Chapter 2: Survival
"Hailey?"
Naalimpungatan ako nang makarinig ng kung anong ingay sa loob ng aking kwarto. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at nang maaninag ang taong kasalukuyang binubuksan ang mga drawer ko ay mabilis akong napabangon.
"Hailey? You're home. Bakit ang tagal mo?" Tanong ko at dahan-dahan nang sinuot ang aking tsinelas. Hindi ito sumagot, bagkus ay nagpatuloy lang ito sa pag-bubukas ng drawer at iniipon naman sa mesa ang mga alahas na nakukuha niya. Pati ang relo na regalo niya sa akin noong birthday namin ay kinuha rin niya.
My forehead creased in confusion. I don't understand why she's inside my room right now, and what's even more weird is that... she was getting all the jewelry that I have.
"What are you doing, Hailey? Bakit mo kinukuha 'yang mga gamit ko? All of that are gifts from—"
"I don't care, Holy. Just... shut up and let me leave with this shits you are keeping." She snapped at me. My heart clenched when I heard what she said. All of those things are a gift from Papa, and also from our relatives. Mayroon ding sa kaniya at kay Feby.
"Those are not shits, Hailey. Those are things that were given to me as a gift. Those things holds a sentimental value for me. So please, whatever you are doing right now, stop it. It's not funny."
"Bakit ba?" Marahas itong lumingon sa akin. "Aanhin mo ba 'to? Hindi mo naman 'to magagamit, 'di ba? Mag-mamadre ka lang naman pagkatapos mo ng kolehiyo. At ang mga madre ay hindi nagsusuot ng mga ganito."
I frowned at her. Lumapit ako sa gawi niya at sinubukan kunin ang mga gamit kong nailabas niya upang ipasok ito pabalik sa drawer pero mabilis niya akong napigilan.
"Hailey, tama ka. Hindi nga nag-susuot ng alahas ang mga madre, pero sinabi ko na di ba? Those things are holding a deeper part of my heart. It has a value. A very sentimental one. At ano ba ang gagawin mo sa mga ito? Bakit mo ba kinukuha samantalang alam kong meron ka rin naman ng mga 'to?"
I don't really understand her. I don't understand why she's panicking like this. Mukha siyang aligaga, hindi mapakali, at nagmamadali pa. Kung hindi ko lang kilala ang kakambal ko ay iisipin kong... gumagamit siya ng ilegal na droga dahil sa inaakto niya ngayon.
She slightly glared at me but didn't say anything. Nagpatuloy nalang ito sa pag-kalkal ng ibang gamit ko sa loob ng mga drawers.
"Hailey..." Mahinang tawag ko sa kaniya pero hindi pa rin ito nakinig.
"Kulang pa 'to. Kulang pa 'to bilang kabayaran sa nagawa ko..." Rinig kong mahinang bulong niya na halos hindi ko na maintindihan dahil sa sobrang hina.
Napakunot ang noo ko. "What do you mean? Anong kabayaran? Ano bang sinasabi mo? Nangutang ka ba? What happened to the race? Nanalo ka ba—"
"Huwag mo nang ipapaalala pa, Holy! Pwede ba? Hayaan mo nalang ako, okay? Just sleep! Ibabalik ko rin 'tong mga gamit mo kaagad! May pagga-gamitan lang ako sandali."
And I believed her... again. Buong akala ko ay tutuparin ni Hailey ang sinabi niyang babalik siya at ibabalik rin ang mga gamit kong kinuha niya, pero hindi.
Hindi na siya nagpakita simula noong gabing 'yon. Dalawang araw na ang nakalipas. Ngunit bago pa man siya tuluyang umalis ay nag-iwan siya ng sulat sa papel. It was for me and Papa.
"Ano na naman ba 'tong ginagawa ni Hailey?!" Naiiyak na ani ni Tita Gracie, ang kapatid ni Papa, habang hinihilot ang sentido. Papa caressed her back, trying to calm her down. Mukha ring problemado ngayon si Papa, pero pinipilit niya lang maging matatag lalo na sa harap ko, dahil alam niyang kami lang dalawa ang magiging lakas ng isa't isa ngayong nawawala si Hailey.
I bit my lower lip as I silently wiped the tears off my cheeks. I can't help but to feel guilty. Ako ang huling nakausap ni Hailey bago pa man ito umalis. Ako ang nandoon para sana ay mapigilan pa siya, pero naniwala pa rin akong babalik siya. Kaya ito kami ngayon, nag-aalala at nag-iisip kung saan ba namin siya pwedeng hanapin at puntahan.
And I couldn't think of any places of where she might go. Is it in the drag race or... I don't know! Hindi ko alam kung baka may kumuha sa kaniya o baka may sinamahan siyang isa sa mga barkada niya.
Right. The three guys he was with the other day might know where she is! I should... find a way to talk to them! Pero hindi ko alam kung paano! I don't know them personally, except for their faces!
"Kailangan nating maniwala kay Hailey na nasa maayos lang siya na kalagayan hangga't hindi pa tayo nakakakuha ng impormasyon kung nasaan ba talaga siya. As if now, we all have to calm down. Kailangan nating magtanong-tanong sa mga kaibigan niya, and maybe, we can ask the Police's help too."
Wala ako sa sarili nang pumasok sa university. Napansin iyon ni Feby. Tinanong niya ako kung okay lang ba ako, and I said yes. Hindi na siya nag-usisa pa at tumahimik nalang. Pero ramdam ko pa rin ang panay pag-sulyap niya sa akin habang nasa klase.
Pagkatapos ng lunch break ay dumiretso kaagad ako sa library, habang si Feby naman ay may club meeting kaya doon na siya dumiretso.
Tinanguan at nginitian ko si Mrs. Olivia nang makapasok. Napahinga ako ng malalim nang makitang nandoon ang tatlong babaeng kanina pa pa-sekretong hinahanap ng mga mata sa loob ng campus.
I saw them talking again in a hushed tone kaya kaagad na akong lumapit sa kanila. They immediately stopped talking as they looked up to me. If I'm not mistaken, one of them is named Katrina, while the other two are still nameless.
"Ahm, Hi..." Medyo pag-aalinlangan pa sa boses ko nang batiin sila.
"Oh my God! Hello again, Holy!" Kumaway sa akin ang isang babae. "Ako po si Alexa, at ito naman po si Ria, at si Katrina po."
Nakahinga ako ng maluwag. Ngumiti ako bago inilahad ang kanan kong kamay na kaagad namang tinanggap ni Alexa. "I'm Holy. Nice meeting you all."
"Omg! Ang lambot ng kamay..." Mahina nitong siniko si Katrina dahilan para mapangiwi ang huli.
Kinamayan ko sila isa-isa bago tumikhim at huminga ng malalim. "May... pabor lang kasi akong hihingin sa inyo," Panimula ko, medyo kinakabahan at hindi mapakali.
Nag-ningning ang mga mata ni Alexa na para bang may sinabi akong talagang nakapag-pasaya sa kaniya.
"Ano po 'yon?!"
I closed my eyes and sighed deeply. Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago muling dumilat at tumingin ng diretso sa mga mata nila, isa-isa.
"Gusto kong sumama sa inyo sa drag race."
Dahan-dahang napawi ang ngiti nilang tatlo. Nakita ko ang gulat sa kanilang mukha habang tinitingnan ako, at maya-maya pa ay nagkatinginan silang tatlo.
"Medyo wala pa pong tao ngayon kasi medyo maaga pa e." The girls excitedly lead me to where the drag race is going to happen. It was such a huge place. There are bleachers around and a huge field where the race is going to happen.
Hindi ako komportable sa lugar na 'yon. Medyo madilim ang lugar at alam kong mas didilim pa iyon sa paglipas ng mga oras at habang palalim ang gabi.
"Dito tayo pupwesto mamaya! Dapat malapit sa mga racers!" Humagikhik si Katrina bago naupo sa tabi ni Alexa. Sumunod ako bago si Ria na nanatiling tahimik kanina pa.
"Alam ko kung sino ang ipinunta mo dito," mahinang bulong ni Ria sa akin kaya napakurap ako. Hindi naman napansin ng dalawa ang pag-uusap namin dahil May sarili din silang mga mundo. "You shouldn't be here, Ate Holy." Dagdag pa ni Ria.
Confused, I turned to look at her. Nag-iwas lang ito ng tingin at bumuntong-hininga.
"Your twin, Hailey, made a really big chaos the other night. Naalala mo ba noong araw na nag-uusap kami tungkol sa pagdating ni Eros Hunter Salvatore?" Tumango ako. "Iyon din ang araw na pumunta kami sa drag race para makita siya. Dito kami pumunta. At isa sa mga nakalaban ni Eros ay ang kakambal mo." I didn't know why my heart thumped louder. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako pagkarinig ko sa pangalan ng lalaki. I don't know him, but hearing his name... It feels like he brings nothing but trouble to someone.
"Natalo si Hailey sa laban, and she didn't like to accept that fact lalo na at dikit na dikit lamang sila. So, she, ahm, smashed Eros car. And I heard that it was his most favorite one. His prized possession kung kaya ay galit na galit ang lalaki." Napaawang ang labi ko pagkatapos mapasinghap sa nalaman.
It made sense. Iyon ang dahilan kung bakit umuwi si Hailey sa bahay na parang wala sa sarili. Iyon ang dahilan kung bakit kinuha niya lahat ng mga alahas ko sa drawer that was a gift for me from Papa and some of our relatives. That made sense why she did that. Kaya rin niya sinabing hindi iyon sapat.
Inakala kong may utang siyang kailangang bayaran. She indeed have a debt. No. It was more than just a debt.
"And I heard na nawawala si Hailey? I guess, nagtatago na siya ngayon. Hindi naman kasi basta basta ang lalaking binangga niya. He's known for being a heartless bad boy. Actually, silang magpipinsan. They're powerful inside and outside the country, kaya hindi na ako magtataka pa kung si Eros mismo ang makahanap sa kaniya. Lalo na at hindi siya pumayag na mabayaran ng kahit anong halaga ng pera ang sinirang sasakyan ng kakambal mo."
Napalunok ako. Hindi tuluyang ma-proseso ng isip ko ang mga sinabi ni Ria. Hindi kayang tanggapin ng utak ko.
"P—pwede naman sigurong... ipa-repair ang sasakyan?" Mahinang tanong ko, medyo naguguluhan pa.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Ria. "Tama nga sila. Masyado kang inosente." I slightly pouted. "The car is beyond repair, Ate. Kung maayos man 'yon ng pinaka-magaling na technician sa buong mundo ay alam kong hindi pa rin mabubura sa isip ni Eros ang nangyari. As what I've said, the car is his prized possession. No one gets to touch it except for him only. Kahit nga mga pinsan niya ay ayaw niyang pahiramin doon o kahit pahawakan man lang. You could just imagine an angry devil, Ate. That's how angry Eros was that night. Kaya ko nga sinabing bawal ka dito kasi baka mapagkamalan kang si Hailey. Tumatak sa isipan ng mga racers at kahit ng mga audience ang mukhang 'yon."
Dahil sa huling sinabi ni Ria ay mas lalo lang akong kinabahan. Kumabog ng mabilis ang dibdib ko habang iniisip na ang mga posibleng mangyari.
Then... should I leave?
Kung gagawin ko 'yon ay hindi ko rin makikita ang tatlong lalaki na kasama ni Hailey. I don't know. I just feel like they're here tonight too. Sila ang kasama ni Hailey kaya sila rin ang tatanungin ko kung saan siya posibleng nagtatago ngayon. O kung nagtatago talaga siya.
I shouldn't leave. I shouldn't feel guilty. Hindi naman ako ang sumira ng sasakyan ng lalaki. So, I'm assuming that I will not be in trouble tonight as I silently looked for those three guys who was with Hailey that night. And I'll just pray to God that Eros will have his own peace of mind sooner or later.
"Shit! Nandito si Eros! Kompleto silang magpi-pinsan ngayon na sasali sa race!"
I closed my fist tightly. I prayed to God that He'll give me more strength and that, He'll guide me so I can survive this night.
Chapter 3: Green Eyes"Holy, sino ba kasi ang hinahanap mo dito? Hindi naman siguro si Eros ang pakiki-usapan mo para sa atraso ng kakambal mo di ba?" Mahinang bulong sa akin ni Ria. Umiling ako at kaagad na nag-iwas ng tingin sa gawi kung nasaan ang mga lalaking magpi-pinsan."No. I'm looking for those three particular men na kasama ni Hailey sa labas ng school. Isa doon ang may-ari ng sports car na sinakyan ni Hailey. I just want to ask them kung may ideya ba sila kung nasaan ang kapatid." I sighed and bit my lower lip. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na mahahanap ko rin ang kakambal ko. I don't want her to run away like this, lalo na at nag-aalala ang mga magulang namin. "Okay. Sasamahan kita sa paghahanap sa kanila, pero huwag na huwag kang titingin sa mga mata ng ibang tao rito dahil baka mapagkamalan ka pang si Hailey. That would be a big trouble, Holy." I pouted and nodded at her obediently. Slightly bothered with what she called me. Kanina ay tinawag niya akong Ate Holy
Chapter 4: Offer"I'm really sorry about Eros, Holy. Nasaktan ka ba doon sa pagkakahawak niya?" Jacobi asked. Nasa parking na kami ngayon kung saan nangyayari ang drag race ngayon. Alexa and Katrina are already with us. They both saw the commotion too, pero hindi na nila nagawa pang lumapit lalo na at nagkumpulan na ang mga tao. They were both worried, and I really appreciate that.Tipid akong ngumiti kay Jacobi at umiling. Sa totoo lang, masakit talaga ang klase ng pagkakahawak ng lalaki kanina. Sa katunayan ay nag-marka pa nga ito, pero ayaw ko nang dagdagan pa ang pag-aalala nila. "No, I'm fine. Nagulat lang talaga ako. I didn't expect for him to act like that. Siguro nga ay ganoon talaga kalala ang ginawa ni Hailey sa kaniya para umakto siya ng ganon. Hindi ko rin naman siya masisisi. I understand him.""No. What he did was wrong pa rin, Holy. That's harassment already. At kailanman hindi naging tama ang harassment." Katrina shook hear head. I smiled at her to show my gratitude.
Chapter 5: I Do"Nababaliw ka na!" Mabilis akong umiling sa lalaki habang nakakunot ang noo at halos hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. "Hindi basta basta lamang ang pagpapakasal! Nagpapakasal lamang ang dalawang taong nagmamahalan, at hindi dahil upang mabayaran ang isang utang." A smirked escaped from his own lips as he stared at me darkly. I bit my lower lip unconsciously, at nakita kong bumaba ang tingin niya doon. He licked his lower lip before looking at me straight in the eyes."That's not really a problem. We can just marry first, and then fall in love while we're together. See? There's already a solution to your problem, so I know that you can't say no anymore—""Hindi." Mariin kong putol dito. "Hindi pa rin ako papayag sa gusto mong mangyari. Hindi pa rin sapat na dahilan iyan para magpakasal ako. I don't even know you."Sagrado ang kasal para sa akin. And this is certainly not the kind of marriage proposal that I've dreamed of since I was a kid. I want to marry the
Chapter 6: Rules and Terms "Ang sabi mo sa akin ay kukunin lang natin ang singsing," mahinang saad ko nang makalabas na kami opisina ng Judge na mukhang kamag-anak niya rin. Nakahawak na siya ngayon sa aking baywang, mahigpit iyon at parang nag-aangkin sa klase ng pagkakahawak niya. Hindi pa rin lubos na pumapasok sa utak ko ang lahat ng mga nangyayari. Everything was too fast. Sa isang iglap ay kasal na ako... kasal na ako sa lalaking wala akong ni isang ideya tungkol sa kaniyang pagkatao. I might know his name, but I don't have any idea what he is as a person. I only seen a glimpse of him... and I really don't like that persona of him. Mainitin ang ulo at marahas.At nakakatakot. Nakakatakot na makisama sa taong kagaya niya... na mukhang hindi marunong magpatawad. I sighed. But then, I will do everything to somewhat change that attitude of him sa pamamagitan ng Diyos, dahil naniniwala akong kaya niya pang baguhin 'yon, pero sisiguraduhin ko munang... gusto niya nga. "Baby," Naka
Chapter 7: Bet Tumikhim ako at napakurap. Prente na siyang naka-upo ngayon sa sofa. Bahagyang nakahiwalay ang mga hita, mukhang hinihintay talaga na maupo ako sa... kaniyang hita. Nalilito ako. Marami namang upuan, kaya bakit sa hita niya pa ako pauupuin? Hindi ba niya alam na masyado iyong... Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at napabuntong hininga. "M—May... May upuan naman," medyo nag-iinit ang pisngi na saad ko habang bahagyang napanguso. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Eros. His lips twitched a bit, like he didn't like what I said. "I know, baby. I just want you to sit on my lap. Is it that hard to do?" May inis sa boses nitong tanong. Kumunot ang noo ko at nag-iwas ng tingin. Lumapit ako sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi. Wala na siyang nagawa doon, pero narinig ko naman ang parang nafa-frustrate na niyang pagbuntong-hininga. "Tama na, Eros. Sabihin mo na ang mga terms at conditions mo nang makauwi na ako. Marami pa akong gagawin na mga proyekto." Saad ko.
Chapter 8: Mrs. Salvatore"Shut the fuck up, Paul, or I'll fucking make you." Marahan kong hinawakan ang braso ni Eros nang makitang nakakunot na ang noo nito habang nakatingin sa lalaking nasa harap. Eros' jaw was clenched tightly as he sends a death glare to the man named Paulo. "Tama na, Eros. Just... race, para makauwi na tayo." Malambot kong saad sa kaniya. Akala ko pa ay magagalit ito ngunit napahinga lang ako ng maluwag nang tumingin ito. His face softened as he dropped a kiss on my forehead again. Hindi ko maiwasang mapapikit nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa aking noo. "Okay, baby. Please watch me, hmm?" Malambing nitong saad na tinanguan ko lang. Bahagya akong nagtago sa dibdib niya nang maramdaman na naman ang iba't-ibang titig ng mga tao sa amin. Ramdam na ramdam ko 'yon, lalo na mula sa mga kaibigan ni Eros.Iginiya niya ako papunta sa isang upuan. Nang iwan niya ako doon ay nakita ko pang kinausap niya ang mga kaibigan, lalo na iyong Paul. Hindi ko lang mari
Chapter 9: Professor Sa huli ay hinatid ako ni Eros sa bahay. Nanatili lang akong tahimik sa buong biyahe kahit na rinig na rinig ko naman ang panay pagbuntong-hininga ng katabi ko. Mukhang hindi mapakali lalo na at sa tuwing hihinto ang sasakyan niya sa red light ay mararamdaman ko kaagad ang malalim nitong titig sa akin. This time, he used one of his sports car to send me home. Mayaman siya kaya alam kong marami siyang pagpipilian ng sasakyan talaga. The whole ride, Eros tried to reach for my hand ngunit iniiwas ko lang iyon. Panay ang mahihina at masuyo niyang pagtawag sa pangalan ko pero nong nakuha niyang wala talaga akong balak na kausapin siya ay tumahimik nalang din.I sighed. Hindi ko naman ugaling magalit. Siguro ay... matakot lang ako, nainis, o nagtampo dahil siya lang talaga ang taong nagagawa akong sigawan. No one has ever shouted at me before. Nakakapanibago lang na siyang estranghero pa sa akin ay nagagawa akong ganon-ganonin. And he indirectly told me I was stupid
Chapter 10: ServeHindi ako mapakali habang nasa loob ng classroom at nagtuturo si Eros. Paano ba naman ay panay ang tingin nito sa gawi ko. Mabuti sana kung pasimpleng tingin lang ang ginagawa niya, kaya lang ay nagtatagal talaga ang mga titig nito sa akin. At alam kong maging so Joshua ay napapansin na rin iyon kaya napapaiwas nalang ako ng tingin.Nang matapos ang klase ay doon na ako nakahinga ng maluwag. It was the longest minutes that I've been through, and thanks God it's done now. "See you tomorrow, class." Malamig na saad ni Eros. Napatingin ulit ito sa akin kaya napanguso ako at kaagad na nag-iwas ng tingin. "I'll be changing the seating arrangements tomorrow. Hindi ko gusto kung gaano kayo kalapit sa isa't isa ngayon. That would be easier for you guys to copy to your seatmates." Napatingin ako kay Eros dahil sa sinabi nito. I immediately noticed his sharp estate towards Joshua who seemed still oblivious of the death glare that Eros was giving him.I sighed deeply. Ano kaya