Share

Sold To A Handsome Billionaire (Filipino)
Sold To A Handsome Billionaire (Filipino)
Author: Jay Sea

Chapter 1

"Kung hindi dahil sa 'yo ay hindi maaaksidente ang asawa ko na tito mo, Eliza! Ikaw ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa kanya," galit na paninisi kay Eliza ng kanyang Tita Linda na kapatid ng mahal niyang ina habang silang dalawa ay nasa ospital.

Dinala ang asawa nito na si Arthur dahil naaksidente ito. Nabangga ito habang dumatawid sa daan patungo sa pagbibilihan nito ng mansanas. Tinanong kasi niya si Eliza kung ano ang gusto na ipabili nito sa kanya kaya nagsabi naman ito sa kanya kung ano at 'yon nga ay mansanas. Mansanas ang gusto ni Eliza na bilhin niya.

Mahal na mahal kasi ni Arthur si Eliza. Kahit hindi niya tunay na anak ito ay tinuturing na niya itong tunay na anak simula nang tumira ito sa bahay nila. Ilang lubos na si Eliza. Anim na taon na ang nakalilipas nang mamatay ang mga magulang niya. Wala naman siyang kapatid na makakasama kaya nagdesisyon siya na sa bahay na lang ng kanyang Tita Linda tumira kasama ang asawa at anak nito.

Wala namang problema sa pamilya ng Tita Linda niya. Tinanggap naman siya nito lalo na ang Tito Arthur niya. Isa lang ang anak nito na lalaki na tinuring na rin niyang kapatid. Malapit silang dalawa sa isa't isa kaya para na talaga silang tunay na magkapatid.

Lahat ng sabihin ni Eliza lalo na ang nais niyang ipabili ay ginagawa talaga ng Tito Arthur niya kaya umalis kaagad ito sa bahay nila para bumili ng mansanas na pinabibili niya. Hindi lang naman 'yon ang bibilhin sana nito. May iba pang bibilhin pa ito. Gusto lang niya na isahan ang pagbili kaya tinanong niya si Eliza.

Sa kasamaang palad ay 'yon ang nangyari. Naaksidente ito. Wala namang may gusto ng nangyaring 'yon at hindi naman nila inaasahan na mangyayari 'yon. Lahat sila ay nabigla matapos malaman ang nangyaring 'yon. Nabigla sila. Pumunta kaagad sila sa ospital kung saan dinala si Arthur.

Sa nangyaring 'yon ay sinisisi si Eliza ng kanyang Tita Linda sa nangyaring 'yon sa asawa niya. Kung iisipin ay wala naman siyang kasalanan o kahit ang Tito Arthur niya dahil hindi naman nila inaasahan na mangyayari ang aksidenteng 'yon. Wala silang kasalanan na dalawa sa nangyaring 'yon.

Lumuluha tuloy si Eliza sa harapan ng kanyang Tita Linda habang pinapagalitan siya at sinisisi sa nangyaring 'yon sa asawa nito na si Arthur na tito na rin nga niya.

"Walang ibang puwedeng sisihin sa nangyaring 'to sa asawa ko na tito mo na rin kundi ikaw, Eliza. Walang iba at alam mo 'yan! Hindi siya malalagay sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa 'yo, Eliza! Oo. Sinisisi nga kita at totoo 'yon. Totoo na ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit naaksidente ang Tito Arthur mo. Hindi mangyayari ito kung hindi dahil sa 'yo. 'Wag sasama ang loob mo sa sinasabi kong 'to sa 'yo dahil ito ang totoo," sabi pa ng Tita Linda niya sa kanya na dinuduro-duro pa siya.

Naluluha rin ang Tita Linda niya sa kanya. Siguro dahil sa galit sa kanya dahil siya ang sinisisi nito sa nangyaring 'yon sa asawa niya.

Pinagtitinginan tuloy sila ng mga taong nandoon ngunit balewala lang 'yon sa kanilang dalawa. Eliza cleared her throat and sighed deeply before she speaks to her aunt who is furious and blaming her for what happened to her husband.

"Tita Linda, hindi ko naman po ginusto na mangyari 'yon, eh. Hindi po natin ginusto na mangyari 'yon kay Tito Arthur na asawa mo po. Wala pong may gusto na mangyari 'yon sa kanya at saka po ay hindi naman natin alam na maaksidente po siya, Tita Linda. Kung alam ko lang po na maaksidente siya ay hindi na ako nagsabi ng ipabibili ko sa kanya. Hindi ko na po gagawin 'yon, eh. Gusto ko po sabihin sa 'yo na tinanong lang naman po ako niya kanina kung ano po ang gusto ko na ipabili sa kanya at sinabi ko naman nga po sa kanya na mansanas ang gusto ko na ipabili sa kanya. Kung hindi po ako niya tinanong ay hindi naman po ako magsasabi ng kung ano ang gusto ko na ipabili sa kanya. Hindi ko po inutusan si Tito Arthur na bumili lang ng mansanas na 'yon. May iba pa po siyang bibilhin, eh. Hindi lang naman 'yon na sinabi ko sa kanya," sagot ni Eliza sa Tita Linda niya bilang paliwanag niya ng totoo.

"Maniwala man po kayo o sa hindi ay nagsasabi po ako ng totoo, Tita Linda. Hindi ko po inutusan lang si Tito Arthur na bumili ng mansanas. May iba pa pong bibilhin siya kaya tinanong niya ako kung ano ang gusto ko na ipabili sa kanya para isahan na lang po ang pagbili niya. 'Wag n'yo po akong sisihin, Tita Linda."

Sinamaan pa lalo si Eliza ng kanyang Tita Linda matapos niyang sabihin sa harapan nito na huwag siyang sisihin sa nangyaring 'yon. Nagsalita nga kaagad ito matapos niyang sabihin 'yon.

"A-Ano? Ano'ng sinabi mo, Eliza? Huwag kitang sisihin, huh?" Tumango kaagad si Eliza matapos siyang tanungin ng Tita Linda niya.

"Opo, Tita Linda. Huwag mo po akong sisihin sa nangyaring 'yon sapagkat—"

"Sapagkat ano, huh?" Nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Eliza ang Tita Linda niya. Natatakot tuloy siya sa nakikita niyang reaksisyon ng mukha nito sa harapan niya.

Napalunok ng kanyang laway si Eliza bago sumagot muli sa Tita Linda niya.

"Huwag mo po akong sisihin sa nangyaring 'yon kay Tito Arthur sapagkat wala naman po akong kasalanan, eh. Hindi ko naman po kasalanan kung bakit nangyari 'yon sa kanya, Tita Linda. Hindi ko naman po ginusto 'yon o alam na mangyayari nga 'yon sa kanya kaya hindi mo po ako puwedeng sisihin, eh," dahan-dahan na sagot ni Eliza sa Tita Linda niya.

Tama naman nga siya sa sinabi niya ngunit hindi 'yon tatanggapin ng kanyang Tita Linda. Siya pa rin ang dahilan kung bakit naaksidente ito. Siya ang sisihin nito at may kasalanan.

"Anong hindi mo kasalanan 'yon, Eliza? Kasalanan mo 'yon! Huwag mong sasabihin na wala kang kasalanan dahil kung hindi dahil sa 'yo ay hindi mangyayari ang lahat ng 'to! Hindi maaksidente ang asawa ko. Mahirap na nga tayo, 'di ba? Naghihirap na tayo tapos ngayon ay may problema na naman tayong kailangan na harapin! Hindi mo ba naisip na malaking halaga ng pera ang kailangan ng Tito Arthur mo para sa operasyo niya? Saan tayo kukuha ng malaking halaga ng pera para sa gagawin na operasyon ng Tito Arthur mo, huh? May pera ka ba, huh? Wala naman, 'di ba? Kasalanan mo ang lahat ng 'to. Walang iba. Ikaw lang talaga, Eliza. Kung hindi dahil sa 'yo ay hindi maaksidente ang asawa ko. 'Wag ka nang magreklamo o ano pa sa harapan ko! Tanggapin mo na lang na ikaw ang may kasalanan kaya nangyari ang kamalasang ito sa atin!" singhal kay Eliza ng kanyang Tita Linda niya.

"Nangyari na, wala na tayong magagawa pa. Naaksidente na ang asawa ko na Tito Arthur mo, Eliza. Naaksidente siya dahil sa 'yo. Tanggapin mo ang katotohanan na ikaw ang dahilan kaya sinisisi kita sa nangyaring 'yon sa Tito Arthur mo. Kailangan na ma-operahan ang Tito Arthur mo. Hindi puwedeng hindi, Eliza. Saan tayo nito kukuha ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng Tito Arthur mo, huh? Wala tayong pera na pagkukunan, Eliza."

Matapos ngang marinig ni Eliza ang lahat ng sinabi ng Tita Linda niya sa kanya ay hindi na siya nagsalita pa. Itinikom na lang niya ang kanyang mga labi.

Wala namang nagawa ang sinabi niya dito na paliwanag sapagkat siya pa rin ang sinisisi ng Tita Linda niya. Tumahimik na lang siya.

"Ngayon, paano mo matutulungan ang Tito Arthur mo, huh? May pera ka bang maibibigay para sa operasyon niya? Wala naman, 'di ba?" sabi pa nga niya kay Eliza na pamangkin niya. "Wala kang maibibigay, Eliza. Saan ka naman kukuha ng pera? Wala naman, eh."

Bumuga ng hangin si Eliza bago muling ibinuka ang kanyang mga labi para magsalita sa Tita Linda niya.

"Tita Linda, wala po akong pera na maibibigay sa inyo ngunit tutulong po ako. Tutulong po ako para ma-operahan si Tito Arthur. Gagawa po akong paraan. Hindi ko po alam kung paano pero gagawa po ako ng paraan. Tutulong po ako sa inyo. Hindi ko po kayo pababayaan," sabi ni Eliza sa Tita Linda niya. "Pamilya ko po kayo, eh. Kayo na po ang naging pangalawang magulang ko kaya hindi ko po matitiis ang lahat ng problema na kinakaharap natin kaya kailangan na may gawin po akong paraan."

"Dapat lang, Eliza. Dapat lang na may gawin ka. Hindi puwedeng hindi dahil kung hindi naman dahil sa 'yo ay hindi naman mangyayari ito, eh. Hindi maaksidente ang asawa ko. Kaya kailangan talaga na may gawin ka, Eliza!" sagot ni Linda kay Eliza na pamangkin niya na nagsisimulang punasan ang mga luha niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status