Share

Stuck In The Devil's Arms
Stuck In The Devil's Arms
Author: Resurgence

Prologue

Prologue

"Bagsak ka na naman, Hailey! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, ha?! Nag-bubulakbol ka na naman!" 

Kakapasok ko pa lamang sa loob ng bahay ay narinig ko na ang malakas na sigaw ni Papa mula sa kusina. Umagang-umaga pa lamang at kagagaling ko lang mula sa pamamalengke kasama si Ate Kitkat ay iyon na kaagad ang bubungad sa akin. 

Nagkatinginan kami ni Ate Kitkat. Tipid itong ngumiti sa akin, ako naman ay napabuntong-hininga na lamang. 

"At ipinatawag na naman ang Tita Gracie mo sa Dean's office! Masyado nang nakakahiya itong mga ginagawa mo! Laman ka na ng Dean's office! Wala pang palya! Mukhang hindi yata tatahimik ang isang buwan mo kapag hindi ka napupunta sa Dean's office. Gagawin mo bang tirahan 'yon, Christin?" Rinig ko pang dagdag na naman ni Papa sa galit na boses. Ayaw ko nang makarinig pa ng panibagong masasakit na salita para sa kakambal ko kaya mas minabuti kong pumasok na sa kusina. Sumunod naman si Ate Kitkat.

"Good morning, Papa." I called out to him softly. Kaagad naman itong napalingon sa gawi ko. From his angry expression, I saw how his face softened when he saw me carrying a basket of vegetables in my hand. 

Papa sighed deeply and nodded. He smiled back, and that was my cue to kiss him on the cheeks.

I heard Hailey's loud sigh, and when I looked at her, she immediately rolled her eyes at me. I smiled. I'm used to it, and I'd love to think that that's just her own way of saying she loves me too.

"Good morning, Holy. Sumama ka naman kay Kitkat. I told you before na hindi mo naman kailangang sumama sa kaniya lalo na at may klase ka pa ngayon," Malambing na saad nito sa akin. Ngumiti ako kay Papa at nilapag ang mga pinamili sa counter upang maayos na ang mga iyon ni Ate sa loob ng fridge.

"You know how much I love going out to the wet market, Papa. At saka, maaga naman akong nagigising at pumupunta sa palengke. Sinadya namin mas agahan ni Ate Kitkat para presko ang mga gulay at siyempre, para hindi ako ma-late sa klase." Saad ko bago bumaling kay Hailey at ngumiti kahit na nanatiling nakaiwas ang paningin nito sa akin habang naka-krus ang mga braso. "Good morning, Ate Hailey."

"Ikaw kaya ang ma-sermonan sa umaga, Holy, tingnan lang natin kung magiging maganda pa rin ba ang buong araw mo." Umismid ito sa akin dahilan para makagat ko ang pang-ibaba kong labi. 

I sighed. "Hindi ka naman mapapagalitan ni Papa kung wala kang ginagawang masama..." Malumanay kong saad na kaagad namang sinang-ayunan ni Papa.

"Your twin's right, Hailey. Hindi kita papagalitan kung hindi ka nag-bubulakbol. Kung ano ano ang inaatupag mo imbes na mag-focus sa pag-aaral. Kaya ka bumagsak dahil puro ka barkada. When are you going to fix your life, Hailey, seriously?" 

I saw how Hailey's face crumpled with irritation. Her jaw clenched tightly as she gritted her teeth. 

"You and your favorite child, Dad." Buong pait ang boses nito bago bumaling sa amin. "No wonder kaya ka iniwan ni Mommy e. Pareho kayo nitong si Holy. Boring and plain." Saad nito at kaagad na tumayo bago naglakad palabas ng dining area.

"Hailey!" Malakas na sigaw ni Papa. Akmang tatayo na ito nang kaagad ko itong pigilan sa pamamagitan ng pag-hawak sa magkabila niyang balikat.

"Calm down, Papa. Hayaan mo na muna si Hailey. She's just stressed out. Give her time. Ako na ang kakausap sa kaniya." Pagpapaintindi ko pa sa aking Ama. Malakas itong bumuntong-hininga at tumango.

"Please do so, Holy. Dahil hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko diyan sa kakambal mo. She's supposed to be the role model between you two, lalo na at siya ang mas matanda ng ilang minuto, pero siya pa itong mas sakit sa ulo." Umiling ito. Halatang dismayado sa nangyayari ngayon sa kakambal ko.

Pagkatapos kong kumain ng agahan ay kaagad na akong dumiretso sa aking kwarto upang maligo at mag-bihis. I combed my long wavy hair and just let it flow freely on my back. Hindi ko ito pinupusod lalo pa at inaalagaan ko ang along ng mga ito, at isa pa, hindi rin talaga ako mahilig mag-pusod ng buhok. Ewan ko ba pero mas gusto kong nakalugay lang ito palagi kahit na minsan ay naiinitan na ako. 

My hair's one of my prized possession. I got it from my Mom... who left us for some unknown reason na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam at maging ng kakambal ko. Dad never said anything about it. He refused to, and I do understand him. Maybe it just hurts him too much that reminiscing it hurts him too.

Kinatok ko ang pinto ng kwarto ni Hailey, but no one answered. Si Ate Kitkat na ang nagsabi sa aking nauna na daw itong umalis. Nagmamadali pa ito, at kung hindi niya daw kilala ang Ate ay malamang iisipin niyang kaya ito nagmamadali ay dahil ayaw nitong mahuli si klase. Pero kilala niya daw ito, alam niyang iba na naman ang papasukan nito imbes na sa eskwela.

I sighed. 

I refused to think bad about Hailey. Palagi naman. Pero naisip ko ring minsan ko lang talaga siya mahagilap sa paaralan kahit na iisa lang ang pinapasukan namin. Kung nakikita ko naman siya ay nakatambay lang ito sa may bleachers, sa harap ng field kung saan may naglalaro ng soccer. At kasama niya rin lagi ang mga barkada niya.

I couldn't approach her, because she told me once that I shouldn't do it. Ayaw niya daw na napapalapit sa akin lalo pa at lagi siya naikokompara sa akin... which is sad. I don't want to be compared with my sister. She's my twin, my other half... and I know that she's just good as me. People just don't see that side of her. 

Hinatid ako ni Mang Kadyo sa university. Siya palagi ang naatasang maghatid-sundo sa amin ni Hailey, pero lagi naman itong hindi sumasabay sa akin. Minsan ay hinahatid lang ito ng mga kaibigan niya, o di kaya ay magco-commute lang. 

"Salamat Mang Kadyo. Una na po ako. Mag-iingat po kayo sa biyahe." Paalam ko bago tuluyang lumabas ng sasakyan.

"Salamat, hija. Good luck sa iyong klase." Ngumiti ako at tumango bago tuluyang isinara ang pinto ng sasakyan. Nang makaalis na ito ay kaagad na tumalikod at naglakad papasok sa gate nang mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na damit ng kapatid kong suot-suot niya kanina habang nag-aagahan. 

Nakasandal ito sa isang itim na sports car habang nakikipag-usap sa tatlong lalaki na hindi pamilyar sa akin. Sa halos araw-araw kong nakikita ang mga barkada niya ay masasabi kong nagiging pamilyar na sila sa akin. Kilala ko na ang bawat isa sa kanila lalo na at laman din sa social media ni Hailey ang mga ito. She always tag them whenever they take a picture while they're hanging out. 

Pero ang tatlong ito ay hindi ko kilala, at sigurado akong ngayon ko lang sila nakita. They weren't wearing a school uniform too kaya alam ko na kaagad na hindi sila estudyante rito. Today is still Tuesday. Bukas pa pwedeng mag-civilian ang mga estudyante kaya kung dito man nag-aaral ang tatlong lalaki ay paniguradong hindi rin sila makakapasok sa loob ng school.

I was contemplating for awhile kung dapat ko bang lapitan si Hailey. 

I sighed. Tiningnan ko ang pang-bisig kong relo at nang makitang kay thirty minutes pa ako bago mag-simula ang klase ay saka pa ako naglakad palapit sa gawi ni Hailey.

Kaagad akong nakita ng isa sa mga lalaki. He immediately signalled Hailey to look at me, and she did that lazily.

Nang makita ako ng kakambal ko ay kaagad itong napairap. Iritadong nag-krus ng mga braso habang tinitingnan akong papalapit.

Nang tuluyan na akong makalapit ay napasipol ang isang lalaki. "Phew. If it wasn't Hailey's Miss goody two shoes twin lil sister. Hey there, cutie." 

Hindi ako tumingin sa lalaki at bumaling nalang kay Hailey na ngayon ay nakahalukipkip habang nakatingin sa akin. Nakakunot ang noo at malamang sa malamang ay iritado na ito ngayon.

"Ano na namang kailangan mo? Sesermonan mo na naman ba ako, ha? Gagaya ka ba kay Daddy, ha?"

"Hindi kita sesermonan, Hailey. Gusto ko lang magtanong kung papasok ka ba—"

"Hindi. Hindi ako papasok. Tutal, bagsak na din naman na ako, bakit hindi ko pa sagad sagarin, 'di ba?" Nang-aasar at iritado nitong saad sa akin. "At kung nandito ka para pigilan ako, pwes, ngayon pa lamang sasabihin ko nang hindi mo ako mapipigilan sa gagawin kong 'to. May drag racing na magaganap mamaya kaya kailangan kong mag-ensayo. Kung mananalo ako ay makakakuha ako ng sasakyan."

I frowned at her. "Delikado iyon, Hail. Pwede ka namang magpabili kay Papa—"

"At sa tingin mo talaga pagbibigyan ako n'on? E ikaw lang naman ang paborito niya, kaya baka kapag ikaw ang nanghingi ng sasakyan ay bibilhan ka kaagad n'on ng walang kahit anong tanong." She raised her brow at me. "Pumasok ka na doon at huwag mo akong susundan, ha? Baka mapahamak ka pa at ako na naman ang sisihin ng magaling nating Ama."

I gasped. "Hail, don't be like that. Papa is just worried of you. Wala naman siyang ibang gusto kundi ang mapabuti ka, kaya please lang, huwag ka nang tumuloy sa drag racing na 'yan. Kung gusto mo ako nalang ang magsabi kay Papa na gusto mo ng sasakyan."

Her eyes narrowed at me. "Don't fucking do that. Mananalo ako at kaya hindi ko na kailangan pang maki-usap kay Daddy para sa bagay na 'yon. Umalis ka nalang. Mag-aral ka ng mabuti at maging mabait na anak. Doon ka naman magaling e." 

I was about to talk, but she already turned her back away.

"Tara na. Male-late na tayo sa practice." Saad niya sa tatlong lalaki at kaagad na umikot at pumasok sa driver's seat. 

The three guys nodded at me before they get inside the car too. 

Malungkot kong tinitigan ang papalayo ng sasakyan. I bit my lower lip and sighed. Papalayo na nang papalayo ang loob ni Hailey kay Papa. 

And I'm such a failure sister for not being able to stop her from getting away awhile ago. I'll just hope and pray that she'll get home safely. Just like what she always do.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status