Prologue"Bagsak ka na naman, Hailey! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, ha?! Nag-bubulakbol ka na naman!" Kakapasok ko pa lamang sa loob ng bahay ay narinig ko na ang malakas na sigaw ni Papa mula sa kusina. Umagang-umaga pa lamang at kagagaling ko lang mula sa pamamalengke kasama si Ate Kitkat ay iyon na kaagad ang bubungad sa akin. Nagkatinginan kami ni Ate Kitkat. Tipid itong ngumiti sa akin, ako naman ay napabuntong-hininga na lamang. "At ipinatawag na naman ang Tita Gracie mo sa Dean's office! Masyado nang nakakahiya itong mga ginagawa mo! Laman ka na ng Dean's office! Wala pang palya! Mukhang hindi yata tatahimik ang isang buwan mo kapag hindi ka napupunta sa Dean's office. Gagawin mo bang tirahan 'yon, Christin?" Rinig ko pang dagdag na naman ni Papa sa galit na boses. Ayaw ko nang makarinig pa ng panibagong masasakit na salita para sa kakambal ko kaya mas minabuti kong pumasok na sa kusina. Sumunod naman si Ate Kitkat."Good morning, Papa." I called out to him softly. Ka
Chapter 1: Bad GirlSa buong araw na iyon ay nanatili akong tahimik at malalim ang iniisip. Nag-aalala ako para sa kakambal ko. I know that she told me she'll win and everything just to have that car. I know that she was confident that she'll win, pero hindi ko pa rin talaga maiwasang mag-alala. Hindi naman siguro mawawala 'yon lalo na at kambal kaming dalawa. We have some sort of connection that no one else would probably understand.I sighed. "Pang-ilang buntong-hininga mo na 'yan, Holy?" Napakurap ako nang bigla nalang nagsalita si Feby na hindi ko napansing nasa harap ko na pala. "Kanina ko pa napapansin iyang malalalim mong buntong-hininga habang nasa klase pa tayo, ah? May problema ba?" Dagdag niya habang inilalagay sa aking harapan ang mga in-order niyang pagkain para sa akin. Nasa cafeteria kami ngayon ng university. It was our lunch time already at tatlong subjects nalang ang natitira ngayong hapon na papasukan ko. Pagkatapos ng klase ay sisiguraduhin kong makakauwi ako kaa
Chapter 2: Survival"Hailey?" Naalimpungatan ako nang makarinig ng kung anong ingay sa loob ng aking kwarto. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at nang maaninag ang taong kasalukuyang binubuksan ang mga drawer ko ay mabilis akong napabangon."Hailey? You're home. Bakit ang tagal mo?" Tanong ko at dahan-dahan nang sinuot ang aking tsinelas. Hindi ito sumagot, bagkus ay nagpatuloy lang ito sa pag-bubukas ng drawer at iniipon naman sa mesa ang mga alahas na nakukuha niya. Pati ang relo na regalo niya sa akin noong birthday namin ay kinuha rin niya.My forehead creased in confusion. I don't understand why she's inside my room right now, and what's even more weird is that... she was getting all the jewelry that I have."What are you doing, Hailey? Bakit mo kinukuha 'yang mga gamit ko? All of that are gifts from—""I don't care, Holy. Just... shut up and let me leave with this shits you are keeping." She snapped at me. My heart clenched when I heard what she said. All of those things are a g
Chapter 3: Green Eyes"Holy, sino ba kasi ang hinahanap mo dito? Hindi naman siguro si Eros ang pakiki-usapan mo para sa atraso ng kakambal mo di ba?" Mahinang bulong sa akin ni Ria. Umiling ako at kaagad na nag-iwas ng tingin sa gawi kung nasaan ang mga lalaking magpi-pinsan."No. I'm looking for those three particular men na kasama ni Hailey sa labas ng school. Isa doon ang may-ari ng sports car na sinakyan ni Hailey. I just want to ask them kung may ideya ba sila kung nasaan ang kapatid." I sighed and bit my lower lip. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na mahahanap ko rin ang kakambal ko. I don't want her to run away like this, lalo na at nag-aalala ang mga magulang namin. "Okay. Sasamahan kita sa paghahanap sa kanila, pero huwag na huwag kang titingin sa mga mata ng ibang tao rito dahil baka mapagkamalan ka pang si Hailey. That would be a big trouble, Holy." I pouted and nodded at her obediently. Slightly bothered with what she called me. Kanina ay tinawag niya akong Ate Holy
Chapter 4: Offer"I'm really sorry about Eros, Holy. Nasaktan ka ba doon sa pagkakahawak niya?" Jacobi asked. Nasa parking na kami ngayon kung saan nangyayari ang drag race ngayon. Alexa and Katrina are already with us. They both saw the commotion too, pero hindi na nila nagawa pang lumapit lalo na at nagkumpulan na ang mga tao. They were both worried, and I really appreciate that.Tipid akong ngumiti kay Jacobi at umiling. Sa totoo lang, masakit talaga ang klase ng pagkakahawak ng lalaki kanina. Sa katunayan ay nag-marka pa nga ito, pero ayaw ko nang dagdagan pa ang pag-aalala nila. "No, I'm fine. Nagulat lang talaga ako. I didn't expect for him to act like that. Siguro nga ay ganoon talaga kalala ang ginawa ni Hailey sa kaniya para umakto siya ng ganon. Hindi ko rin naman siya masisisi. I understand him.""No. What he did was wrong pa rin, Holy. That's harassment already. At kailanman hindi naging tama ang harassment." Katrina shook hear head. I smiled at her to show my gratitude.
Chapter 5: I Do"Nababaliw ka na!" Mabilis akong umiling sa lalaki habang nakakunot ang noo at halos hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. "Hindi basta basta lamang ang pagpapakasal! Nagpapakasal lamang ang dalawang taong nagmamahalan, at hindi dahil upang mabayaran ang isang utang." A smirked escaped from his own lips as he stared at me darkly. I bit my lower lip unconsciously, at nakita kong bumaba ang tingin niya doon. He licked his lower lip before looking at me straight in the eyes."That's not really a problem. We can just marry first, and then fall in love while we're together. See? There's already a solution to your problem, so I know that you can't say no anymore—""Hindi." Mariin kong putol dito. "Hindi pa rin ako papayag sa gusto mong mangyari. Hindi pa rin sapat na dahilan iyan para magpakasal ako. I don't even know you."Sagrado ang kasal para sa akin. And this is certainly not the kind of marriage proposal that I've dreamed of since I was a kid. I want to marry the
Chapter 6: Rules and Terms "Ang sabi mo sa akin ay kukunin lang natin ang singsing," mahinang saad ko nang makalabas na kami opisina ng Judge na mukhang kamag-anak niya rin. Nakahawak na siya ngayon sa aking baywang, mahigpit iyon at parang nag-aangkin sa klase ng pagkakahawak niya. Hindi pa rin lubos na pumapasok sa utak ko ang lahat ng mga nangyayari. Everything was too fast. Sa isang iglap ay kasal na ako... kasal na ako sa lalaking wala akong ni isang ideya tungkol sa kaniyang pagkatao. I might know his name, but I don't have any idea what he is as a person. I only seen a glimpse of him... and I really don't like that persona of him. Mainitin ang ulo at marahas.At nakakatakot. Nakakatakot na makisama sa taong kagaya niya... na mukhang hindi marunong magpatawad. I sighed. But then, I will do everything to somewhat change that attitude of him sa pamamagitan ng Diyos, dahil naniniwala akong kaya niya pang baguhin 'yon, pero sisiguraduhin ko munang... gusto niya nga. "Baby," Naka
Chapter 7: Bet Tumikhim ako at napakurap. Prente na siyang naka-upo ngayon sa sofa. Bahagyang nakahiwalay ang mga hita, mukhang hinihintay talaga na maupo ako sa... kaniyang hita. Nalilito ako. Marami namang upuan, kaya bakit sa hita niya pa ako pauupuin? Hindi ba niya alam na masyado iyong... Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at napabuntong hininga. "M—May... May upuan naman," medyo nag-iinit ang pisngi na saad ko habang bahagyang napanguso. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Eros. His lips twitched a bit, like he didn't like what I said. "I know, baby. I just want you to sit on my lap. Is it that hard to do?" May inis sa boses nitong tanong. Kumunot ang noo ko at nag-iwas ng tingin. Lumapit ako sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi. Wala na siyang nagawa doon, pero narinig ko naman ang parang nafa-frustrate na niyang pagbuntong-hininga. "Tama na, Eros. Sabihin mo na ang mga terms at conditions mo nang makauwi na ako. Marami pa akong gagawin na mga proyekto." Saad ko.