Chapter 1: Bad Girl
Sa buong araw na iyon ay nanatili akong tahimik at malalim ang iniisip. Nag-aalala ako para sa kakambal ko. I know that she told me she'll win and everything just to have that car. I know that she was confident that she'll win, pero hindi ko pa rin talaga maiwasang mag-alala. Hindi naman siguro mawawala 'yon lalo na at kambal kaming dalawa. We have some sort of connection that no one else would probably understand.
I sighed.
"Pang-ilang buntong-hininga mo na 'yan, Holy?" Napakurap ako nang bigla nalang nagsalita si Feby na hindi ko napansing nasa harap ko na pala. "Kanina ko pa napapansin iyang malalalim mong buntong-hininga habang nasa klase pa tayo, ah? May problema ba?" Dagdag niya habang inilalagay sa aking harapan ang mga in-order niyang pagkain para sa akin.
Nasa cafeteria kami ngayon ng university. It was our lunch time already at tatlong subjects nalang ang natitira ngayong hapon na papasukan ko. Pagkatapos ng klase ay sisiguraduhin kong makakauwi ako kaagad upang matingnan kung nakauwi na rin ba si Hailey.
I smiled and shook my head at Feby. As much as I wanted to tell her the truth, I can't. Pinipigilan ko lang ang sarili kong makapag-sabi sa kaniya sa kung ano ang totoong problema dahil ayaw kong... mag-alala siya. Feby has been my only friend since first year college. She was the one who got close with me, and despite our differences as an individual, we were still able to click together. I don't know, maybe because we both love books and its smell.
"Wala? Wala ba talaga o tinatago mo lang?" Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Feby has strong sense. Bakit ba lagi ko nalang iyong nakakalimutan? That is the reason why I couldn't keep so many secrets from her dahil malakas ang pang-amoy niya. She knows it when I am lying or not. And definitely, she knows that I am lying right now.
"Ano? Hinulaan ko na kaagad. Si Hailey na naman ang problema mo, ano? May narinig na naman kasi akong sabi sabi kanina na may nakakita daw kay Hailey na sumakay sa isang itim na sport's car. Iyon ba? Iyon ba ang problema mong hindi mo halos masabi-sabi?" Ngumiwi si Feby. "Hindi ka nagkakaproblema sa pag-aaral, kundi sa kakambal mong mas matanda sa'yo."
I bit my lower lip and shook my head. "Ilang minuto lang naman ang tanda niya sa akin e."
"Exactly!" Feby snapped her finger to prove her point. "Ilang minuto lang ang tanda niyong dalawa, pero mas matanda pa rin siya. Kaya dapat sana, imbes na siya ang sasawayin sa mga maling ginagawa niya, imbes na siya ang magpaka-role model sa inyong dalawa dahil mas matanda nga siya, e ikaw pa itong mas nagmumukhang matanda sa inyong dalawa. Seriously, we both know you're way mature than her. Kaya hindi na rin ako magtataka pa kung problema din siya ni Tito"
I closed my eyes and sighed. "Lahat naman siguro ng mga magulang, nagkaka-problema talaga sa mga anak, Feb. And besides, I don't want to be compared with my sister in any way. She hates it so much, and I don't want to make her more angry."
Feby made a face but didn't say anything anyway.
We changed the topic afterwards while eating our food. Pagkatapos naman naming kumain ay dumiretso na siya sa kaniyang klase, habang ako ay napagpasyahang pumunta na muna sa library dahil bakante naman ang oras ko ngayon. 1:45 pa ang klase ko ngayong hapon kaya medyo malaki pa ang oras ko para makapag-basa ng libro.
Nginitian ko kaagad si Mrs. Olivia. Ang librarian namin dito.
"Good afternoon, Olivia." I silently greeted her.
She let out a genuine smile and nodded. "Good afternoon, Holy. It's nice seeing you here again. Araw-araw ka talaga dito at walang palya,"
I chuckled. "Vacant po kasi namin ngayon at sa 1:45 ang klase ko ngayong hapon. Medyo mahaba ang oras ko ngayon sa pagbabasa kaya sana huwag kayong maumay sa mukha ko, Misis." Pagbibiro ko pa na siyang tahimik niyang ikinabungisngis.
"Kailan ba ako naumay sa pagmumukha mong 'yan, Holy? Araw-araw ka dito at sanay na ako. At saka, masyado kang maganda para maumay ako. Mas gusto ko ngang nandito ka dahil dumadami ang mga napaparitong estudyante." Ngumisi siya. "Mga lalaki nga lang,"
I shook my head and smiled. Pagkatapos naming pag-usap ng halos tatlong minuto ay kaagad na akong dumiretso sa usual na pwesto ko rito. Malapit iyon sa bintana at palagi ko itong binubuksan upang makalanghap ng sariwang hangin mula sa mga puno na nasa likod lang ng library. The university has a mini forest behind the library, which I really find refreshing.
Kaagad kong binuksan ang librong binabasa ko kahapon, and no, it wasn't a book for romance. Libro ito sa isang subject ko. Kailangan ko lang mag-advance study dahil may mga parte ritong medyo nahihirapan ako.
Sobrang focus na focus ako sa pagbabasa ngunit naputol lang nang may tatlong babaeng tumabi sa lamesa kung nasaan ako. They were talking in a hushed tone pero rinig na rinig ko pa rin, and it was distracting me. Sabihan na akong maarte pero talagang nakaka-distract naman. Idagdag pa na they were being careless with their things too. Halos padabog nila ito kung ilagay sa lamesa!
My eyebrows furrowed before sighing. Gusto ko lang sawayin pero ayaw ko namang masamain nila 'yon.
I shook my head and tried to focus on the book pero talagang naririnig ko ang mga boses nila! They're just near me, and although they're talking in a hushed voice, ramdam na ramdam kong gusto nila iyong isigaw nalang.
I bit my lower. I closed my eyes tightly and asked for God's patience.
"I just can't believe Eros Hunter Salvatore is back in the country! And I heard na pupunta daw siya sa drag race mamaya! Gosh, I'm so excited!"
I frowned. If they're just going to talk and talk, then they shouldn't be here in the library in the first place.
"And his cousin, Declan Gavion Salvatore is going to be there too, my gosh! It's going to be more exciting, I swear!"
"I guess, we're not going to attend two last class nalang. We should prepare since this is a big night! Minsan lang kung umuwi dito sa Pilipinas ang dalawang 'yon kaya dapat na nating sulitin ang pag-uwi nila ngayon...!"
Mabilis akong napalingon sa gawi nila nang marinig ang sinabi ng isang babae. Bahagyang napakunot ang noo ko.
I can't believe that they're willing to skip class just to see those men whom I don't even have any idea who. What? Are they a celebrity or something for them to gush so much?
Napansin ako ng isang babae na nakatingin kaya kaagad niyang sinenyasan ang mga kasama niyang nakatingin nga ako.
One of the girls smiled genuinely. "Hi, Holy."
And they even know me. I smiled back softly.
"Hello..."
"Oh My God, nagsasalita pala siya? Akala ko hindi? Sabi ng ibang seniors na masungit daw e. Hindi naman. Ang bait bait nga at ang ganda ganda pa."
"Shush, Katrina, tahimik. Baka 'yong kakambal niya ang tinutukoy nong mga senior. May kakambal daw siya e. Pero hindi halos mahagilap dito sa school kasi laging nagka-cutting."
I shook my head as I slowly gathered my things.
"Oh, really? Her twin might be the bad girl between them."
Nilingon ko ang tatlong babae at tipid na nginitian. They looked younger than me. Ngayon ko lang napansin. Maybe they're still a freshman.
I sighed. "You three should not cut class for those boys that you guys are talking about. Trust me, it's not going to be worth it." I smiled at them, completely dumbfounded of what I said before walking away.
I puffed out a loud breath.
Well, what I said was true anyway. Hindi ko man kilala ang mga lalaking pinag-uusapan nila, but the fact that the girls are willing to cut class for them is just... a bad case for me already.
I'm not even being judgemental. Iniisip ko lang kung gaano ba ka-gwapo o ka-maimpluwensiya ang mga taong 'yon para puntahan pa nila at ipagpalit sa eskwela.
Natapos ang buong araw na 'yon na iniisip ang kung ano mang nangyari sa kakambal ko. Pagkatapos ng klase ay nagmamadali na ako sa pag-uwi. Mabuti na lamang at maaga si Mang Kadyo noong hapon na 'yon at nakauwi ako kaagad.
Pero nadismaya rin nang malamang wala pa pala si Hailey. Hanggang sa makauwi si Papa mula sa trabaho at hanggang matapos na kami sa hapunan ay hindi pa rin ito dumating.
I was getting more impatient and worried as seconds goes by. Gusto kong sabihin kay Papa ang nangyayari pero... ayaw ko ring magalit nang tuluyan si Papa kay Hailey. Nag-aalala ako sa kung ano nang nangyari dito... so, I waited.
Nang makapasok ako sa aking kwarto ay tahimik akong nagdasal na sana ay makakauwi si Hailey ngayong gabi na walang gasgas. That's the only thing that I could do for now, dahil hindi rin naman ma-contact ang cellphone niya.
Chapter 2: Survival"Hailey?" Naalimpungatan ako nang makarinig ng kung anong ingay sa loob ng aking kwarto. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at nang maaninag ang taong kasalukuyang binubuksan ang mga drawer ko ay mabilis akong napabangon."Hailey? You're home. Bakit ang tagal mo?" Tanong ko at dahan-dahan nang sinuot ang aking tsinelas. Hindi ito sumagot, bagkus ay nagpatuloy lang ito sa pag-bubukas ng drawer at iniipon naman sa mesa ang mga alahas na nakukuha niya. Pati ang relo na regalo niya sa akin noong birthday namin ay kinuha rin niya.My forehead creased in confusion. I don't understand why she's inside my room right now, and what's even more weird is that... she was getting all the jewelry that I have."What are you doing, Hailey? Bakit mo kinukuha 'yang mga gamit ko? All of that are gifts from—""I don't care, Holy. Just... shut up and let me leave with this shits you are keeping." She snapped at me. My heart clenched when I heard what she said. All of those things are a g
Chapter 3: Green Eyes"Holy, sino ba kasi ang hinahanap mo dito? Hindi naman siguro si Eros ang pakiki-usapan mo para sa atraso ng kakambal mo di ba?" Mahinang bulong sa akin ni Ria. Umiling ako at kaagad na nag-iwas ng tingin sa gawi kung nasaan ang mga lalaking magpi-pinsan."No. I'm looking for those three particular men na kasama ni Hailey sa labas ng school. Isa doon ang may-ari ng sports car na sinakyan ni Hailey. I just want to ask them kung may ideya ba sila kung nasaan ang kapatid." I sighed and bit my lower lip. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na mahahanap ko rin ang kakambal ko. I don't want her to run away like this, lalo na at nag-aalala ang mga magulang namin. "Okay. Sasamahan kita sa paghahanap sa kanila, pero huwag na huwag kang titingin sa mga mata ng ibang tao rito dahil baka mapagkamalan ka pang si Hailey. That would be a big trouble, Holy." I pouted and nodded at her obediently. Slightly bothered with what she called me. Kanina ay tinawag niya akong Ate Holy
Chapter 4: Offer"I'm really sorry about Eros, Holy. Nasaktan ka ba doon sa pagkakahawak niya?" Jacobi asked. Nasa parking na kami ngayon kung saan nangyayari ang drag race ngayon. Alexa and Katrina are already with us. They both saw the commotion too, pero hindi na nila nagawa pang lumapit lalo na at nagkumpulan na ang mga tao. They were both worried, and I really appreciate that.Tipid akong ngumiti kay Jacobi at umiling. Sa totoo lang, masakit talaga ang klase ng pagkakahawak ng lalaki kanina. Sa katunayan ay nag-marka pa nga ito, pero ayaw ko nang dagdagan pa ang pag-aalala nila. "No, I'm fine. Nagulat lang talaga ako. I didn't expect for him to act like that. Siguro nga ay ganoon talaga kalala ang ginawa ni Hailey sa kaniya para umakto siya ng ganon. Hindi ko rin naman siya masisisi. I understand him.""No. What he did was wrong pa rin, Holy. That's harassment already. At kailanman hindi naging tama ang harassment." Katrina shook hear head. I smiled at her to show my gratitude.
Chapter 5: I Do"Nababaliw ka na!" Mabilis akong umiling sa lalaki habang nakakunot ang noo at halos hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. "Hindi basta basta lamang ang pagpapakasal! Nagpapakasal lamang ang dalawang taong nagmamahalan, at hindi dahil upang mabayaran ang isang utang." A smirked escaped from his own lips as he stared at me darkly. I bit my lower lip unconsciously, at nakita kong bumaba ang tingin niya doon. He licked his lower lip before looking at me straight in the eyes."That's not really a problem. We can just marry first, and then fall in love while we're together. See? There's already a solution to your problem, so I know that you can't say no anymore—""Hindi." Mariin kong putol dito. "Hindi pa rin ako papayag sa gusto mong mangyari. Hindi pa rin sapat na dahilan iyan para magpakasal ako. I don't even know you."Sagrado ang kasal para sa akin. And this is certainly not the kind of marriage proposal that I've dreamed of since I was a kid. I want to marry the
Chapter 6: Rules and Terms "Ang sabi mo sa akin ay kukunin lang natin ang singsing," mahinang saad ko nang makalabas na kami opisina ng Judge na mukhang kamag-anak niya rin. Nakahawak na siya ngayon sa aking baywang, mahigpit iyon at parang nag-aangkin sa klase ng pagkakahawak niya. Hindi pa rin lubos na pumapasok sa utak ko ang lahat ng mga nangyayari. Everything was too fast. Sa isang iglap ay kasal na ako... kasal na ako sa lalaking wala akong ni isang ideya tungkol sa kaniyang pagkatao. I might know his name, but I don't have any idea what he is as a person. I only seen a glimpse of him... and I really don't like that persona of him. Mainitin ang ulo at marahas.At nakakatakot. Nakakatakot na makisama sa taong kagaya niya... na mukhang hindi marunong magpatawad. I sighed. But then, I will do everything to somewhat change that attitude of him sa pamamagitan ng Diyos, dahil naniniwala akong kaya niya pang baguhin 'yon, pero sisiguraduhin ko munang... gusto niya nga. "Baby," Naka
Chapter 7: Bet Tumikhim ako at napakurap. Prente na siyang naka-upo ngayon sa sofa. Bahagyang nakahiwalay ang mga hita, mukhang hinihintay talaga na maupo ako sa... kaniyang hita. Nalilito ako. Marami namang upuan, kaya bakit sa hita niya pa ako pauupuin? Hindi ba niya alam na masyado iyong... Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at napabuntong hininga. "M—May... May upuan naman," medyo nag-iinit ang pisngi na saad ko habang bahagyang napanguso. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Eros. His lips twitched a bit, like he didn't like what I said. "I know, baby. I just want you to sit on my lap. Is it that hard to do?" May inis sa boses nitong tanong. Kumunot ang noo ko at nag-iwas ng tingin. Lumapit ako sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi. Wala na siyang nagawa doon, pero narinig ko naman ang parang nafa-frustrate na niyang pagbuntong-hininga. "Tama na, Eros. Sabihin mo na ang mga terms at conditions mo nang makauwi na ako. Marami pa akong gagawin na mga proyekto." Saad ko.
Chapter 8: Mrs. Salvatore"Shut the fuck up, Paul, or I'll fucking make you." Marahan kong hinawakan ang braso ni Eros nang makitang nakakunot na ang noo nito habang nakatingin sa lalaking nasa harap. Eros' jaw was clenched tightly as he sends a death glare to the man named Paulo. "Tama na, Eros. Just... race, para makauwi na tayo." Malambot kong saad sa kaniya. Akala ko pa ay magagalit ito ngunit napahinga lang ako ng maluwag nang tumingin ito. His face softened as he dropped a kiss on my forehead again. Hindi ko maiwasang mapapikit nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa aking noo. "Okay, baby. Please watch me, hmm?" Malambing nitong saad na tinanguan ko lang. Bahagya akong nagtago sa dibdib niya nang maramdaman na naman ang iba't-ibang titig ng mga tao sa amin. Ramdam na ramdam ko 'yon, lalo na mula sa mga kaibigan ni Eros.Iginiya niya ako papunta sa isang upuan. Nang iwan niya ako doon ay nakita ko pang kinausap niya ang mga kaibigan, lalo na iyong Paul. Hindi ko lang mari
Chapter 9: Professor Sa huli ay hinatid ako ni Eros sa bahay. Nanatili lang akong tahimik sa buong biyahe kahit na rinig na rinig ko naman ang panay pagbuntong-hininga ng katabi ko. Mukhang hindi mapakali lalo na at sa tuwing hihinto ang sasakyan niya sa red light ay mararamdaman ko kaagad ang malalim nitong titig sa akin. This time, he used one of his sports car to send me home. Mayaman siya kaya alam kong marami siyang pagpipilian ng sasakyan talaga. The whole ride, Eros tried to reach for my hand ngunit iniiwas ko lang iyon. Panay ang mahihina at masuyo niyang pagtawag sa pangalan ko pero nong nakuha niyang wala talaga akong balak na kausapin siya ay tumahimik nalang din.I sighed. Hindi ko naman ugaling magalit. Siguro ay... matakot lang ako, nainis, o nagtampo dahil siya lang talaga ang taong nagagawa akong sigawan. No one has ever shouted at me before. Nakakapanibago lang na siyang estranghero pa sa akin ay nagagawa akong ganon-ganonin. And he indirectly told me I was stupid