Share

Kabanata 2

Author: Poetress
last update Huling Na-update: 2021-07-16 13:55:06

"Manigong bagong taon sa'yo anak!"

"Hmmm." Naalimpungatan ako sa boses ng babaeng nagsalita, "Huwag ka ngang mantrip, Mommy. Ang aga-aga."

"Ano 'yon, anak?" Tanong niyang muli, "Gising na. Bagong taon na."

Inayos ko ang pagkakahiga ko habang nakapikit pa rin. Sobrang sakit ng likod ko. Bakit pakiramdam ko tumigas ang malambot kong kama kagabi? Kinapa ko ang cellphone ko ngunit wala iyon kaya napilitan akong buksan ang mga mata ko. Tumambad naman sa akin ang isang magandang babae. Naglalaro ang edad nito sa 40 hanggang 50 years old. May bisita ba si Lola?

"S-Sino ka? Bakit nandito ka sa hacienda? Isa ka ba sa mga kasama ni Lola dito?" Tanong ko.

"Anak? Masama ba ang iyong panaginip? Anong ibig mong sabihin?"

Pinagmasdan ko ang buong kwarto at wala na ako sa hacienda! Gawa sa bamboo ang buong bahay habang ang sahig naman ay lupa lang. Where the hell am I?! Pinaprank ba ako nila Daddy para turuan ako ng leksyon?!

Parang naguguluhan ang babae sa inaasal ko pero mas mawiwindang yata ako! Napatingin ako sa labas ng bintana at kahit na madilim pa ay binabalot ng liwanag ang kapaligiran dahil sa mga paputok sa labas. Ano bang meron?!

"Nasaan po ako? Sino kayo?" Tanong ko.

"Anak, ako ito, ang iyong Ina." Sagot niya habang pinipilit na lumapit sa akin pero pinapalayo ko siya, "Domeng! Ang iyong anak!"

"Anong nangyayari?" Tanong naman ng isang matandang nasa 40 pataas din ang edad kasama ang isang binatang medyo matanda siguro sa akin.

"Hindi ako makilala ng atin anak." Naluluhang sagot nito sa kanya.

"Criseng, anong masakit sa iyo? Masakit pa ba ang iyong ulo?"

"Bakit niyo ako dinala dito? Let me go! I'm sure my family's looking for me! Mga masasamang tao siguro kayo at dinampot ninyo ako no?!" Sagot ko.

"Huminahon ka lamang, bunso. Ako ito, ang iyong Kuya Karding, sila naman ang ating Ama't Ina." Paliwanag ng binata, "Kagabi ay pumunta ka sa bayan kasama ang iyong kaibigan na si Susana. Gamit ang iyong mga naipong reales ay ipinambili mo ang mga ito ng talaarawan. Ang kwento sa amin ng kaibigan mo ay nadulas ko raw nang pauwi na kayo at naumpog ang iyong ulo sa malaking bato."

"Criselda, totoo ang winika ng iyong kapatid. Wala ka ba talagang maalala, anak?"

"C-Criselda?" Tanong ko. "Criselda ang tawag niyo sa akin?"

Naalala ko ang diary na nabasa ko kagabi sa hacienda. Ako si Criselda, at ito ang ating unang pagkikita. Omg! Is this real?! Napunta ako sa katawan ni Criselda! Ang babaeng kamukhang-kamukha ko!

"A-Anong araw at taon po ba ngayon?" Kinakabahan kong tanong.

"Ito ang unang araw ng Enero sa taong 1584, anak." Sagot ni Mang Domeng.

Lalo akong nanghina nang marinig ko ang sinabi niya. Parang bumagal ang lahat at tila bumabaligtad ang sikmura ko. Nag-time travel ako... Bago pa ako makasigaw ay unti-unti nang nagdilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang mga susunod na nangyari.

*****

Tanghali na nang magising ako. Halos maiyak ako nang makitang nandito pa rin ako sa lumang panahon. I thought I was just dreaming pero I'm still here! Huhuhu! Kanino ako hihingi ng tulong to travel back sa modern world?! Lord, help me. I promise magiging good girl na po ako from now on.

"Criseng! Gising ka na sa wakas, mahal kong kaibigan! Sobrang nag-alala ako para sa iyong kalagayan!" Niyakap ako kaagad ng isang dalagang ka-edaran ko lang. Who is she naman? Kitang naman nagmo-moment ako eh! "Mang Domeng! Kuya Karding! Gising na po si Criselda!"

"Kumusta na ang pakiramdam mo, anak? Masakit pa ba ang ulo mo? Naaalala mo na ba kami?" Tanong ni Mang Domeng. Gosh! Should I tell the truth or magsinungaling again?

"O-okay na po ako." Sagot ko sa kanya.

"Owkey? Ano 'yung owkey?" Tanong nitong babaeng matabil ang dila.

"Ah... ibig kong sabihin maayos na ang aking pakiramdam." Sagot ko.

"Susana, maaari bang ikuha mo ng tubig ang iyong kaibigan sa labas?"

"Masusunod po, Mang Domeng."

"Ako na ang kukuha." Wika naman ni Karding... err, I mean Kuya Karding. Ugh! Wait, where is Criselda's Mom kaya?

"Hinahanap mo ba ang iyong Ina, Criselda?"

"Ah, yes---Opo. Nasaan po ba siya?"

"Pumunta na siya sa Hacienda Montefalco kanina pa dahil tiyak na maraming bisita ang kanilang pamilya ngayong bagong taon. Alam mo namang hindi maaaring lumiban ang iyong Ina sa paninilbihan sa kanila sapagkat siya ang kanilang pangunahing kusinera." Sagot ni Mang Domeng.

"Ayaw ngang umalis ni Aling Elena dahil sa labis na pag-aalala sa iyo ngunit ang sabi ko'y babantayan naman kita." Dagdag pa ni Susana. Well, mabait siyang kaibigan ha.

"Heto na ang tubig mo." Inabot niya sa akin ang basong gawa sa bamboo. Hindi ba marumi 'to?

"Uminom ka muna upang kahit papaano ay magkalaman ang iyong tiyan." Wala pala akong karapatang mag-inarte ngayon.

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo? New—Bagong taon ngayon pero nandito ka?" Tanong ko at taking-taka naman silang tumitig sa akin.

"Wala namang hahanap sa akin dahil wala na akong pamilya, hindi ba?" Napakadaldal kasi ng dila mo, Ysabelle! Mukhang nalungkot tuloy si Susana.

"Mabuti pa'y tumayo ka na riyan, Criseng at mamasyal ka sa labas. Tila nagkagulo ang mga alaala sa iyong kaisipan. Susana, kung maaari sana'y ipasyal mo si Criseng nang kahit papaano ay malibang siya at mabilis na maalala ang mga detalye sa isipan niya."

"Ikinagagalak ko pong gawin ito para sa aking kaibigan. Tayo na sa labas, Criseng."

"Huwag kayong masyadong lumayo." Paalala ni Kuya Karding.

Naglakad-lakad kami sa labas at ibang-iba ang itsura ng kapaligiran kesa sa nakagisnan ko. Malamig ang hangin, walang polusyon, pero halata ang kahirapan ng mga Pilipino sa Spanish colonization.

"Pwede ka bang magkwento tungkol sa pamumuhay niyo rito?" Tanong ko kay Susana.

"Walong gulang tayo nang magkakilala tayo. Kasama mo ang iyong Ina sa pagtitinda ng mga gulay sa Bayan nang mamataan ko kayo. Labis ang gutom ko nang mga panahong iyon dahil isa akong pulubi. May lahing tsino ang aking Ama at namatay ito sa kamay ng mga Español nang dalawang taong gulang ako dahil napilitan siyang magnakaw ng pagkain mula sa mga ito upang ipantustos sa amin, habang ang aking Ina naman ay namatay noong pitong gulang ako dahil hindi na nakayanan ng kanyang katawan ang hirap at pagdurusa. Nabuhay ako sa lansangan nang mag-isa at labis ang aking tuwa nang kaibiganin mo ako at binigyan naman ako ng pagkain ni Aling Elena."

"Kinupkop ka ni Aling---Ina?" Tanong ko at umiling ito.

"Hindi ako kinupkop ng iyong pamilya ngunit malaki ang pagpapasalamat ko sa inyo dahil itinuring niyo akong kasapi ninyo. Kinupkop ako ng isang madre at ibinigay ang lahat ng pangangailangan ko, kapalit nito ay ang pagiging isa sa kanila kapag nasa dalawampu't isang taong gulang na ako."

"Magmamadre ka?" Tanong ko ulit at tumango siya.

"Sa tingin ko'y mangyayari nga iyon." Sagot niya ngunit malungkot ang boses niya, "Wala naman ding Ginoo na umiibig sa akin kung kaya't maaaring mangyari ito."

"Kung minsan ay sakit lang sa ulo ang mga lalaki." Sagot ko.

"Tulad ko ay mahirap din ang kalagayan ng inyong pamilya sa kamay ng mga Español. Ang iyong Ina ay dating nagtitinda ng gulay sa Bayan ngunit dahil sa baba ng kita ay nanilbihan siya bilang kusinera sa mga Montefalco. Ang iyong Ama at Kuya naman ay naninilbihan rin sa kanilang pamilya bilang mga magsasaka."

"Ako? Anong trabaho ko? Nag-aaral ba ako?"

"Hindi ko alam kung ikaw ba'y nagbibiro o seryoso ka sa iyong katanungan. Ngunit hindi, wala tayong karapatang makapag-aral dahil tayo'y mga kababaihan at mga Indio sa mata ng mga mananakop." Oo nga pala, hayyy ang sasama talaga ng mga Spaniards! "Ikaw naman ay masunurin at mabait na anak ni Aling Elena at Mang Domeng. Minsan ay tinutulungan mo ang iyong Ina sa mga gawain niya sa Hacienda Montefalco, kung minsan naman ay pinapalitan mo kung siya ay may sakit. Ngunit mula sa taong ito, ika'y maninilbihan na sa haciendang iyon. Kayong buong pamilya ay doon na maninilbihan."

"Ikaw? Paano ka?"

"Tulad nga ng sinabi ko, ako'y ipapasok na ni Madre Juliana sa kumbento sa lalong madaling panahon. Kaarawan ko na sa katapusan ng Enero at dalawampu't isang taong gulang na ako sa araw na iyon."

Tumigil kami sa paglalakad nang makarating kami sa ilalim ng isang malaking puno katabi ng isang lawa. Ang linis ng tubig at makikita ang mga isdang naninirahan dito. Maraming tao ang nagkalat ngayon dahil nga bagong taon. Halos mga Pilipino ang naninilbihan habang mga may lahi naman ang kanilang pinagsisilbihan. Sa sarili naming bansa talaga, naging tagasilbi kami ng mga dayuhan!

"Susana, sigurado ka bang hindi ka magsisisi kapag nag-madre ka?" Magaan ang loob ko sa kanya. Kung si Joanna ang best friend ko sa present, si Susana naman dito sa panahong 'to. Buti na lang talaga I have someone to lean on.

"Bakit mo naitanong?"

"You---Nawawalan kasi ng sigla ang ekspresyon ng mukha mo nang sabihin mo 'yan sa akin."

"Aamin na ako sayo. Matagal ko nang tinatago ang nararamdaman kong ito. Patawarin mo ako kung ngayon ko lang sasabihin sa'yo ito." Magco-confess ba siya sa akin? Don't tell me tomboy si Susana?

"May lalaking bumihag ng aking puso. Unang kita ko pa lang sa kanya ay nahumaling na ako sa pagiging maginoo niya." Buti naman at lalaki ang bet niya! Halata namang in love siya pero halata pa din na malungkot ang mga ngiti niya. Parang inaalala niya ang lahat tungkol sa crush niya ah?

"Alam kong hindi kami ang itinadhana para sa isa't isa wala naman siyang pagtingin sa akin. Habang ako naman ay nakatadhanang manilbihan habang buhay sa ating Panginoon. Noon pa man gusto ko nang tapusin ang kalokohan kong ito ngunit hindi maiwasan ng aking damdamin na mahulog nang tuluyan sa kanya. Totoo nga ang kataga na kapag puso na ang dumikta, wala ka nang magagawa pa."

"Paano mo naman nasabing wala siyang pagtingin sa'yo? Alam niya bang gusto mo siya? Umamin ka ba at hindi niya tinanggap ang pag-ibig mo?" Gosh, ang lalim ko na tuloy magtagalog!

"Hindi. Wala na akong balak sabihin pa ang lahat ng ito sa kanya. Sa mga tingin pa lang niya ay alam kong malabo na. Sa mga kilos niya'y alam kong wala na itong patutunguhan pa. Ang pag-ibig kong ito ay ibabaon ko na lamang sa paglipas ng panahon, kasabay ng kahilingan ko na makalimot ang puso kong ito."

Ramdam ko ang lungkot ni Susana, I swear! Kahit hindi pa ako naiinlove, sobrang sakit talaga. Hindi niya masabi ang nararamdaman niya dahil kailangan niyang mag-madre kapalit ng pagkupkop sa kanya 'nung Madre. Kung hindi lang sana namatay kaagad ang mga magulang ni Susana, maiiba siguro ang tadhana niya.

"Nga pala, maaari ko bang malaman kung sino ang lalaking tinutukoy mo?"

"Ang lalaking tinutukoy ko ay si..." Napalunok siya at naiilang na nakatitig sa akin habang ako ay naghihintay ng kasagutan niya.

"Narito lamang pala kayong dalawa. Ipinatatawag na kayo ni Ama."

Nagulat naman kami sa biglaang pagdating ni Kuya Karding. Akala ko naman kung sino. Hindi tuloy nasabi ni Susana 'yung crush niya. Sabagay may next time pa naman. Pwede ko pang itanong ulit, baka makichismis pa si Kuya Karding eh. Nagsimula naman na kaming maglakad pabalik sa house nila.

"May bali-balitang mapapalitan na raw si Gobernador-Heneral Ronquilla sa kanyang termino sapagkat napag-alaman na siya pala ang ng-utos na gumawa ng malaking pagsunog sa Maynila habang ipinagdarasal ang katawan ng dating Gobernador-Heneral Peñalosa sa Iglesia y Convento de San Pablo." Dinig ko ang pagchichismisan ng ilang matatanda rito. Well, parang narinig ko na ang mga term na 'yon kay Joanna during their reporting sa Philippine History dati but I'm not really sure.

"Sino naman ang papalit kay Heneral Ronquilla?"

"Hindi pa sigurado ito ngunit sa usap-usapan na si Santiago de Vera raw ang papalit sa kanya."

"Omg!" Napahiyaw ako nang marinig ko ang sinabi niyang iyon kaya naman napatingin sa akin si Susana at Kuya Karding.

"May bumabagabag ba sa iyo, Criselda?" Tanong ni Susana.

"Ah-Eh wala naman." Sagot ko sa kanya.

Si Santiago de Vera ang mag-uutos na gumamit ng bato sa lahat ng gagawin nilang constructions sa Manila because of the Great Fire of Manila noong 1583! I knew it! Buti pa kay Joanna may natutunan ako kaysa naman sa prof ko na namamahiya.

Pagkadating namin sa bahay ay nakahanda na ang nilagang kamote at nilagang saging sa mesa. Ito lang ang handa nila ngayong new year?! Gosh, ang mga kastila ramdam nila ang bagong taon pero ang mga Pilipino, hindi. Naninilbihan pa rin sila na parang usual na araw lang 'to.

"Kumain ka na upang manumbalik ang iyong lakas." Sabi ni Kuya Karding pagkatapos balatan ang kamote at iniabot sa akin. Tinikman ko naman iyon at matamis naman.

"Nga pala, Criselda." Panimula ni Susana, "Anong gagawin mo sa talaarawan na binili natin sa bayan?" Oo nga pala! Iyong diary nasaan?!

"Para mabasa ko ang nilalaman nito." Sagot ko.

"Mabasa? Hindi naman ang aklat 'yon upang mabasa mo." Napatigil ako nang magtanong si Kuya Karding.

"Ibig kong sabihin, susulatan ko iyon ng mga karanasan ko upang may mabasa ako sa tuwing naiinip ako." Sagot ko. "Maiwan ko muna kayo sandali ha? May kukunin lang ako."

Nagmadali akong pumasok sa kwarto ni Criselda at hinanap ang diary. Nakita ko naman kaagad 'yon pero pagbukas ko nito ay walang nakasulat. Wala na din 'yung picture ni Criselda. Omg! Anong gagawin ko?! Bakit nabura ang lahat ng nakasulat?!

Kaugnay na kabanata

  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Kabanata 3

    Isang linggo na ang nakalipas ngunit nandito pa rin ako sa taong 1584. Hindi ko na alam kung paano ako makakabalik sa modernong panahon. Wala akong matanungan. Sigurado, wala namang makakaintindi sa akin dito. Magmumukha lang akong baliw at iisipin lang nilang kalokohan lahat ng sinasabi ko dahil hindi naman talaga kapani-paniwala na nag-time travel ako!"Handa na ang iyong mga gamit, anak. Halika na't umalis na tayo upang makilala ka na ng mga Pamilya Montefalco." Sabi ni Ina. Sumunod naman ako sa kanya sa loob upang kunin ang mga gamit namin. Every weekend lang pala kami makakauwi dito. Sina Kuya Karding at Mang---I mean Ama ay kanina pa nasa hacienda Montefalco upang magtrabaho sa kanilang sakahan.Naglakad lang kami ni Ina dahil hindi namin afford sumakay ng kalesa. Sana nakapagdala man lang ako ng pera. I'm sure isa kami sa mga mayayaman na pamilya ngayon. Halos 20 minutes kaming naglakad bago makarating sa Hacienda. Literal akong napan

    Huling Na-update : 2021-07-16
  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Kabanata 4

    Magtatanghalian na akong natapos sa pag-aayos ng mga damit ni Señor Sebastian. Super dami ng damit niya, halos hindi na magkasya. Ang dami niyang coat, lalo na ng army attire niya. Nasuot na ba niya lahat ng 'yon?Nag-ingat na ako sa pagbaba ng hagdan, mahirap na baka may patibong na naman at talagang mahahalikan ko na ang lupa. Ayoko naman umuwi sa modern world ng injured no.Pagbaba ko sa sala ng hacienda ay naaamoy ko na kaagad ang tinolang manok na niluluto ni Aling Elena. Nakakagutom naman!"Ina, anong mga putahe po ang ihahanda niyo ngayong tanghalian?" Tanong ko nang makadating ako sa kusina."Tinolang manok, ginisang gulay, at menudo. Nais makatikim ng ibang putahe ang magkapatid. Isa pa, baka dumating na si Don Enrique at Doña Martina." Tingin ko ay late nang darating ang mag-asawang 'yon. Bihis na bihis kanina eh."Ina, nakakaintindi po ba kayo ng wikang E

    Huling Na-update : 2021-07-20
  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Kabanata 5

    Nakatayo ako ngayon sa harap ng simbahan ng San Alejandro. Makulay ang paligid at malamig din ang simoy ng hangin. Dé javu? Parang naranasan ko na ang eksenang 'to."Hindi ba sinabi kong hihintayin kita?" Tila nanlamig ang katawan ko nang marinig ko ang boses ng matanda. O to the M to the G. Sinusundo na ba niya ako? "Ito na ang tamang panahon upang baguhin mo ang kapalaran ni Criselda.""Bakit niyo kilala si Criselda?" Tanong ko. Napansin ko ang diary na hawak niya. Bakit nasa kanya 'yon?!"Ang talaarawang ito ang naglalaman ng mga alaala sa nakaraan ni Criselda. Dito nakasulat ang kapalaran niyang iginuhit ng tadhana. Oras na upang baguhin mo ang nakasulat sa talaarawang ito.""Ano pong balak niyong gawin sa akin? Bakit nasa

    Huling Na-update : 2022-01-01
  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Kabanata 6

    Sabado na ngayon at nandito na kami sa bahay. After a week, nakapagpahinga rin ako. Buti na lang at every weekend ay pwede kaming umuwi."Nagkita rin tayong muli, Criseng!" Masayang wika ni Susana. "Ako'y dumalaw kaagad sa inyo nang malaman kong umuwi na kayo.""Napakarami ng gawain sa Hacienda Montefalco. Halos magkandaugaga ako sa kaliwa't kanang mga gawain." Kwento ko sa kanya."Balita ko ay personal na tagapagsilbi ka raw ng kambal na binata ng mga Montefalco. Gwapo ba sila, Criseng?" Tanong niya."Hindi ko maitatanggi pero oo, may itsura sila." Sagot ko at tumili naman siya sa kilig."Kung ako siguro'y hindi na uuwi upang mapagsilbihan lang sila."

    Huling Na-update : 2022-01-01
  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Panimula

    SU ULTIMA VIDA (His Last Life)By: Katherine Rose CortezAng istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga tao, lugar, at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda. Hindi ito nakasulat sa ating kasaysayan, ngunit isa sa mga layunin ng kwentong ito ang pagbalik-tanaw ng mga mambabasa sa kasaysayan ng Pilipinas.This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Plagiarism is a crime.© All Rights Reserved 2020

    Huling Na-update : 2021-07-16
  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Kabanata 1

    "Ang bawat tao ay may apat na buhay. Ang unang buhay nila ay umiikot lamang sa pagkilala nila sa mundo; ang ikalawa, matututunan nilang oras ang mahalaga sa mundo; ikatlo, malalaman na nila ang tunay na kahulugan ng buhay; at sa ikaapat o huli, matatamasa na nila ang totoong kahulugan ng katapusan, at ito ay ang kamatayan."Isinara ko ang librong binabasa ng kaibigan kong si Joanna. Narito kami ngayon sa library upang mag-aral sana ngunit parating tulog lang naman ang inaatupag ko dito."Celestine Ysabelle Cortez. Bakit mo naman isinara ang binabasa ko?" Inis na sambit nito."Napakahilig mo talagang magbasa ng mga librong walang saysay. Sinabi ko naman sayong walang katotohanan ang mga iyan.""At paano ka naman nakasisigurong iisa nga lang ang buhay ng tao?" Tanong niya.

    Huling Na-update : 2021-07-16

Pinakabagong kabanata

  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Kabanata 2

    "Manigong bagong taon sa'yo anak!""Hmmm." Naalimpungatan ako sa boses ng babaeng nagsalita, "Huwag ka ngang mantrip, Mommy. Ang aga-aga.""Ano 'yon, anak?" Tanong niyang muli, "Gising na. Bagong taon na."Inayos ko ang pagkakahiga ko habang nakapikit pa rin. Sobrang sakit ng likod ko. Bakit pakiramdam ko tumigas ang malambot kong kama kagabi? Kinapa ko ang cellphone ko ngunit wala iyon kaya napilitan akong buksan ang mga mata ko. Tumambad naman sa akin ang isang magandang babae. Naglalaro ang edad nito sa 40 hanggang 50 years old. May bisita ba si Lola?"S-Sino ka? Bakit nandito ka sa hacienda? Isa ka ba sa mga kasama ni Lola dito?" Tanong ko."Anak? Masama ba ang iyong panaginip? Anong ibig mong sabihin?"Pinagmasdan ko ang buong

  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Kabanata 1

    "Ang bawat tao ay may apat na buhay. Ang unang buhay nila ay umiikot lamang sa pagkilala nila sa mundo; ang ikalawa, matututunan nilang oras ang mahalaga sa mundo; ikatlo, malalaman na nila ang tunay na kahulugan ng buhay; at sa ikaapat o huli, matatamasa na nila ang totoong kahulugan ng katapusan, at ito ay ang kamatayan."Isinara ko ang librong binabasa ng kaibigan kong si Joanna. Narito kami ngayon sa library upang mag-aral sana ngunit parating tulog lang naman ang inaatupag ko dito."Celestine Ysabelle Cortez. Bakit mo naman isinara ang binabasa ko?" Inis na sambit nito."Napakahilig mo talagang magbasa ng mga librong walang saysay. Sinabi ko naman sayong walang katotohanan ang mga iyan.""At paano ka naman nakasisigurong iisa nga lang ang buhay ng tao?" Tanong niya.

  • Su Ultima Vida (His Last Life)   Panimula

    SU ULTIMA VIDA (His Last Life)By: Katherine Rose CortezAng istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga tao, lugar, at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda. Hindi ito nakasulat sa ating kasaysayan, ngunit isa sa mga layunin ng kwentong ito ang pagbalik-tanaw ng mga mambabasa sa kasaysayan ng Pilipinas.This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Plagiarism is a crime.© All Rights Reserved 2020

DMCA.com Protection Status