Chapter 3: Green Eyes
"Holy, sino ba kasi ang hinahanap mo dito? Hindi naman siguro si Eros ang pakiki-usapan mo para sa atraso ng kakambal mo di ba?" Mahinang bulong sa akin ni Ria. Umiling ako at kaagad na nag-iwas ng tingin sa gawi kung nasaan ang mga lalaking magpi-pinsan.
"No. I'm looking for those three particular men na kasama ni Hailey sa labas ng school. Isa doon ang may-ari ng sports car na sinakyan ni Hailey. I just want to ask them kung may ideya ba sila kung nasaan ang kapatid." I sighed and bit my lower lip. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na mahahanap ko rin ang kakambal ko. I don't want her to run away like this, lalo na at nag-aalala ang mga magulang namin.
"Okay. Sasamahan kita sa paghahanap sa kanila, pero huwag na huwag kang titingin sa mga mata ng ibang tao rito dahil baka mapagkamalan ka pang si Hailey. That would be a big trouble, Holy." I pouted and nodded at her obediently. Slightly bothered with what she called me. Kanina ay tinawag niya akong Ate Holy. I wonder what changed her mind and she just decided to call me by my name now?
"Sige."
Tumayo na si Ria at siya na mismo ang nagpaalam kina Katrina at Alexa. Ria told them na sasamahan lang daw niya ako comfort room. Noong una ay nagtataka pa ang dalawa pero hindi naman na nagtanong pa at tumango nalang.
Ria held my wrist to make sure that I won't get away from her. Dumadami na ang mga tao at dahan-dahan na nilang pinupuno ang mga bleachers kaya kapag hindi niya ako hahawakan ay maaaring mawala pa ako sa dagat ng maraming tao, lalo na at medyo madilim rin sa lugar na ito.
"Magsisimula tayo sa quarters ng mga racers dito. May iba't-ibang quarters ang bawat team na maglalaro dito kaya iisa-isahin natin 'yon. Pero bago ang lahat, kailangan muna nating hanapin ang pinsan kong lalaki. He will help us in getting through the quarters without being questioned."
Sumunod lang ako sa kaniya habang sumusuot kami sa bawat pasilyo. Kung doon sa may field ay medyo madilim, dito naman sa loob ay sumobra ang mga ilaw na talagang masisilaw ka kung hindi ka sanay. Noong una ay sumakit pa ang mga mata ko, ngunit nang magtagal ay parang nasanay na din.
Kumatok si Ria sa isang pintong hinintuan namin at nang bumukas iyon ay bumungad sa akin ang isang lalaking medyo May kahabaan ang buhok. It was tied in a man bun. He has a piercing in the middle of his lower lip. Kumikintab iyon kapag naiilawan kaya medyo kapansin-pansin.
"Jacobi..." Si Ria.
The man smirked. "Oh, anong masamang hangin ang nagdala sayo dito, Freya, my dear cousin?" Saad nito at akmang yayakap na kay Ria ngunit mabilis na nakaiwas ang huli.
Ria scoffed before crossing her arms. "We need your help, Jacobi. We need to get through the quarters of each team—"
"Woah, woah, woah." Bumaling sa akin ang lalaki at mas lalong lumapad ang kaniyang ngisi. "Such a beautiful woman, huh? Too bad, namarkahan ka na ng isang Salvatore. Hailey, right? Jacobi." He stretched out his right hand, probably for a handshake. Bago ko pa man iyon naabot ay kaagad nang natampal iyon ni Ria.
"Shut it, Jacobi. She's not Hailey, okay? She's Holy, kakambal ni Hailey." Medyo iritado nang saad ni Ria.
Napaawang ang labi ni Jacobi, mukha itong gulat na gulat ngayon sa nalaman. Maya maya ay tumango-tango ito. "Kaya pala iba ang awra mo ngayon. You look more innocent and... naive. No offense."
Ngumiti ako at umiling. "Non taken..."
"Mas mabait ka rin, kaya sige, anong maitutulong ko sa inyong dalawa?"
***
"Nakailang pasok na tayo ng mga quarters. Hindi niyo pa rin ba nakikita ang mga hinahanap niyo?" Nakakunot na ang noo ni Jacobi habang naglalakad na naman kami papunta sa ibang quarters.
Napanguso ako at napabuntong-hininga. Hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt lalo na at pakiramdam ko ay masyado ko na silang naaabalang dalawa, especially Ria.
"Pasensiya na sa inyong dalawang. Ahm, pwede namang ako lang sana ang maghahanap kung... hindi lang ako papagalitan kung bakit ako napasok dito sa quarters nila e. Pasensiya na talaga. Ililibre ko nalang kayo..." Mahinang usal ko habang pinaglalaruan ang dalawang kamay. Kaagad naman iyong hinawakan ni Ria. Ngumiti siya at umiling nang tingnan ko.
"No. Okay lang sa akin 'to. I want to help you, lalo na at hindi basta-basta ang taong binangga ng kakambal mo." Masuyo ko siyang nginitian. I appreciate everything that she did. Buong akala ko ay galit siya sa akin dahil medyo ilag siya noong una, pero hindi naman pala.
Tumingin ako kay Jacobi at nakita kong bahagya na itong nakanguso ngayon habang kinakamot ang kaniyang batok.
"I'm very sorry, Holy, kung may iniisip kang iba dahil sa sinabi ko. It's just..." Bumuntong-hininga ito. "Delikado kasi dito, lalo pa ngayon na hindi mahagilap ang kakambal mo. You shouldn't be here in the first place dahil malaki ang tsansang mapagkamalan kang ang kakambal mo, and that would be dangerous for you. And besides, you're way too innocent to be exposed to the dangers here."
"Oh, stop flirting with her, Jacobi." Ria teased.
"I was not!" Jacobi's eyes widened.
"You are!" Ria insisted.
Nahalughog na namin ang buong quarters ng mga racers pero hindi ko pa rin nakita ang tatlong mga lalaki. Bagsak ang balikat ko habang pabalik kami sa bleachers. Ria was beside me, habang nasa unahan namin si Jacobi. Dumaan kasi kami sa gilid ng race track, kung saan nakatambay ang mga magre-race, kung kaya ay maraming bumabati sa kaniya. I just noticed that he's now wearing a racer's uniform too or... whatever they call that. Mukhang maglalaro din yata ito ngayon.
"Jacobi, quit being too friendly right now. Kailangan na naming makabalik ni Holy sa seat namin." Saway ni Ria habang hinahaplos ang aking braso.
"Okay, okay. Huwag ka ngang highblood diyan, Ria. Parang tanga naman 'to. Nagpapadami lang ng fans e." Umismid si Ria.
I seriously don't know what to do anymore. Ngayong hindi ko nakita ang tatlong mga lalaki na kasama niya sa labas ng school noon ay wala na akong ibang ideya pa kung sino na ang mapagtatanungan ko.
I bit my lower lip lowered my head. Nasa ganoong posisyon lang ako habang naglalakad kami nang biglang may marahas na humablot sa aking braso. Sobrang rahas at diin non dahilan para mapaigik ako sa sakit na nararamdaman.
"Oh My God, Jacobi!" Rinig kong singhap ni Ria.
Napatingin ako sa aking braso na ngayon ay hawak-hawak ng isang taong hindi ko kilala. Sinubukan ko iyong kunin mula sa marahas na pagkakahawak ngunit mas dumiin lamang iyon dahilan para mapangiwi ako. Tears started to form at the corner of my eyes.
And when I looked up to see who it was, I was meet by a piercing green eyes who was staring darkly at me. Nang lumibot ang tingin ko sa mukha ng lalaki ay doon ko naalala ang mukha niya.
He's Eros Hunter Salvatore!
My eyes widened. Mas lalo ko pang sinubukang makawala sa madiin niyang hawak pero mas lalo talaga iyong dumidiin. Halos bumaon na ang kuko nito sa aking braso kaya mas lalong masakit at mahapdi!
"After what you did, huh? You still have the audacity to fucking show yourself to me? Really, Hailey?" Mariin nitong saad sa akin na talagang nagpatayo ng mga balahibo ko sa aking braso. His voice was so dark, cold and menacing. Nakakatakot ang bagsik sa mukha niya, at kahit gaano pa siya kakisig ay hindi n'on maitatago kung gaano siya karahas!
"Jacobi! Stop him! Nasasaktan na si, Holy!" Halos maiyak na si Ria sa likuran ko.
The people started to gather around us. They started whispering to each other habang nakatingin sa amin.
"Damn." Jacobi cursed before he approached us. "Come on, Eros. You shouldn't hurt like that, bro. Magsisisi ka talaga." Banta ni Jacobi at sinubukang kunin ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Eros pero mas lalong bumagsak at dumiin ang hawak nito sa akin, mas madiin pa sa kanina kaya hindi ko na namalayang tumulo na pala ang mga luha ko.
I sobbed in pain as I started to shake my head. I shouldn't have come here in the first place. I shouldn't have!
"What?" Eros mocked. "What are you gonna do, huh, Jacobi? Is this your fucking girlfriend, huh? Why are you getting into this? You know what this woman did to me."
"Alam ko kung anong ginawa ni Hailey sa sasakyan mo, Eros. You know what the problem is, huh?" Mas lalong lumapit si Jacobi at pinantayan ang tingin ni Eros. "The problem here is, you're messing with the wrong girl. She's not Hailey."
Eros laughed mockingly before looking at me. I looked away and sobbed. I couldn't look at how cruel he looks right now no matter how beautiful he is. I just couldn't.
"Are you fucking with me right now, Montenegro? Nakita mo ang mukha ng babaeng 'yon!"
"Nakita ko nga pero hindi siya si Hailey! She is Holy, you fucktard! Kambal 'yan ni Hailey and she's here to fucking search for the three men who was with Hailey that day!" Sa malakas na sigaw na 'yon ni Jacobi ay natahimik ang lahat, kasabay noon ay ang dahan-dahang pagbitaw ni Eros sa aking braso. Kaagad naman akong lumapit kay Ria. She immediately hugged me, so I hugged her back before crying in her arms.
Ang huling narinig ko lamang ay ang sunod-sunod at mararahas na mura ni Eros bago ko narinig ang pagtawag ng lahat sa pangalan niya. Mukhang umalis yata ito. Why? Was he guilty for holding me like that?
I heard someone laughed, but I didn't bother to look.
"Hindi mo naman sinabi kaagad na si Holy pala 'yan, Jacobi. You know how crazy she is for that girl, right? Maglalasing na naman tuloy 'yon ngayon."
Chapter 4: Offer"I'm really sorry about Eros, Holy. Nasaktan ka ba doon sa pagkakahawak niya?" Jacobi asked. Nasa parking na kami ngayon kung saan nangyayari ang drag race ngayon. Alexa and Katrina are already with us. They both saw the commotion too, pero hindi na nila nagawa pang lumapit lalo na at nagkumpulan na ang mga tao. They were both worried, and I really appreciate that.Tipid akong ngumiti kay Jacobi at umiling. Sa totoo lang, masakit talaga ang klase ng pagkakahawak ng lalaki kanina. Sa katunayan ay nag-marka pa nga ito, pero ayaw ko nang dagdagan pa ang pag-aalala nila. "No, I'm fine. Nagulat lang talaga ako. I didn't expect for him to act like that. Siguro nga ay ganoon talaga kalala ang ginawa ni Hailey sa kaniya para umakto siya ng ganon. Hindi ko rin naman siya masisisi. I understand him.""No. What he did was wrong pa rin, Holy. That's harassment already. At kailanman hindi naging tama ang harassment." Katrina shook hear head. I smiled at her to show my gratitude.
Chapter 5: I Do"Nababaliw ka na!" Mabilis akong umiling sa lalaki habang nakakunot ang noo at halos hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. "Hindi basta basta lamang ang pagpapakasal! Nagpapakasal lamang ang dalawang taong nagmamahalan, at hindi dahil upang mabayaran ang isang utang." A smirked escaped from his own lips as he stared at me darkly. I bit my lower lip unconsciously, at nakita kong bumaba ang tingin niya doon. He licked his lower lip before looking at me straight in the eyes."That's not really a problem. We can just marry first, and then fall in love while we're together. See? There's already a solution to your problem, so I know that you can't say no anymore—""Hindi." Mariin kong putol dito. "Hindi pa rin ako papayag sa gusto mong mangyari. Hindi pa rin sapat na dahilan iyan para magpakasal ako. I don't even know you."Sagrado ang kasal para sa akin. And this is certainly not the kind of marriage proposal that I've dreamed of since I was a kid. I want to marry the
Chapter 6: Rules and Terms "Ang sabi mo sa akin ay kukunin lang natin ang singsing," mahinang saad ko nang makalabas na kami opisina ng Judge na mukhang kamag-anak niya rin. Nakahawak na siya ngayon sa aking baywang, mahigpit iyon at parang nag-aangkin sa klase ng pagkakahawak niya. Hindi pa rin lubos na pumapasok sa utak ko ang lahat ng mga nangyayari. Everything was too fast. Sa isang iglap ay kasal na ako... kasal na ako sa lalaking wala akong ni isang ideya tungkol sa kaniyang pagkatao. I might know his name, but I don't have any idea what he is as a person. I only seen a glimpse of him... and I really don't like that persona of him. Mainitin ang ulo at marahas.At nakakatakot. Nakakatakot na makisama sa taong kagaya niya... na mukhang hindi marunong magpatawad. I sighed. But then, I will do everything to somewhat change that attitude of him sa pamamagitan ng Diyos, dahil naniniwala akong kaya niya pang baguhin 'yon, pero sisiguraduhin ko munang... gusto niya nga. "Baby," Naka
Chapter 7: Bet Tumikhim ako at napakurap. Prente na siyang naka-upo ngayon sa sofa. Bahagyang nakahiwalay ang mga hita, mukhang hinihintay talaga na maupo ako sa... kaniyang hita. Nalilito ako. Marami namang upuan, kaya bakit sa hita niya pa ako pauupuin? Hindi ba niya alam na masyado iyong... Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at napabuntong hininga. "M—May... May upuan naman," medyo nag-iinit ang pisngi na saad ko habang bahagyang napanguso. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Eros. His lips twitched a bit, like he didn't like what I said. "I know, baby. I just want you to sit on my lap. Is it that hard to do?" May inis sa boses nitong tanong. Kumunot ang noo ko at nag-iwas ng tingin. Lumapit ako sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi. Wala na siyang nagawa doon, pero narinig ko naman ang parang nafa-frustrate na niyang pagbuntong-hininga. "Tama na, Eros. Sabihin mo na ang mga terms at conditions mo nang makauwi na ako. Marami pa akong gagawin na mga proyekto." Saad ko.
Chapter 8: Mrs. Salvatore"Shut the fuck up, Paul, or I'll fucking make you." Marahan kong hinawakan ang braso ni Eros nang makitang nakakunot na ang noo nito habang nakatingin sa lalaking nasa harap. Eros' jaw was clenched tightly as he sends a death glare to the man named Paulo. "Tama na, Eros. Just... race, para makauwi na tayo." Malambot kong saad sa kaniya. Akala ko pa ay magagalit ito ngunit napahinga lang ako ng maluwag nang tumingin ito. His face softened as he dropped a kiss on my forehead again. Hindi ko maiwasang mapapikit nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa aking noo. "Okay, baby. Please watch me, hmm?" Malambing nitong saad na tinanguan ko lang. Bahagya akong nagtago sa dibdib niya nang maramdaman na naman ang iba't-ibang titig ng mga tao sa amin. Ramdam na ramdam ko 'yon, lalo na mula sa mga kaibigan ni Eros.Iginiya niya ako papunta sa isang upuan. Nang iwan niya ako doon ay nakita ko pang kinausap niya ang mga kaibigan, lalo na iyong Paul. Hindi ko lang mari
Chapter 9: Professor Sa huli ay hinatid ako ni Eros sa bahay. Nanatili lang akong tahimik sa buong biyahe kahit na rinig na rinig ko naman ang panay pagbuntong-hininga ng katabi ko. Mukhang hindi mapakali lalo na at sa tuwing hihinto ang sasakyan niya sa red light ay mararamdaman ko kaagad ang malalim nitong titig sa akin. This time, he used one of his sports car to send me home. Mayaman siya kaya alam kong marami siyang pagpipilian ng sasakyan talaga. The whole ride, Eros tried to reach for my hand ngunit iniiwas ko lang iyon. Panay ang mahihina at masuyo niyang pagtawag sa pangalan ko pero nong nakuha niyang wala talaga akong balak na kausapin siya ay tumahimik nalang din.I sighed. Hindi ko naman ugaling magalit. Siguro ay... matakot lang ako, nainis, o nagtampo dahil siya lang talaga ang taong nagagawa akong sigawan. No one has ever shouted at me before. Nakakapanibago lang na siyang estranghero pa sa akin ay nagagawa akong ganon-ganonin. And he indirectly told me I was stupid
Chapter 10: ServeHindi ako mapakali habang nasa loob ng classroom at nagtuturo si Eros. Paano ba naman ay panay ang tingin nito sa gawi ko. Mabuti sana kung pasimpleng tingin lang ang ginagawa niya, kaya lang ay nagtatagal talaga ang mga titig nito sa akin. At alam kong maging so Joshua ay napapansin na rin iyon kaya napapaiwas nalang ako ng tingin.Nang matapos ang klase ay doon na ako nakahinga ng maluwag. It was the longest minutes that I've been through, and thanks God it's done now. "See you tomorrow, class." Malamig na saad ni Eros. Napatingin ulit ito sa akin kaya napanguso ako at kaagad na nag-iwas ng tingin. "I'll be changing the seating arrangements tomorrow. Hindi ko gusto kung gaano kayo kalapit sa isa't isa ngayon. That would be easier for you guys to copy to your seatmates." Napatingin ako kay Eros dahil sa sinabi nito. I immediately noticed his sharp estate towards Joshua who seemed still oblivious of the death glare that Eros was giving him.I sighed deeply. Ano kaya
Chapter 11: Sinful lipsHalos malaglag ang bibig ni Joshua dahil sa malaking pagkakabuka nito. Gulat na gulat siya at hindi talaga inaasahan ang sinabi ni Eros. Maging ako ay nagulat rin sa inasta ng lalaki. Hindi ko lubos akalain na sasabihin niya ang impormasyong ito sa harap ng... ibang tao! Akala ko ay mananatili lamang iyong sekreto hanggang sa matapos ang lahat sa aming dalawa!"A—Ano?" Nauutal na tanong ni Joshua. I bit my lower lip and shook my head. Napatingin ako sa paligid. Nandoon pa rin ang mga kuryosong tingin ng mga estudyante na para bang isang malaking palaisipan sa kanila ang dahilan kung bakit nandito ngayon sa table namin ang bagong professor ng aming unibersidad.Baka kung ano pa ang isipin nila na siyang ikinabahala ko. Ayaw kong makarating ang kahit na ano kay Papa. Mas gusto kong ako mismo ang magsasabi sa kaniya ng lahat kaysa ma