HANNA'S POV"Anu ba! bakit mo ba ako pinatawag? alamo namang busy akong tao ei"Naiirita kung bungad nung pumasok ako sa loob, well busy naman talaga ako no!"Hayy" Ang buntong hininga ko sabay nang buong lakas kong bagsak sa aking katawan sa isang mahabang couch. Grabe na pagod ang ferson today! Kung bakit ba kasi napaka malas ng araw ko ngayon.At mula sa di kalayuan ay sumagot naman ang isang lalaki habang nakatuon ito sa kanyang komputer. Grabe napa awang ang labi ko dahil sa napaka gwapo ng kaharap ko, ay teka kailangan ko atang saluhin ang puso ko mukhang malalaglag ei. Nakatitig lang ako sa kanya at pinag mamasdan ang bawat niyang galaw, napaka husband material ng dating nya."Busy ka? Kung ganun anong ginagawa mo sa rooftop?" Tanong nito sabay ng pag baling niya ng tingin sa akin. Napa iwas ako ng tingin atsaka sumandal, hinawi ko ang buhok ko para ilaylay ito sa likod ng upuan atsaka duon ay pumikit ako. Nakakantok talaga kapag mga ganitong oras."Bakit hindi ba ako pweden
sumapit na nuon ang dapit hapon at sa halip na kumain sa mamahaling restaurant kasama ang kanyang kaibigan ay naroon si Hanna sa kanyang condo, dahil na alala niyang marami pa pala siyang dapat na asikasuhin para sa Fahion show kinabukasan.Samantala sa kabilang banda naman ay biglang tinawagan si Leigh ng kanyang ama dahilan para macancell ang pina reserve nitong lunch for two sa kanyang secretary.Mga ilang sandali pa ay parang tila napaka bilis na gumabi kung saan si Hanna ay naroon parin sa table niyang nakaharap sa t.v. Nakaupo siya sa sahig habang hindi mawari ang sitwasyon niya na sumasagot ng tawag na halos kulang nalang ay idikit niya ang cellphone at telepono nya sa kanyang tenga.Nakasuot nuon si hanna ng kulay pink na pajama na may maliit na bear ang design habang maluwag at malaking kulay puti naman ang panatulog na suot niyang damit pang itaas.habang suot naman nuon ang mga pangkulot niya sa buhok na naka roll sa unahan at dalawa sa mag kabilang gilid.Naka ninja sit sya
Mamaya Ng Gabi ay magaganap ang Fashion show, kaya sinet na ni Hanna ng maaga ang kanyang alarm clock para magising ng maaga, upang mag handa. actually, hindi nya naman kailangan ng alarm pero dahil sa importante ang araw na ito ay sinadya nya talagang mag set dahil mag hapon siyang pagod sa pag hahanda ng lay out ng stage, sa mga damit at sa marami pang iba na preparation.Ang totooy hindi nais ni Hanna na mapahiya ang companya ni Leigh at syempre pati narin ang trabaho nya, mga empleyado at pati na ang kilala nyang pangalan. Kaya nga ang lahat ay binubusisi niya ng husto at yon ang dahilan kung bakit ginabi na siya ng uwi.Nang maka gising si Hanna ay sakto namang tumunog ang kanyang cellphone, kaya naman inipit nya ito ng kanyang balikat at tenga habang nag liligpit ng kanyang higaan.Una, hindi kumakain si hanna ng mga instant na pagkain maliban nalang kung wala na syang time para rito.Pangalawa wala siyang katulong sa bahay, inshort mula sa pag lilinis, pag huhugas at pag lalaba
Ding.....Dong.....Ding....Dong "Sino ba yun? Ang aga aga naman." Ang nuoy naalimpungatang gising ni Hanna, bahagya siya nuong napabangon habang nakapikit ang isang mata dahil sa sobrang antok at pagod nito. Maya maya lang ay narinig niya ang pag unlock ng pinto at batid niyang si Leigh iyong dumating dahil bukod sa kanya ay ito lang ang nakakaalam ng kanyang passcode. Kaya naman, muli siyang humiga atsaka duon ay muling ipinikit ang kanyang mga mata.Samantala, si Leigh naman ay pumasok nuon sa kanyang kusina at duon ay inilagay ang mga dala nyang pagkain sa mesa dahil napansin nito nakaraan na wala ng kalaman laman ang ref ni hanna, pagkatapos ay saka ito pumunta sa kwarto ng kaibigan."Hanna, teka hindi kapa gising?" Tanong nito ng makapasok sa kwarto, nagulantang naman siya dahil sa sobrang gulo at kalat ng paligid kaya't napamulsa nalang ito atsaka nag pailing-iling."Bakit ba ang gulo ng kwarto mo?" Puno pa nito atsaka nag payuko-yuko habang dinadampot ang mga nakakalat na damit
Kinabukasan ay maagang pumasok si Hannasa kanyang opisina upang ifinalize ang lahat ng mga damit na gagamitin sa shoot na gaganapin naman sa France.Nakaupo nuon si Hanna habang pinapaikot-ikot ang hawak niyang ballpen, napapanguso siya dahil bukod sa mga napiling ishoot sa France ay mayroon ding iilan sa mga designs nya na binili ng isang koreano, at napapailing-iling siya sa kanyang sarili sa tuwing naaalala niya ang naging first encounter nila nito.Hindi siya makapaniwalang sa gaanong sitwasyon pa sila magkikita na kung paulit-ulit na babalik-balikan ni Hanna ay masisiraan siya ng bait dahil alam niyaang sobrang nakakahiya ang araw na yon na kung maaari lang ay isumpa niya.Samantala habang nakikipag panayam nuon si Hanna sa kanyang sarili ay bigla namang bumukas ang pinto at lumabas ang isang matipunong lalaki na naging dahilan ng pansamantalang paghiwalay ng kaluluwa ni Hanna sa kanyang katawandahil sa tila isang makisig na prinsipe ang nuoy papalapit sa kanya.Nakasuot ito nuon
"Good morning po maam" Bungad nuon ng isang lalaki bago ito pumasok at lumapit sa desk ni Hanna pagkatapos ay iniabot ang isang sobre.At dahil sa curiosity ay agad iyong kinuha ni Hanna para basahin. Nagulat naman ito dahil isang wedding Invitation ang laman nito."Te-teka, ikakasal ka na?" Pagulat at hindi makapaniwalang tanong nuon ni Hanna."Opo maan" Sagot nung lalaki atsaka ito ngumiti.Nung mga sandaling yon parang biglang tumigil ang mundo ni Hanna habang hawak at pinagmamasdan ang invitation."Next week na po ito maam, sana po makapunta kayo, isang malaking karangalan po kung dadalo kayo" Puno pa nung lalaki dahilan para mapangiti naman si Hanna."Sya nga po pala baka makalimutan nyo po ang celebration party natin ngayon para sa successful na Fashion Show, maya-maya lang po mag sisimula na ito." Paalala nito kay Hanna na halata namang nakalimutan niya ang tungkol duon, pag katapos ay umalis narin nuon ang lalaki.Well, hindi mahilig sa party si Hanna since nuon paman dahil w
Matapos nuong makipag usap ni Leigh kay Hanna ay agad na din itong bumalik sa kanyang opisina para tapusin ang ilan pang mga trabaho na naiwan nito nuong mga nakaraang araw."Good morning sir" Bati nuon ng kanyang mga empleyado habang nakayuko ang mga ito. Pero hindi niya sila pinansin at sa halip ay dire-diretso lang itong pumasok sa loob.Medyo may kalakihan ang opisina ni Leigh na kung susukatin ay maari na itong maging condo unit dahil sa punong puno din ito ng mga electronics at automatic na kagamitan na kung saan ay mula sa kanilang company na akala mo bay nag iindorse ng products ang loob ng unit nya."Good morning sir" Bati ng kanyang secretary nuong makapasok ito sa loobAt tulad ng lagi nitong ginagawa ay hindi siya sumagot at sa halip ay dumeretso ito sa kanyang table at duoy hinubad ang kanyang chaleko at isinampay ito sa wooden stand."Anong schedule ko?" Tanong bago umupo sa kanyang rolling chair.Kaya naman lumapit ang kanyang sekretarya atsaka habang bitbit ang iilang m
Nagising nuon si Leigh dahil sa liwanag ng araw na pumapasok sa kanyang silid at nang maimulat niya ang kanyang mga mata ay saka niya lang narealized na nasa hospital din pala siya.Napalingon siya nuon sa kanyang paligid atsaka napabaling ng tingin sa dextros niya, subalit ng maalala niyang kasama niya si Hanna ay dali-dali niyang tinanggal ang nakakabit na dextros atsaka ito tumayo at pinilit na lumabas.Samantala ay napansin naman ito ng isang nurse na nuoy papasok sa kanyang room para sana icheck ang kalagayan niya, kaya nga ng makita ang kanyang pasyente na nuoy nag mamadaling lumabas ng kanyang silid at bumaba sa lobby ay agad siyang napasunod dito.Nang makarating sa lobby si Leigh ay agad niyang tinanong ang nurse na naka duty nung time na yon na kung anong room number si hanna. Gayunpaman ay bigo siyang malaman dahil hindi siya kamag-anak ng nito.Samantala, habang nakikiusap nuon sa nurse si Leigh para sabihin sa kanya kung nasaan si Hanna ay inawat naman ito agad ng mga naro