Magtatanghalian na akong natapos sa pag-aayos ng mga damit ni Señor Sebastian. Super dami ng damit niya, halos hindi na magkasya. Ang dami niyang coat, lalo na ng army attire niya. Nasuot na ba niya lahat ng 'yon?
Nag-ingat na ako sa pagbaba ng hagdan, mahirap na baka may patibong na naman at talagang mahahalikan ko na ang lupa. Ayoko naman umuwi sa modern world ng injured no.
Pagbaba ko sa sala ng hacienda ay naaamoy ko na kaagad ang tinolang manok na niluluto ni Aling Elena. Nakakagutom naman!
"Ina, anong mga putahe po ang ihahanda niyo ngayong tanghalian?" Tanong ko nang makadating ako sa kusina.
"Tinolang manok, ginisang gulay, at menudo. Nais makatikim ng ibang putahe ang magkapatid. Isa pa, baka dumating na si Don Enrique at Doña Martina." Tingin ko ay late nang darating ang mag-asawang 'yon. Bihis na bihis kanina eh.
"Ina, nakakaintindi po ba kayo ng wikang Español?" Tanong ko.
"Naiintindihan ko ang kanilang wikang pagbati dahil sa tagal ko nang paninilbihan sa pamilyang ito. Ngunit marami pa rin akong hindi maintindihan sa kanilang wika." Sagot niya.
"Nga po pala, si Kuya Karding at si Ama po, saang parte ng hacienda po sila nagtatrabaho?" Tanong ko.
"Napakaraming bagay mo na talagang hindi naaalala, anak." Nag-aalala siyang tumingin sa akin, "Naalala mo ang lupang sakahan nang ipasyal kita rito sa hacienda? Doon sila nagtatanim ngayon ng palay, mais at mga kamote."
"Maaari ko po ba silang puntahan doon?" Tanong ko.
"Hindi maaari, anak. Alam mo namang may iba pa silang kasamang kalalakihan doon. Huwag kang mag-alala, paminsan-minsan ay dumadalaw rito ang iyong Ama at kapatid sa tuwing sila ay nagpapahinga."
Pinanood ko na lang siya sa pagluluto at nanahimik na. Super dami kong tanong. Buti na lang at nauntog ang ulo ni Criselda sa bato kaya pwede kong sabihin na wala talaga akong naaalala. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit ako nandito eh. Sana ma-meet ko na ang taong makakatulong sa akin dito.
"Maglilinis na lang po muna ako ng ibang mga gamit habang wala ang mga Ginoo." Paalam ko.
"Ingatan mo ang mga bagay na iyong hahawakan." Paalala ni Ina.
"Opo."
Luminga-linga ako at wala naman ang magkapatid. Gamit ang tuyong basahan na dala ko ay pinunasan ko ang mga displays at paintings dito sa kanilang sala. Parang trip kong palitan ang mga positions nila kase... parang hindi bagay eh. Sabagay, hindi naman siguro sila magagamit kung ire-rearrange ko ang mga gamit dito sa sala nila.
Pinunasan ko muna ang iba't ibang artifacts na naka-display sa mga lamesita nila at isinunod ko ang mga paintings. Well, isa sa mga hilig ko ang pagre-rearrange ng mga bagay-bagay na nakikita ko kapag feel kong need na nilang mapalitan ng positions. Nakakaumay kasi kapag palaging ganoon na lang ang nakikita nila. And I'm sure magugustuhan ng pamilya Montefalco ang arrangement na gagawin ko. Mas magaling pa kaya ako sa mga interior designers! Charot!
"Criselda, bakit mo pinagpapalit ang pwesto ng mga pigurin? Hindi ba ibinilin na sa atin ni Doña Martina na huwag papakealaman ang mga 'yan?" Sino naman 'tong babaeng 'to?
"E sino ka ba?" Tanong ko.
"Hindi mo na ba ako natatandaan? Ako ito, si Crusita. Ilang buwan lamang tayong hindi nagkita ay nakalimutan mo na kaagad ako."
"Ah... Eh... bawal bang pakealaman ang mga ito?"
"Oo, bilin ni Doña Martina noon hindi ba? Kunsabagay, ikinuwento ni Aling Elena sa amin ang nangyari sa iyo kung kaya't naiintindihan namin kung bakit hindi mo maalala ang ibang mga pangyayari sa iyong buhay."
"Oo, sana nga bumalik na ang mga alaala ko." Kunwari ko.
"Habang wala pa sila, ibalik na natin ang mga kagamitan sa kanilang orihinal na puwesto."
"Huwag kang matakot, hindi magagalit ang Doña sa gagawin kong ito, Crusita."
"Bakit ba iyan ang tinatrabaho mo? Inutusan ka ba ng mga Ginoo kaya mo inaayos ang mga 'yan?" Tanong niya.
"Oo. Oo, si Señor Sebastian ang nag-utos sa akin kaya huwag ka nang mag-alala." Sabi ko para manahimik na siya. Ginugulo niya ang diskarte ko eh.
"Kung gano'n, babalik na ako sa aking paglilinis sa taas. Ingatan mo ang mga ito ah?" Bilin niya at tumango naman ako sabay ngumiti.
Need ko lang talagang magsinungaling para naman magawa ko ang binabalak ko. Aba, kung magugustuhan ni Doña Martina ang trabaho ko, baka dagdagan niya ang sahod ko. Malay natin.
Hindi naman ako gaanong natagalan sa pag-aayos ng mga displays dahil halos malilinis pa ang mga ito, ang paglipat at pagpupwesto lang sa mg ito ang dahilan kung bakit ako natagal. Quarter to 1 na nang matapos ako at super ganda na ginawa ko! Para na akong professional. Historical at minimalist ang pagkakaayos ng mga ito. Ang aliwalas sa mata!
Nagpunta na ako ng kusina nang matapos ako, wala na doon si Ina at sina Belinda.
"Nandito na sina Doña Martina at Don Enrique. Hinahanap nila ang magkapatid. Nasaan ba sila? Nasa tapat na ng hacienda ang kalesa ng Don at Doña." Tanong sa akin ni Lucing nang madatnan niya ako.
"Ah... Aba, malay ko. Kailangan ba alam ko kung saan sila pupunta?" Tanong ko.
"Criselda, tungkulin mo ito bilang kanilang personal na tagapagsilbi. Bilisan mo na at hanapin sila. Nais nilang makasabay sa tanghalian ang kanilang mga anak."
Nagmadali akong lumabas ng bahay nila para hanapin ang magkapatid sa buong hacienda. Tsk! Dapat pala itinanong ko kay Señor Sebastian kanina kung saan sila mamamasyal ng kapatid niya.
Patago akong sumilip sa kanilang mga lupaing sakahan pero wala naman sila doon. Pumunta ako sa kwadra ng mga kabayo pero wala din sila. Baka naman nasa hardin.
"Mga Ginoo...pi...pinapatawag na po kayo ng inyong mg magulang." Hinihingal kong sabi nang madatnan ko sila sa hardin. Kay laki ng haciendang ito!
"Oh, Criselda, tila hapung-hapo ka." Wika ni Señor Sandro.
"Hindi mo naman kailangang tumakbo upang hanapin kami. Sa susunod ay huwag kang magpakapagod."
"Tayo na po."
Sumunod naman sila sa akin sa paglalakad. Bago pa man kami makapasok ay narinig ko na ang pagbati nila Ina kela Don Enrique. Buti naman at nakaabot.
"Ah... Magandang hapon po sa inyo. Pasensya na po kung natagalan ako sa pagtawag sa inyong mga anak. Narito na po ang mga Ginoo." Tumabi ako kaagad kay Ina nang mabati ko na sila.
"Mi otro joven. Bienvenido a ti, Sandro." (Ang isa ko pang binata. Malayang pagdating sa iyo, Sandro.) Bati ni Doña Martina at niyakap si Señor Sandro.
Well, hindi naman mahirap mag-distinguish kung sino sa kanila si Sandro at Sebastian. Napansin kong mas matangkad si Señor Sebastian at isa pa, may maliit na nunal sa leeg si Señor Sandro. Iyon ang pagkakaiba nila. Pero sa mukha? Super magkamukha talaga, pati sa kutis at tindig.
"Lamento si tu madre nos tomó demasiado tiempo. Vayamos a la mesa." (Pasensya na kayo kung natagalan kami ng inyong Ina. Tayo na sa hapag.) Ani Don Enrique. Di ko talaga maintindihan. La mesa lang ang medyo gets ko. Baka nag-aaya na siyang kumain.
"Espera ... ¿por qué cambió el diseño y la ubicación del equipo de mi sala de estar?" (Teka... bakit nagbago ang ayos at puwesto ng aking mga kagamitan sa sala?) Tanong ni Doña Martina pero nagtinginan kami. Wala kaming maintindihan, hello?
"Nag-iba ang puwesto ng mga pinta at kagamitan dito sa sala. Sino ang nag-ayos?" Parang seryoso ang mukha ni Doña Martina. Di niya ba bet?
"Ah... Ako po ang nag-ayos Doña Martina." Pag-amin ko. Shet na malagket, tatanggalin niya ba ako sa trabaho?
"Ako po ang nag-utos sa kanya na ibahin ang ayos ng mga kagamitan. Nais ko pong magbago naman ang paningin ni Sandro sa ating tahanan dahil matagal siyang nawala." Pagsasalo ni Señor Sebastian sa akin.
"Mas kaaya-ayang pagmasdan ang buong bahay ngayon sapagkat nagbago ang puwesto ng mga ito. Maaliwalas sa mata." Sabi ni Señor Sandro.
"Sa susunod ay nais kong ipaalam muna ninyo sa akin bago kayo gumawa ng isang hakbang ukol sa pagdidisenyo dito sa loob ng hacienda." Ani Doña Martina.
"Masusunod po." Sabay-sabay naming sagot nila Ina. May bitchy side din pala si Doña, akala ko pa naman mabait.
"Bueno, tayo na sa hapag."
Ako at si Lucing ang nagbabantay sa pamilya habang kumakain sila. Nagugutom na tuloy ako. Tanging tunog lang ng nga kubyertos ang naririnig ko nang basagin ni Don Enrique ang katahimikan.
"Ngayong isa ka ng ganap na Doktor, mayroon ka ng certifico at nakuha mo na ang iyong nais. Ano ang susunod na hakbang mong gagawin?"
"Nais ko pong magpatayo ng sarili kong klinika dito sa San Alejandro." Sagot ni Señor Sandro. "Nais ko pong magbigay lunas sa mga mahihirap na hindi kayang magbayad sa mga pagamutan."
"Kumuha ka ng certifico sa medisina ngunit ang baluktot mo pa ring prinsipyo ang iyong paiiralin?" Binitawan ni Don Enrique ang mga hawak niyang kubyertos.
"Enrique, huminahon ka." Hinawakan naman ni Doña Martina ang kamay nito upang pakalmahin siya.
"Sariling kapakanan mo lamang talaga ang palagi mong iniisip. Bakit hindi ka tumulad kay Sebastian? Sinusunod niya ang mga utos ko dahil alam niyang ito ang makabubuti para sa ating pamilya."
"Ama, huwag niyo po sana kaming pagkumparahin ng aking kapatid. Bigyan niyo po siya ng panahon upang makapag-isip."
"Nagkasundo kaming dalawa ni Sandro na magpapakasal siya sa anak ni Don Fernando, ang pinaka-maimpluwensyang pamilya rito sa San Alejandro, kapag nakuha na niya ang kanyang certifico."
"Ama, ayoko pang magpakasal. Wala pa sa isip ko ang magkaroon ng sariling pamilya. Isa pa, hindi ako papayag na ipagkakasundo ninyo ako sa babaeng hindi ko naman lubos na kakilala. Nais kong ako mismo ang makakilala ng babaeng mamahalin ko, Ama." Pangangatwiran ni Sandro. That's right! Perfect answer!
"Kauuwi lamang ng ating anak, Enrique. Ipagpaliban mo muna ang usaping ito. Bigyan natin si Sandro ng panahon upang makapag-isip."
"Sebastian, papalitan na ang Gobernador Heneral. Sa susunod na linggo ay darating ang papalit sa kanya mula Espanya. Nais kong paghandaan mo ito."
"Opo, Ama."
"Kapag naging Heneral ka, tiyak na mas dadami ang koneksyon ng ating pamilya. Natitiyak ko rin ang magandang kinabukasan ninyong magkapatid kung makikinig lamang kayo sa aking mga payo."
"Kung ayaw magpakasal ng iyong kapatid sa Anak ni Don Fernando, ikaw Sebastian, ang ipagkakasundo ko sa kanilang anak."
"Ama, ilang beses nang isinuko ni Sebastian ang lahat ng kanyang pangarap para sa inyong kagustuhan. Ilang beses niyo pa ba gagamitin ang kapatid ko?"
"Sandro, huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang iyong Ama."
"Naiintindihan ni Sebastian ang aking mga desisyon. Alam niyang makabubuti ito sa kanyang karera. Hindi katulad mo na matigas ang ulo at pilit na sinasagad ang aking pasensya."
"Sandro, huminahon ka na."
Nagkatinginan na kami ng katabi ko dahil mainit na ang ulo ng pamilya. Naiinis din ako kay Don Enrique eh. Ibugaw ba naman ang mga anak niya? Tama ba 'yon? Sabagay, arranged marriage talaga ang umiiral sa panahong ito sa mga principales.
"Busog na po ako. Nais ko po munang makalanghap ng sariwang hangin sa labas." Paalam ni Señor Sebastian sa kanila. "Sumunod ka sa akin Criselda."
Kinabahan naman ako nang tawagin ako ni Señor Sebastian. Saan naman kaya kami pupunta? Parang napikon siya sa mga magulang niya ah.
"Hindi ko gaanong nalasahan ang luto ng iyong Ina dahil sa debate ng aking Ama at kapatid sa hapag." Panimula niya nang makarating kami sa kanilang hardin. Nasa likod lamang niya ako at tahimik na nakikinig sa kanya.
"Tama naman po ang kapatid ninyo eh. Señor, hindi niyo kailangang sundin ang lahat ng kagustuhan ng inyong mga magulang. Naiintindihan kong mahal ninyo ang inyong pamilya ngunit paano naman ang inyong kapakanan? Kinalimutan ninyo ang inyong pangarap para sa kanila, hindi pa ba sapat ang panahong nilaan ninyo sa bagay na hindi niyo naman talaga gusto para sundan muli ito ng panibagong pagsubok?" Pagcocomfort ko sa kanya.
Humarap siya sa akin at lalo siyang gumwapo sa paningin ko dahil kumikislap ang balat niya sa sinag ng araw. Gosh, para akong malulusaw sa mga titig niya. Super landi ko na sa part na 'yon!
"Hindi ko lubos maisip na sa iyo manggagaling ang mga salitang iyan. Isa kang pambihirang binibini."
"Tulad nga po ng sinabi ni Señor Sandro, bakit kayo magpapakasal sa babaeng hindi niyo naman lubos na kakilala?"
"Kilala ko si Amanda. Siya ang nag-iisang anak ni Don Fernando at Doña Josefina. Hati ang kanyang lahi dahil Español ang kanyang Ama, habang isang Filipina ang kanyang Ina. Napusuan ko si Amanda nang una ko pa lang siyang makita sa kanilang Hacienda. Kaarawan niya noong araw na iyon kaya naman marami ang panauhin na dumalo sa selebrasyong ginanap. Mahinhin, matalino at isang magandang binibini. Ngunit ang mga tingin niyang nais kong ialay niya sa akin ay Sandro niya ibinigay. Minahal ko ang babaeng mahal ang aking kapatid. Mapaglaro talaga ang tadhana."
"E type---Ibig kong sabihin, may pagtingin naman pala kayo kay Señorita Amanda. Bakit hindi na lang kayo ang magpakasal?"
"Tulad nga nga sinabi ko, minahal ko lamang siya ngunit hindi na siya ang tinitibok ng aking puso ngayon."
"Kung gano'n, sino po ang babaeng bumihag ng inyong puso?"
Tumitig siya sa akin at parang kinakabasido niya ang mukha ko. Parang malungkot ang mga mata niya pero umiwas siya muli ng tingin. Weird?
"Naniniwala ka ba sa muling pagkabuhay?"
"Hindi po eh. May kaibigan po ako na parating kumikumbinsi sa akin na maniwala sa mga ganyan pero hindi ko po talaga kaya eh. Hangga't hindi ko po kasi nararanasan ang isang bagay, ayaw ko itong paniwalaan."
"E sa pag-ibig, naniniwala ka ba?"
"Opo. Naniniwala ako sa pag-ibig."
"Ibig sabihin ba... ikaw ay umibig na?" Tanong niya.
"Hindi pa po ah! Wala pa po sa isip ko 'yan, Señor." Sagot ko at ngumiti, "Kayo po ba naniniwala sa pag-ibig at muling pagkabuhay?"
Natagalan bago siya sumagot, at napansin ko rin ang kakaiba sa tinig niyang 'yon.
"Ang mga tao raw ay may pagkakataong mabuhay muli upang baguhin ang kapalarang iginuhit sa kanila ng tadhana sa una nilang pagkabuhay." He sounds like Joanna ha! "May nabasa ako sa isang aklat na kapag namatay ang tao, mayroon siyang pagkakataong pumili kung lilimutin ba niya ang lahat ng kanyang alaala o papanatilihin niya ang mga ito hanggang sa muli niyang pagkabuhay."
"Sa tingin niyo po ba, nabuhay na kayo dati?"
"Kung bibigyan ako ng maraming pagkakataon upang mabuhay ng paulit-ulit, nais kong maulit ang mga pangyayaring iyon sa alaala ko... nais kong maulit muli ang laman ng puso ko...iyon ang kahilingan ko."
Naramdaman ko ang pagdilim ng kalangitan at malamig na simoy ng hangin. Mauulit muli ang ating pag-iibigan sa huling pagkakataon—ito ang kahilingan ko.
*****
Pagbukas ng mga mata ko ay nasa isang silid na ako. Isang silid na may mga double deck. Hawak-hawak ko rin ang diary ni Criselda. Bakit ako nandito?
Bumangon ako sa higaan at sakto naman ang pagdating ni Ina.
"Criselda, gising ka na pala. Nawalan ka ng malay kanina habang kasama mo si Señor Sebastian sa hardin." Kwento niya, tama nasa hardin nga kami kanina. "Ano bang nangyari at nawalan ka ng malay?"
"Hindi ko po alam, Ina. Hindi ko na po matandaan kung anong napag-usapan namin ni Señor Sebastian." Ano nga bang nangyari bakit ako nawalan ng malay?
"Tiningnan ni Señor Sandro ang kalagayan mo at sinabing malaki nga raw ang naging epekto ng pagkakabagok ng iyong ulo kaya wala kang maalala. Kulang raw sa bitamina ang iyong pangangatawan kung kaya't mabilis kang manghina. Ikukuha lamang kita ng makakain upang magkaroon ka ng lakas. Sandali."
Binuksan ko ang diary at binasa ang mga isinulat ko doon mula noong bagong taon. Ito ang magiging guide ko sa panahong ito.
Pinakain kaagad ako ni Ina pagbalik niya. Inubos ko naman ang pagkaing ibinigay niya dahil masarap ang luto niya.
"Anong oras na po pala, Ina?" Tanong ko.
"Alas-singko na ng hapon." Sagot niya.
"Napakatagal ko po palang nakatulog." Gulat ko, "Pasensya na po kayo at hindi ko kayo natutulungan sa mga gawain dito."
"Wala iyon, anak. Ang nais ko lamang ngayon ay bumalik na ang iyong mga alaala, gayundin ang iyong sigla."
Pagkalabas namin ni Ina ay kimusta kaagad ako nina Lucing. Mabuti na lang at mababait sila. Palagi nilang tinutulungan sa mga gawain si Ina.
"Nga pala, hinahanap ni Señor Sebastian ang isang kamiso na paborito niya. Hindi ba't ikaw ang nag-ayos ng kanyang mga damit?" Tanong ni Belinda.
"Nasaan siya ngayon?"
"Nasa kanyang silid sa taas."
Nagpaalam ako sa kanila na pupuntahan ko sandali si Señor upang hanapin ang damit niya. Paborito niya pala 'yon bakit di niya kaagad itinago?
Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya pagdating ko at pawis na pawis siya nang buksan ito. Napasulyap din ako sa kanyang kama na puno ng gulo-gulong damit. Ginulo niya lang ang mga inayos ko kanina?
"Saan mo inilagay?" Tanong niya.
"Ah... Señor..."
"Mahalaga pa ang damit na iyon kaysa sa aking buhay. Kailangan kong mahanap iyon." Spell OA?
"Ang dami niyo pong kamiso. Baka naman po isa sa mga ito lang ang sinasabi ninyo?" Tanong ko, "Paano ko po ba malalaman kung iyon na ang hinahanap ninyo?"
"May burda iyon sa bahagi ng kaliwang dibdib."
Kinalkal ko ang buong aparador niya pero wala naman ang kamisong sinasabi niya. Paglingon ko sa kanya ay abala pa rin siya sa pagkakalkal niyon sa mga damit na nasa kama niya. Napasulyap ako sa ibaba ng kama at may isang puting tela roon kaya pinulot ko ito.
"Ito po ba 'yon? May simbolong tuldok kuwit sa bahagi ng kaliwang dibdib?"
"Salamat at nahanap mo ang damit na ito."
Bumaba na ako nang matapos kong ayusin ang lahat ng damit na kinalat niya. Parang malungkot siya kaya hindi na ako nagsalita pa. Sobrang mahalaga siguro sa kanya ang damit na 'yon.
Maya-maya ay ipinatawag naman ako ni Doña Martina, nang makita ako nito ay malawak ang ngiti niya sa labi.
"Kanina pa kita gustong makausap dahil natutuwa ako sa pagbabagong ginawa mo dito sa aming hacienda. Hindi ko maitatangging mahusay ang ginawa mong pagsasaayos sa mga pigurin at larawan. Sa susunod ay ituro mo sa akin ang iba mo pang nalalaman. Nais kong matuto sa iba mo pang mga talento."
"Maraming salamat po at nagustuhan ninyo ito. Huwag po kayong mag-alala, sasabihan ko kayo kapag isang bagay akong naisip gawin na maaaring matutunan niyo."
"Napakasuwerte ni Elena sapagkat ikaw ang kanyang naging anak. Ilang beses kong pinangarap na magkaroon ng babaeng anak ngunit ipinagbubuntis ko pa lamang ito ay nawala na siya sa akin."
Parang inaalala niya ang araw na ipinagbubuntis niya ang kanyang anak. Nakakalungkot naman at hindi ito nabuhay.
"Papangalanan ko sana siyang Celestina na hango sa salitang Español na Cielo. Ang pangalang iyon ay nangangahulugang kalangitan sa inyong wika." Ngumiti siya ng malungkot, "Parati kong hinihiling na biyayaan kami ni Enrique ng isang anak na babae. Akala ko'y sinagot na ng langit ang aking hiling ngunit nakunan ako nang tatlong buwan na itong nasa sinapupunan ko."
Hindi na ako nagtanong pa dahil ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Ayoko namang idown pa lalo si Doña Martina. Alam ko naman kung kailan ako dapat manahimik no.
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay kumain na sa hapag ang mag-anak. Ipinatatawag nila sa akin si Señor Sebastian pero ayaw nitong bumaba at nakakulong lang siya sa silid niya. Bakit kaya badtrip 'yon?
Nilinis at niligpit na namin ang mga kailangang ligpitin pagkatapos nilang kumain. Gosh, super duper nakakapagod pala maging kasambahay! Hindi ko ata keri ang magstay dito ng matagal.
Alas-nuwebe na ng gabi nang makapagpahinga kami. Sama-sama kami sa isang silid kung saan ako nagising kanina. Para kaming mga estudyanteng nakadorm. Double deck ang mga higaan.
"Bukas nga pala ay mamamalengke kami ni Crusita sa bayan. Maaga kang gumising upang mag-asikaso sa magkapatid. Ihanda mo kaagad ang kanilang mga pangangailangan. Pagkatapos, maghanda ka na ng agahan ng buong pamilya upang makakain sila. Tiyak kong magtatagal kami sa pamamalengke bukas." Wika ni Aling Elena.
"Opo, Ina." Sagot ko na lang. Inaantok na ako at pagod ang katawan ko dahil medyo naging productive ako today.
Pumikit ako at nagdasal. Sana ay maayos lang ang kalagayan ni Mommy, Daddy, Catherine, Carlos, at Lola sa modern world. Miss ko na sila.Sana mapanatag sila dahil okay naman ako dito. Sana makapaghintay sila sa pagbabalik ko. Sana ayos pa rin ang lahat pagbalik ko. Sana paggising ko, may good news nang dumating para makabalik na ako sa amin.
Nakatayo ako ngayon sa harap ng simbahan ng San Alejandro. Makulay ang paligid at malamig din ang simoy ng hangin. Dé javu? Parang naranasan ko na ang eksenang 'to."Hindi ba sinabi kong hihintayin kita?" Tila nanlamig ang katawan ko nang marinig ko ang boses ng matanda. O to the M to the G. Sinusundo na ba niya ako? "Ito na ang tamang panahon upang baguhin mo ang kapalaran ni Criselda.""Bakit niyo kilala si Criselda?" Tanong ko. Napansin ko ang diary na hawak niya. Bakit nasa kanya 'yon?!"Ang talaarawang ito ang naglalaman ng mga alaala sa nakaraan ni Criselda. Dito nakasulat ang kapalaran niyang iginuhit ng tadhana. Oras na upang baguhin mo ang nakasulat sa talaarawang ito.""Ano pong balak niyong gawin sa akin? Bakit nasa
Sabado na ngayon at nandito na kami sa bahay. After a week, nakapagpahinga rin ako. Buti na lang at every weekend ay pwede kaming umuwi."Nagkita rin tayong muli, Criseng!" Masayang wika ni Susana. "Ako'y dumalaw kaagad sa inyo nang malaman kong umuwi na kayo.""Napakarami ng gawain sa Hacienda Montefalco. Halos magkandaugaga ako sa kaliwa't kanang mga gawain." Kwento ko sa kanya."Balita ko ay personal na tagapagsilbi ka raw ng kambal na binata ng mga Montefalco. Gwapo ba sila, Criseng?" Tanong niya."Hindi ko maitatanggi pero oo, may itsura sila." Sagot ko at tumili naman siya sa kilig."Kung ako siguro'y hindi na uuwi upang mapagsilbihan lang sila."
SU ULTIMA VIDA (His Last Life)By: Katherine Rose CortezAng istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga tao, lugar, at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda. Hindi ito nakasulat sa ating kasaysayan, ngunit isa sa mga layunin ng kwentong ito ang pagbalik-tanaw ng mga mambabasa sa kasaysayan ng Pilipinas.This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Plagiarism is a crime.© All Rights Reserved 2020
"Ang bawat tao ay may apat na buhay. Ang unang buhay nila ay umiikot lamang sa pagkilala nila sa mundo; ang ikalawa, matututunan nilang oras ang mahalaga sa mundo; ikatlo, malalaman na nila ang tunay na kahulugan ng buhay; at sa ikaapat o huli, matatamasa na nila ang totoong kahulugan ng katapusan, at ito ay ang kamatayan."Isinara ko ang librong binabasa ng kaibigan kong si Joanna. Narito kami ngayon sa library upang mag-aral sana ngunit parating tulog lang naman ang inaatupag ko dito."Celestine Ysabelle Cortez. Bakit mo naman isinara ang binabasa ko?" Inis na sambit nito."Napakahilig mo talagang magbasa ng mga librong walang saysay. Sinabi ko naman sayong walang katotohanan ang mga iyan.""At paano ka naman nakasisigurong iisa nga lang ang buhay ng tao?" Tanong niya.
"Manigong bagong taon sa'yo anak!""Hmmm." Naalimpungatan ako sa boses ng babaeng nagsalita, "Huwag ka ngang mantrip, Mommy. Ang aga-aga.""Ano 'yon, anak?" Tanong niyang muli, "Gising na. Bagong taon na."Inayos ko ang pagkakahiga ko habang nakapikit pa rin. Sobrang sakit ng likod ko. Bakit pakiramdam ko tumigas ang malambot kong kama kagabi? Kinapa ko ang cellphone ko ngunit wala iyon kaya napilitan akong buksan ang mga mata ko. Tumambad naman sa akin ang isang magandang babae. Naglalaro ang edad nito sa 40 hanggang 50 years old. May bisita ba si Lola?"S-Sino ka? Bakit nandito ka sa hacienda? Isa ka ba sa mga kasama ni Lola dito?" Tanong ko."Anak? Masama ba ang iyong panaginip? Anong ibig mong sabihin?"Pinagmasdan ko ang buong
Isang linggo na ang nakalipas ngunit nandito pa rin ako sa taong 1584. Hindi ko na alam kung paano ako makakabalik sa modernong panahon. Wala akong matanungan. Sigurado, wala namang makakaintindi sa akin dito. Magmumukha lang akong baliw at iisipin lang nilang kalokohan lahat ng sinasabi ko dahil hindi naman talaga kapani-paniwala na nag-time travel ako!"Handa na ang iyong mga gamit, anak. Halika na't umalis na tayo upang makilala ka na ng mga Pamilya Montefalco." Sabi ni Ina. Sumunod naman ako sa kanya sa loob upang kunin ang mga gamit namin. Every weekend lang pala kami makakauwi dito. Sina Kuya Karding at Mang---I mean Ama ay kanina pa nasa hacienda Montefalco upang magtrabaho sa kanilang sakahan.Naglakad lang kami ni Ina dahil hindi namin afford sumakay ng kalesa. Sana nakapagdala man lang ako ng pera. I'm sure isa kami sa mga mayayaman na pamilya ngayon. Halos 20 minutes kaming naglakad bago makarating sa Hacienda. Literal akong napan

Magtatanghalian na akong natapos sa pag-aayos ng mga damit ni Señor Sebastian. Super dami ng damit niya, halos hindi na magkasya. Ang dami niyang coat, lalo na ng army attire niya. Nasuot na ba niya lahat ng 'yon?Nag-ingat na ako sa pagbaba ng hagdan, mahirap na baka may patibong na naman at talagang mahahalikan ko na ang lupa. Ayoko naman umuwi sa modern world ng injured no.Pagbaba ko sa sala ng hacienda ay naaamoy ko na kaagad ang tinolang manok na niluluto ni Aling Elena. Nakakagutom naman!"Ina, anong mga putahe po ang ihahanda niyo ngayong tanghalian?" Tanong ko nang makadating ako sa kusina."Tinolang manok, ginisang gulay, at menudo. Nais makatikim ng ibang putahe ang magkapatid. Isa pa, baka dumating na si Don Enrique at Doña Martina." Tingin ko ay late nang darating ang mag-asawang 'yon. Bihis na bihis kanina eh."Ina, nakakaintindi po ba kayo ng wikang E