Share

TEARS ARE FALLING
TEARS ARE FALLING
Author: Phranceszqua143

PROLOGUE

Wag....

Wag.....

Pakiusap!!!!!

WAAAAAAAAAGGGGGGGGG!!!!!!

Nagising si Hanna sa isang madilim na imahe ng kanyang sarili, habang tila kabayong nakikipag karera, dahil sa malalim at putol putol na pag hangos nito para habulin ang kanyang hininga. Sa kabila nitoy hindi rin maitatanggi ang takot sa kanyang mukha dahil narin sa panginginig ng kanyang buong katawan, pati na ang malamig na pawis na bumabalot sa kanya na para bang binuhusan siya ng malamig na tubig.

"Leigh"

Ang pangalang una nyang nasambit habang kinakapos sa pag hinga. Kaya naman napabangon siya mula sa pag kakahiga at habang nakaupo ay napahawak siya sa kanyang dibdib.

Pinipilit niyang ikalma ang kanyang sarili, subalit pakiramdam niya'y lalo lang tumitindi ang lakas ng kabog nang dibdib niya. Kaya naman agad niyang kinapa ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan atsaka siya nag dial.

Ilang mga sandali lang ay may sumagot sa kanya.

"Hanna, teka gising ka pa?"

Ang nag tatakang tugon ng isang lalaki sa kabilang linya.

"Na-na-na ta-ta-takot ako!!"

Ang pauknol-uknol na sagot ni Hanna habang humihikbi sa pag iyak

"Hanna, please stay calm okay, ill be there in a minute."

Tugon ulit ng lalaki, atsaka sya nag mamadaling bumangon at kinuha ang susi ng kanyang kotse, and after the moment he had it ay ibinaba na niya ang tawag at pumunta sa parking lot.

It is kenleigh Lopez, whose talking with. Ang business tycoon na kababata ni Hanna. At dahil nga sa kababata niya ito, kaya siya ang mas nakakaalam kung ano ang nangyayari ngayon sa kaibigan nya.

Ang totoo ay kauuwi lang ni kenleigh galing sa isang business trip, and its like 3 in a half hour siyang bumyahe pauwi ng maynila. Kaya naman pagod na pagod ito nang makarating sa kanyang condo, ni hindi na nga niya nagawang hubarin ang suot niyang damit. Sa halip ay walang lakas niyang ibinagsak ang katawan sa kanyang kama at saglit na ipinikit ang kanya mga mata, then, suddenly his phone rang.

And after seeing, na si Hanna ang tumatawag, ay napatayo sya upang sagutin ito.

Para kasi kay kenleigh, si Hanna ay isang prinsessa na kailangan nyang pag lingkuran. Kaya nga sa tuwing tumatawag ito ay agad na nyang sinasagot dahil hindi niya hinahayaang mag hintay ang kaibigan.

It was 12 midnight ng ipaharurot niya ang kanyang kotse, just to reach Hanna's house. Ni hindi na nga nya naisip na kabibili nya lang sa sasakyang dinadrive nya.

12: 50 am na nang marating ni kenleigh ang condo. It is because he was driving like he was on the race, yon bang akala mo 1 hour na lang ang itatagal ng buhay ni Hanna kaya kailangan niyang makarating before its too late.

After he took his place to park his car, ay nag madali siyang sumakay sa elevator. Nasa 4rth floor ang condo ni Hanna kaya its quite fast for him to reach the unit.

Nang makapasok sa loob ng condo ay agad nyang pinuntahan ang kwarto ng kaibigan, but then, he didnt see her there. Kaya agad siyang lumabas para icheck ang kaibigan sa sala, pero wala ito duon.

"Hanna"

Ang tawag nya sa kaibigan habang bakas ang labis na takot at pag-aalala, kaya naman he straight ahead checking at the kitchen, pero hindi parin niya ito makita.

However, He suddenly heard a noise from nowhere, kaya naman napabalik ulit siya sa kwarto ng kaibigan. And this time he decided to check her into the bathroom, dahil bukod sa labas ng kwarto ay ito nalang ang hindi nya pa na checheck.

At the moment na buksan niya ang pinto ay bahagya syang natigilan at napa hinga ng malalim.

"Hanna"

Bungad ni niya sa kaibigan habang wala itong tigil sa panginginig at pag tangis. Ang totoo'y kanina pa siya naka upo roon habang yakap yakap ang kanyang binti under the opened shower kaya naman basang basa ito.

Sa kabilang banda naman ay kumuha si ken ng tuwalya upang mai balot ito kay Hanna. Samantala, gamit ang kanyang mga bisig ay niyakap niya ng mahigpit ang kaibigan habang halos madurog ang kanyang puso, dahil sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman habang nakikita ang pag durusa ng kanyang kaibigan.

"Ssssh, its okay, its okay im here now. You'll be fine"

Pag papatahan niya rito, at gamit ang kanyang mga kamay ay marahan niyang hinaplos ang buhok at pinunasan ang mga luha ni Hanna.

Sa kabila nun ay binuhat niya ang kaibigan gamit ang buo nyang lakas at ipinaupo ito sa single sofa na naka harap sa over looking na sala.

Gamit ang mag kabilang tuhod ay umupo si ken sa sahig habang nakaharap siya sa kaibigan na nuoy walang kibong nakatulala habang tahimik at walang patid sa kanyang pag hikbi..

"Im so sorry Hanna"

Ang nakatuong sabi ni ken habang pinag mamasdan ang kanyang kaibigan. Pakiramdam niyay dinudurog ang kanyang kalooban dahil sa wala siyang magawa upang kahit saglit ay maibsan ang sakit na nararamdaman ni Hanna, kung may magagawa lamang siya para dito ay gagawin nya, nang saganun kahit sandali ay tumigil ang mundo nito upang maibsan ang sakit na nararamdan nuon ni Hanna.

Sampung taon na ang nakalipas subalit tila ba parang kahapon lang nangyari ang lahat, dahil sa sakit na hanggang ngayon ay sariwa parin.

Minsan tinatanong ni Hanna sa kanyang sarili, Kung bakit may kahapon pa? Isang kahapong ang kalakip ay pagdurusa, at hinagpis ang iniiwan nitong marka.

Tinatanong nya kung bakit sya pa? Bakit sya pa ang napiling hamakin at pagdusahin ng ganun.

Humihiyaw dahil sa labis na sakit ang puso niya, na halos mawawala na ang lahat ng kanyang lakas! Dahil sa araw-araw na humaharap siya sa sinungaling na pang-aliw ng kanyang katanyagan at yaman. Sapagkat, bukod sa sarili nya sino pa bang matatabukhan nya? at sino bang makakapag alis sa karimlang kinasasadlakan nya.

Nag simula ang lahat ng ito sa isang madilim at liblib na lugar, sa isang abandunadong lote. Duon nag simula ang lahat ng pag hihirap ng kalooban nila ni leigh. At dahil duon ay parehas silang nakakulong sa rehas na silang dalawa lamang ang nakaalam. Paano nga ba silang dalawa makakalimot? kung ang mga ito ay palaging manggagambala sa kanila.

'Patawarin mo ako Hanna, hanggang ngayon ay wala akong magawa para maibsan ang nararamdaman mo. Tulad nang gabing yon ay duwag parin ako!"

Ang nuoy naka yukong sabi ni Leigh habang kinukubli ang kanyang mukha sa kanyang palad at duon ay umiiyak at nasasaktan dahil sa pag hihirap ng kanyang kaibigan, at sinisisi ang kanyang kanyang sarili at hinahangad na kung maibabalik nya lamang ang panahong iyon, ay gagawin nya ang lahat ng saganun ay hindi na maranasan pa ni Hanna ang sakit sa malagim na mga pangyayaring iyon.

Iniisip niyang, kung sanay naging matapang lang siya, ay naipag tanggol ni ang kaibigan. At sana ngayon ay hindi kailangan ni Hanna na mabuhay nang may galit sa mundo, hindi sana sya napopoot sa kanyang sarili at higit sa lahat ay hindi sana nakikita ni Leigh ang bawat pagluha ni Hanna sa tuwing maaalala at magigising ito dahil sa bangungot ng kanilang nakaraan.

Batid ni Leigh kung gaano kahirap para Hanna ang pilitin pang mabuhay pag katapos ng lahat. Subalit nais niya ritong ipakiusap na sanay wag itong bumitaw dahil palagi siyang na sa tabi ni Hanna at nangangakong hindi na siya muling matatakot, hindi na siya uli magiging duwag.

Dahil para kay Hanna ay handa ng gawin ni Leigh ang lahat, basta para kay Hanna!!! kahit pa buhay niya ang maging kapalit ng lahat ng ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status