Share

Chapter 4

Chapter 4: Offer

"I'm really sorry about Eros, Holy. Nasaktan ka ba doon sa pagkakahawak niya?" Jacobi asked. Nasa parking na kami ngayon kung saan nangyayari ang drag race ngayon. Alexa and Katrina are already with us. They both saw the commotion too, pero hindi na nila nagawa pang lumapit lalo na at nagkumpulan na ang mga tao. They were both worried, and I really appreciate that.

Tipid akong ngumiti kay Jacobi at umiling. Sa totoo lang, masakit talaga ang klase ng pagkakahawak ng lalaki kanina. Sa katunayan ay nag-marka pa nga ito, pero ayaw ko nang dagdagan pa ang pag-aalala nila. 

"No, I'm fine. Nagulat lang talaga ako. I didn't expect for him to act like that. Siguro nga ay ganoon talaga kalala ang ginawa ni Hailey sa kaniya para umakto siya ng ganon. Hindi ko rin naman siya masisisi. I understand him."

"No. What he did was wrong pa rin, Holy. That's harassment already. At kailanman hindi naging tama ang harassment." Katrina shook hear head. 

I smiled at her to show my gratitude.

Ria sighed and nodded in agreement. "Tama si Kat, Holy. That's already considered abuse and harassment kaya hindi ka dapat masanay doon."

"Right," Sang-ayon naman ni Alex sa tabi habang nakangiting nakatitig kay Jacobi. My forehead creased. Why is she looking at him like that? Like her world's spinning solely for him?

Nakita kong kumunot ang noo ni Jacobi at umiling bago dahan-dahan kong nakita ang isang ngising sumilay sa labi nito. He looked at me. "Don't worry, Holy. Paniguradong nagsisisi na ang gagong 'yon dahil sa ginawa sa'yo. Baka nga utusan pa n'on ang mga pinsan niyang bugbugin siya e." 

My forehead creased. Bahagya kong kinagat ang pang-ibabang labi ko habang pilit na iniintindi kung ano ang ibig niyang sabihin doon. Kahit nga sina Ria, Alex at Karina ay napakunot na rin ang noo, senyales na hindi rin naintindihan ng mga ito ang sinabi ni Jacobi.

Maya-maya ay umiling si Ria. "Si Eros? Magsisisi? Nah, that's just too impossible, Jacobi. He's a devil. Hinahangaan ko man siya sa tinding at pagiging magaling niyang racer, pero hindi sa ugali niya." Saad nito na kaagad namang sinang-ayunan ng dalawang babae.

And I hate to admit it, but I slightly... agreed with them too. Sa klase pa lang ng tingin at hawak sa akin ng lalaki kanina, alam ko na kaagad na hindi siya 'yong tipo ng tao na mabilis magpatawad. I might be too judgemental right now, but that's one of the things that makes the world go round. Judgements. People couldn't live peacefully without that, dahil aminin man natin o hindi, parte na rin ito ng mga buhay natin.

Pagka-uwing pagka-uwi ko ay kaagad na akong sinalubong ni Papa. I can't help but to feel gloomy after seeing his expectant face. I sighed. I told him that I was going to meet someone who probably knows where Hailey is, and here I am right know, umuwing walang kahit na anong impormasyon kung nasaan si Hailey. 

I smiled sadly and shook my head. "I'm sorry Papa. I couldn't find Hailey..." Saad ko sa nanghihinang boses. Tipid na ngumiti si Papa at kaagad akong niyakap ng mahigpit. 

"I'm sorry..." I whispered sadly. Hindi ko na namamalayang tumutulo na pala ang luha ko.

I felt him kissed the top of my head before letting out a deep sigh.

"Don't worry, princess. We're not going to stop 'till we find her." 

***

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang ipagluto ng agahan si Papa. It was Ate Kitkat's break kaya hindi siya ngayon makakapag-luto. Sanay na rin naman akong bumangon ng maaga lalo na kapag may aaralin ako. Mas gusto ko talagang mag-study sa madaling araw dahil tahimik, malamig, at mas makakapag-focus ang isip ko. There was no destructions around too.

Nang makababa ay kaagad na akong nagsimulang magluto. Just the usual breakfast. I prepared pancakes too, just in case that Papa wants to have some. Pagkatapos magluto ay naligo na rin ako at nagbihis bago muling bumaba. Papa was already in the kitchen kaya sabay na rin kaming dalawang kumain. 

Mang Kadyo brought me to school as usual. Si Papa kasi ay mas gustong siya mismo ang nagda-drive papunta sa trabaho niya. 

Nasa labas pa lamang ako ng gate ng university ay kaagad kong napansin na parang may kakaiba... o talagang masyado lang marami ang mga iniisip ko ngayon kaya kung ano ano nalang ang mga ideya na pumapasok sa isip ko. Pero kasi, it was very unusual for me to see flashy cars in the parking lot. I mean, mayayaman halos ang mga mag-aaral dito, so that's not really a question. But the thing is... bakit marami ring mga estudyante ang nakatambay sa labas? And I was even more shock to see that majority of those students didn't even came from our school. Alam ko 'yon, dahil iba ang uniform nila. 

They're from the other school. Malapit lang dito sa amin.

Whatever I was thinking, it was confirmed nang tuluyan na akong makapasok sa campus. Lahat ng mga estudyante, partikular na ang mga babae ay halos nagsisiksikan na sa may quadrangle. Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung anong pinagkakaguluhan nila diyan... at wala akong balak na sumali. 

I sighed at naglakad nalang papunta sa building ng department ko. Nang makarating sa room ay kaagad akong naupo at binuklat ang aking libro upang magbasa. We still have 15 minutes before the class starts kaya hindi na ako nagtaka pa kung bakit kaonti lang ang nasa loob ngayon. 

I was in the middle of taking down notes of what I've read, so I could better understand it when a knock from the door disturbed us. 

It was the Council President. Felicia Ablan, Feby's stepsister.

"Holy Celestine Marquez is being called in the Dean's Office. Kung wala pa siya, pakisabing kailangan siya doon ASAP, at kung nandito naman siya, please do follow me." Istrikta nitong saad bago pinag-krus ang mga braso. 

Kaagad na dumapo ang tingin sa akin ng mga kaklase ko. I stood hesitantly before approaching Felicia. Hindi nakaligtas sa akin kung paano niya ako tingnan mula ulo hanggang paa na para bang ine-examine ako bago bumuntong-hininga at nauna nang mag-lakad, and I immediately followed her. 

"Everyone thought that you're an angel, huh? Turns out, nasa loob lang pala ang kulo mo." Napalingon ako kay Feli nang bigla itong magsalita. She sounds like she was angry for some reason, and I don't understand why would she would hate me. 

"I don't know what you're talking about, Feli..." I told her before looking away. Narinig ko ang sarkastiko niyang pagtawa na para bang isang malaki katatawanan ang sinabi ko. 

"Oh come on, Holy. Alam naman nating hindi ka ma-ipapatawag sa Dean's Office kung wala kang ginagawang masama di ba?" Ismid niya. "Kaya huwag ka nang umastang anghel diyan. Hindi bagay sayo."

Hindi ko nalang ito pinatulan at nanatiling tahimik nalang hanggang sa makarating kami sa tapat ng pinto ng Dean's Office. 

"Ikaw na ang kumatok. Pumasok kang mag-isa dahil ayaw kong makinig at makisawsaw sa kung ano mang pagkakamaling ginawa mo. Hindi ako interesado." Feli said before walking away. 

Malakas akong napabuntong-hininga bago kumatok. Sa unang beses ko pa mang pagkatok ay may narinig na akong boses mula sa loob, telling me to come in. Malalim iyon at malamig, and I know for sure that Mr. Elizalde's voice, the Dean, doesn't sound like that. 

Naguguluhan man ay mas pinili ko nalang na buksan ang pinto bago pumasok sa loob. 

At nagulat nalang ako nang makita ang taong nakaupo pa mismo sa table ng Dean! 

My lips parted as my heart thumped widely after seeing the man. I met his piercing green eyes. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa aking mukha, and it wasn't because I am blushing or I was flustered of seeing him here. I am... nervous and even how much I try to hide that, alam kong hindi na iyon maitatago pa. 

"Eros..."

Parang pinag-pawisan ako ng malamig. Mas lalo pang nadagdagan ang kaba ko nang makitang dahan-dahang sumilay ang isang ngisi sa labi ng lalaki. Isang ngising nagpa-nginig sa tuhod ko. 

"I'm very much flattered to hear my.name being uttered by a woman like you," He started, the smirk on his lips wasn't leaving there. He looked at me up and down, dahilan para makaramdam ako ng pagka-ilang. I slowly reached for the knob behind me, para kung may gawin man siyang labag sa loob ko ay mas madali kong mabubuksan ang pinto.

But it seems like he already know my next move. Napatingin ito sa likuran ko at umiling.

"Na-uh, baby. You're not going out of this room, unless..." He jumped down from the table as he started to approach me very slowly. I swallowed the lump in my throat as I bit my lower lip.

God, huwag mong hayaang may gawing hindi maganda ang lalaking ito na nasa harapan ko... 

"Not unless you agree to my offer. The offer that will settle your twin's debt on me."

He got my attention with what he said. Kaagad akong napatingin sa kaniya, and I let out a silent gasp when I saw his piercing green eyes again. Amusement is swirling in his beautiful orbs as he stared at me intently. 

"What... offer?" I asked, almost in a whisper.

His head tilted. His lips tugged up for a triumphant smile. "An offer to marry me, and exchange, I'll set your twin free from her debt to me." Napakurap ako ng ilang beses at halos lumuwa na ang mga mata dahil sa sinabi nito. Marry him?! 

I shook my head repeatedly. "No." I looked away and sighed. "Magma-madre ako, kaya hindi pwede." 

I shivered when I heard his laughed darkly. I saw him took a step forward closer to me, so I took a step backwards unconsciously while staring at our feet, almost touching with each other. I gripped on the doorknob tightly.

"Hindi ka para sa Kaniya, Celestine. Akin ka. Tandaan mo, akin ka lang." Naikuyom ko ang isa kong kamao nang lumapat ang dalawang kamay niya sa pinto at naka-pwesto sa magkabila kong baywang. He was obviously caging me, and I feel like my heart will come out of my chest anytime soon with the way it thumped widely. 

Napapikit ako nang yumuko si Eros. Naramdaman ko nalang ang mainit at mabango niyang hininga sa mukha ko habang nagsasalita. 

"Papasok ka sa mansion ko, at hindi sa kumbento para pagsilbihan Siya. Got that, Celestine? Marry me, and I'll unleash your sister from her debt."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status