Share

FAMILY GATHERING

HANNA'S POV

Tuk.......Tuk......Tuk.......

Ang agaw pansing tunog ng sandals ko habang papasok sa isang sikat na restaurant. Ewan ko kung bakit pero sabi nila dalawang klase lang nang istorya behind sa tunog ng mga takong.

Ang una ay parang isang thriller moments sa mundo ng pelikula yon bang may mga crimen na scene.

At ang pangalawa ay isang magandang outcast for a revenge gaya ng scene ni maja salvador sa wildflower.

Pero ang hindi nila alam alin man duon sa dalawang scene na yun ay isa lang ang siguradong alam ko, at yun ay sobrang napakasakit at nakakangalay sa binti ang mag suot ng hills kaya hindi ko maintindihan kung paanong nagiging epic ang labas nito sa mga pelikula...

"Hanna..."

Tawag sa akin ng isang babae dahilan para mapahinto ako kasabay nun ay ang pag tayo nung babae habang nakangiting sumasalubong sa akin. Kaya naman, I coldly smile at her nasa malayo palang kasi ako ay nakikita ko na ang mapanuyang tingin sa akin ng pamilya ko.

Tssss....

As I smirked

FLASHBACK

"At ang lakas ng loob niyang mag pakita dito, matapos niyang gumawa ng scandal"

"Wala na talaga syang natitirang kahihiyan sa sarili"

END OF FLASHBACK

Tulad ng dati ganun parin katalim ang mga tingin nila sa akin kahit na may 15 years nang nakalipas. Mga tinging may mag kabilang talas na tumatagos sa kaibuturan ng pag katao ko, mga tinging kayang manira ng buhay at pumutay ng puso.

At kahit na isa na akong Fashion icon at sikat sa buong bansa kung tratuhin nila ako ay para parin akong isang high schooler.

"Bakit ba ang kupad mo parin hanggang ngayon? mamamatay na sa gutom ang mga tao dito kakahintay sayo!"

Naiinis na sabi ng isang babaeng naka white lace na damit. Siya si tita Mina ang pangatlong kapatid ni mama na nakapag asawa ng businessman pero wala siyang ibang ginawa kundi lustayin ang perang pinag hihirapan ng asawa niya.

"Pasensya na, high season ngayon kaya medyo traffic."

Walang sa mood kung sagot bago umupo sa isang bakanteng upuan.

"Kung alam mo naman palang high season at matraffic, edi sana nag paaga ka! nang saganun hindi kami naninigas ng kahihitay sayo."

Sagot naman ng babaeng naka pony tail at nakablue na dress. Siya ang pinsan kong si Erika pangalawang anak siya ni tita mina. Well, masasabi kong isa siyang successful na balerina ng bansa na nag ka-scandal sa isang mentor at bumagsak ang kanyang career at ngayon ay kumakapit sya sa yaman ng kanyang ama. Anu kayang plano nya sa buhay?

"Hindi ka naman na nigas! So wala akong dapat na ikatakot."

Pang iinsulto kong sagot habang nakatingin sa kanya, at sya naman ay halatang gigil na gigil habang natatawang nakatingin sa akin.

Alam kung scandalusa sya tulad ng nanay niya pero hindi sya pwedeng mag kalat ngayon dahil sikat ang restaurant nato kaya maraming tao.

Kaya nga naaliw akong tignan sya habang kulang nalang ay sumabog sya kakapigil ng sarili niya. Nung mga time na yun bigla namang natahimik ng saglit ang kapaligiran.

"Sya nga pala ano nang plano mo sa University mo kuya Noel ngayong wala ng anak na susunod sayo? Si Froi sana kaso hindi bat hindi sya nakapasa sa bar exam."

Panimulang tanong ni tita Carmen kay tito Noel. Kaya napalingon ako kay Froi na nuoy nakayuko at walang mukhang maiharap sa kanyang ama. Ang totoo, isang magaling na professor nuon si tito Noel sa Ateneo, ang sikat na University sa buong pilipinas.

At nung mapang asawa niya si tita Grace ay sya na ang pinalit ng father in-law niya bilang bagong direktor ng University. Pag lipas ng isang taon ay nag karoon ito ng severe na sakit at past eight months lang ay namatay din ito, kaya naman dahil sa nag iisang anak lang si tita grace ay sa kanya naipamana ang lahat ng yaman ng ama niya. Grabe noh! ganun ka swerte si tito Noel ang kaso pag dating sa mga anak mukang tagilid siya.

"Ewan ko ba sa batang ito, hindi ko din maintindihan kung anong dapat gawin sa kanilang dalawa ni Byron"

Dismayadong tugon ni tito Noel.

"Balita ko nga may sinapak itong si byron sa school nila, paano yan kuya kung mag reklamo ang parents ng studyanteng yon, baka mapa tanggal ka niyan sa pagiging direktor."

Insensitive naman na puna ni tita Mina kay tito Noel, dahilan para mapalingon ito sa amin na para bang hiyang hiya siya.

"Teka malayo palang naririnig ko na ang pagiging proud nyo sa akin tita Mina ah! Wag nyo naman pong masyadong ipahalata"

Sagot ni Byron mula sa likod sabay smirked at upo sa upuan niya. Sya si Byron ang bunsong anak ni tito Noel kung yung kuya nya ay kilalang bulakbol sya naman ang kilalang gangster sa school in short ang blacksheep sa pamilya. Pero teka parang medyo naiinis ako sa pang iinsulto ni tita Mina kay tito Noel, kaya nga mula sa bag ay kinuha ko ang phone atsaka ako nag swipe at nag basa ng news.

"Oh may bagong news, isang ina na iniwan sa orphange ang kanyang anak para sa career, Naku napaka walang awa naman ng nanay na yun"

Pag iinterupt ko sa kanila dahilan para mapabaling silang lahat ng tingin sa akin. Sa kabilang banda ay nakita ko namang nanatili lang na nakayuko si erika na para bang hindi na nya narinig ang sinabi ko.

"Palala na talaga ng palala ang mga kabataan ngayon, nakakatakot na silang maging magulang"

Tugon ni tita Carmen pag katapos ay humigop ito ng soup, at mula sa gilid ng pherepiral ko ay nakita ko ring napa iling-iling lang si tito Noel.

"Sandali, anu bang kinalaman ng balitang yan sa gathering natin?"

Puna ni tita Mina habang nakatingin sa akin Malamang hindi nya yun naiintindihan. Samantala sa kabilang banda naman ay tahimik paring nakayuko si Erika at kumakain.

"Wala naman, pero hindi bat yun ang orphanage na sinusuportahan mo nuong sikat ka pang balerina?"

Sabi ko sabay ng tingin kay Erika, kaya naman tumingin ang buong pamilya sa kanya habang sya ay hindi mapakali kung paano sya sasagot. Ang totoo, nakakatawa rin talaga ang pagiging ignorante niya!

"Huh! O-oo yu-yun nga!"

Pautal na sagot niya habang parang namumutla dahil sa sobrang kaba. After nun tumingin sya sa akin na para bang kahit anong oras ay iiyak na sya pero halatang pinipigil nya lang.

"Bakit parang kinakabahan ka? Hindi kaba proud na nakakatulong ka sa mga batang iniiwan ng kanilang pamilya? Hindi bat maituturin yung kawang gawa?"

Ang pag didiin ko sa mga sinabi ko, sa kabilang banda naman ay napalingon si tita mina kay erika nung mga sandaling yun napag tanto ko na totoong wala nga ni isa sa pamilya niya ang pinag sabihan niya ng tungkol duon. Kung ganun, napapaisip tuloy ako kung bakit niya yun itinago samantalang pride nya yun, o baka naman tama yung mga iniisip kong dahilan.

"Sandali, may sinusuportahan kang orphanage? Kailan pa? At bakit hindi mo sinasabi? Baka mabago pa nito ang image mo anak at sa wakas ay maka balik ka ulit sa pagiging balerina."

Sabi pa nuon ni tita habang nakatingin at pinipilit si Erika na mag salita. Subalit tulad ng inaasahan ay hindi ito nag salita, samantala habang ang lahat ay nakabaling ng tingin sa kanya ay bigla namang tumunog ang cellphone ko dahilan para mapa baling ako ng tingin kung san naroon ang bag ko para kunin ito pero nagulat ako ng biglang tumayo si Erika.

"Pupunta lang ako ng Ladies Room"

Sabi nito sabay kuha sa bag niya atsaka umalis.

"Excuse me din, sasagutin ko lang to"

Pag eexcuse ko naman atsak ako tumayo at lumakad papunta sa likod palayo sa table namin at ng medyo malayo-layo na ako ay saka ko lang sinagot ang tawag.

"Yes, ako nga si Hanna Gomes"

Sagot ko sa kabilang linya at isang boses lalaki naman ang sumagot sa akin. Nung mga sandaling yun may isang grupo ng mga lalake ang dumaan kaya medyo napa atras pa ako ng kunti hanggang sa matuntun ko ang Ladies Room atsaka ko ulit binalikan yong tumawag. Maya maya pa matapos ang paguusap habang palakad ako pabalik na sana sa table ay nakarinig ako ng hagulhol ng pag iyak kaya bahagya akong napahinto at mga ilan pang sandali ay lumabas ang isang babae.

"Erika"

Gulat kong bati sa kanya dahil medyo namumugto ang mga mata niya. Napahinto naman sya saglit pero sa halip na mag salita ay kinuha nya ang phone sa bag atsaka ito nag dial.

"Mama, kailangan ko ng mauna"

Sabi nito at agad ring binaba ang tawag bago ito umalis pero hindi pabalik sa table kundi palabas ng restaurant. Napalingon ako nun sa table kung saan sila tita Mina, sa kabilang banda ay bigla naman akong napaisip kung narinig ba ni Erika ang pinag uusapan namin ng kausap ko kanina.

Maya maya pa, habang nag iisip ay nag vibrate ang phone ko isang message mula kay Leigh.

"Ano ng nangyari ayos kalang ba?"

Message nya nuon sa akin kaya slite naman akong napangiti at biglang nawala yong kanina pang tension sa buong katawan ko habang nasa harap ng buong family ko. Kahit sa pag text ramdam parin ang pag woworry nya.

"So far, ayos pa naman"

Sagot ko habang hindi mapigilang ngumiti mag isa. Ang totoo mula pa nung high school ay kasama ko na si leigh pero hindi sya ganito sa akin.

Teka, kailan nga ba sya nag start na maging ganito sa akin? Dati kasi napaka cold niya, palaging naka headphone at hindi namamansin.

"Skip kana dyan habang okay pa. Tapusin ko lang meeting ko tapos barbeque tayo?Ano? gusto mo ba?"

Natawa naman ako sa kanya, bakit ba parang kinikilig ako. Bigla naman akong natauhan sa sinabi ko nuon habang nakangiti pang nakatingin sa text niya. Teka! Anu?Ayyy kaloka anong bang nangyayari sa akin?

"Sige wait mo ko"

Reply ko, parang gusto ko nga rin ng barbeque ngayon. Kaya naman, dali-dali akong bumalik sa table namin atsaka nag paalam kina tita at tito. Well, masasabi kong kumpara sa mga dating gathering at sa panaginip ko kanina medyo peaceful akong makakauwi ngayon.

Nakakatawa lang isipin dahil para sa ibang tao ang Family Gathering ay isang selebrasyon para sa muling pag titipon ng pamilya pero para sa mga tulad namin isa itong pag titipon para mag payabangan, mag kutyaan, mag parinigan at mag kasakitan o kaya naman mag labas ng mga hinanakit at sama ng loob. Nakakatawa mang isipin pero isa kami sa mga pamilyang may immature na pag-iisip.

Well, hindi naman talaga ako mahilig sa ganitong klaseng pag titipon pero sabi ni leigh balang araw ma mimiss ko din ang ganitong gathering, sa palagay ko hindi talaga!.

At kung hindi lang din ako inutusan ni mama na pumunta dito ay wala rin talaga akong plano kasi alam ko mangyayari, buti na nga lang ay binilinan ako ni mama bago ako pumunta dito. Sabi nya manahimik lang daw ako, well nanahimik naman talaga ako pero yong kay erika? Basta naiinis kasi ako sakinilang dalawa ng nanay niya. Himala nga ngayon dahil hindi tulad ng dati na ako lang ang napag iinitan ng pamilya, ngayon kasi parang nalilibot na nila ang impormasyon ng bawat isa.

Wala akong dalang kotse ngayon, si leigh naman ay patapos pa lang daw sa meeting niya at dahil dun walang susundo sa akin. Kaya nga, tumawag nalang ako ng taxi para mabilis na makauwi.

"Hanna..."

Tawag sa akin ng isang lalaki mula sa likod at napalingon naman ako, pero bigla nalang nagbago ang expression ng mukha ko ng makita sya. Tama si kuya Gio nga ang nasa harap ko, ang nag iisa kong kapatid. Actually, nanduon sya kanina pero nag kukunwari akong hindi ko sya nakikita. Himala nga ei! at pumunta sya ng gathering matagal narin kasi syang di nag pakita, siguro simula nung makulong si tito Ronald.

"Kumusta kana? Si-si Ma-mama kumusta n-na sya?"

Sabi nito habang nakayuko at hindi makatingin sa akin.

Ewan ko kung bakit pero naiinis ako sa tono ng boses niya na akala mo talaga concern sya. Hindi ko alam kung dapat ba masaya akong makita sya o dapat lalo akong mainis dahil sa nag pakita pa sya.

"Teka concern ka? Seryoso?"

Sagot ko sabay smirked, nung mga sandaling yun tama namang dumating ang taxi na tinawagan ko kaya agad na ako pumunta sa pinto atsaka ito bahagyang binuksan.

"Ako at si mama ayos lang kami, nagawa naman naming mag survive kahit dalawa lang kami!"

Padiin kung sagot bago ako tuluyang sumakay sa taxi. At mula sa side mirror ay nakita kong nakatayo lang siya sa labas ng resto. Tinignan ko lang sya duon hanggang sa lumiko na ang taxi at hindi ko na sya makita.

Nung mga sandaling yun bigla nalang tumulo ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan, wala ngang nangyari sa gathering pero mas hinangad ko na sana meron na lang kesa ito naman ang naging kapalit. Nakakainis! Bakit ba sya nag pakita?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status