Mamaya Ng Gabi ay magaganap ang Fashion show, kaya sinet na ni Hanna ng maaga ang kanyang alarm clock para magising ng maaga, upang mag handa. actually, hindi nya naman kailangan ng alarm pero dahil sa importante ang araw na ito ay sinadya nya talagang mag set dahil mag hapon siyang pagod sa pag hahanda ng lay out ng stage, sa mga damit at sa marami pang iba na preparation.Ang totooy hindi nais ni Hanna na mapahiya ang companya ni Leigh at syempre pati narin ang trabaho nya, mga empleyado at pati na ang kilala nyang pangalan. Kaya nga ang lahat ay binubusisi niya ng husto at yon ang dahilan kung bakit ginabi na siya ng uwi.Nang maka gising si Hanna ay sakto namang tumunog ang kanyang cellphone, kaya naman inipit nya ito ng kanyang balikat at tenga habang nag liligpit ng kanyang higaan.Una, hindi kumakain si hanna ng mga instant na pagkain maliban nalang kung wala na syang time para rito.Pangalawa wala siyang katulong sa bahay, inshort mula sa pag lilinis, pag huhugas at pag lalaba
Ding.....Dong.....Ding....Dong "Sino ba yun? Ang aga aga naman." Ang nuoy naalimpungatang gising ni Hanna, bahagya siya nuong napabangon habang nakapikit ang isang mata dahil sa sobrang antok at pagod nito. Maya maya lang ay narinig niya ang pag unlock ng pinto at batid niyang si Leigh iyong dumating dahil bukod sa kanya ay ito lang ang nakakaalam ng kanyang passcode. Kaya naman, muli siyang humiga atsaka duon ay muling ipinikit ang kanyang mga mata.Samantala, si Leigh naman ay pumasok nuon sa kanyang kusina at duon ay inilagay ang mga dala nyang pagkain sa mesa dahil napansin nito nakaraan na wala ng kalaman laman ang ref ni hanna, pagkatapos ay saka ito pumunta sa kwarto ng kaibigan."Hanna, teka hindi kapa gising?" Tanong nito ng makapasok sa kwarto, nagulantang naman siya dahil sa sobrang gulo at kalat ng paligid kaya't napamulsa nalang ito atsaka nag pailing-iling."Bakit ba ang gulo ng kwarto mo?" Puno pa nito atsaka nag payuko-yuko habang dinadampot ang mga nakakalat na damit
Kinabukasan ay maagang pumasok si Hannasa kanyang opisina upang ifinalize ang lahat ng mga damit na gagamitin sa shoot na gaganapin naman sa France.Nakaupo nuon si Hanna habang pinapaikot-ikot ang hawak niyang ballpen, napapanguso siya dahil bukod sa mga napiling ishoot sa France ay mayroon ding iilan sa mga designs nya na binili ng isang koreano, at napapailing-iling siya sa kanyang sarili sa tuwing naaalala niya ang naging first encounter nila nito.Hindi siya makapaniwalang sa gaanong sitwasyon pa sila magkikita na kung paulit-ulit na babalik-balikan ni Hanna ay masisiraan siya ng bait dahil alam niyaang sobrang nakakahiya ang araw na yon na kung maaari lang ay isumpa niya.Samantala habang nakikipag panayam nuon si Hanna sa kanyang sarili ay bigla namang bumukas ang pinto at lumabas ang isang matipunong lalaki na naging dahilan ng pansamantalang paghiwalay ng kaluluwa ni Hanna sa kanyang katawandahil sa tila isang makisig na prinsipe ang nuoy papalapit sa kanya.Nakasuot ito nuon
"Good morning po maam" Bungad nuon ng isang lalaki bago ito pumasok at lumapit sa desk ni Hanna pagkatapos ay iniabot ang isang sobre.At dahil sa curiosity ay agad iyong kinuha ni Hanna para basahin. Nagulat naman ito dahil isang wedding Invitation ang laman nito."Te-teka, ikakasal ka na?" Pagulat at hindi makapaniwalang tanong nuon ni Hanna."Opo maan" Sagot nung lalaki atsaka ito ngumiti.Nung mga sandaling yon parang biglang tumigil ang mundo ni Hanna habang hawak at pinagmamasdan ang invitation."Next week na po ito maam, sana po makapunta kayo, isang malaking karangalan po kung dadalo kayo" Puno pa nung lalaki dahilan para mapangiti naman si Hanna."Sya nga po pala baka makalimutan nyo po ang celebration party natin ngayon para sa successful na Fashion Show, maya-maya lang po mag sisimula na ito." Paalala nito kay Hanna na halata namang nakalimutan niya ang tungkol duon, pag katapos ay umalis narin nuon ang lalaki.Well, hindi mahilig sa party si Hanna since nuon paman dahil w
Matapos nuong makipag usap ni Leigh kay Hanna ay agad na din itong bumalik sa kanyang opisina para tapusin ang ilan pang mga trabaho na naiwan nito nuong mga nakaraang araw."Good morning sir" Bati nuon ng kanyang mga empleyado habang nakayuko ang mga ito. Pero hindi niya sila pinansin at sa halip ay dire-diretso lang itong pumasok sa loob.Medyo may kalakihan ang opisina ni Leigh na kung susukatin ay maari na itong maging condo unit dahil sa punong puno din ito ng mga electronics at automatic na kagamitan na kung saan ay mula sa kanilang company na akala mo bay nag iindorse ng products ang loob ng unit nya."Good morning sir" Bati ng kanyang secretary nuong makapasok ito sa loobAt tulad ng lagi nitong ginagawa ay hindi siya sumagot at sa halip ay dumeretso ito sa kanyang table at duoy hinubad ang kanyang chaleko at isinampay ito sa wooden stand."Anong schedule ko?" Tanong bago umupo sa kanyang rolling chair.Kaya naman lumapit ang kanyang sekretarya atsaka habang bitbit ang iilang m
Nagising nuon si Leigh dahil sa liwanag ng araw na pumapasok sa kanyang silid at nang maimulat niya ang kanyang mga mata ay saka niya lang narealized na nasa hospital din pala siya.Napalingon siya nuon sa kanyang paligid atsaka napabaling ng tingin sa dextros niya, subalit ng maalala niyang kasama niya si Hanna ay dali-dali niyang tinanggal ang nakakabit na dextros atsaka ito tumayo at pinilit na lumabas.Samantala ay napansin naman ito ng isang nurse na nuoy papasok sa kanyang room para sana icheck ang kalagayan niya, kaya nga ng makita ang kanyang pasyente na nuoy nag mamadaling lumabas ng kanyang silid at bumaba sa lobby ay agad siyang napasunod dito.Nang makarating sa lobby si Leigh ay agad niyang tinanong ang nurse na naka duty nung time na yon na kung anong room number si hanna. Gayunpaman ay bigo siyang malaman dahil hindi siya kamag-anak ng nito.Samantala, habang nakikiusap nuon sa nurse si Leigh para sabihin sa kanya kung nasaan si Hanna ay inawat naman ito agad ng mga naro
Nakaupo nuon si Hanna sa kanyang kama habang pinag mamasdan ang pag sasayaw ng mga punong kahoy na natatanaw niya mula sa labas."Gising kana pala" Sabi nuon ng kanyang ina nuong magising ito sa pag idlip. Kaya naman, agad itong tumayo para icheck ang dextros ni Hanna."Anu ba kasing nangyari sayo? sabi ni Leigh bigla ka nalang daw nawalan ng malay! Sinasabi ko nga bat dahil yan sa trabaho mo hindi ba? " Pag-aalalang sabi nuon ng kanyang ina bago ito pumunta sa may pinto para kuhaan ng tubig si Hanna mula sa despenser."Mama, nakita ko si kuya Gio dumalo sya nung gabi ng gathering" Pag-iiba nito sa usapan.Napahinto naman nuon ang nanay niya habang itinutupi ang kumot na nasa paahan ni Hanna."Ang lakas ng loob nyang mag pakita pag katapos tayong iwan nuon." Napayukong sabi ni Hanna Ang totooy, ayaw niyang pag usapan ang kapatid niya pero ito lang ang paraan para hindi siya kulitin ng mama nya patungkol sa kung anong nangyari sa kanya."Anong sabi nya? tinanong nya ba ako? kumusta na
"Ano bang bagay sayo?" Tanong ng secretary ni Hanna habang nilalagyan ng red stripe na necktie ang koreanong bisita nila na nuoy nakatulala din dahil sa palagay niyay may mali sa mga ipinasusuot sa kanya. "Ayan!" Nakangiting sabi ng secretarya na tila ba proud pa ito sa mga pinag gagagawa niya.Napakamot nalang nuon ng ulo yong koreano habang busy naman yong secretary na mag hanap ng sumbrero kaya napalingon ito sa kabilang kabinet at duon kinuha ang kulay red na sumbrero pati ang coat na green atsaka ito pinasuot sa koreano.Pagkatapos nito ay bahagyang napahinto at napaatras ang secretary atsaka nito sina-site ang anggulo para tignan kung bagay ba ito sa lalaki. Mula sa whole body na salamin ay napatingin naman yong lalaki sa sarili niya mula ulo hanggang paa habang halata naman sa mukha nito ang pag ka dismaya.At napansin din naman ito Ng secretary. Well, alam nya namang wala syang talent or background sa pananamit at dahil sa naospital ang amo niya ay kailangan niyang gawin iyon