ni Alejandro si Irene. Ramdam niya ang kaba at pagkabalisa. Kahit na hindi naman niya direktang inutusan ang babaeng ‘yon na turuan ng leksyon si Klaire, ay hinayaan pa rin niya ito sa plano nito. Hindi naman kasi niya alam na mag-iimbestiga si Alejandro at malalaman ang kagagawan nito!Kinakabahan siya sa pag-iisip na ilalaglag siya ng babaeng ‘yon! Paano na ang reputasyon niya?Ano na lang ang magiging tingin sa kaniya ni Alejandro?“Precilla,” bungad niya nang tawagan ang katrabaho niya sa Lab 1. “Hanapin mo si Irene at alamin mo kung ano ang sinabi niya kay Alejandro!”“Sure, Director. Ako na ang bahala.”Hindi nagtagal ay nagtungo si Precilla sa Lab 1. Mabuti na lamang ay sila lang ang naroon kaya payapa silang makakapag-usap. “She’s fired, Director,” panimula ni Precilla na kinagulat niya. “Pero ang good news ay… hindi ka niya nilaglag.”Nanginginig
Alejandro didn’t like what he just heard from her. Ubos na ang pasensya niya para sa babaeng ‘to na patuloy na sumusubok sa kaniya.Hindi naman siya ganito. Buong buhay niya ay siya ang tinitingala ng mga tao at hinahabol, ngunit ngayon… para sa babaeng ‘to; ang dati niyang asawa, ay siya ang naghahabol para lamang klaruhin ang sitwasyon. He wasn’t used to chasing, but he did, anyway, for Klaire. Pero ganitong pag-uugali pa ang ipapakita ng dati niyang asawa!His ex-wife is really something…Ramdam ni Alejandro ang prustrasyon sa kaniyang dibdib. Inis ang makikita sa kaniyang mga mata habang tinitigan ang kaniyang dating asawa. He then held Klaire’s shoulders gently, forcing her to lean against the elevator wall. Padabog niyang nilagay ang kaniyang mga kamay sa magkabilang gilid ng ulo nito para hindi ito makatakas. Halata sa mga mata ni Klaire na nagulat ito sa ginawa niya. Saglit itong natakot pero agad ding tumalim ang tingin sa kaniya. “W-What do you think you are doing, huh?”
Nang makauwi si Klaire, nakita niyang kausap ng kambal ang kanilang mga kapatid. The two little ones were holding the tablet and nestled on the sofa, like cute little cats. Napangiti siya at nilapitan ang mga ito. “Hello, mga baby ko. Ano’ng pinag-uusapan niyo ng mga kapatid mo?”Nagsalita si Clayton mula sa tablet. "Mommy, we are discussing whether we should go out to play. Nico said that they haven't been to Ocean Park yet, so we are making an appointment.”Pagkatapos magsalita ni Clayton ay parehong tumango sina Nico at Natasha. Sa mga mata ng mga ito ay makikita ang excitement na magpunta sa Ocean Park na ‘yon. “Sure!” ani Klaire. “Wala naman problema kung pupunta tayo roon. Mommy can go with you, pero…” Tumingin siya sa tablet kung saan makikita sa video call sina Clayton at Callie. “Hindi ba kayo mahihirapan na magpunta doon, Clayton?”Naisip niya kasi na ang dalawang bata ay nasa poder ni Alejandro. Baka mahirapan ang mga ito na lumabas. “That's right, Mommy, but we can try
Kinabukasan, pagkatapos mag-almusal ay dumiretso siya sa kumpanya ng mga Fuentabella. Pagkapasok pa lamang sa R&D department ay agad siyang sinalubong ni Olga. “Klaire, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito. “I heard that you were locked in the comfort room. Ano ba ang nangyari?”Ngumiti siya at tinapik ang braso nito. “It’s nothing. May gusto lang mang-inis sa akin.” “Hayaan mo. This is all over!” ani Olga sa mariing boses. “Huh? What do you mean?” “Hindi ko alam ang buong detalye pero I know na kagagawan ito ng Sophia na ‘yon at no’ng Irene.” Pilyang ngumiti ito. “Mukhang nasa iyo ang simpatya ng CEO dahil siya na mismo ang naghiganti para sa iyo, Klaire.”Napakurap si Klaire. Naghiganti? Ano ang ginawa ni Alejandro?“Paano?” kuryoso niyang tanong sa babae. Lumapit pa sa kaniya si Olga at saka mahinang nagsalita upang walang ibang makarinig, “This morning, two orders were issued from above. Tanggal na sa trabaho si Irene at demoted naman sa posisyon si Sophia. Hindi na siy
Tahimik niyang sinabayang kumain ang lalaki sa pagkain. Nang maubos nila ang dala niyang tanghalian ay tumayo siya para linisin ang mesa, pero hinawakan ni Alejandro ang kaniyang kamay.“Don’t touch it. Someone will clean it up later,” ani lalaki sa marahang boses. “O-Okay.” Kumurap siya at bahaw itong nginitian. “Kung gano’n, tulungan na lang kitang maglagay ng ointment sa labi mo. Okay?”Binitiwan siya ng lalaki at saka dumiretso ito sa sofa. “Okay?” ulit niya. “Fine, if you insist.”Nagmamadaling kinuha niya ang dalang ointment sa desk nito at saka naglabas ng wet wipes at cotton swab mula sa kaniyang bag. Bago lagyan ng ointment, pinunasan muna niya ng wet wipes ang labi ng lalaki. Napalunok siya sa ginawa. Hindi kasi niya maiwasang tingnan ang mapula’t manipis na labi ng dating asawa. Malambot iyon at nararamdaman niya habang pinupunasan ito. Naalala niya kung paano siya halikan ng labing ‘yon kahapon sa elevator. The feeling of their lips crushing against each other still l
Matalim na tiningnan ni Alejandro ang estrangherong lalaki. Kahit na hindi niya direktang sinagot ang tanong nito, sapat na ang presensya niya para tumigil ito sa pamimilit sa dati niyang asawa. Iisipin nito na siya ang asawa ni Klaire at ama ng apat na anak na sinasabi nito. Hindi niya maiwasang kilatisin ang tindig ng lalaki. Dahilan para yumuko ito at umatras nang bahagya dahil sa malamig niyang aura. “P-Pasensya na, pare. Nagandahan lang ako sa asawa mo. H-Hindi ko naman siya binabastos,” ani lalaki bago ito tuluyang umalis. Nakahinga naman nang maluwag si Klaire nang umalis ang lalaking ‘yon at saka bumaling kay Alejandro. Hindi niya maiwasang mapaisip kung kanina pa ba ito sa lugar na ‘yon. He heard what she just said. Maghihinala na kaya ito sa kaniya?Lumunok siya at nagsalita, “Let’s go?”Ngunit hindi man lang gumalaw si Alejandro. “So, you’re married with four children?” Umiling ito at tiningnan siya nang may kunot ang noo. “That’s an absurd excuse to shoo away a strang
Nang makasakay sa kotse ay nag-abot si Alejandro sa kaniya ng panyo. Napakurap siya at tiningnan ang panyo sa kamay nito. “Dry yourself first,” ani lalaki at saka sinabihan ang driver na hinaan ang aircon. Hindi niya maiwasang tingnan ang dating asawa. His polo looked so wet. Mas pinayungan siya nito kaysa sarili nito. He was so protective of her that he chose to get wet just for her to be protected from the heavy rain.Hindi niya alam kung bakit nagdulot ‘yon ng kakaibang init at saya sa puso niya. Kahit paano… kahit paano ay may kabutihang ang Alejandro Fuentabella na ito. Natigil ang pag-iisip niya nang malakas na nag-ingay ang tiyan niya. Her eyes widened as she lowered her head. Malakas ang pag-iingay ng tiyan niya at alam niyang narinig ni Alejandro ‘yon. Nang tingnan niya ito ay seryoso itong nakatitig sa kaniya, kunot ang noo at mukhang hindi masaya. “You didn’t eat before you came here?” Halata ang pagkadismaya sa boses nito. “Yeah,” sagot niya at nag-iwas ng tingin. In