Share

Kabanata 3

Author: Poetress
last update Last Updated: 2021-07-16 13:58:10

Isang linggo na ang nakalipas ngunit nandito pa rin ako sa taong 1584. Hindi ko na alam kung paano ako makakabalik sa modernong panahon. Wala akong matanungan. Sigurado, wala namang makakaintindi sa akin dito. Magmumukha lang akong baliw at iisipin lang nilang kalokohan lahat ng sinasabi ko dahil hindi naman talaga kapani-paniwala na nag-time travel ako!

"Handa na ang iyong mga gamit, anak. Halika na't umalis na tayo upang makilala ka na ng mga Pamilya Montefalco." Sabi ni Ina. Sumunod naman ako sa kanya sa loob upang kunin ang mga gamit namin. Every weekend lang pala kami makakauwi dito. Sina Kuya Karding at Mang---I mean Ama ay kanina pa nasa hacienda Montefalco upang magtrabaho sa kanilang sakahan.

Naglakad lang kami ni Ina dahil hindi namin afford sumakay ng kalesa. Sana nakapagdala man lang ako ng pera. I'm sure isa kami sa mga mayayaman na pamilya ngayon. Halos 20 minutes kaming naglakad bago makarating sa Hacienda. Literal akong napanganga dahil sa sobrang ganda ng bahay. May gintong arko pa ang gate nila kung saan nakasulat ang Hacienda Montefalco. Omg! Bakit hindi ko narinig kay Lola Cristina na may Hacienda pa palang nag-eexist sa San Alejandro bukod sa kanilang Hacienda?

Pagpasok namin sa gate ay ipinasyal muna ako ni Ina sa labas ng mansion sandali. Ipinakita niya sa aking ang hekta-hektaryang sakahan ng pamilya, ang malawak at makulay nilang hardin, ang iba't ibang alaga nilang mga hayop at marami pang iba. Sobrang lawak talaga ng Haciendang ito!

"Tayo na't pumasok sa loob sapagkat nais ka nang makilala ng kanilang pamilya." Sabi ni Ina at kinaladkad ako papasok.

"Magandang umaga po Don Enrique at Doña Martina." Bati ni Ina.

"Magandang umaga po sa inyo." Paggaya ko naman.

"Magandang umaga rin. Ikaw ba ang anak na Elena?" Tanong ni Don Enrique.

"Tama po kayo." Sagot ko naman.

"Nais kong ikaw ang maging tagapagsilbi ng aking dalawang anak. Nais kong kaedaran lamang nila ang kanilang maging tagapagsilbi upang maimpluwensyahan sila sa iyong kasipagan." Whattt? Ako? Masipag?

"Dati na naming namataan ang iyong kasipagan sa tuwing pinapalitan mo ang iyong Ina sa pagtatrabaho rito kaya naman napagpasyahan namin ng aking asawa na kunin ka na rin namin upang makatulong sa pagpapalago na aming hacienda." Dagdag naman ni Doña Martina.

Parang mabait naman si Doña Martina, habang si Don Enrique ay medyo nakakatakot. Kung magsalita ay parang may authority talaga. Sa mga kutis at kasuotan pa lang ay halata nang may lahi silang Español. 

"Bueno, ikaw na ang magsabi sa iyong anak ng mga alituntunin dito at maya-maya rin darating na sina Sandro at Sebastian upang makilala niya ang mga ito. Kailangan na naming umalis ni Martina sapagkat dadalo pa kami sa palasyo para sa isang importanteng pagpupulong."

"Masusunod po, Don. Enrique. Mag-iingat po kayo." Sabay na sabi namin ni Ina.

Nagtungo kami sa kusina ni Aling---ni Ina pagkaalis ng mag-asawa. Inihanda na niya ang mga rekados habang ako naman ay nanonood lang at iniaabot ang mga kailangan niya.

"Kambal ang anak ni Don Enrique at Doña Martina. Ipinanganak sila sa Espanya ngunit lumaki si Sebastian dito habang si Sandro naman ay sa Espanya lumaki at nag-aral at nasa pangangalaga ng kanyang Tiya Leticia roon." Panimula niya sa kwento, "Nasubaybayan ko ang paglaki ni Sebastian at busilak ang puso ng batang iyon. Isa siyang sundalo at mataas na ang kanyang ranggo ngunit nais niyang ipagpatuloy ang pangarap niyang maging isang inhinyero sa oras na naging Heneral na siya."

"Bakit pa siya nag-sundalo kung Engi----Inhinyero din po pala ang nais niya?" Tanong ko.

"Dahil ang pagiging sundalo ay pangarap ng kanyang ama para sa kanya. Sinusunod ni Sebastian ang lahat ng kagustuhan ng kanyang Ama. Parati niyang iniisip ang sasabihin at kapakanan ng kanyang pamilya bago ang sarili niyang kagustuhan. Hindi ko mawari sa batang iyon kung bakit isinasakripisyo niya ang kanyang mga ninanais kahit labag ito sa kanyang kalooban." Pabibo lang siguro 'yon. Baka gusto niyang makuha ang lahat ng kayamanan ng Tatay niya 'pag namatay ito kaya pa-goodboy siya.

"Akala ko po ba nasa Espanya si Sandro? Bakit nandito siya sa bansa natin?"

"Sinundo siya ni Sebastian sa daungan dahil dito na siya mananatili mula ngayon. Tapos na siya sa pag-aaral ng medisina sa Espanya kung kaya't nais niyang makasama na ang kanyang pamilya rito."

"Marunong naman po ba sila ng wika natin?" Tanong ko.

"Oo naman. Mahusay silang pareho sa ating wika. Kahit sa Espanya lumaki si Sandro ay bihasa siya sa ating wika." Thank God! Hindi ako mahihirapan sa Spanish!

"Ano po palang niluluto ninyo?" Tanong ko.

"Magluluto ako ngayon ng Adobo at Kaldereta. Paborito ito ni Sebastian. Nais niyang ipatikim ito sa kanyang kakambal. Nais mo bang matuto?" Tanong niya kaya tumango ako, "Mainam. Kung gano'n ay tuturuan kita, anak."

Itinuro niya sa akin ang iba't ibang rekados na kailangan sa dalawang putahe. Hindi naman talaga ako mahilig sa pagluluto pero mabuti nang matuto ako dahil sabi nga nila masipag si Criselda. Mahirap na, baka umabsent si Aling Elena at ako pa ang ipalit, tapos wala akong kaalam-alam. Kundi, bawas points kay Don Enrique. Sana lang talaga mabait si Sebastian at Sandro, kundi baka awayin ko sila pareho. Aba, hindi ako padadaig no!

Pagkatapos naming magluto ay pumasok pa ang isang kasambahay ng hacienda. Nandito na raw ang magkapatid. Well, medyo excited akong makita sila dahil super curious ako mula sa mga kwento ni Aling Elena. Isusubsob ko silang magkapatid sa pinggan kapag hindi nila nagustuhan ang luto ko.

"Belinda, Lucing, ihanda niyo na ang mesa at tulungan niyo kaming maghanda ng pagkain para kay Señor Sebastian at Señor Sandro."

"Opo, Aling Elena."

Nilinis ko muna ang kusina habang busy sila sa paghahanda ng pagkain sa dining area nitong hacienda. Ang hirap naman palang magluto, pagkatapos mong magkalat, ikaw pa din ang magliligpit. Now I understand kung bakit nagger si Mommy sa tuwing tinatamad kaming gumawa sa ibang gawaing bahay.

"Ayusin mo ang iyong sarili pagkatapos mong maglinis dito. Aakyat lamang ako sa silid ni Ginoong Sandro upang ayusin ang mga gamit niya. Ipapakilala kita pagkatapos nilang kumain."

"Opo." Sagot ko.

Ang dami naman nilang maids pero siya pa din ang mag-aasikaso no'n? Ang sipag talaga ng mga ninuno ng mga Pilipino. Sana all may tinatagong sipag. E ako, hindi ko naman gagawin lahat ng ito kung may choice ako. 

"Criselda, maaari bang ikaw na muna ang maghatid ng tubig ng iinumin ng ating mga Ginoo? Kailangan ko lamang pakainin ang mga manok sa labas dahil baka malintikan ako kay Mang Lino." Pakiusap ni Belinda? Oo, siya ata si Belinda.

"Sige, ako na ang bahala." Sagot ko.

"Maraming salamat!"

Dinig ko ang tawanan nila habang palapit na ako ng palapit. Napatigil ako sa paglalakad nang masilayan ko ang isa sa kanila. Parang bumabagal ang paligid at may mga alaalang pumapasok sa isipan ko. Nagsimulang mangilid ang mga luha ko hanggang sa bumagsak ang pitsel na hawak ko kung kaya't nabasag ito. Tumigil naman sila sa pagtatawanan ang napatingin sa akin. Mabilis akong umupo para mapulot ang basag na pitsel pero biglang hinawakan ng isa sa kanila ang kamay ko.

"Huwag mong hawakan at baka ika'y masugatan." Wika niya, "Hayaan mong ako na ang maglinis nito."

"Sebastian, tatawag na lamang ako ng ibang taong maglilinis n'yan." Ibig sabihin, ang lalaking kaharap ko ngayon ay si Sebastian?

"Huwag ka munang magtrabaho kung mabigat ang iyong pakiramdam. Makakasama lalo ito sa iyong katawan." Inalalayan niya akong tumayos pagkatapos. Hindi ako makapagsalita dahil sa gulo ng nararamdaman ko.

Hindi ako mapakali nang mahimasmasan ako sa nangyari. Ang tanga-tanga mo talaga, Celestine Ysabelle! Ano ba kasing nangyari sayo?! Baka mapagalitan ka pa kay Aling Elena n'yan! Sana talaga hindi sila magsumbong sa mga magulang nila kundi patay ako! Baka madamay pa ang buong pamilya ni Criselda. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari 'yon.

"Criseng! Ayos ka lang ba, anak? May masakit ba sa'yo? Nabalitaan kong nakabasag ka raw?" Pag-aalala ni Aling Elena.

"Ayos naman po ang pakiramdam ko, Ina. Bigla lang po akong nahilo kanina." Pagsisinungaling ko.

"Tila napagod ka dahil sa iyong pagluluto. Nais mo bang magpahinga muna? Ako na muna ang mag-aasikaso sa mga Señor."

"Hindi po. Ayos na po ako. Mabuti pa ipakilala niyo na po ako sa kanila. Nais ko rin pong humingi ng paumanhin sa kanila dahil sa nangyari."

"Kung gayoon, tayo na sa loob."

Medyo kinakabahan ako pero sumunod pa rin ako kay Ina. Hindi naman siguro nila ako pagagalitan kung nabasag ko 'yung pitsel. Papalitan ko na lang kapag nakabalik ako sa modernong panahon. Mura lang 'yun. Ewan ko lang dito.

"Señor Sandro, Señor Sebastian. Nais ko lamang po sanang ipakilala ang anak kong si Criselda sa inyo, siya po ang inatasan ng inyong Ama upang magsilbi sa inyo rito sa Hacienda." Panimula ni Aling Elena.

"Pasensya na rin po kayo kung nakabasag po ako. Nangangako po akong gagawin ko ng maayos ang trabaho ko at mag-iipon po ako para mabayaran ang nabasag ko." Sagot ko naman.

"Sa Espanya pa nabili ang kasangkapang 'yon. Kaya mo bang tumungo roon upang makabili ng ganoon kamahal na kagamitan?" Seryosong sagot ng isa sa kanila. Hindi ko malaman kung si Sandro ba 'to o si Sebastian. Halos pareho kasi ang suot nilang coat.

"Ah... eh... babayaran ko na lang po sa sahod ko rito." Sagot ko.

"Aabot na ng isang taon ngunit hindi mo pa rin mababayaran ang bagay na iyon. Limang daang reales ang halaga ng kagamitang iyon." Pananakot pa ng isa sa kanila. Tiningnan ko naman si Aling Elena at nakayuko lamang ito at tahimik. Sayang talaga, wala akong dalang pera kundi sinampal ko sa pagmumukha nila ang 1000 peso bill. Ang yayabang! Akala ko ba mababait itong mga 'to?

"Pfftt." Nagtinginan silang dalawa at humagalpak ng tawa kaya nagtinginan din kami ni Ina.

"May nakakatawa ho ba?" Tanong ko.

"Kami'y nagbibiro lamang, Aling Elena. Napakadali niyo pa rin pong takutin hanggang ngayon."

"Señor Sebastian! Aatakihin ako sa puso sa inyong biro. Wala akong limang daang reales na pambayad sa nabasag ng aking anak." Sagot ni Ina, "Nga pala, Señor Sandro, kumusta na kayo? Nagagalak akong dito na kayo mananatili mula ngayon."

"Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap ninyo sa akin. Ako'y naninibugho na sapagkat ipinagluluto niyo raw ho lagi ng masarap itong kakambal ko."

"Huwag kayong mag-alala, mula ngayon ay ipagluluto ko kayong magkapatid ng mga masustansyang putahe." Spell out-of-place, #Ysabelle.

"Criselda." Napatingin ako kay Señor Sebastian, "Maaari mo bang ayusin ang aking mga damit sa aking silid?"

"Opo, masusunod po, Señor." Sagot ko naman.

"Paano naman ang aking mga kagamitan? Sinong mag-aayos ng mga iyon?" Tanong ni Señor Sandro.

"Naayos ko na po ang inyong mga gamit. Kung may kailangan kayo ay tawagin niyo lamang ako o ang aking anak." Ani Aling Elena.

"Salamat po." Sabay na sagot ng mga Ginoo kaya naman umalis na kami ni Ina.

Dumiretso siya sa kusina habang ako naman ay umakyat sa taas. Teka, alin sa mga 'to ang kwarto niya? Ang daming kwarto kaya dito! Teka nga, itatanong ko muna kay Ina.

Pababa na sana ako nang biglang may matapakan akong matigas na bagay at nadulas ako. Gosh, katapusan ko na ba 'to? Hahalikan ko ba ang sahig?

"Aaaahhhh!" Pumikit ako at napahiyaw. Hinintay ko ang paghalik ko sa sahig pero naramdaman ko na lang na may sumalo payakap sa akin.

"Ayos ka lang ba?" Binuksan ko ang mga mata ko nang may pamilyar na boses na bumulong sa akin. 

"Se-Señor Sebastian?"

"May masakit ba sa iyo?" Kumalas ako sa yakap at inayos kaagad ang sarili ko. Omg, may nakakita ba sa amin?

"Wa-Wala po, Señor." Nahihiya kong sagot at yumuko.

"Nakalimutan kong ituro sa iyo ang aking silid kaya nagmamadali akong sundan ka. Buti na lang at nasalo kaagad kita."

"Maraming salamat po." 

"Halika, sumunod ka sa akin at ituturo ko sa iyo ang aking silid."

Tahimik akong sumunod sa kanya, wala rin naman siyang imik. Sabagay, super awkward ng nangyari. Alam ko bawal na bawal magdikit ang balat ng mga babae at lalaki sa panahong 'to eh. Isa pa, isa akong hamak na tagapagsilbi sa panahong 'to. Kung may nakakita ng nangyari, tiyak na malalagot ako.

"Halika, pasok ka." Binuksan niya ang silid niya. "Narito ang aking mga uniporme, dito naman ang aking mga kamiso, narito ang aking mga pantalon, at narito naman ang aking mga agribo."

"Ano pong nais ninyong ayusin ko sa mga iyan?" Maayos na, pinapaayos pa. E kung guluhin ko? Charot!

"Narito ang mga bago kong damit. Nais kong ilipat mo ang mga ito ng naaayon sa kanilang uri." Sagot niya.

"Masusunod po."

"Kung gano'n, maiwan na kita."

"Salamat po, Señor." Binuksan niya ang pinto ngunit nagsalita pa siya bago lumabas.

"Mag-iingat ka sa pagbaba. Ingatan mo ang iyong sarili upang hindi ka masaktan."

Iniwan niya akong nakanganga. Bakit parang ang gentleman ng boses niya?! Hindi ako pwedeng kiligin!

Related chapters

  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Kabanata 4

    Magtatanghalian na akong natapos sa pag-aayos ng mga damit ni Señor Sebastian. Super dami ng damit niya, halos hindi na magkasya. Ang dami niyang coat, lalo na ng army attire niya. Nasuot na ba niya lahat ng 'yon?Nag-ingat na ako sa pagbaba ng hagdan, mahirap na baka may patibong na naman at talagang mahahalikan ko na ang lupa. Ayoko naman umuwi sa modern world ng injured no.Pagbaba ko sa sala ng hacienda ay naaamoy ko na kaagad ang tinolang manok na niluluto ni Aling Elena. Nakakagutom naman!"Ina, anong mga putahe po ang ihahanda niyo ngayong tanghalian?" Tanong ko nang makadating ako sa kusina."Tinolang manok, ginisang gulay, at menudo. Nais makatikim ng ibang putahe ang magkapatid. Isa pa, baka dumating na si Don Enrique at Doña Martina." Tingin ko ay late nang darating ang mag-asawang 'yon. Bihis na bihis kanina eh."Ina, nakakaintindi po ba kayo ng wikang E

    Last Updated : 2021-07-20
  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Kabanata 5

    Nakatayo ako ngayon sa harap ng simbahan ng San Alejandro. Makulay ang paligid at malamig din ang simoy ng hangin. Dé javu? Parang naranasan ko na ang eksenang 'to."Hindi ba sinabi kong hihintayin kita?" Tila nanlamig ang katawan ko nang marinig ko ang boses ng matanda. O to the M to the G. Sinusundo na ba niya ako? "Ito na ang tamang panahon upang baguhin mo ang kapalaran ni Criselda.""Bakit niyo kilala si Criselda?" Tanong ko. Napansin ko ang diary na hawak niya. Bakit nasa kanya 'yon?!"Ang talaarawang ito ang naglalaman ng mga alaala sa nakaraan ni Criselda. Dito nakasulat ang kapalaran niyang iginuhit ng tadhana. Oras na upang baguhin mo ang nakasulat sa talaarawang ito.""Ano pong balak niyong gawin sa akin? Bakit nasa

    Last Updated : 2022-01-01
  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Kabanata 6

    Sabado na ngayon at nandito na kami sa bahay. After a week, nakapagpahinga rin ako. Buti na lang at every weekend ay pwede kaming umuwi."Nagkita rin tayong muli, Criseng!" Masayang wika ni Susana. "Ako'y dumalaw kaagad sa inyo nang malaman kong umuwi na kayo.""Napakarami ng gawain sa Hacienda Montefalco. Halos magkandaugaga ako sa kaliwa't kanang mga gawain." Kwento ko sa kanya."Balita ko ay personal na tagapagsilbi ka raw ng kambal na binata ng mga Montefalco. Gwapo ba sila, Criseng?" Tanong niya."Hindi ko maitatanggi pero oo, may itsura sila." Sagot ko at tumili naman siya sa kilig."Kung ako siguro'y hindi na uuwi upang mapagsilbihan lang sila."

    Last Updated : 2022-01-01
  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Panimula

    SU ULTIMA VIDA (His Last Life)By: Katherine Rose CortezAng istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga tao, lugar, at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda. Hindi ito nakasulat sa ating kasaysayan, ngunit isa sa mga layunin ng kwentong ito ang pagbalik-tanaw ng mga mambabasa sa kasaysayan ng Pilipinas.This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Plagiarism is a crime.© All Rights Reserved 2020

    Last Updated : 2021-07-16
  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Kabanata 1

    "Ang bawat tao ay may apat na buhay. Ang unang buhay nila ay umiikot lamang sa pagkilala nila sa mundo; ang ikalawa, matututunan nilang oras ang mahalaga sa mundo; ikatlo, malalaman na nila ang tunay na kahulugan ng buhay; at sa ikaapat o huli, matatamasa na nila ang totoong kahulugan ng katapusan, at ito ay ang kamatayan."Isinara ko ang librong binabasa ng kaibigan kong si Joanna. Narito kami ngayon sa library upang mag-aral sana ngunit parating tulog lang naman ang inaatupag ko dito."Celestine Ysabelle Cortez. Bakit mo naman isinara ang binabasa ko?" Inis na sambit nito."Napakahilig mo talagang magbasa ng mga librong walang saysay. Sinabi ko naman sayong walang katotohanan ang mga iyan.""At paano ka naman nakasisigurong iisa nga lang ang buhay ng tao?" Tanong niya.

    Last Updated : 2021-07-16
  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Kabanata 2

    "Manigong bagong taon sa'yo anak!""Hmmm." Naalimpungatan ako sa boses ng babaeng nagsalita, "Huwag ka ngang mantrip, Mommy. Ang aga-aga.""Ano 'yon, anak?" Tanong niyang muli, "Gising na. Bagong taon na."Inayos ko ang pagkakahiga ko habang nakapikit pa rin. Sobrang sakit ng likod ko. Bakit pakiramdam ko tumigas ang malambot kong kama kagabi? Kinapa ko ang cellphone ko ngunit wala iyon kaya napilitan akong buksan ang mga mata ko. Tumambad naman sa akin ang isang magandang babae. Naglalaro ang edad nito sa 40 hanggang 50 years old. May bisita ba si Lola?"S-Sino ka? Bakit nandito ka sa hacienda? Isa ka ba sa mga kasama ni Lola dito?" Tanong ko."Anak? Masama ba ang iyong panaginip? Anong ibig mong sabihin?"Pinagmasdan ko ang buong

    Last Updated : 2021-07-16

Latest chapter

  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Kabanata 3

    Isang linggo na ang nakalipas ngunit nandito pa rin ako sa taong 1584. Hindi ko na alam kung paano ako makakabalik sa modernong panahon. Wala akong matanungan. Sigurado, wala namang makakaintindi sa akin dito. Magmumukha lang akong baliw at iisipin lang nilang kalokohan lahat ng sinasabi ko dahil hindi naman talaga kapani-paniwala na nag-time travel ako!"Handa na ang iyong mga gamit, anak. Halika na't umalis na tayo upang makilala ka na ng mga Pamilya Montefalco." Sabi ni Ina. Sumunod naman ako sa kanya sa loob upang kunin ang mga gamit namin. Every weekend lang pala kami makakauwi dito. Sina Kuya Karding at Mang---I mean Ama ay kanina pa nasa hacienda Montefalco upang magtrabaho sa kanilang sakahan.Naglakad lang kami ni Ina dahil hindi namin afford sumakay ng kalesa. Sana nakapagdala man lang ako ng pera. I'm sure isa kami sa mga mayayaman na pamilya ngayon. Halos 20 minutes kaming naglakad bago makarating sa Hacienda. Literal akong napan

  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Kabanata 2

    "Manigong bagong taon sa'yo anak!""Hmmm." Naalimpungatan ako sa boses ng babaeng nagsalita, "Huwag ka ngang mantrip, Mommy. Ang aga-aga.""Ano 'yon, anak?" Tanong niyang muli, "Gising na. Bagong taon na."Inayos ko ang pagkakahiga ko habang nakapikit pa rin. Sobrang sakit ng likod ko. Bakit pakiramdam ko tumigas ang malambot kong kama kagabi? Kinapa ko ang cellphone ko ngunit wala iyon kaya napilitan akong buksan ang mga mata ko. Tumambad naman sa akin ang isang magandang babae. Naglalaro ang edad nito sa 40 hanggang 50 years old. May bisita ba si Lola?"S-Sino ka? Bakit nandito ka sa hacienda? Isa ka ba sa mga kasama ni Lola dito?" Tanong ko."Anak? Masama ba ang iyong panaginip? Anong ibig mong sabihin?"Pinagmasdan ko ang buong

  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Kabanata 1

    "Ang bawat tao ay may apat na buhay. Ang unang buhay nila ay umiikot lamang sa pagkilala nila sa mundo; ang ikalawa, matututunan nilang oras ang mahalaga sa mundo; ikatlo, malalaman na nila ang tunay na kahulugan ng buhay; at sa ikaapat o huli, matatamasa na nila ang totoong kahulugan ng katapusan, at ito ay ang kamatayan."Isinara ko ang librong binabasa ng kaibigan kong si Joanna. Narito kami ngayon sa library upang mag-aral sana ngunit parating tulog lang naman ang inaatupag ko dito."Celestine Ysabelle Cortez. Bakit mo naman isinara ang binabasa ko?" Inis na sambit nito."Napakahilig mo talagang magbasa ng mga librong walang saysay. Sinabi ko naman sayong walang katotohanan ang mga iyan.""At paano ka naman nakasisigurong iisa nga lang ang buhay ng tao?" Tanong niya.

  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Panimula

    SU ULTIMA VIDA (His Last Life)By: Katherine Rose CortezAng istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga tao, lugar, at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda. Hindi ito nakasulat sa ating kasaysayan, ngunit isa sa mga layunin ng kwentong ito ang pagbalik-tanaw ng mga mambabasa sa kasaysayan ng Pilipinas.This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Plagiarism is a crime.© All Rights Reserved 2020

DMCA.com Protection Status